webnovel

K Idols AU stories

This is only work of fiction. The writer do not intend to harm or insult the fandom and the artists as well. Plagiarism is a crime. I know that my works are kinda trashy but I give all my best and put my heart on it so don't repost. Feel free to unfollow me if you're not comfortable with same sex relationship, but no reporting, I'm begging you. This contains grammatical, spelling errors, and words that are not appropriate to young readers. Kgroups: Mamamoo, (G)I-dle, Oneus, and Onewe

sunhwi_writes · คนดัง
เรตติ้งไม่พอ
14 Chs

Uncertain (Key x Amber)

⭒☆━━━━━━━━━━━━━━━☆⭒

💌 Group: f(x) x SHINee

💌 Pairing: Key x Amber

💌 Genre: Romance

💌 Language: Filipino and English

💌 Characters:

👠Key: Andrew

👠Amber: Joey

👠Victoria: Josey

👠Jonghyun: George

💌 Story:

"Joey !!" sigaw sakin ni Josey (pronounced as Jo-si), "iiwanan mo nanaman ako !! /pout/"

"hindi ah. antagal mo kase Josey, kaya naglakad lakad muna ako"

"oo na nga. hmm sungit naman ng bespren ko."

Ako si Joey, siya naman si Josey.

Kami nagdecide ng nicknames namin. Parehas kasi kaming Josephine ang pangalan.

"nga pala, may nagpapa abot sayo nito"

iniabot ko sa kanya yung letter, galing sa mga manliligaw niya.

"itapon mo na nga yan." sabay saboy sa papel na hawak ko.

"wow."

"oo wow nga ~ di ko kailangan niyan."

"bat naman?" napakamot ulo ako

"kasi ikaw ang kailangan ko. ayoko ng boyfriend. gusto ko ng kaibigan, kasi walang iwanan." sabay yakap sa braso ko

"iiyak naba ako? matatouched na ba ako?"

"ang o.a mo Joey. aminin mo, natouched ka diba?" inalog alog niya yung braso ko, "huuuy"

"oo na .. wag mong tanggalin yung braso ko"

Nagsibabaan na din ang mga seniors para sa uwian.

Naglakad na din ako palabas.

"Huy teka lang" pinigilan niya akong maglakad.

"oh?"

"di mo ba aantayin si Andrew?" tanong niya sa akin

"para?"

"para ano paraaa .."

"tss tara na nga. wala tayong mapapala sa taong yan" nagpatuloy na kong lumakad palabas

tumakbo siya at huminto sa harapan ko

"ang bitter mo joey huuuuy"

"hindi ako bitter. kung hindi niya ko maalala, edi magkalimutan na" nilagpasan ko siya at nagpatuloy pa din sa paglalakad

"see? bitter ka nga. bat di mo kasi ipaalala sa kanya?" sinabayan niya na kong maglakad.

"wag na, baka mapahiya ulit ako."

magkababata kami ni Andrew. Magkapitbahay lang naman kasi kami noon. Lagi kaming magkalaro.

Parang bestfriend ganun.

Tas isang araw, walang paa-paalam, umalis sila sa tinitirhan nila. Masakit kayang mawalan ng kaibigan.

Kinuwento ko na rin to kay Josey.

Si josey naman, friend ko na nung mag grade five ako hanggang heto Junior high.

Iisa lang tinitirhan namin. Lupet diba?

Apartment kasi yung tinutukoy ko .___. gets?

Nagkita ulit kami ni Andrew dito sa school na to.

Yun nga lang nakakadismaya lang.

"ano kaya kung, magpahaba ka ulit ng buhok? ang ganda mo kaya nung mahaba pa buhok mo! Naalala ko pa yun. teka kelan nga yun? ELEMENTARY DAYS !!" tuwang tuwa niyang sinabi

"ayoko na ng ganung style"

kaya di niya ko nakilala kasi, maikli na buhok ko. as in, barbers .___.

P.e. class namin tas kasabay namin yung seniors dahil parehas kaming volleyball ang topic. Actually, matagal ko nang alam na siya yung kababata ko since nung paglipat niya. hinihintay ko lang yung approach niya.

Kaso ..

Natamaan ako ng bola, hindi naman masakit. pero nahilo ako after maglaro.

'Joeeeey !!' sigawan ng mga kaklase ko

Natulala lang ako, kala ko nga panaginip na nabagsak ako sa sahig. Shocked pero wala akong ginawa. Ni hindi ko naisip tumayo kasi parang ang bigat.

