Habang binabay-bay ko ang mala ahas na daan patungo sa aming Probinsya, Dala-dala ko non ang bagong sasakyan kong mula pa sa regalo ng aking Ama.
Medyo di pa ako gaano kagaling magmaneho non. Marunong naman pero di parin ako masyadong kampante sa pag hawak ng manibela.
Alas otso iyon ng umaga. Kitang kita ko pa ang maaliwalas na sinag ng araw kasabay ng malakas na hangin na animo'y humahalimuyak sa aking pakiramdam.
Kakaonti lg yung mga sasakyang nakakasalubong ko, Madalas mga naglalakihang truck. Mag-isa lg akong nagbabyahe papunta don. Okay naman yung daan at medyo nakakatakot lg yung mga bangin na nadadaanan ko pero kung titignan mo sa malayo may napakagandang tanawin.
Matatanaw mo yung mga uri ng anyong lupa. Tulad ng mga Burol, Bundok at Talampas samahan mo pa ng mga maliliit na ilog.
Habang pinagmamasdan ko yung mga tanawin na yon, Di ko napansin na pakurbada na pala ang kalsada at may nakasalubong akong bagong kotse na kulay magenta.
Napa " Oh my God " nlg ako bigla. Buti nlg at medyo mabagal lg takbo ko dahil nga sa gusto kong namnamin ang mga tanawin na aking nakikita.
Nung nilingon ko yung kotseng nakasalubong ko ay huminto sa di kalayuan, Sguro nasa 50 meters ang layo nila. Naisip ko baka nagulat din sila sakin at baka inisip nilang napano ako matapos nung panyayare.
Bumalik ako at pinuntahan ko sila. Di ko akalaing na flat pala yung gulong sa likuran ng kanilang sasakyan. (Akala ko pa naman dahil sakin o baka nag aalala sila nung muntik nila akong mabangga.) Mag mamagandang loob na sana ako non pero nung pagbukas ng pinto ng kotse may babaeng lumabas na Morena at medyo matangkad. Palagay ko nasa 5'9 yung tangkad non at tinatamaan yung mukha nya ng sinag ng araw.
NV
Girl: Ikaw ba yung naka motor? Alam mo dahil to sayo kung bakit kame naflatan eh.
Wala pang mga bahay malapit dito para matulungan kame. Jusko talaga. Di ka kasi nag iingat. Akala mo sayo yung daanan at akala mo naman ang ganda-ganda ng motor mo!!
Ako: Aba! Ako na nga yung bumalik dito para tignan kung ano yung kalagayan nyo tapos ako pa yung sisihin mo dahil sa gulong mo na yan? Bago nga yung kotse tapos sira naman yung gulong!
Girl: Anong sabi? Alam mo bang mas mahal pa to sa buhay mo?
Galit na galit sakin yung babaeng nakaupo sa Passenger Seat. Di ko naman alam na na flatan na pala sila. Edi sana di nlg ako bumalik. Matapos yung pagtatalo namin ng malditang babae na yon. Lumabas yung driver. Maputi, may kulay ubas na buhok at medyo singkit.
NV
Singkit: Kuya, Paumanhin po sa kasama ko. Pasensya na rin po sa pagmamaneho ko. Okay lg po ba kayo? Di po ba kayo napano o nasaktan?
Ako: Okaay lg naman ako. Pagsabihan mo yang kaibigan mo ha? Hnd siya nakakatuwa.
Akala mo kung sinong maganda!
Girl: Anong sabi mo? Akala mo naman hari ng kalsada!
Singkit: Sorry po. Ako nlg po yung hihingi ng pasensya. Trisha! Tumigil kana nga! Baka di pa tayo maka alis dito.
Girl: Yan kasing lalaking yan. Di nag iingat.
Di ko na lang pinansin ang babaeng maingay dahil baka masabunutan ko pa. Balak ko sana silang tulungan pero wala akong mga gamit na dala. Sadyang pang mga motor lg yung mga dala kong tools ko dito.
NV
Singkit: Kuya, May alam kopo ba sa pagpapalit ng gulong? May mga gamit naman po kameng dala pero di kame marunong at wala rin kameng extrang gulong.
Girl: Yan! Ipagawa mo sa kanya ng matuto yan!
Ako: Humihingi ba yan ng tulong? Yung ganyan kung maka asta?
Singkit: Pasensya napo kuya. Tumahimik kana nga! Humihingi nga tayo ng tulong dito eh.
Girl: Okaaay Fine!
*at naglakad palayo ang babaeng mataray*
Ako: Naku. Mga babae talaga. Parang gulong, Sira!
Singkit: Hayaan mo na yon kuya. Di namn yon makakatulong. So paano po ba ito aayusin? Sorry talaga, Wala akong ideya sa mga ganyan eh.
Ako: Madali lg yan. Ilabas molg yung mga tools ng kotse at ako ng gagawa.
Singkit: Pero wala pong extrang gulong pamalit jan eh?
Ako: Meron namang nagbebenta ng gulong sa malapit na bayan. Hayaan mo. Ako na yung pupunta don.
Habang tinatanggal ko yung gulong ay nag uusap narin kame tungkol sa aming mga buhay. Tawanan at Minsan seryoso.
-----
Cont.