webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · สมัยใหม่
Not enough ratings
60 Chs

Caught

Caelian

Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang huling pag uusap ni Damien. At ang huling tanong niya ang nag paulit ulit na tumatakbo sa utak ko.

Nasa paboritong coffee shop ako ngayon at nagsusulat ng manuscript subalit napatigil ako sa pagtitipa dahil pumasok sa isipan ko si Damien. Napabuntong hininga ako at napainom ng Espresso.

Wala akong nasagot sa tanong niya, kasi may parte sa akin na iniisip na mali ang hiniling niya dahil parang ang dating sa akin ay pinipilit niya ako at may parte rin sa akin na sinasabing tama naman siya dahil minamahal niya ako at dapat rin naman na mahalin ko siya.

Noong nakaraang linggo na pumunta ako sa Birthday ni Milena, hindi ko naman talaga gusto pumunta doon pero niyaya kasi ako ni Josiah kaya pumunta ako. Syempre, hindi pa rin nawawala ang pagmamaldita niya sa akin.

"Pati birthday ko hindi mo pinalampas, no?"kunwaring ngiting sabi niya sa akin dahil may mga bisita sa paligid"At dahil birthday ko naman, pwede bang layuan mo na ang kuya ko? Hindi kayo bagay. At kahit kailan hindi kayo magiging bagay"madiiin na sabi niya sa akin.

Tumayo na ako at inayos ang laptop ko pabalik sa bag nito, pagkatapos ay sinabit ko ang strap sa balikat ko saka umalis sa lugar na iyon.

Lumabas na ako sa coffee shop ngunit nagulat ako sa kamay na biglaang humawak sa pulsuhan ko.

"Oh..J-Josiah"tawag ko sa pangalan niya.

"Come with me"seryosong sabi niya at hinila ako paalis. Nagpadala ako sa kanya at iniisip kung bakit bigla na lang siya sumulpot dito.

Iba ang aura ni Josiah ngayon, napaka seryoso niya at hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

Binuksan niya ang passenger seat ng kotse niya at malamig na tumingin sa akin.

"Get in"utos niya sa akin.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"T-Teka lang, ano bang meron?"natatawang sabi ko kunwari.

"May pupuntahan tayo, pumasok ka na"seryoso pa ring utos niya at unti unting nawala ang ngiti ko.

Nag aalinlangan pa ako kung papasok ako o hindi ngunit sa dulo, pinili ko na lang sumama.

Isinira niya ang pintuan at umiikot papunta sa driver seat saka siya nagsuot ng seat belt at pinaandar ang sasakyan.

Tahimik lamang ang biyahe namin. Palipat lipat ang tingin ko sa labas at kay Josiah.

May nararamdaman akong hindi maganda ngunit inaalis ko iyon. May tiwala ako sa kanya at pinanghahawakan ko iyon.

'Ano bang iniisip mo, Josiah?' untag ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

Wala sabi sabi siyang bumaba pagkatapos pumarada, pagkatapos ay umikot muli siya at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Naalala mo ba ang lugar na 'to?"nakangiting tanong ni Josiah. Napakunot ang noo ko sa inaasta niya.

Kanina lang ang seryoso niya tapos ngayon todo ngiti naman siya. Weird.

Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko lang napagtanto na ito ang paboritong tambayan namin dati. Dito kami nag uusap, naglalambingan, nagbibitaw ng matatamis na salita sa bawat isa at saksi rin ang lugar na ito sa paghihiwalayan naming dalawa.

Mas gumanda ang lugar at dumami lalo ang mga bulaklak sa paligid. Humahalimuyak ang amoy ng bulaklak at nagliliparan ang paro paro at mga ibon.

"Oo naman"pormal na sagot ko sa kanya.

"Upo tayo doon"turo niya sa isang bench na gawa sa semento na kinulayan lamang ng blue.

Tumango ako sa kanya at nauna siyang naglakad papunta doon, sumunod naman ako.

Umupo kaming pareho at pinagmasdan ang mga bulaklak sa harap namin.

Nakita ko siyang pumikit at nakangiting lumanghap ng malamig na hangin.

"Ang galing..."bigla na lang niyang sabi pagkabukas ng mga mata niya.