'Hey. ayos ka lang?' tinignan ko kung sino

Si Andrew. 'Tol, okay ka lang?'

Yan. yang tanong na yan.

Tinawag niya kong TOL.

Saklap diba?

tss. sino ba namang hindi ako pagkakamalan na tibo? Barbers cut na, plat pa.

Pero dont you worry,

I wear uniform for girls and headband.

Naka p.e kasi ako nung panahong yun.

Now you know .___.

Pag uwi sa bahay, agad akong niyakap ni mama. "Kumusta ang school?"

ay, ngayon pala yung uwi niya nakalimutan ko. "nasurprise ba kita? from now on, dito na ko at hindi na ulit ako mag aabroad. mas mababantayan kita ng mabuti anak. hindi yung puro video calls lang."

Niyakap ko din siya, "its been 3 years ma. I miss you"

"WOOOOAAAAAH ~~ SALI NAMAN SA GROUP HUUUG ~~" sabay yakap sa amin ng magaling kong kuya.

"waaaaa kuya di ako makahingaaaa ~"

"ay sorry. tara kain na tayo, tapos na yung niluto ko"

maraming baong kwento si mama habang masarap kaming kumakain hanggang may kumatok sa pintuan namin.

"sino po yan?" pinagbuksan ni kuya

"magandang gabi hijo. ikaw na ba si George? naku, mas lalo ka pang tumangkad." parang pamilyar sakin yung boses. rinig na rinig namin ang usapan.

"tita Lorna !! tara po pasok."

"sige. may dala akong hapunan niyo."

"ay salamat po tara po saluhan niyo po kami kumain."

pagpunta nila sa hapagkainan, "Ma, andito si tita Lorna"

nagkayakapan ang dalawa. plastic yang si tita Lorna :<

Si kuya naman tumabi na sa akin at kumain na

"mars, matagal tagal din ah. di mo naman kami sinabihan na umalis kayo"

"pagpasensyahan niyo na. ang totoo kasi niyan, matagal na kaming pinapalayas ng landlord kaya nung time na yun, nakahanap na kami ng malilipatan ng anak ko at agad umalis."

lame reason.

Si Andrew di na ako nakilala dahil sa pa alis alis nila :<

Anak ni tita Lorna si Andrew.

at oo, bitter na kung bitter </3

"naku, eh asan na kayo nakatira ngayon?"

tanong ni mama

"dito na sa apartment na to. yung school kasi na nalipatan ni Andrew noon, ang pangit. kaya naghanap ako ulit dito, nagbaka sakali lang na merong paupahan, tas eto nakita ko to, pinalagyan pala ito ng second at third floor, nung dati maliit pa lang ito tska wala pang taas. duon kami ni andrew sa second floor room 4."

I wonder kung makilala rin ako ni tita.

Baka like mother like son?

Pag di niya ko nakilala, tatarayan ko siya.

Makikita niyo ~

"so magkapit bahay na ulit tayo, ay tara mars kain. saluhan mo kami dito. tamang tama kumakain na kami ng hapunan."

"kakatapos lang namin kumain. salamat." bigla siyang tumingin sa akin. curious yung expression niya.

heto naman ako kumakain. lumalamon.walang pake sa usapan nila. (kunware >___>)

"si Epang na ba yan?" tinuro niya ko

oh no. ._____. epang, eeeewwww ~

laos na yang nickname na yan. Joey dapat. JOEY !!

"oo si epang nga. nagpagupit lang." mama

"sabi na nga ba eh. aba'y tahimik pa din na bata."

nginitian ko siya at inalok, "tara kain po."

"busog na ko epang. nagkita na ba kayo ni Andrew?"

OPO !! nabbwisit na po ako eh sobra.

"h-hindi pa po eh. asan po ba siya?" kung plastic siya edi babagayan ko na lang >:3

"nagtransfer na siya sa school niyo and nasa taas siya, gumagawa ng homework."

HOMEWORK? USO YUN SA KANYA? DAHELLL KUNG ALAM NIYO LANG PO NA PURO KA ANGASAN ANG INAATUPAG NUN. KUNG ALAM NIYO LANG PO BSHA<<]HA^&H$AYA#BSTDJI×=£<UVJFLDU:'FN !!

"AY GANUN PO BA? DI KO NAMAN PO SIYA NAPAPANSIN EH."

"yaan mo, papabisitahin ko dito para magkita kayo't magkausap, ok ba yun sayo epang?"

ayt.

