webnovel

Chapter 11

Chapter 11

Maayos kaming nakauwi ni Ysa. Sa buong paglalakad namin, hindi ko siya kinausap. Ganun rin naman siya sa'kin hanggang sa makauwi siya sa bahay nila except yung nagpaalam siya sa'kin at nag-ingat. Naiintindihan ko naman siya. Pero bakit naman ganun siya mag react? Hindi naman siguro niya, ganun ka-gusto si Xam para magreact siya ng ganun. Habang nagiisip ako, biglang nagring yung cellphone ko. Pagtingin ko, unknown number naman yung tumatawag. Pero baka naman si Mama or Papa tapos nakigamit lang sila ng cellphone. Mag-isa lang kasi ako dito sa bahay ngayon kasi parehong nasa restaurant sila Mama at Papa. Nag-iisip pa 'ko kung sasagutin ko yung tawag nang biglang mawala yung caller ID sa screen ng cellphone ko.

"Hala, baka importante yun." kinuha ko yung cellphone ko sa tabi ko. Tatawagan ko na sana yung unknown number nang nag pop-up ulit sa screen ng cellphone ko yung unknown number na tumatawag.

I press the answer button, "Hello? Sino 'to?"

"Bakit hindi ka sumasagot?" kumunot yung noo ko.

"Duh? Hindi nga kita kilala eh. Sino ka ba?"

"Si Mitch 'to, ulol."

'Na-ulol pa 'ko.' Umirap ako sa hangin. Hindi naman pala importante.

"Oh, anong kailangan mo?" napasandal ako sa headboard ng kama ko.

"Anong nangyari kay Ysa?" napabuntong hininga ako.

"Wala ako sa lugar para magsabi." narinig kong parang may kumalabog sa kabilang linya kaya nagtaka ako.

"Nasaan ba yung lugar mo?" parang napataas yung boses niya. Mas lalo akong nagtaka. Bakit sobrang alala naman nito kay Ysa?

"Tss, pwedeng magseryoso ka, kahit ngayon lang?" narinig kong bumuntong hininga siya.

"S-sorry, naga-alala lang ako."

Kumunot yung noo ko, "Grabe namang paga-alala yan? At tsaka ano yung kumalabog diyan kanina?"

"Wala yun. Pwede bang sabihin mo sa'kin? Promise, hindi ko sasabihin na sinabi mo." napaisip ako. Mapagkakatiwalaan naman si Mitch, pero hindi ko pa rin talaga alam kung pwede kong sabihin sakanya nang hindi nalalaman ni Ysa.

"H-hindi ko talaga alam kung pwede 'kong sabihin eh." napapikit ako. Ang dami ko'ng pinoproblema.

"Sige na, please?" nakaramdam ako ng awa sakanya. Okay lang naman siguro kung sasabihin ko, 'diba? Naga-alala lang naman siya kay Ysa.

Then I found myself saying, "Ni-reject siya ni Xam." narinig kong lumalim yung paghinga niya.

Sht.

'Ang tanga mo, Blaire! Paano kung magalit siya kay Xam? E'di sira yung friendship nila? Ugh, ano ba 'yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!'

"Mitch? 'Wag ka sanang magalit kay Xam, ha? Wala namang may gusto nung nangyari." mahinahon akong nagsalita kahit na nagp-panic na yung mga lamang loob ko.

"Okay." then he hang up. Ilang buntong hininga pa yung ginawa ko bago 'ko naisipang bumaba. Sakto namang pagbaba ko, kakarating lang nila Mama at Papa. Lumapit ako sa kanila at nagmano. Tinulungan kong ibaba ni Mama yung dalawang bag niya. Hayaan na si Papa, kaya niya na 'yan. Hahaha!

"Kumain ka na ba, Blaire?" tanong ni Papa. Umiling ako. Pa'no ako kakain kung ang dami 'kong iniisip na problema? At isa pa, hindi ako sanay na kumakain ako ng mag-isa.

