webnovel

Chapter 8

Chapter 8

Hindi na nagtagal pa si Ysa dito sa bahay kasi pagkatapos naming maghampasan, kumain lang kami ng merienda at tsaka siya nagpaalam na aalis na siya. Ayos lang talaga 'no? Pagkatapos makikain, tsaka lalayas. Pero, ganiyan rin naman ako sa kanila. Hahaha!

Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner at nakakabingi ang katahimikan. Kapag kasi kumakain kami, palaging may topic. Nakakapanibago lang. Babasagin ko na sana yung tahimik na atmosphere, nang may nagdoor bell sa labas. Oo, may door bell kami, okay? Tumayo si Papa para buksan yung gate kaya nanatili kaming tahimik ni Mama. Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto, tumayo ako para tingnan kung sino yung bisita. Sinubukan pa 'kong pigilan ni mama pero nakarating na 'ko sa sala.

"Tito Adam!" tumakbo ako papalapit sakanya at yumakap. Ginawa ko 'to kay Tita Rianne pero sa kusina yun eh. Speaking of Tita Rianne, hindi sila magkasabay dumalaw dito. Ang balita ko kasi, parehas silang sa States nagt-trabaho. Kaya usually, kapag uuwi ng pilipinas si Tita Rianne, kasama si Tito Adam.

"Dalaga ka na, ah!" puri sa'kin ni tito. Napatingin ako sa batang kasama niya. Mga nasa 10 or 11 years old yung itsura. Nakasimangot siyang nakatingin sa sahig. Ito ba yung anak nila Tita Rianne?!

"Hello!" bati ko doon sa bata. Tiningnan niya 'ko. Nakasimangot pa rin siya. Ayaw niya ba sa bahay namin? Kaya ba ayaw niyang magpunta dito sa bahay? OMG!

"Siya ba yung anak niyo ni tita Rianne, tito?" ngiting ngiti 'kong sagot. Mamaya nga, maglalaro kami. Ang cute kasi nung bata ehehe. Instead na sagutin ni tito yung tanong ko, naiilang lang siyang ngumiti sa'kin.

"Gusto mo ba ng chocolates, Blaire?" pagiiba niya ng topic. O-kay? Can somebody tell me, what's happening?

"Naman! Saan chocolates?" biglang naalis yung curiosity ko nang mabanggit ni tito yung chocolates.

"Nasa bag 'ko. Kunin mo nalang." sinunod ko naman yung sinabi niya. Pero bago ako lumapit kung saan nakalagay yung bag ni tito, nagsalita si Mama.

"Tapusin mo muna yung kinakain mo, Blaire." napatingin ako kay Mama. Wala siya emosyon nung sinabi niya yun kaya nagtaka ako. Tumingin siya kay tito, nginitian naman niya ng tipid si Mama. Pero si Mama, umakyat sa taas. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawa. 'What the heck is happening?' Sinunod ko yung utos ni Mama. Pumunta ako ng kusina ng nakasimangot. Naudlot na naman kasi yung pagkuha ko ng chocolates eh. Nang matapos ako sa pagkain, napatingin ako sa plato ni Mama. Hindi niya inubos yung pagkain niya. 'Ano bang nangyayari?!' Ako ang naghugas ng mga plato kaya hindi rin nagtagal, umalis na sila tito Adam. Iniwan niya lang yung chocolates. Nanghinayang ako. Gusto ko pa kasi kausapin yung anak nila Tito. Ang cute cute kasi niya ehehe. Pagkatapos 'kong maghugas, dumiretso ako sa sala para tulungan si Papa na ayusin yung mga pasalubong ni tito Adam.

"Ako na dito, Blaire. Umakyat ka na sa kwarto mo." ani Papa. Napasimangot ulit ako. Balak ko pa sanang kumuha ng limang chocolates para kainin ko ngayon eh. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang makita ko yung kwarto nila Mama at Papa na nakabukas ng konti yung pinto. Sumilip ako. Nakatalikod si Mama sa'kin at may kausap sa cellphone niya.

"Pumunta siya dito." dinig 'kong sambit ni Mama. Si Tito Adam ata yung tinutukoy niya.