"usap lang pala eh, sure p--" O_____O hano daaaw? ano yung nasabi kooo? oh no :< "then thats great."

no waaaay ~ /inubo/ "kuya pengeng /cough/ tu -- /cough/ big .."

"okay ka lang ba?" pag aalala nila.

uminom muna ako ng tubig "aaahhhh~ /buuuurp/ ok na po."

nagpaalam nang umalis si tita Lorna pagkatapos ng eksena ko :[

Kaya ko bang harapin si Andrew? :< Ayoko na kasi eh ..

[Kinabukasan ~~]

Maaga akong gumising, nagprepare ng mga gamit ko for school at kumain.

"epang anak, magsuklay ka muna."

"ma, FYI. Joey not epang. Ayoko na nun."

"okay okay. Joey. para kasing pang lalaki eh."

"kaysa naman sa epang, oldies ew ~~ di bagay sa face ko"

"miss ko na yung long hair mo ep-- Joey" huminto muna ako sa ginagawa ko sinuklayan niya ko. "ma, kung iniisip niyo na nag iba na ko, hindi naman po. babaeng tunay pa din to. gusto ko lang ng gantong hairstyle. bagay naman diba? tas pag nagcollege ako, kukulayan ko yan, highlights lang para di masyadong halata"

"pano na yung grand ball niyo? hindi mahaba ang hair mo. gusto ko naka curl ang hair mo."

oo nga no. :< "eh ma, hindi na siguro ako aattend sa ganun. lagi naman akong di umaattend sa mga event na gown ang suot. ang kati kati kaya."

siya na ang nagsuot ng headband sa ulo ko. "no. gusto ko this time, pumunta ka, okay? simula sa araw na to, pahahabain mo na yan, may anim na buwan ka para magpahaba. ako mismo ang magkukulot sayo" jusq po. naeexcite ho siya :3

"pagkatapos non, magpapa barbers na ulit ako."

"o sige."

"DEAL!"

Ano baaaaa ~ >___< nakipagdeal ako ng ganun?:< bahala na nga

Pagpasok ko sa school, nakita kong may dala dalang lunch box si Andrew.

tss. ngayon ko lang siya nakitang may dalang ganyan. tas color pink pa .___.

"acceleration." sabi ng katabi ko

"ano?" sabat ko naman. "ARGH !! AYHEYTYU NA JOEY. GINUGULO MO PAGREREVIEW KO."

"ay sorry naman .___."

sumandal ako sa kinauupuan ko at inangat ang ulo "hello ^^"

O___O /BLAG!!/ "JOEY!!" natumba ako sa kinauupuan ko.

"JUSMIYO ASDFGHJKLHAGAHAHSBXGU!!#$#*& !! AATAKIHIN AKO SAYO !!" Mukha ni Andrew kasi ang bumungad sa akin.

"ayos ka la--"

"OO OK AKO" and I smile. fake one ~~

inalalayan naman nila akong tumayo

"andito para magtanong. kilala niyo ba si josephine? grade 10 - canada siya"

"actually dalawa ang Josephine. sino ba ang tinutukoy mo?" -> Josey

wag ako please ~~

"Josephine Fajardo"

agad akong tinuro ni Josey. "so ikaw pala yun?" napangiti siya, "EPANG."

I showed my poker face.

"ako nga."

"may pinapabigay sayo si mama." inabot niya sakin yung bitbit niyang lunchbag, "para daw talaga sayo yan."

"salamat =____="

"ano oras lunch break niyo? tara meet ulit tayo"

WAO LAKAS MAKAYAYA TONG HILAW NA TO

"12:45" si Josey na ang sumagot, "kita tayo sa school gymnasium. pwede namang kumain dun basta wag lang magkakalat"

siniko ko si Josey, sumosobra na eh.

"YES! SEE YOU ~" umalis nasiya at naiwan ako ditong tulala. "naks. akalain mo yon bespren?" ang laki ng ngiti nitong si Josey

"i hate you"

"labyutu"

-____- "ewan, ikaw ang makipagkita dun"

"HALA? WHY ME? ITS ONLY YOU AND HIM"

"walang me and him ok? baliiiw"

ang totoo niyan. wala talaga akong feelings. wala nga kase .___. sadyang masama lang loob ko sa mga taong nangiiwan.

pagpasok namin sa room, "hoy tibo. ano yung eksena niyo kanina?" itinaas niya ang kaliwang kilay niya, isa siya sa mga kaklase namin na leader ng mga kakikayan sa buong universe -- I mean, university :P Siya pala si Leila.

