webnovel

Creepy Stalker

Yona POV

Napahiga ako sa isang sofa sa loob ng Dormitory namin. Tinakpan ko ng panyo ang mukha ko at sinubukang makatulog.

Meet me at XXXXXXXX

-Litmus

That damn note... why he bothers to give me that anyway? According to my deduction, I think he wants something from me. The question is... what is it? If he's aiming for my life then he surely got the wrong target. I'm not just an ordinary prey. Akala niya siguro ay mahuhulog ako sa patibong niya. Wala akong pakealam kung pumatay siya ng mga inosenteng sibilyan kung di ako sisipot sa meeting place at isa pa, wala namang naka indicate na exact place and time sa note na iniwan niya kaya pwede siyang maghintay doon ng habambuhay.

But to be honest, he piques my interest.

Natatandaan ko pa yung sinabi ni Frate sakin habang nasa labas kami ng coffee shop na pinangyarihan ng murder "I didn't know what he's up to. But he's damn dangerous. Di ko inakala na nakatayo at nakakapagsalita pa ako ngayon. I didn't know why he left us unharmed. Usually sa mga biktima niya ay di niya ito iniiwang nakahinga pa. kahit galos ay di siya nag-iwan sa amin. According to my deduction, I think he spared our lives because he has still use of us"

"You know him? Is he famous?" I curiously asked.

He nods "His name is Hong Ryung or what we called Litmus, he's the most dangerous killer that you don't want to cross path with."

"So, what should we do about it?" tanong ko ng makahulugan sa kanya at nakuha niya naman ang gusto kong iparating. I expected that he will give me his approval but instead he gave me a concern look.

"I don't want you to handle such case. It's too dangerous for you" he said then patted my head. It's unusual for him to turn me down. I think that Litmus is really notorious in serial killings.

Napakunot ang noo ko ng mapagalaman na di ordinaryong serial killer ang lalaking nagtreat sakin ng isang baso ng cappuccino. Ang ipinagtataka ko ay bakit di ko siya nakilala? If notorious talaga siya sa mundo ng murder ay malabong di ko kaagad siya mamukhaan. Subalit pwede ring nagdi-disguise lang siya sa harap ng publiko. Pwede ring di ko lang talaga napansin ang pangalan at litrato niya sa list of criminals dahil sa di mabilang ang bilang nila. There's also a possibility na tauhan lang ni Litmus ang nakaharap ko kanina.

Sa lalim ng iniisip ko ay di ko napansing nagsasalita pa pala si Frate sa harap ko. "Yona? Are you listening or you wanting me to unplug that imaginary earplug from your ears?" mukhang nainis ko ata ang matanda. I just rolled my eyes at him.

"Just give me a break old man."

In the end, I didn't come up with a conclusion. So, I decided to ask Frate to find the pieces of the puzzle. "If Litmus really that famous then why I am not aware of him?" Bigla naman nag iba ang reaksyon ni Frate sa tanong ko. Mukhang nagdadalawang isip siyang sagutin ako. I think tama ang hinala ko na hindi basta-basta ang Litmus na 'yun. He's famous yet he's just exclusive to those in the higher ups. Even my former partner and my colleague didn't mention him once. Di ko rin nakita ang pangalang Litmus sa ranking ng Most wanted serial killers. So it means that they purposely canceled him out in order to prevent the nonsensical pursuit of him.

"The officials of Bounty Hunter Association hid the existence of Litmus from the public. I worked at the internal affairs in the Association 2 years ago that's why I knew about Litmus. At isa pa. wala pa tayong kliyente na nagrequest sa agency natin kaya magfocus muna tayo sa minor cases. Wag muna natin halungkatin tungkol kay Litmus. He's too dangerous at wala pang nagtangkang dakpin siya dahil malinis siyang magtrabaho. Wala siyang iniiwang ebidensiya na magpapatunay na siya talaga ang salarin. Ngunit nakatutuk parin sa kay Litmus ang mga mata ng mga opisyal sa organisasyon"

I guess I don't have any choice but to ignore Litmus' invitation. I also didn't bother to tell Frate that Litmus personally appeared in front of me at the café and gave me a suspicious invitation.

Habang ine-enjoy ko pa ang paghiga sa malambot na sofa ay bigla naman akong may narinig na pumasok sa entrance ng Dormitory. Napakunot noo naman ako sa ingay. I just ignored them. Ngunit di ko talaga maiwasang mairita sa ingay nila. Why don't they shut up while entering? Are they deaf to the point na magsigawan pa sila?

I don't have any choice but to plug my ears with earphone. Sunday ngayon kaya natural lang na maraming studyante ang labas-masok sa dormitory. Di sila nagtangkang lapitan o isturbuhin ako dahil isa lamang akong nobody. Ako yung tipong walang pakealam sa paligid. Walang kaibigan dahil ayokong mag-alaga ng ahas sa sarili kong bakuran.

Ngunit nagkamali ako ng akala ng biglang may isang baliw na may lakas loob na kumalabit sakin. Inalis ko nang padabog ang panyo mula sa mukha ko and I norrowed my eyes at him with irritation. tinitigan ko mula ulo hanggang paa ang isang lalaking nakashades at nakasuot ng white shirt with black blazer. Nakasuot din ito ng cargo pants. He has a fair skin and he's a blonde. I think he's new here dahil di niya kilala kung sino kinakausap niya. Ilang segundo ko lang siyang tinitigan at agad na ibinalik sa mukha ko ang panyo. Wala akong panahon para makipag-usap sa mga transferee. Mabuti pang maghanap na lang siya ng bagong informant bago ko pa siya ipatapon sa labas.

