webnovel

Killer's Requiem

This is the story of the bounty hunter and the serial killer. An extraordinary love story at the underground society.

Laarnikuroko18 · วัยรุ่น
Not enough ratings
19 Chs

Classroom of Truth

Yona POV

"Get one weapon and kill Jaime with your own hands Mr. Uy" Napanganga naman ang lalaki sa narinig. Nakatingin siya sa loob ng kahon na para bang napapaisip siya sa sarili kung magagawa niyang gamitin ang mga sandata na nasa harapan niya para patayin ang kanyang pinakamamahal na babae, ngunit nangingibabaw parin ang pangangamba niya sa kaligtasan ng sarili niyang anak.

Makikita naman sa mukha ni Jaime ang takot at pangangamba na baka totohanin ni Uy ang pinapagawa ng lalaking nagsasalita sa speaker. Hanggang ngayon ay pinipilit parin ng babae na maniwala na isa lamang kalokohan ang lahat. Subalit dumating parin ang kinakatakutan niya dahil napansin niya ang pagkabalisa ng iba at walang sino man sa amin ang nagsalita na biro lamang ang lahat.

Napatingin si Jaime kay Uy, makikita sa mga mata nito ang pagmamakaawa na wag niyang ituloy ang binabalak. Ang iba namang kasamahan nila ay di magawang magsalita dahil kahit sila ay di magawang makapagdesisiyon kung alin sa dalawang buhay ang gustong iligtas. Ngunit sigurado ako na halos sa amin ay iniisip lamang ang sariling kapakanan.

Napapikit naman si Uy habang nanginginig namang kumilos ang kaliwang kamay nito para kunin ang isang sandata sa loob ng malaking kahon. Bigla namang inilayo si Jaime ng mga kaibigan niya at itinago siya sa likuran nila habang ang ibang kasamahang lalaki naman ay unti-unting lumapit kay Uy para pigilan sa binabalak nito.

17 kaming lahat sa loob ng classroom. Nabibilang kami sa iba't-ibang year at section. Di ko gaano ka kilala ang iba at sa tingin ko ay matagal ng magkakakilala ang mga kasama kong studyante sa loob. Di ko namalayan ay bigla na lamang nagkaroon ng iba't-ibang pangkat. In case na tatargitin ang isa sa kanila ay sisiguraduhin na protektado. Makikitang ako ang lugi sa sitwasyong ito dahil mag-isa lang ako ngunit nagkakamali sila ng iniisip dahil ako talaga ang may advantage dito dahil wala akong bagahe na posibleng magiging pabigat lamang at higit sa lahat ay walang ahas na tutuklaw sa akin pag nagkagipitan na.

Mukhang nakikita ko na ang mangyayari pagkatapos nito. Kitang-kita ko sa mga mata nila na handa silang lumaban para lang mabuhay.

Habang naging alerto ang lahat dahil sa pagkilos ni Uy ay bigla na namang nagsalita ang nasa speaker. "Don't be too excited Mr. Uy. Nagsisimula palang ang laro. Just take a rest for a bit 'coz I have still a business to Ms. Jaime Escolano"

Jaime S. Escolano, Grade 10-B (Auditor)

Napatingin naman sa speaker ang nanginginig na si Jaime Escolano. Di niya na mapigilang di maiyak dahil sa takot. Sinusubukan siyang pakalmahin ng lalaking katabi niya at niyakap ito habang umiiyak. Napansin ko naman ang mabangis na tingin ni Uy sa lalaki. Lumapit ako sa katabi kong babae na may hawak na panyo at medyo nanginginig ito. I checked her nameplate.

Felice V. Concepcion. Grade 9-A (Business Manager)

"May relasyon ba ang dalawang 'yan?" di ko mapigilang tanong sa babae. Nilingon ako ni Felice at nag-aalinlangang sinagot ako "Kahit ako ay di ko rin alam. May boyfriend na kasi si Jaime na isang senior kaya Malabo 'yun"

Napaisip ako bigla. That bitch is really in trouble. Paniguradong siya ang primary target dito. Di lang isa o dalawa ang gustong madispatcha siya. Kitang-kita sa mga mata ko kung paano nanglilisik ang mga mata ng mga kasama namin dito.

Nilingon ko ulit ang babaeng may panyo "Yang babaeng nakatayo malapit sa blackboard, anong koneksyon niya sa kay Jaime?"

"Si Ailee ba? wala siyang koneksyon sa kay Jaime. Childhood friend siya ni Cliff."

"Cliff?"

"Yung lalaking nakayakap ngayon kay Jaime"

Napanod naman ako. That's all make sense. Di na ako magtaka kung bakit ganoon na lang kung manlisik ang mga mata ng babae dahil mukhang may hidden desire ito sa childhood friend niya but unfortunately si Cliff ay may HD rin kay Jaime. Unrequited love, huh?