"ha? .___."

"WAG KA NGANG MAG MAANGAN! MAGKA ANO ANO KAYO NI ANDREW?" sooooows ~ >___< yun lang pala.

"SCHOOL MATE?" sagot ko

"ARGH. MATAGAL NA KONG NAGPAPAPANSIN SA KANYA TAPOS IKAW NA ISANG DI PANG KARANIWANG CREATURE, PINAPANSI'T KINAKAUSAP KA PA!"

"sorry girl. friends lang sila. kung ano man ang iniisip mo, walang katuturan yan. kung gusto mong mapansin, magpagupit ka din. malay mo mapansin ka." nanlaki ang mata niya nang sabihin iyon ni Josey

"Better prepare." yan lang ang sinabi niya at umalis.

gagawin niya kaya? lets see ~ :]

Sumunod na araw,

"Ay tatay mo!!" O____O

natawa naman siya sa expression ko .___. Joey ok ka langdiba? wag mapupuno

"ang hilig mong mang gulat" sabi ko

"sinabi ko bang surprise? booo?"

oh oh ~ Joey, yung blood sugar mo.

"wala. basta basta ka na lang sumusulpot eh. Kabute lang?"

May iniabot siya sa akin na ticket. "Para san to?"

"Invite kita sa concert namin ng friends ko." nasabi ko bang member siya ng sikat na banda? kaso hindi siya kilala kasi, drummer lang siya. Mas kapansinpansin kasi ang vocalist, which is, Henry ang name niya. "nakalimutan kong ibigay sayo kahapon."

"ah. thank you."

"see you soon, sana nga makapunta ka"

Mukha mang hindi ako interesado, pero sa totoo lang, yung puso ko sasabog.

Crush ko kasi si Henry. May chance akong makausap siya.

"pwedeng humingi ng pabor?" tanong niya sa akin. "sure ano ba yon?" I answered.

"Ganto kasi, si Leila. Gusto ko kasing --"

"hala? may gusto ka din sa kanya?" nakakashocked to ah ~

"sraul o -____- patapusin mo muna kasi ako diba?"

"ay, sige ipagpatuloy mo na."

"ayoko kasing makita si Leila. Pwede mo ba akong tulungan?"

"gusto mo bang mawala na nang tuluyan si Leila?"

ㄱㅡㄱ/>__< hinampas niya ako ng dyaryo

teka san galing yung dyaryo na yon?

"ano ba epang. ano ba iniisip mo? mukha ba kong mamamatay tao? -____-"

"sorry na. saka wag mo na akong tawaging epang please. J-O-E-Y JOEY"

"ayoko nga. hingi muna akong favor."

"ano?"

"kiss mo ako sa cheeks ^-^"

"NO. WAY." hinawakan niya ko sa braso, "please Joey. ayan joey na ah?"

"may kapalit yang favor mo." nagcrossed arms ako.

"ano?"

"isama mo ko sa rehearsals niyo"

"HINDI PWEDE"

"nice, yan din ang sagot ko. HINDI PWEDE"

Kinabukasan, hindi niya ako tinantanan.

"O sige papayag na kong sumama ka sa rehearsal." OuO

"really?"

"oo na nga. gawin mo na yung favor ko"

"as in ngayon na? T^T"

"loko ka ba? isasama nga kita sa concert namin diba? manunuod si Leila, para iwasan niya ko, gagawin mo yung favor ko in front of her"

O____O "thats so rude of you!"

"oo. hindi na kasi love yung ginagawa ni Leila, obsession na, so you in? or out?"

In or out? :<

"mamaya na yung rehearsal namin after class sa studio nila Henry"

SA STUDIO NILA HENRY? *-* "o sige na nga. papayag na ko :< kahit labag sa kalooban ko"

Matapos ang araw ng klase, nakita kong nakatayo sa gate si Andrew.

"Bilisan mo." sabi niya sakin.

"oo na" pinapasok niya ko sa maroon car. wala naman kasi akong alam sa mga sasakyan. Sa gitna ako umupo.

Si Henry ang nagdadrive. Si Andrew katabi ko. Nagsmile sa akin si Henry. ^-^

Natulala naman ako sa ginawa niya.

Lord nasa langit na ba ako? :3 Bat may anghel akong nakikita?

Nang makarating na kami sa studio, sobra akong namangha dahil napaka organize ng studio ni Henry.

