webnovel

Just Between (GL)

Just Series #2: Just Between Shantelle Medina is a spoiled brat who almost had everything on the palm of her hands. But when her dad sent her away to live alone in another city, life will teach her the hard way. She will learn that not everything she wants can be hers, especially when she meets Ellie, the rude skater girl who will completely change her world.

Nekohime · LGBT+
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 1 - The Bratty Heiress

A/N: The names of city and places here are just fictional. Walang mga ganung lugar. Hehe

Chapter theme: Fabulous - Ashley Tisdale.

Shantelle

"Galit ba si daddy?" kabado kong tanong kay Noah nang mai-park na niya ang kotse sa tapat ng mansyon. Nagkibit-balikat lang ito bilang sagot sa akin. He's really a man of few words. Limang taon ang tanda nito sa akin pero hindi ko nakasanayan na tawagin siyang kuya. He's our young butler at kanang kamay ni daddy, halos ituring na nga rin niya itong anak. Pitong taon na siyang naninilbihan sa amin.

Napatingin ako sa relo ko. Mag-aalas onse na pala ng gabi. Napakatihimik ng paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Patay talaga ako nito.

Naramdaman kong bumaba si Noah sa kotse para pagbuksan ako ng pinto pero nag-aalangan akong lumabas.

Kagagaling lang naming dalawa sa prisinto. Sinundo ako ni Noah para ayusin ang gusot na hindi naman ako ang may gawa. Siguradong katakot-takot na sermon na naman ang aabutin ko nito kay daddy.

Tumakas lang kasi ako kanina para magpunta sa birthday party ng kaibigan ko sa isang underground bar. Malay ko bang ilegal pala ang lugar na 'yon at kapag minamalas ka nga naman, nataon pang ni-raid ito. At ang malala pa, I was frame up!

Hindi ko alam kung sinong hudas ang naglagay ng party drugs sa bag ko. I had to do some drug test para patunayan lang sa kanila na bukod sa alak, walang droga sa buong sistema ko. Yes, I party hard. I drink a lot but I never do drugs! Matino pa ang pag-iisip ko para gumawa ng ganung bagay.

"Miss? Your dad is waiting." Noah snapped me out from my reverie. There's a serious look on his face, as usual. Come to think of it, I never saw him smile ever since he started working for my dad.

"Miss?" He called out once again. Napapadyak na lang ako sa inis nang bumaba ako sa kotse. He led the way but I was a bit hesitant to follow him.

"Pwede bang sa likod na lang ako dumaan? Pakisabi kay daddy bukas na lang kami mag-usap," pakiusap ko pero marahas na umiling-iling lang si Noah.

Lulugo-lugong sumunod na lang ako sa likuran niya habang naglalakad kami papasok sa malaking mansyon. Pagdating namin sa sala, ang galit na mukha agad ni daddy ang sumambulat sa akin.

"What have you done this time, Shantelle?! You're just 18 pero kung anu-anong kalokohan na ang ginagawa mo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na boses ni daddy sa buong bahay. Agad naman akong nagtago sa likod ni Noah.

"Dad! I didn't do it! I'm innocent. Kahit ipakita ko pa sa'yo result ng drug test ko. Na-frame up lang ako!" katwiran ko habang nakasilip mula sa likuran ng butler namin. Saglit akong natigilan nang dumako ang tingin ko sa malalaking maleta ko na nakababa sa sa sala.

"What's the meaning of this?!" I half yelled at my father, my jaw almost dropping to the floor. Umalis ako sa likuran ni Noah at hinarap si daddy. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa mga gamit ko.

"You're going to Manila. I enrolled you at a good university in Flaviano," my father replied, emotionless. His arms folded in his chest and I just stared at him in disbelief.

"Are you serious?!" I asked almost in panic. Lalong napalakas ang boses ko dahil sa labis na inis.

"Yes. I am serious, my dear daughter." He answered firmly.

"But why? You can't do this to me! Hindi niyo man lang hiningi ang opinion ko bago kayo magdesisyon. Dad, please! I don't want to be separated from my friends!" I blurted out stomping my feet dramatically.