Ini-obserbahan ko ulit si Jaime. Sobrang lagkit ng kapit niya sa lalaki. Mukhang ginagamit niya lang ang lalaki para protektahan siya nito. Ngunit dahil sa ginawa niya ay di niya namalayang binuhay ang mga tinatagong pagkamuhi ng mga taong nasa paligid niya.

People anguish, madness, sadness and jealousy are kind of terrifying. Hindi ang tao ang kaaway nila kundi ang sarili nila mismo. If they couldn't control their own emotion then it's possibly trigger them to commit a crime.

Mukhang naiintindihan ko na kung bakit ako inilagay ni Litmus sa sitwasyong 'to. He possibly wants me to see this kind of insanity to make me realize what I am lacking as a human.

"Ms. Jaime Escolano. I want you to hear this" wika ng lalaki sa speaker. Di ko pa ba nasabi na si Echizen mismo ang nagsasalita sa kabilang linya? Now you know.

Ilang segundong katahimikan ay bigla namang may tumunog mula sa speaker. Pinlay ang isang love song na hindi ko alam ang title ngunit napansin ko sa lyric ng kanta na may DIE FOR YOU. Mukhang sinadya talaga yung kanta para isurpresa si Jaime. parang nakikinig lang kami ng drama sa radio dahil may opening music.

Nakalipas ang isang minuto ay natapos rin ang kanta at unti-unting napalitan ang tunog ng mga taong nagtatawanan. Pansin ko ang tawa nila na parang nagdidiwang sila sa pagdalaw ni kamatayan.

"Hello? oy Echizen! Sino ba ang itutulak namin sa dalawa? Ang ate niya ba o ang jowa?" tanong ng isang lalaki. Mukhang nasa kabilang linya ang lalaki.

"Wag muna. I want Ms. Jaime choose between them" malamig na wika ni Echizen.

"Nasa fourth floor ng new building ang mga hostage na sina Ms. Devie Escolano at Mr. Clark Maquiling. Ibigsabihin makikita niyo sa labas kung paano mababasag ang katawan ng isa sa kanila. Nasa itaas lamang sila ng building kung saan kayo nakakulong."

"No!!!! Ate! Clark!! Wag mo silang galawin demonyo ka!" sigaw ni Jamie habang pinipigilan naman ng mga kasamahan nito na makalapit sa speaker dahil paniguradong babasagin niya 'yun.

"Wag niyong tangkain na hawakan ang bagay na yan kung hindi niyo gustong magiging abo ng isang iglap" Walang kabuhay-buhay kong wika. Kanina ko pa napansin ang isang maliit na bagay na naka attach sa uluhan ng speaker. Isa itong explosive device na kung sino mang humawak ay paniguradong sasabog.

"Mukhang marami kang alam Ms. Kisaragi" wika ng lalaking nakasalamin. He looked at me with suspicion. I won't blame him if he thinks that way. Kumpara sa kanila mas marami akong alam.

"You think so?" bored kong tanong.

Habang nakatitig ng matalim sa akin ang lalaking nakasalamin ay bigla namang nabaling ang atensyon namin sa nagsisigaw na babae mula sa speaker.

"It's all her fault! That bitch Jaime!" sigaw ng babae. Naluluha namang di makapaniwala si Jaime sa narinig na boses. Mukhang di siya makapaniwala na tatawagin siyang bitch ng sarili nitong ate.

"Wag niyong subukang ihulog ako rito! Dapat si Jaime ang nasa posisyon ko ngayon!"

Automatic namang napaluhod si Jamie sa narinig. She seems lost right now. Ang lahat naman ay naaawang nakatingin sa kay Jamie maliban sa akin.

Narinig ko namang nagbulungan ang katabi ko. "Diba palaging ipinagmamalaki ni Jamie ang kanyang ate sa lahat? Bakit ganun mukhang galit na galit sa kanya ang ate niya?"

Nagsalita ulit si Echizen sa kabila muntik ko ng makalimutan ang isang 'to.

"Ms. Jaime Escolano. I will ask a question first before you choose between the two." Ramdam ko naman ang tension sa loob. Paniguradong walang kwentang tanong na naman ang itatanong ni Echizen.

"Ikaw ba ang pumatay sa boyfriend ng ate mo na si Richard Recuperto 2 years ago?"

Napuno ng katahimikan ang classroom. Naghihintay sa sagot ni Ms. Jaime. Napabitaw naman sa pagkakahawak ang lalaking nagaalalay sa kaniya ngayon.

"If you lie, your boyfriend will die. FYI. Maririnig ng mga hostage ang sagot niyo. So you better answer wisely."