Iniimagine ko nga na medyo magulo maraming wires na nakabuhol pero sa studio nila, wow *-*

"Ano name mo?" tanong sakin ni Henry. Omg. siya na ang nagfirst move <3

"Joey."

"not your nickname, your name i said."

aw suplado. "Josephine Fajardo"

"Is it okay if I call you Sefy?"

"sefy?" (-.-)> mabibinyagan ako nito "ano kasi .."

"wag ka na tumanggi. bawal."

"eh nagtanong ka pa."

"nakwento sakin ni Andrew, bakit mo gustong manuod?"

"ah ~" sht. ano sasabihin ko? ;-; "manunuod lang."

"yun lang? di mo ba alam na makaka disturb ka sa practice namin?"

"hindi naman ako mag iingay"

"leave."

"PERO .."

"NOW"

"okay fine. SUNGIT."

akala ko ba pumayag siya? :< ANG SWAPANG ~ >___< BIPOLAR! WENGYA!

"Joey!" sigaw ni Andrew, isa pa yang wengya na yan bwisit.

Humarang siAndrew sa daan ko, "sefy." sabi ni Henry mula sa likuran ko. "I'm just kidding."

"Joey, masanay ka na. ganyan talaga yang si Henry. Kaya ayaw kitang dalhin dito kasi alam ko maikli lang temper mo."

"I WILL LEAVE. ETO YUNG TICKET" tinapon ko sa harap niya, "WALA NA YUNG DEAL"

Lumabas ako ng studio. Damn.

Anong lugar to? :< Tinawagan ko si Josey.

out of coverage area. Pumasok ulit ako sa studio. Ineexpect ata nilang babalik ako.

"so?" --> Henry

"so mo yang mukha mo. si Andrew pinunta ko dito. Andrew san ba ang daan pauwi?"

"malayo. walang trike dito." ngumiti ng nakakaloko itong si Henry.

"Si andrew nga kase ang kausap ko diba? wag kang sabat."

"be careful what you're sayin"

"Henry mukhang walang epekto ang charm mo sa ganyang prank." sabi naman ni Ark.

"tara guys magstart na tayo"

ABA INISNOB AKO! >3< "Andrew .." lumingon naman si andrewng engot.

Andrew do something! :<

"kala ko ba di ka mag iingay?" aiiiish! pastilan ka Henry. sabatero

Nag antay ako ng 1 hour and 40 minutes.

Nakatulog ako. Naramdaman kong may nagbuhat sakin papasok ng sasakyan.

Nagising bigla ang diwa ko "HENRY!"

"oy wag mo nga akong sigawan. bigat mo ah"

"bat mo ba ako .." binalibag niya ako sa loob .. "ARAY!"

"uuwi na tayo." iniabot saakin ni Andrew ang ticket. "wag mo na ulit gagawin yun."

Lumipas ang ilang araw, dumating na ang araw ng kanilang concert.

nakita ko agad si Leila sa harap.

jusq ;-;

gagawin ko ba? isa itong malaking kahihiyan sa sarili ko at pamilya. "Joey? manunuod ka din?" pambungad niya sa akin

"obvious." umupo ako sa tabi niya.

Nice andrew. Nice choice of seat. bwisit.

"wow. akalain mo nga magkatabi pa tayo. wala ka bang napapansin?" nagsmile siya sakin "meron. nagpagupit ka."

"yes. pero di ko kaya yung barbers. masakit sa heart pag naputol ng sobra ang buhok ko."

"arte" pabulong ko na sabi

nagsimula na ang con at may mga napansin lang ako sa performance nila. masyado silang pacool.

grabe naman ang tilian ng mga babae. ako lang yata ang alien dito.

"Maraming salamat po sa pagpunta dito sa aming miniconcert. i love you all" sabay flying kiss. eeeewwwww ~ >___< bat parang nandidiri nako ngayon?

Pinakilala niya ang lahat ng members, bawat isa ay kukuha ng isang babae at dadalhin sa stage, tas haharanahin daw, pero limited time lang. ang huli ay si Andrew.

"omg joey. ayan na si Andrew!" kilig na sabi ni Leila. "tas dito pa siya nakatingin kyaaa"

bumaba si Andrew at hinatak ako papunta sa stage na siya namang ikinagulat ni Leila.

kinuha ni Andrew ang mic. at yung kamay naman niya hawak hawak ang kamay ko .---.

