webnovel

Killer's Requiem

This is the story of the bounty hunter and the serial killer. An extraordinary love story at the underground society.

Laarnikuroko18 · วัยรุ่น
Not enough ratings
19 Chs

Invitation

Yona POV

"Are you sure what you are talking about?" di makapaniwalang tanong ng presidente ng Avilio Agency. Nasa mid 30 na ang lalaki pero nagmumukha ng 45. Nakatayo lamang ako sa likuran ng lalaking nagngangalang Frate Santiago, 22 years old. Siya ang recruiter na nagdala sakin dito sa di gaanong kilalang ahensya ng mga bounty hunters. Kausap niya ngayon ang presidente ng ahensya na nakaupo lamang sa swivel chair na halatang luma na. pansin ko rin ang maalikabok na mesa na di ata nakakaranas ng punas ng ilang buwan. Sa tingin ko ay nawawalan na ng kliyente ang ahensya.

"Maniwala kayo. Si Miss Kisaragi ang makakatulong sa 'tin para ibangon ang ahensyang 'to!" Frate said with confidence. "kahit baguhan pa lang siya ay maaasahan mo ang kanyang abilidad. She caught 8 criminals last week!"

"Wag mo akong bulahin. Imposibleng mangyari 'yun. Look, she's only a High School Student! Di ka ba naaawa sa magulang ng batang yan? Ganyan ka na ba kadesperado para magrecruit ng isang estudyante at isa pa talagang babae?" sigaw ng presidente habang naaawang nakatingin sa direksyon ko. I looked at myself. Ganito na ba talaga ako kaawa-awa tingnan? Nakasuot lang naman ako ng uniform.

"Maniwala kayo Boss! Look at this" wika ni Frate at ibinagay sa boss niya ang tablet na hawak niya. Ipinakita niya ang rankings ng mga famous bounty hunters. "Nakasali sa Top 30 Strongest Bounty Hunter si Yona! Look! Look Boss!" excited na pagscroll ni Frate sa kanyang tablet na hawak ng kanyang boss. Nakatayo na ngayon si Frate sa likuran niya. Nagmumukha na silang mga teenagers na nagche-check ng messages ng crush nila. Nabobored na ako. gusto ko ng umalis.

"Ika-18 si Yona sa ranking! Diba ang astig!" manghang wika ni Frate sa boss. Ngunit bigla na lang nagdilim ang mukha ng boss niya.

"Binibiro mo ba ako ha?! Frate?! Anong Yona ang pinagsasabi mo?" Sigaw ng boss niya na nakatayo na at nakaharap sa kanya. Natakot naman si Frate kaya napaatras ito. "Ang nakalagay na pangalan dito ay Dazai Osamu at titigan mo ng mabuti. Lalaki ang nasa picture. Bulag ka ba o baliw lang?!"

"T-totoo ang sinasabi ko! Iisa lang sila! Nagpanggap siyang lalaki para matanggap siya ng Bounty Hunters Association! Boss, sige na! bigyan niyo naman ng pagkakataon si Miss Kisaragi!" pagmamakaawa ni Frate.

Napabuntong hininga naman ang boss niya. "Look, I don't have time para makipagbiruan. Lumabas ka na Frate kung wala kang matinong sasabihin" malamig na wika ng kanyang boss. Nanlumo naman si Frate sa desisyon ng kanyang boss. I just rolled my eyes at Frate. Wala na ba siyang alam kundi ang magmakaawa sa boss niya? I think it's my time to interfere with this nonsense negotiation. Kung hindi siya mapapayag sa simpleng usapan, idaan na lang natin sa dahas.

"Tara n—" di natapos ang pagsasalita ni Frate ng bigla kong sinugod ang boss niya. Napatayo naman ang matanda sa inuupuan niyang swivel chair ng bigla akong tumalon at nilampasan ang lamesang nakaharang at naglanding ako sa harap niya. Di ko na pinalampas ang pagkakataon at agad na sinipa ang nakaharang na swivel chair.

"Old man, try me" I said without emotion. Mabilis kong hinila ng marahas ang collar niya at malakas na sinipa ang likod ng tuhod para mapaluhod ko siya sa harap ng sarili niyang mesa.

"Stop! Stop! I give up!" sigaw ng matanda sa akin. Tsk. Nagsisimula pa lang ako mag-enjoy. Binitawan ko naman siya kaagad. Napatakbo naman si Frate sa direksyon namin at di alam ang gagawin sa nangyari. Nagulat ko ata talaga si Frate kaya di niya magawang magsalita kahit na siya itong parang shut gun kanina ang bibig.

"How was that? You want more?" malamig kong wika kaya napaatras naman ang dalawang lalaki sakin. Natakot ko ba talaga sila masyado?

"G-give me your Personal Info." Nanginginig na wika ng boss ni Frate. Pumunta naman ako sa sulok ng silid kung saan matatagpuan ang bakanteng upuan na nilagyan ko ng bag ko. Binuksan ko ang bag at kinuha ang isang brown envelope. Bumalik ako sa harapan ng matanda at iniabot sa kanya ang hawak ko.