Tumango-tango si Papa. Sinabi niyang tulungan ko siyang ayusin yung mga binili nila kaya sumunod ako kay Papa sa kusina. Natawa ako nang pabiro akong batukan ni Papa nang makita niyang wala pang ulam at kanin kaya hindi pa 'ko kumakain. Masayang makipagbiruan kay Papa pero nakakatakot siyang magalit. Si Papa nalang daw magluluto ng ulam at magsasaing ng kanin kaya pumunta muna 'ko sa sala. Nakita 'kong may isinusulat si Mama. Lagi niya 'yang ginagawa kapag nagb-budget siya. Hindi ko inistorbo si Mama si ginagawa niya. Binuksan ko lang yung TV at nanood pero parang wala naman akong naiintindihan. Lumilipad na naman kasi yung isip ko. Never pang nagkaganun si Ysa sa isang lalaki. Nung primary pa lang kasi kami—grade 6, harap-harapan siyang umaamin sa crush niya. Minsan nga sa harap ko pa pero never sa ibang tao. Kapag naman nir-reject siya, tatawa lang siya na parang walang nangyari. Tapos kinabukasan, hindi niya pa rin titigilan yung crush niya. Kaya nakakapagtaka lang kasi parang bago sa kanya yun.

"Blaire!" napatingin ako kay Mama nang isigaw niya yung pangalan ko. Nakatayo siya malapit sa TV at nakapamewang.

"B-bakit po?" nakakunot yung noo ni Mama pero hindi naman siya galit. Si Papa naman, nakatingin lang sa'kin.

"Kanina pa kita tinatawag pero nanonood ka lang diyan." mahinahon yung pagkakasabi ni Mama kaya nabawasan yung kaba sa dibdib ko.

'Kanina pa 'ko tinatawag? Bakit hindi ko naman naririnig yun?'

"S-sorry po." tumungo ako. Nawala na naman pala ako sa sarili ko, kakaisip. Huminga muna si Mama ng malalim bago ulit nagsalita.

"Kakain na." dahan-dahan akong tumango at tsaka sumunod sa kanila sa kusina.

'Nakakahiya yung ginawa mo, Blaire.' sabi ko sa sarili ko. Tinulungan kong maghanda sila Papa. Nang matapos, sabay-sabay kaming umupo at nagdasal.

'Lord, thank you for this day, at hindi niyo kami pinabayaan.'

"In Jesus name, Amen,.." nagsign of thee cross na kami at tsaka nagsimulang kumain. Naguusap sila Mama at Papa pero hindi ako nakikinig. Baka kasi, tuluyan nang magalit si Mama, ayoko namang magalit siya sa'kin kasi nakakatakot siyang magalit. Hindi niya pa 'ko papansinin.

"Bukas na nga pala lilipat sila Rianne diyan sa kabilang bahay." napatingin ako kay Mama nang sabihin niya yun.

'Bukas na lilipat sila Tita Rianne diyan sa kabilang bahay? OMG e'di ibig sabihin, matatanong ko na sakanya kung kaano-ano niya si Raine at makakalaro ko na yung anak nila ni Tito Adam? OMG talaga!'

Kahit gusto'ng gusto ko nang sumabat sa usapan nila Mama't Papa, pinigilan ko ang sarili ko. Nakita ko'ng tumango tango si Papa. 'Pagkatapos no'n, tahimik na kami'ng nagpatuloy sa pagkain. Gano'n rin nang matapos kami sa pagkain. Ako ang nagpresinta'ng maghuhugas ng pinggan at tumango lang sila Mama't Papa. Umakyat na si Mama, si Papa naman, may gagawin muna daw sa sala. Natapos ako sa paghuhugas at aakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Papa.

"Po?" pumunta ako sa sala at umupo sa sofa na kaharap ni Papa. Nakasalamin siya at may kung ano siya'ng isinusulat, tsaka lang siya tumigil nung nakaupo na 'ko. Inalis niya yung salamin niya at tumingin sa'kin.

"Kumusta ang paga-aral mo?" he seriously asked. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Ayos naman po." napabuntong hininga siya at tsaka tiningnan ako.

"Sana hindi naaapektuhan ang paga-aral mo sa mga nangyayari kay Tito Adam at Tita Rianne mo. Pati na rin siguro ang Mama mo." taka ako'ng tiningnan siya.

"P-po? Ano'ng ibig niyo'ng sabihin?" saglit siya'ng tumungo pero agad rin ako'ng tiningnan.

"Alam ko'ng nakakahalata ka na. Na, hindi maayos ang Mama at Ttito Adam mo. Na napapansin mo rin na hindi sabay na dumalaw dito si Adam at si Rianne."

"Po? A-ano po ba 'yon?"

"Maintindihan mo sana sila." kumunot yung noo ko.

"P-pwede po ba'ng deretsuhin niyo nalang po ang sinasabi niyo? Hindi ko po maintindihan." pilit na ngumiti sa'kin si Papa.

"Hiwalay na ang Tito Adam at Tita Rianne mo." mahinahon ang pagkakasabi ni Papa pero sa pagkakarinig ko, parang may diin dahilan para mapatungo ako at mangilid ang luha.