"lam mo matagal na kitang nakikita sa school. ambobo ko lang kasi .. kasi, di agad kita nakilala noon. sinabihan pa nga kitang tol." nakaka hurt ka. totoo yun. natawa naman ang loko. bwisit -____-

"sorry. Ganto na lang, babawi ako sayo. Hey guys, this girl is mine." then suddenly. O____O He kissed me on my cheeks.

It was a fake one. but why is my heart beating so faster?

Simula sa araw na yan, halos araw araw kailangan magkasama kami.

"Joey !!" Josey

"oh bakit?"

"its a miracle ~ LOOK!!"

pinatingin niya ko sa salamin. "bakit, may bago ba kong pimples?"

"JOEY NAMAN KASI EH!"

"bakit nga?"

"humahaba ang buhok mo"

"ay ganun ba. pangit ba? next week magpapagupit na ko" kunwari lang. may usapan nga kasi ni mama diba?

"waaaag joey :< namimiss ko na kaya yung long hair mo"

May tumawag sa phone ko, "siya nanaman ba? /pout/" sabi ni Josey

"oo ~" sinagot ko na yung phone, "hello? oh? o sige pupunta ako dyan mamaya. 3pm. sure. bye." at binaba ko na

O___O ganyan ang tinginan namin

"ano meron?" tanong ko

"nagdedate na ba kayo ng lalaking yun?" nakacrossed arms si Josey

"loko ka ba? hindi."

"eh nanliligaw ba sayo yun?" tanong naman ni Paolo

"huh? HAHAHAHAHAHAHAHAHA !!" tinawanan ko siya. "hindi =____="

"EH ANO?"

"EDI SCHOOLMATE =____= MAGKAIBIGAN? (".)> HAAAAAAY BAT BA KO NAGPAPALIWANAG SAYO ~"

tumayo ako at tumalikod sakanya.

Naglakad lakad ako sa loob ng campus.

Napaaga ako ng dating sa usapan namin ni Henry.

Si Henry pala yung kausap ko kanina.

Kateam ko sa gaganaping school quiz bee. Mag gugroup study kami. Tadhana nga naman diba? Hindi ko nga alam kung matutuwa ako eh.

Bale sa isang grupo, limang members.

Ako, si henry, si Kris, si Nikki at unknown.

Kulang pa kami ng isa pa. isa yan sa magiging topic namin ngayong meeting.

Makaraan ang ilang minuto, sabay nakapunta si Nikki at Kris.

Dumating na din si Henry kasama si Andrew.

"Guys may nahanap na kong bago nating member, Andrew Wilson, classmate ko"

"Napilitan lang po ako." sabi ni andrew.

"kasi naman, dapat ginagamit natin ang talino sa araw araw, nasabi ko bang pang top2 si Andrew sa klase nila? ohaaa ~ isang malaking asset yun." pagpupuri ng leader naming si Henry

"oh pano tara nat magreview!"

Inabot kami ng 5:30 pm

"Kitakits bukas 3pm again sharp."

Nilapitan ako ni Henry. "gusto mo ihatid na kita?"

I smiled. "No. Thankies"

at lumakad papalayo.

sinabayan ako ni Andrew sa pag uwi.

"wow. just wow. my sister and my bayaw"

Nasa tapat na kami ng apartment at si kuya ang bumungad sa amin. "whutda ~ manahimik ka nga dyan kuya. pasok na ko"

"Andrew, pasok ka na din, dito ka na maghapunan."

"salamat sa invite kuya, pero uuwi po muna ako"

"sure. katok ka lang kung dito kayo kakain." pagpasok ni kuya sa loob, "mabuti naman nagkakalapit na kayo ni Andrew."

"kuya. nag sspy ka ba?"

"hindi ah. napapansin ko lang naman. MA DALAGA NA PO SI JO--!" tinakpan ko ang bibig ni Kuya

"HA?" mama, galing sa kusina

"wala po. ^-^" bwisiiiit ;-;

Lalo pang naging madalas ang pagkikita namin ni Andrew. Ganun din naman si Henry. Minsan nalilito ako kung sino na ba si Henry at sino na rin si Andrew.

Yung babaeng patay na patay kay Andrew, ayun, naka barbers na din. Siya na ang napagkamalang tibo. Payat din kasi siya. Ngayon rekla reklamo siya di niya mararanasan ang long hair this year, tapos, 1 month na lang. JS promenade na ~

Guess what? yung buhok ko naman abot siko na. kaso hindi nila nahahalata kasi iniipitan ko.