"Mga kaibigan mo na sobrang bad influence sa'yo!" My father roared but I just rolled my eyes. There he goes again. Alam ko naman na ayaw niya sa mga kaibigan ko. Perfectionist masyado.

I turned to my mother with pleaded eyes but she just averted my gaze.

"Mom!" I cried.

"Shantelle, baby. Sundin mo na lang ang daddy mo. He just wants the best for you," Mom stated in her most gentle voice but that didn't stop me from whining.

"No! Ayoko! Paano niyo nagawa sa akin 'to?" There's a hint of hurt and disappointment in my voice. I feel so betrayed by my own parents.

"This is for your own good, Shantelle. Gusto kong matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa habang maaga pa. Siguro kasalanan din namin kaya lumalaki kang ganyan, masyado ka naming na-spoiled. Hindi ka na marunong rumespeto sa ibang tao at lalo na sa amin na magulang mo. Lagi mo na lang ginagawa kung anong gusto mo. Hindi ka na marunong makinig. I think it's about time for you to learn your lesson. Hindi habang buhay, prinsesa ka." Mahabang litanya pa ni daddy but I don't really get his point.

"Is this some kind of a punishment? Daddy naman eh! Huwag naman ganito. Promise, I'll behave this time. I won't go home late. Hindi na kita tatakasan. Hindi ko na uubusin ang laman ng credit card mo. I won't throw a party anymore everytime you and mom are out of the country. Tapos yung mga maids, I promise I will treat them better. Hindi ko na sila aawayin. Just don't do this to me, please?" I begged him with all my might. Umupo pa ako sa sahig para maglupasay pero kahit anong gawin ko, hindi natinag si daddy. Buo na talaga ang desisyon niya.

I heard him heaved a deep sigh, shaking his head drastically. He looked at me as if he was so done with me. "Magpahinga ka na, maaga pa ang biyahe mo bukas. Naihanda ko na ang lahat sa pag-alis mo. I bought an apartment near the university, you'll stay there habang doon ka nag-aaral."

My eyes blinked in surprise. So everything's already laid out for me? Okay fine! Patutunayan ko sa kanila na kaya kong mabuhay mag-isa!

***

2 weeks later

I found myself standing in front of the huge gate of Mazaneda University. As an incoming freshman, samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I'm nervous and a little bit scared. I have no idea what to expect for the next four years of my life in this school. Wala pa akong kakilala sa lugar na ito. Besides, this is also the first time that I've been away from my parents. Kung pwede lang akong bumalik sa Garciano ora mismo, bumalik na ako. Kaso baka lamunin lang din ako ng buhay ng tatay ko.

Ugh! I still hate him! Alam kong parusa niya ito sa akin dahil sa pagiging pasaway at bratinella ko pero sobra naman ata. I don't even know how to do some household chores. Sana naman pinasama niya sa akin ang isang katulong para naman hindi ako nag-iisa sa apartment na tinutuluyan ko dito sa Flaviano.

"Miss, hindi ka pa ba papasok? Isasara ko na ang gate."

Napabalik ako sa wisyo ko nang sitahin ako ni manong guard. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng puting pantalon at pink na blouse. Unang araw palang naman ng klase, allowed naman siguro kaming mag-civilian?

"Pasok na," utos pa nito. Hindi na lang ako umimik. Taas noo akong naglakad papasok sa malawak na university.

Mazaneda University is the oldest existing school here in the busy town of Flaviano. The campus is really beautiful! Nabasa ko sa website nila na panahon pa ng Espanyol naitayo ang school na ito. The university boast an aesthetic appeal buildings that will really take you back in time. May malawak na lush lawn at naglalakihang mga puno rin sa paligid. Sobrang refreshing niya sa mata. It was really a nice green walk path.

Nakarating ako sa tapat ng Main Building, dilemma ko naman ngayon kung saan hahanapin ang room ko. Unang araw pa naman ng klase. I didn't attend the orientation last week so wala akong idea kung nasaan ang room ko.

Kinuha ko sa bulsa ng bagpack ko ang papel na naglalaman ng schedule ko. Binasa ko itong mabuti.

BSBA-1203, ito siguro ang room number ko. Pero saan ko naman ito hahanapin?

