webnovel

Kasi Sinabi Mo

"Akala ko ba mahal mo ako?" hindi siya nagsalita, tinitigan niya lang ako na parang hindi niya ako kailanman nakilala, napaluha ako sa sakit, parang may nakadagan sa dibdib ko na mabigat, parang gusto kong sumigaw, pero tanging hagulhol ko lang ang maririnig, pinaniwalaan ko lahat, akala ko mahal niya ako, akala ko totoo lahat ng yun, akala ko hindi alintana sa amin ang agwat namin sa buhay. "I have never loved you, Samantha." Ang sakit.

persephonrie · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
3 Chs

I

"Sam gising na! Ano ba namang bata ka oo, mag ayos kana at magtitinda pa tayo. Tanghali na o!"

Tinignan ko ang oras at alas singko palang naman ng umaga, ang aga aga pa nga eh.

"Eto na po."

"Magmadali ka na diyan, isalang mo yung gulay at ng ma repack ko sa plastic."

"Opo tiyang."

"Ay Sam alam mo, yung kumare ko don sa palengke ang swerte kasi yung anak naka bingwit ng foreigner, nako Sam kung maghanap karin kaya ng foreigner no, kesa naman hindi mo gamitin yang ganda mo."

"Tiyang naman, yang pag foforeigner nayan swertehan lang yan, atsaka ayoko naman pumatol sa mga matatanda no." Ewan ko ba to kay tita, pinipilit talaga ako parati na mag hanap ng foreigner eh kesyo daw magiging mayaman na ako, titira na daw ako sa mansyon, at higit sa lahat magkakapera. Hindi ba niya naiisip na ayoko sa mga ganyan, ewan ko ba pero diring diri ako pumatol sa mga matatanda. Mas okay pa sakin maglako ng gulay kesa sa magaksaya sa mga ganyan.

"Diba nga gusto mong mag-aral? Edi mag hanap ka na ngalang ng kano at ng masustentohan ka no."

"Tiyang, hindi naman po kasi ibig sabihin non na kapag makahanap ako ng kano eh salba natong kalagayan ko sa buhay. Pano pag yung nahanap kung kano eh tumatakas lang don sa lugar nila kasi may kasalanan, o hindi kaya drug addict. Tiyang marami akong nababalitaan na ganyan."

"Haay nako. Bahala kang bata ka. Alam mo naman na hirap din ako, hindi kita mapapag-aral, yung Tito mo sakto lang naman sa pagkain ang kinikita sa pamamasada ng jeep, si Totoy naman maraming bayarin sa skwela."

"Tiyang okay naman na sakin yung pinapatira niyo ako dito sa bahay niyo."

Tinapos ko na ang ginagawa ko. Pagkatapos ko maligo ay naayos na ni Tita yung mga dadalhin namin sa paglalako. Marami rami narin naman kaming suki, pero minsan ngalang mahina ang benta.

"Sam tulungan na kita diyan sa dala mo."

"Ay nako Paul wag na, okay na kaya ko naman."

"Oo Paul, kaya na namin to, bumalik ka nalang don sa mga kasamahan mong tambay." pagtataray ni Tita

Umalis si Paul na napapakamot sa ulo.

"Sam sinasabi ko sayo, wag ka talagang papatol sa mga tambay dito? Ano ipapakain nila sayo? Bato?"

"Tita, wala naman kasi sa isip ko yan ano kaba."

Tinapos namin ni Tita yung paglalako ng gulay, bandang alas onse tapos na kami at nakauwi narin. Sakto naman na nandon si Bakla at parang hinihintay kami.

"Titaaaaaaa!" tili nito

"Ano kaba naman Dagong at nagtititili kanaman diyan."

"Tita naman, Dianne tawag niyo sakin."

"Eh sa yon naman talaga pangalan mo." natatawa nalang kami sa mukha ni Dagong at nakasimangot na.

"Bahala ka tita, hindi ko nalang kukunin si Sam, maghahanap nalang ako ng iba na irereto sa boylet doon sa inuman sa kanto."

"Teka teka, ito naman si Dianne di mabiro. Ano ba yan foreigner?"

"Tiyang naman, gustong gusto mo talaga akong itakwil no."

"Hindi naman Tita, may boylet kasi dun na naghahanap ng katulong para sa kaibigan niya. Eh sa inaanak pala yun ni Ma'am Josephine, yung may ari ng malaking bahay malapit sa inuman."

"Pasensya kana Dagong, yun lang naman pala ipinunta mo dito, hindi ko papapasukin si Sam maging katulong. Oh siya alis na."

"Tita pwede naman po akong pumasok muna pansamantala, pang ipon narin ng pera yon para sa darating na pasukan."

"Oo nga naman Tita. Balita ko gwapo daw yung kaibigan nung boylet nayon." sabay tumili ang bakla

"Sigurado kaba diyan Sam?"

"Oo naman Tita, makakapag ipon din ako."

"O sige. Sumama kana kay Dagong, oy bakla ingatan mo ito si Sam ha. Ibalik mo dito mamaya ng buo!"

"Oo naman Tita."

Umalis na kami ni bakla papunta sa may inuman doon sa kanto. Nasa daan palang kami ng may humaharurot na kotse ang muntik ng makasagi sakin. Nagtilian kami ni bakla, mabuti nalang saktong naka tigil na yung kotse sa gilid ko. Mamahaling kotse yun agad pumasok sa isip ko.

"Ahhhhhhh" tili ni bakla sa gilid ko sabay kurot sakin.

"Saaam ang gwapooo" bulong niya

Doon ko lang nakita yung sakay nung kotse na lumabas, ang gwapo nga. Tulala kami ni bakla sa kanya ng bigla niya kaming sigawan.

"What the f*ck! Tumutingin ba kayo sa dinadaanan niyo?!" Abat ang gwapo nga pero ang sungit naman.

"Hoy mister, hindi to didto karerahan ng mga kotse at dito ka nagpapatakbo ng mabilis!!" sigaw ko

"So kasalanan pa namin? Kung hindi kayo humaharang sa daan edi sana wala tayong problema!"

Natigilan kami ng bumaba yung bintana sa gilid ng kotse katapat ko mismo. Ang gwapo, matangos ang ilong, itim na mga mata, may mahahabang pilik-mata maninipis na labi at ang pula, ang kinis ng mukha, gwapo yung kasama niya pero mas gwapo ang lalaking nasa harapan ko mismo.

"C'mon Klein lets go. We don't need to waste our time to this." sabay tingin niya sakin na may malamig na tingin. Sumakay narin yung tinawag niyang Klein at umalis na.

"Ay! Ang gagwapo sana kaso ang susungit. Oy! Natulala ka diyan?!" sabay kalabit sakin ni bakla

"Wala."

"Oyy, nabihag ba nila yung puso mo Sam?" sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Tsk. Hindi no! Ang susungit kaya ng mga yon. Atsaka halatang mayayaman."

"Eh ano naman. Pero kinilig kepay ko sa kanila. Ahhhhhh!"

"Magtigil kanga bakla."

Ewan ko ba, pero nung timingin sakin yung lalaki lalo na yung maiitim niyang mga mata, parang hinihila ako sa kawalan, parang bumilis yung tibok ng puso ko. Pinilig ko nalang ang ulo ko. Hindi ko naman makikita ulit yon.

Siguro.

(Hello! Sa mga bumasa, Thank you! Sorry if may wrong spelling, grammar o kung ano man. Sana suportahan mo yung story ko. Vote for my story please!)