May nagtext sa akin. Si Henry.

'kita tayo mamaya sa laboratory' yan yung sabi sa text. 'sige after ng class' reply ko

Asan kaya si Josey? Kanina pa wala ah ~ >___< ano kayang nangyari dun?

Maya maya naman, si Andrew ang nagtext.

'Pwede ka ba mamaya after class? kita tayo sa ground'

hala. pero ~ nauna kasi si Henry :<

Lab or ground?

Pumunta agad ako pagkatapos ng klase at wala namang ka tao tao sa lab. Yes. Pinili ko ang laboratory. Pupuntahan ko din naman si Andrew mamaya pagkatapos nito. Niloloko ako nito ni Henry, walang tao. Nagdecide na lang din akong pumasok, /BAAAANG! PAAAAK/

Napapikit ako sa gulat. Pagmulat ko ng mga mata, nakita kong bumababa na ang mga confetti. "Happy Birthday sefy!"

Yung mga kaibigan ni Henry nasa harapan ko na, kaso parang kulang.

Birthday ko nga palaaaa ~ .____. "Blow the candle Sefy ~"

wow. wish ko? tss sakin na lang yun.

narinig kong may nagtext sa phone ko, 'so siya pala pinili mo joey :< nakakatampo ka. umalis na kami ni Andrew'

"Henry, wait lang ah? Nagtext kasisakin si .."

"wag ka na pumunta." sabi niya

"ha? baket naman?"

"kasi ikaw na mismo nagdecide."

"na alin? iexplain mo nga."

"ako ang pinili mo, pinili mo ngayong birthday mo. naghanda din sila Andrew at Josey, paunahan, kung sino ang mapipili ni Joey, siya ang nanalo, at may chance na makadate sa prom." lumuhod siya sa harapan ko, "will you be my prom date?"

"teka, kailangan ko na bang sumagot? agad agad?"

"wala naman sigurong magagalit diba? ako pa lang ang nagtatanong sayo. at alam ko na scripted lang ang eksena niyo sa concert."

so alam niya na pala.

At ayun na nga. Sa bandang huli,

pumayag ako ..

At dahil sa desisyong nagawa ko, nawalan ako ng dalawang kaibigan. Hindi ko nakakausap sina Josey at Andrew.

Bat ba sila ganon sakin? :<

Dumating na ang araw ng JS Prom

Maaga akong pumunta sa venue para hindi ako mahalata. Lam niyo na. Yung hairstyle at naka long gown ako.

Tinawagan ako ni Henry

"I'm so sorry. Hindi ako makakapunta."

I felt sad.

may luhang pumapatak sa mga mata ko.

Yung dream JS Prom ko with my crush, nasira na.

Pumunta akong cr at tinawagan si mama.

"Ma, /sniff/ maaaa ~" sabi ko sa kabilang linya "why baby?"

"gusto ko na umuwi" saka ako humagulgol "hindi ako sinipot ni Henry. feeling ko ayaw ng mga tao sakin."

"no anak. gusto mo puntahan ka namin ng kuya mo? susunduin ka namin."

halos 30 minutes din akong nakatambay sa cr. malinis naman ang sahig at tuyo, kaya sa lapag na lang ako naupo.

ayoko lumabas. nakakahiya ako.

"ahahahaha" tawanan ng mga babae na papasok sa cr. napatingin sila sa akin.

"sino ka? parang ngayon lang kita nakita." sabi ni Wendy, kaklase ko

Hindi ko siya inimik. sa halip ay yumuko ako at walang inisip kundi lamunin na lang sana ako ng lupang kinauupuan ko :<

"ay girl naisnob ka" Joy, isa ko pang kaklase na kaibigan naman nitong si Wendy

Naramdaman kong lumapit sila sa akin. sht

WAAAAG ~ MAREREVEAL NILA SECRET KO

"OMONAAAA !!" sigaw ni Yeri

"oh bakit?" Seul

"isa lang ang meron niyan sa klase natin! Look girls, may tatoo siya sa left hand!" Yeri

"JOEY?" sabi nila in chorus, kaya naman iniangat ko na ang ulo ko at nginitian sila ^-^ hello fellas ~ >____< panaginip lang toooo >___<

"parang may iba." Wendy, "hmm"

"NAGPAHABA KA NG HAIR AM I RIGHT?" Irene. Nagnod ako

"oh, sayang ang beauty." inalalayan nila akong tumayo, "look at your face maganda na sana." hinawakan ni Joy ang chin ko at pinaharap sa salamin. medyo harsh >___<

"kumalat yung eye liner, lumuha ka tuloy ng itim .____."