Nagdadalawang isip pa siyang abutin iyon. I just rolled my eyes. How coward. But I must do this first. I really hate saying this but I need to. Yumuko ako sa harapan ng dalawang matanda at nagsalita "I'm sorry"

I hate to say this but if you say sorry to someone, you can do the same mistake again. Kailangan ngayon pa lang ay magready na siya. Gagawin kong miserable ang buhay niya pag binangga niya ulit ako.

Nakaupo na kami ngayon sa isang coffee shop para pag usapan ang kontrata. I'm just looking at the outside because I'm really damn bored.

Kailan pa ba ang unang mission ko? Mukhang mali ata ako ng pinuntahan na Agency.

Bigla naman naging friendly sakin ang President ng Avilio Agency ng matapos niyang basahin ang Personal Information ko. As I've expected. Ganyan naman halos lahat ng turing sakin na mga napasukan kong mga Agencies. They will accept me not because they saw my potentials but the connections I have. Buti pa 'tong uto-uto na Frate, siya lang ang nakilala ko na ipinaglalandakan sa mundo na may abilidad ako. kaya nga mas gusto kong sumama sa kanya kahit na maraming sikat na Agencies na gusto akong i-recruit.

Sa wakas. Natapos din kami sa walang kwentang pirmahan. Ayaw ko mang sabihin pero nakakainip ng makinig sa kadadakdak ng dalawang matatanda sa harapan ko. Di ko nga maintindihan kung bakit natagalan ko pang maupo rito. Usually kasi nagwo-walk-out na ako.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis sandali sina Frate para magjingle. Umiinum lang ako ng kape habang hinihintay ang dalawa. Magpapaalam na ako sa kanila pag nakabalik na sila. Kailangan ko pang makipagkita sa former partner ko sa trabaho para ibalita sa kanya na nakahanap na ako ng bagong Agency.

Dahil sa nababagot ako ay binuksan ko na lamang ang dala-dala kong laptop at chineck ang Bounty Hunter Website. Actually 1 month pa lang ako na nagtatrabaho as a Bounty Hunter. Di naging madali sa akin ang lahat. Marami pa akong di nalalaman at isa na doon ang mga most wanted. Tinatamad kasi akong tandaan ang mga pangalan at mukha nila dahil sa malaking bilang nila. Nanganganak ata sila araw-araw.

Habang busy ako sa pagche-check ng mga list of criminals na di pa nahuhuli ay may bigla na lang may nagpatong ng isang baso ng cappuccino sa harap ko. Napaangat naman ako ng tingin sa lalaki. Nakasuot ito ng itim na shirt with sleeves with fitted black pants at may kahabaan ang bangs kaya medyo natatabunan ang singkit nitong mata. I think he's Korean. Nakangiti ang labi niya pero opposite naman ang ipinapakita ng kanyang mga mata. Malamig at matalim itong nakatitig sakin.

"My treat" he simply said at umupo sa next table na nasa likuran ko. Magkaharap ang likod namin at pansin ko ang nakaw tingin niya sa direksyon ko.

"Why don't you taste it?" He said from behind. I didn't say anything to him. Isinirado ko na lang bigla ang laptop at ipinasok ito sa bag ko.

"You don't like it?" He approached again. Sa ikatlong pagkakataon ay di ako nagsalita. Bakit ang tagal ata ng dalawang matanda?

"Sayang naman. Nawalan siya ng buhay para lang ibigay ko sayo ang kapeng nasa harapan mo" wika ulit ng lalaki. Napalaki bigla ang mata ko sa sinabi niya at agad na nilingon siya sa likuran ko ngunit wala na akong nakita pa kahit anino niya. Pero may iniwan siyang maliit na papel malapit sa tasa. Kinuha ko iyun at ibinulsa. Sinigurado ko muna na walang may nakakakita sa akin at mabilis na pumunta sa Comfort Room. Mabilis kong pinasok ang Male's comfort Room at natagpuang nakagapos ang dalawang matanda. Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay katapusan na nila. Kawawa naman pag pinatay kaagad sila sa unang chapter pa lang.

Nag unahan naman ang dalawang matanda na papalapit sakin para tanggaling ang pagkakagapos sa kanila pero nilampasan ko lang sila at lumapit ako sa isang trash bin. Binuksan ko iyon at napabitaw bigla sa takip. Fuck. Malapit akong nasuka sa nakita ko. Nakalutang lang naman ang pira-pirasong katawan ng isang lalaki sa loob ng trash bin na pinuno ng tubig na ngayon ay kulay pula na.

Tumalikod ako at pumasok sa isang cubicle. Akala naman ng mga matatanda ay nasusuka na talaga ako but I used that as an opportunity to look at the paper that the killer left at the table.

Meet me at XXXXXXX

-Litmus