"Sige. Basta tawagan mo 'ko kapag ayos ka na. Ingat ka, ha? Bye," tsaka niya binaba yung tawag. Naisipan 'kong pumasok kaya napalingon si Mama sa'kin.

"Oh, Blaire? Kailangan mo ng bagong posters ng BTS? Bakit hindi ka pa natutulog?" ngumiti ako. Kapag kasi ganitong oras dati, lagi akong pumupunta ng kwarto nila Mama para humingi lang ng posters or merchandise ng KPop na binibili ni Mama. Pareho kasi kaming fangirl. Umupo ako sa kama—sa tabi niya.

"Hindi po. May itatanong po sana ako." tumingin ng diretso sa'kin si Mama. Parang nakuha ko yung attention niya sa itatanong ko. "May problema po ba kayo ni Tito Adam?" nagulat si Mama sa tanong ko. Inaasahan ko na yun. Hindi naman kasi ako palatanong kapag may bago akong nakikita sa paligid ko. Pero nac-curious kasi talaga ako. Lalo na kapag hindi ako sanay. Close na close si tito,tita,papa at mama kaya kapag dadalaw sila dito nila tita, ang saya saya ni Mama. Si Papa, ayos lang. Minsan na lang daw kasi sila nagkakaroon ng time para sa kanilang magkakaibigan simula nung nagka-asawa na sila. Kaya nga nakakapagtaka yung inasta ni Mama kanina. Hinawakan ni Mama yung kamay ko,

"Huwag mo nalang pansinin yun, okay? Matulog ka na," wala na 'kong nagawa kundi tumango at umalis ng kwarto nila Mama. Nakadaanan ko pa si Papa na papasok na rin ata sa kwarto nila. Kita ko yung pagtataka sa mukha niya nung lumabas ako sa kwarto pero binalewala niya nalang yun. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Pero bago ako matulog, nagisip muna 'ko. Everything happens for a reason. May dahilan kung bakit ganun yung inasta ni Mama kanina. At yung dahilan na yun, siguradong malaking problema yun. Kasi kung may problema man sila, paguusapan nila yun. Yun yung pagkakakilala ko kay Mama. Pero iba ngayon eh. Hindi rin nagtagal, dinalaw na 'ko ng antok kaya natulog nalang ako.

***

Nakarating ako ng school ng maaga kaya konti palang yung mga estudyanteng nagkalat sa campus. Paniguradong wala pa rin si Ysa, kasi tamad magising yun ng maaga. Habang naglalakad sa corridor papunta sa classroom ko, nakadaanan ko si Mitch na sisipol-sipol pa habang naglalakad. Nakita niya 'ko kaya yumuko ako.

"Hoy, Blaire!" sinubukan 'kong tumalikod pero nahawakan niya 'ko sa braso. Inis akong umirap sa hangin at tinatamad ako'ng tumingin sakanya.

"Ano?" ang tangkad naman ng lecheng 'to, nakatingala na 'ko sa kanya eh. Naiilang siyang ngumiti sa'kin habang nagkakamot pa ng ulo bago siya magsalita.

"Uhh, may sasabihin ako sa'yo kaya sana, tulungan mo 'ko," tsaka siya naiilang na ngumiti ulit. Umiiwas pa siya ng tingin kaya nahahalata kong nahihiya siya.

"Ikaw ba yan, Mitch?" tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa, LOL. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Baka mamaya kasi may kakambal si Mitch tapos pinagttrip-an pala 'ko nito.

"Huh? Oo naman. Ako 'to. Si Mitch na gwapo," tsaka siya humagalpak ng tawa. Uhh, siya nga 'to. Kapal ng mukha eh. Nahiya yung encyclopedia.

"Tapos ka na?" tanong ko. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pagtawa. Ang babaw naman ng kaligayahan nito.

"Pero seryoso nga," sumeryoso yung mukha niya. "May sasabihin ako pero secret lang ah?" nahihiya niyang tugon. Tumango ako, bumuntong hininga muna siya at tsaka siya tumingin ng diretso sa'kin.

"Blaire, gusto ko si Ysabelle kaya sana, tulungan mo 'ko sakanya,"