Luminga-linga ako sa paligid. Doon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ako ng ilang estudyante. Siguro agaw pansin ang matingkad at kulay pink kong buhok. Wala namang nakalagay sa student's handbook na bawal magkulay ng buhok ang mga estudyante, so might as well color it pink. Kanya kanyang trip yan.

"Look, tunay kaya yung bag niya?"

"Baka naman fake or immitation lang."

Narinig kong nagbulungan yung dalawang babae sa gilid ko. Agad ko silang sinamaan ng tingin. Pasalamat sila mabait ako ngayon kundi sinampal ko na sa mga pagmumukha nila ang Louis Vuitton na bag ko.

I am Shantelle Medina, the one and only heiress of La Medina Hacienda, a coffee plantation in Garciano. Kayang kaya ko silang bilhin kung gugustuhin ko.

Mabilis akong lumapit sa dalawang babae na kanina lang ay pinag-uusapan ako. Kita ko pa ang sabay nilang paglunok. Naglakad sila paalis pero hinarangan ko sila. I looked at them from head to toe. Bakas ang gulat sa mga makukulay na mukha nila. For sure, cheap na make-up ang gamit nila.

"Hi! Pwede niyo bang ituro sa akin kung saan ang room na 'to?" I showed them my schedule, a fake smile plastered on my face. Nagka-tinginan naman silang dalawa.

"Sa Administration Building 'yan, doon sa east wing. Second floor, room 03." The girl with pixie cut answered simply.

"Can you escort me? Baka kasi maligaw ako."

"Sorry, miss. Kailangan na rin namin pumunta sa room namin," sagot naman nung isang babae na kulot ang buhok.

"I don't care. Kapag sinabi kong i-escort niyo ko. You will escort me, okay?" I ordered them with a raise eyebrow. Umangat din ang mga kilay nila.

"Look miss---"

Hindi ko na sila pinatapos sa pagsasalita. Agad akong kumuha ng tig-dalawang libo sa wallet ko at inabot ito sa dalawang babae. Halos lumuwa ang mata nila parehas.

"Okay na sigurong payment 'yan for helping me find my room, right?"

Sunod-sunod ang naging pagtango nila. They led the way towards the Administration Building. See? That's how money works for me. It can make my life more convenient and easier. Hindi ko na kailangan pang magpakahirap sa paghahanap ng room ko.

Nang makarating kami sa klase ko, nagmamadaling tumakbo paalis yung dalawang babae. Tumunog na kasi ang bell hudyat na magsisimula na ang first class. For sure they're gonna be late at hindi ko na problema 'yon.

***

The first day of class was really boring. Hindi ko na mabilang kung nakakailang hikab na ba ako sa ilang oras. Wala kaming ginawa kundi magpakilala isa-isa. Corny. That was so high school. Uso pa pala 'yon sa college.

I was sitting near the window, my chin resting on my hand. Tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa ibaba kaysa makinig sa pagdaldal ng prof ko tungkol sa mga walang kwentang bagay. Napansin kong maraming estudyanteng nagkalat doon at ang iba pa sa kanila ay namimigay ng flyers. Anong meron?

"May club ka na bang gustong salihan?"

Napalingon ako sa likuran ko nang may kumalabit sa akin. It was a guy with a pierce lip. He look so handsome in his crew cut, infairness.

"Club?" I asked, confused.

"Yes! A club. Sa drama club ako, ikaw?" He replied enthusiastically, a goofy smile written on his face. Gwapo nga, mukha namang timang.

"I don't know." I shrugged. Wala rin naman akong interest sa ganyang bagay.

"Try drama club. Kuya ko ang vice president ng club na 'yon." he stated proudly. Pake ko naman?

"Carter nga pala," pakilala niya.

Napangiwi na lang ako nang ilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Tinignan ko lang ito.

"I don't do handshakes," I said flatly.

"Suplada mo naman!" He retorted. May mga sinabi pa siya pero hindi na lang ako umimik. For a guy, he's really talkative.

Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa mga estudyante sa baba. Maya maya pa ay tumunog na ang bell. Lunch break na.

Sinukbit ko ang bagpack ko sa balikat ko saka tumayo. Nilingon ko saglit yung madaldal kong kaklase na may hikaw sa labi.

