webnovel

Chapter 11: Fight

"Tumahimik ka 'wag mokong ikiss-kiss diyan baka gusto mo pa ng batok?"

"Huwag na! Okay titigil na beng,"

Lunch.

Pumunta ako sa rooftop para dun kumain ng lunch gusto ko muna mapag-isa.

Habang kumakain ako, may tumawag sa pangalan ko.

"Jennifer,"

"Scott?"

"Remember my name, bakit ka mag-isa rito, kaka-break mo lang ba??"

"Baliw hindi noh, may masama ba sa ginagawa ko ang mapag-isa."

"Wala naman, nakakapanibago lang."

"Balita ko asawa mo si Martha?"

"Oo, bakit selos ka?"

"Baliw. Anong selos hindi ako magkakagusto sa kagaya mo,"

"Aray, magdahan-dahan ka naman,"

"Natamaan ka pala hindi ko napansin," biro kung saad.

"Pero sa totoo lang. Noon pa kita minamasdan, I witnessed all," sabay tingin sa mga paligid, kita rito ang mga matataas na building.

Magandang view.

"Anong ibig mong sabihin?" kalma kung tanong.

"You like Mister Reymark," saad nito at agad na tumingin sakin.

"Diba? Sa dinadami daming tao dun ka pa talaga nahulog sa kanya, bakit??"

"Mahabang storya," napabuntong hininga nalang ako, hindi ko alam kung saan magsisimula.

"I know that he likes you too,"

Namilog ang mata ko r'on, g-gusto? Sakin? Impossible naman ata.

"Paano mo naman nasabi?"

"Hindi mo talaga nakikita ng maayos he's giving you alots of signs, kaya gamitin mo ang mata mo ng maigi, hindi mo batid na marami kana palang sinaktang tao,"

"By your actions," dugtong ni Scott, at tumingin sakin.

"Okay I have to go, naghihintay sakin si Martha, pakabusog ka riyan,"

So kung ganon siya pala 'yung taong palaging nagmamasid sakin, kaya pala. Naramdaman ko 'to simula umpisa palang para kasi may sumusunod sakin.

Crazy scott he's my spy.

"Beng, balita ko may ulam sa inyo," biglang wika ni Patrick.

"Pano mo nalaman? araw-araw may ulam kami,"

"Pwede makikain? Gutoms lang naman, kung pwede rin naman," inaasar talaga ako ng bakla na 'to.

"Sige na, makikikain ka lang diba?"

"Syempre ano pa ba gagawin ko, maghanap ng chix sa susunod na 'yun,"

"Siguradohin mo lang baka masakal pa kita riyan,"

"Okay po nay,"

Habang nagbibiroan kami, agad na may narinig kaming ingay sa labas mukhang may nag-aaway.

Dahil sa chismosa ako, pinuntahan namin iyon ni bakla.

"Tarantado ka!" sabay suntok kay Edrian, hindi ito pumalag, hinayaan niyang masuntok siya ng lalaking ito.

"Ano? Hindi mo kayang lumaban! Duwag ka kasi," sabay suntok ulit.

Baliw na ba siya bakit hindi man lang siya pumalag, masakit panoorin 'to na walang ginagawa.

Hindi ko na ma-control at sinuntok ko ang lalaking sumuntok kay Edrian.

"Bagay 'yan sa mga taong nagmamagaling," sambit ko.

"Huwag kang makisali sa away ng iba! Baka gusto mong masuntok?" pagmamayabang nito.

Anong akala niya takot ako?

"Go ahead, baka daig ka pa sa bao kung makasuntok diyan,"

Nag-umpisa siyang sumuntok pero nakailag ako.

"See? Hindi mo nga ako masuntok, how weak Frances,"

Susuntok sana siya pero bigla siyang sinuntok ni Edrian na ikinagulat namin.

"Edrian," gulat kung bigkas.

Natumba ang lalaki dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Edrian.

"Yan ang nangyayari sa mga taong nagmamagaling," wika ni Edrian at sabay hila sa kamay ko.

"Let's go,"

Hinayaan ko lang siya, parang nagising na 'yung dating na kilala ko, masaya ako para sa kanya.

Huminto kami sa may locker room.

"Okay ka lang ba? 'wag ka kasi makisali," saad ni Edrian.

"Duwag, hindi ka man lang lumaban,"

"Yung kanina hindi na ba 'yun laban??"

"Laban nga pero it's too late,"

"May dahilan ako,"

"At ano 'yun?"

"Basta," sabay lakad.

Alam ko na 'to parang nahihiya eh.

"Edrian!" sigaw ko, lumingon ito na nagtataka.

"Duwag!" asar kung sigaw sabay takbo.

Mabilis kaya ako tumakbo, kaya sigurado na hindi niya ako mahahabol.

Naglakad ako papuntang classroom, rinig ko na ang mga ingay nila sa labas, kaya palaging pinapagalitan.

"Jennifer!" tawag sakin ni Patrick.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Ano 'yun?"

"May chika ako beng, 'yung chix sa kabilang section, pinansin nako!" with hampas effect pa.

"Pano mo naman nagawa?"

"Syempre umarte akong mabait diba, so ayon pinansin niya ko,"

"Wow iba ka talaga, congrats sayo," sabay palakpak.

"Deserve ko 'yun beng, matagal ko na siyang gustong ligawan pero baka mahiya eh,"

"Kung siya ang manligaw ayos lang ba sayo?"

"Ahhh..... syempre gurl! Mahaba hair ko non," sabay ngiti na parang papatay.

Iba talaga nagagawa ng love, nagiging criminal ka tuloy.

Tumigil kaming lahat dahil pumasok na si Sir.

"Okay class, we will having another group project," saad ni Sir samin.

"Group your self into three," dugtong niya.

Syempre kaming bakla na pero kulang ng isa.

Biglang lumapit si Edrian.

"Pwede?"

"Sige, ayon tatlo na tayo Patrick,"

"Patrick?"

"A-ahh. Yes. Oo tatlo na tayo,"

Nabigla ata siya kay Edrian 'wag mong sabihin na gagawin mo siyang kabit aba bakla mali na 'yan.

Nakatingin bigla si Sir samin.

"Jennifer minus -100,"

"Anooooo!?!?!" bigla kung tanong.