"GIRLS. ALAM NIYO NA ANG GAGAWIN NIYO."

/gulp/

>____< I am so freakin dead

~~~~~

"Dalhin niyo na yan dito, dali!" Wendy

"oh my dance time na~" Joy

Hinatak nila ako palabas ng cr.

Ayoko na. Gusto ko na umuwi :<

"Wag ka nang maarte pleaseeee ~ Minsan ka na nga lang ganyan, tapos di mo pa ibabalandra" Seul

"Sayang ang total make over kung ganyan ka Joey. Magsaya ka na. wiiieeeee" Yeri

Pano ako mag sasaya kung wala naman yung kadate ko? :< maka alis na nga lang dito sa pwesto .. Naaaliw na sila sumayaw

Lalabas na sana ako ng venue, dahil super bored ako sa gilid, nang biglang may nagsalita sa stage ~

Mag aanounce na sila ng Prom King and Queen, and Prince and Princess.

tss ~ siyempre yung iba contodo sa outfit.

maganda ang gowns. at yung iba talagang nagpaganda para mahirang lang na royalty of the night .___.

Si Josey ang prom princess

Si Paulo naman ang prom prince

naks naman :> bagay ♡ si paulo pala, suitor ni Josey.

Tinawag na ang King at yun ay walang iba kundi si Andrew.

Sunod namang iaannounce ay prom queen. pero imbis na ang mc ang mag sasalita ay nakiusap si Andrew na siya ang magsasabi ng prom queen.

"Lam niyo yung prom queen natin, walang kadate."

wow. wala talagang forever.

"wala rin siyang kamalay malay na siya ang hihiranging prom queen kasi ang akala niya, isa siyang nobody." sino kaya yun? parang parehas kami, pero hindi, maswerte na siya kasi siya na yung queen.

"tska, isa siya sa malapit kong kaibigan, dito sa puso ko. pero hindi niya batid na, gusto ko siya."

tilian naman ang mga kakabaihan, dont include me .___.

"sabi ko pagnagkita ulit kami, promise ko sa sarili ko, siya lang ang babaeng pakakasalan ko. medyo epic fail nga lang yung muli naming pagkikita. pero ngayong nakita ko na siya naagaw naman ng iba."

forever asan ka ba kasi? ㅋㅋ andramaaa ~

"syempre di ako papatinag, at nagparaya ang lalaking yun. thank you bro, Henry."

Henry? O___O

"Hi Josephine Fajardo. MY Prom Queen."

palakpakan naman ang mga tao.

me dumbfounded.

"ms. Fajardo, please come to stage." sabi ng mc.

Umakyat ako at hinawakan ni Andrew ang kamay ko. "Introducing, The Prom King and Queen and Prom Prince and Princess."

Inalalayan ako ni Andrew pababa at nagsimulang sumayaw. Nakangiti siya sa akin.

"Anong ngiti yan?" -_-"

"hindi ko din alam eh :>"

"ewan ko sayo. pagkatapos niyo kong iwasan, ngingiti ka ngayon?"

"sorry joey, ikaw kasi eh"

"bat ako?"

"eh kasi pinili mo siya"

"sino ba? si Henry?"

"lam mo ba sobra akong nagtampo sayo"

"ganun din yung nafeel ko."

"nagtampo tska nasaktan. kasi alam ko na gusto mo siya. pero hindi ako huminto. may chance ako. narinig mo ba lahat ng sinabi ko kanina?"

"o-oo. lahat."

Bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"KYAAAAAH ~!!" sigawan ng mga tao

"be my girl." sabi niya while holding my two hands, then I smiled.

Be ready for unexpected things. May mga tao tayong nagiging crush kasi sa looks, pormahan pa lang jackpot na. Pero hindi natin alam na iba ang reality sa fantasy, Sa panaginip kasi natin pag good looking mabait, sincere pero sa reality, hindi pala ganun.

"ma, tara tulog na tayo"

"sige baby ~~"

"di ka ba makatulog ma?"

"oo eh. naalala ko yung kabataan ko. yung nagpropose yung papa mo sa akin."

"talaga po?"

"he was my childhood friend also. kaya boto ako kay Andrew para sayo"

"Thanks ma."

🌟end🌟

⭒☆━━━━━━━━━━━━━━━☆⭒