"Hey! Ikaw na bahala sa attendance ko ha. Bye!" I winked. Kumunot naman ang noo niya dahil sa labis na pagtataka. Nakita ko pang ibubuka niya ang bibig niya para magsalita pero nagmadali na akong lumabas ng room. Nagtatatakbo ako sa mahabang hallway ng Administration Building.

Sinisita ako ng ibang professor na nakakasalubong ko dahil sa ginagawa kong pagtakbo pero hindi ako huminto.

I decided to go home early and watch a movie, tutal wala pa naman palang masyadong ginagawa ngayon.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa tapat ng Main Building. May ilang estudyante pang humarang sa dadaanan ko. Panay ang abot nila sa akin ng flyers pero tinatapon ko rin naman agad ito pagkaabot nila.

"Miss! Sali ka na sa photography club!" paghabol pa sa akin ng isang estudyante. Mas binilisan ko na lamang ang paglalakad ko pero ayaw nila akong tantanan. Pinapalibutan na nila ako. Malapit na talaga akong mainis. Lumayo lamang sila sa akin nang makarinig sila ng malakas na sigaw.

"Tabi kayo!!! Tabi!!!"

Nakita kong nagtakbuhan sa kung saan saan ang mga estudyante na kanina lang ay nakapalibot sa akin.

"Miss, tabi!!! Tabi!!!"

Nakarinig ulit ako ng mga sigaw. Laking gulat ko nang makita ang isang taong nakasakay sa skate board niya. Siya pala yung sumisigaw at papalapit na siya sa akin.

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ako nakakilos. Tila napako ako sa kinatatayuan at hindi ko magawang humakbang. Namalayan ko na lamang na bumangga na ito sa akin at paupong bumagsak naman ako sa matigas na semento. Halos mahilo-hilo ako dahil sa lakas ng impact.

"Aray," mahinang daing ko. Inangat ko ang mga braso ko dahil nakaramdam ako ng hapdi. Napasinghap ako nang makitang may mga gasgas ang siko ko.

"Sabi na kasing tumabi," sambit ng isang malamig na boses. The sound of her voice was so feminine so I'm sure she's a girl. Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. I was surprise to see that it was the person who bumped into me. Babae pala siya. Nakatayo na ito at nagpapagpag ng pantalon niya.

Saglit ko siyang pinagmasdan. Mapagkakamalan itong lalaki dahil sa maikli at undercut na buhok nito. Mas gwapo pa siya sa lalaki kung tutuusin. Nakasuot pa ito ng black na sleeveless. Litaw na litaw ang matitipunong braso niya.

Naglakad siya patungo sa akin, akala ko itatayo niya ako pero nilampasan niya lang ako. How rude! Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at hinila ang laylayan ng damit niya.

"What?!" bulyaw niya.

"Magsorry ka!" sigaw ko pabalik.

"Bakit ako magsosorry? Kasalanan ko ba kung tanga at bingi ka?" she said flatly. Marahas niyang hinila ang damit niya mula sa akin at tinalikuran lang ako. Parang umakyat naman ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko.

Sino siya para sabihan ako ng tanga?!

Nakita ko siyang lumapit sa skate board niya na nakataob para damputin ito. Mabilis akong kumilos palapit sa kanya. Gulat na gulat siya nang agawin ko mula sa kanya ang skate board niya.

"Problema mo?!" Nanlalaki ang mga mata niya. "Give me back my skate board!" Nanggagalaiting sigaw niya pa.

"Hindi ka magsosorry ha?" I gave her my infamous evil smirk. Ang ibang estudyante naman ay pinapanuod lang kami.

"A-Anong gagawin mo?" tila kinakabahang tanong niya.

Halos tumigil ang mundo nilang lahat nang iangat ko sa ere ang skate board na hawak ko at buong lakas kong hinampas iyon sa matigas na semento. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang magkalasog-lasog ito. Natanggal na rin ang mga gulong nito.

I smiled triumphantly when I saw the grim look on her face.

"What the fuck!" Iyon na lamang ang nasabi niya habang nakaawang ang bibig niya.

Well, this is what you get for messing with the bratty heiress.