Napahinga naman ako ng maluwag ng mapansing naglakad na palayo ang lalaki. Ngunit di talaga ako hinayaan ng pagkakataon na makatulog dahil sa nakakabinging ingay mula sa mga nilalang sa paligid ko.

Di ko na makayanan pa. padabog naman akong bumangon sa sofa habang naniningkit ang mga mata. Nagtaka naman ako sa nakikita ko. Bakit maraming studyante sa paligid? Napatakip ang ibang estudyante sa kanilang mga bibig at ang iba naman ay naiiyak sa takot.

I just sigh in frustration. Mukhang di talaga makapaghintay ang Litmus na 'yun at nagsimula na namang kumilos. Di talaga siya nagsasawang magdagdag ng biktima sa kanyang Death Note.

Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Nagsimula na akong maglakad papunta malapit sa nakahandusay na katawan sa harapan mismo ng sofa na hinihigaan ko. Litmus is really bold when it comes in killing someone. Pinapamukha talaga sakin na para sa akin talaga ang regalo niyang bangkay.

"Poor new guy, if you did not approach me earlier then you must still be alive and kicking by now" I murmured. Nakatingin lang ako sa noo niyang duguan. Nakabaon ang isang dagger sa upper part ng ulo niya. Sa tingin ko ay inatake siya mula sa itaas. I looked at the second floor to check if he still there but I'm too late. Ang nakikita ko na lang sa itaas ay ang i-ilang estudyante na nakasandal sa mga railings na nakisusiyo na rin sa nangyari. I should leave this case to the authorities because this is not my business.

I tucked my both hands to my pocket at pumunta ng second floor tsaka bumalik sa silid ko para matulog.

Nagsimula na ang bagong semester. As usual, pumasok na naman ako sa silid aralan na may headphone na nakasabit sa leeg. Lumipas ang ilang oras at puro hikab lang ang alam ko. Gusto ko ng umuwi ng dormitory at matulog. Habang pasilip-silip sa relo ay napansin ko namang nagvibrate ang phone ko. Maingat kong inilabas iyon mula sa bulsa ng palda ko at itinago sa loob ng kwaderno. Binuksan ko kaagad ang phone at nakita ang isang unknown number. I pressed the OK button and read the message.

"I miss you"

If I am just a normal girl, I would think that this message was from my secret admirer but unfortunately I believe that this message was belong to that serial killer and also known as creepy stalker.

I pressed reply and type "I hate you" to end his delusion.

Pagkatapos ng klase ay nagtungo kaagad ako sa Dormitory para makapagpahinga. Nang makarating na ako ay mabilis akong nagbihis at pumunta kaagad ng canteen sa first floor ng dormitory para bumili ng cup noodles. Sinalinan ko naman kaagad ng mainit na tubig at pumwesto sa bakanteng mesa malapit sa glass window. Ganito lage ang ginagawa ko pag uwi galing school.

Nilantakan ko na kaagad ang mainit na noodles habang mainit pa ito. Kadalasan habang kumakain ako ay di ko na pinapansin ang nasa paligid ngunit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Mukhang di ko nagustuhan ang pares ng mata na nakatitig sakin kaya nilibot ko ang paningin ko at nahuli ang isang pigura ng isang lalaki na naglakad na palayo mula sa railings ng second floor. Pamilyar ang kilos ng lalaki.

Mabilis kong inubos ang laman ng cup noodle at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdanan patungong second floor. Naririndi na ako sa kakasunod at kakatingin niya sakin these past few weeks kaya haharapin ko na siya at tatanungin kung ano ba talaga ang trip niya sa buhay? Subalit di ko na naabutan ang lalaki kahit ni anino niya. Napasapo na lamang ako ng noo ngunit may tiwala pa rin ako na mahuhuli ko rin yun dahil nasa malapit lang siya. Nandito lang siya sa isa sa mga silid dito sa dormitory ngunit napagdesisyonan ko na lamang na huwag ko na lang patulan dahil ayaw kong mag-effort na halughugin ang lahat ng silid para lang na mahuli ang isang paranoid na killer na tulad niya.

Kinabukasan. Nakahanda na ako para pumunta ng paaralan ng mapansin ko ang maliit na puting papel na nakapatong sa bed drawer. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa imbitasyon. Kinuha ko iyun at binasa ulit ang Meet me at XXXXXXX. Nakakunot noo akong napatingin sa puro X na letra. Walang ganung lugar dito kaya kailangan pang i-decipher pero nakakatamad ding mag-isip kaya kailangan ko na talagang itapon ang walang kwentang bagay na 'to.

Nagtungo ako sa basurahan para itapon ang papel ngunit napansin ko ang makinis na surface ng papel at magaspang naman ang sa likuran nito. The paper piqued my interest to check it again. I looked carefully at the edge. Mukhang makapal at may similarity sa double sided tape.

I smirked when I realize that this paper is a sticker. I immediately divide it into two and saw the exact room number of Litmus.