Tumingin siya sa puwesto ko at ngumiti pa lalo ng malapad.

"Hindi ko naisip na makakasama pa pala kitang makapunta dito"bakas ang tuwa sa boses niya.

Napakunot ang noo ko, ibig sabihin pumupunta pa rin siya dito?

"Kung girlfriend pa kita, sigurado na nakayakap ako sayo ngayon at nakasandal ang ulo mo sa dibdib ko"sambit niya pa at nakitang kong kumislap ang mga mata niya.

Napaalis ang tingin ko sa kanya at nagdikit ang labi ko. Saan ba mapupunta ang usapan namin nito?

"Caelian, mahal mo pa rin ba ako?"tanong niya at naramdaman kong tumigil sa pagtibok ang puso ko. Kumuyom ang kamao ko sa pinipigilang emosyon.

"Alam kong mahal mo pa rin ako...gusto ko lang marinig mula sayo... at siguradong gagawin ko lahat para bumalik tayo sa dati"sambit niya sa akin.

Naramdaman kong namasa ang mga mata ko. Pansin ko kasi ang panlalabo ng paningin ko at nahihirapan na rin akong huminga dahil may bumabara sa ilong at lalamunan ko.

"Caelian, p-please say you love me"marahan na sabi niya ngunit ramdam dito ang emosyon.

Lumingon ako sa gawi niya at pinagmasdan siya sa mata.

"Bakit dali dali sayong basahin ako? Bakit ang dali mong malaman ang nararamdaman ko?"puno ng emosyon na tanong ko sa kanya, mahihinakit sa tono ko"Oo, mahal pa rin kita, Josiah, hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko sayo kahit sinaktan mo ako noon"pag-amin ko sa kanya at tumulo ang luha ko. Napaawang labi niya pagkatapos ay bumagsak ang ilang patak ng luha niya habang may maliit na ngiti sa labi.

"Mahal din kita, Caelian. Mahal na mahal"sambit niya sa akin na may pagmamahal sa tono.

Napatango tango naman ako sa sinabi niya.

"Mahal? Kaya pala nakuha mo akong saktan. Grabe ka pala naman magmahal, mapanakit sobra"mapaklang sabi ko sa kanya at lumungkot ang itsura niya.

Tumayo na ako dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari. Kailangan ko ng lumayo dito.

"Aaminin kong ayaw ko ng nararamdaman ko, nakakapaghina at nakakapagod kang mahalin, Josiah"mapait na sumbat ko sa kanya"Huwag kang mag-aalala, mawawala ring itong kahibangan ko sayo at ngayon palang natutuwa na ako kapag dumating ako sa araw na iyon. May mas deserve ng pagmamahal ko at hindi nararapat sa isang katulad mo na mahalin katulad ng pagmamahal ko"usal ko at nalagalag ang panga niya sa sinabi ko.

"Si D-Damien ba? Siya ba ang sinasabi mong deserve ang pagmamahal mo?"lakas loob na tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot.

Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon at mabigat ang lakad na umalis ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ako ay naramdaman ko ang paghawak niya sa pulsuhan ko at ginamit iyon para hilahin ako paharap sa kanya. At sa saktong pagharap ko sa kanya ay naramdaman ko ang malambot na labi niya na nakadikit sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang siya ay nakapikit at dinadama ang halik.

Natuptop ako sa kinatatayuan ko, hindi dahil sa halik ni Josiah kundi dahil nakita ko si Miss Heizelle na nakatingin sa amin at si Damien na naglalakad na paalis.

Napailing iling si Miss Heizelle at lumayo na rin.

Mas domoble ang kabang nararamdaman ko at...nakaramdaman ako ng matinding takot.

Itinulak ko palayo si Josiah at mabilis na dumapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya. Naging matunog ang pagsampal ko.

"Lalo mo lang pinatunayan sa akin na hindi karapat dapat mahalin"madiin at galit na sabi ko sa kanya at saka ko siya iniwan doon para habulin si Damien.

Hello everyone! Thank you for reading this story!

Ano kaya mangyayari next chapter? Makakpag-explain ba si Caelian kay Damien? Matatanggap pa ni Damien ang explanation ni Caelian? Hmmmm...

Osya see you on next chapter!

-Shay C.

SHECULARcreators' thoughts