webnovel

chapter 1

..........................

..........................

CHAPTER 1

POV.: Jeyehou

(bagong gising) huuuuuh....bumangun nako dahil ito ang first day ko sa trabaho. Tumayo nako at inayos ang higaan ko, pagkatapos ay bumaba nako para kumain.

Mama: nak… kumain kana dahil baka ma late ka sa trabaho mo (sigaw ni mama)

Jeyehou: nandyan napo….

Pagbaba ko meron nang kanin sa mesa.

Mama: oh anong tinatayo-tayo mo jan kumain kana at baka malate ka

Jeyehou: opo…

Kumain nako, at pag katapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko at bumalik sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kung magbihis ay bumaba nako para magpaalam kay mama.

Jeyehou: mama alis napo ako… babye po

Mama: oh sige mag iingat ka

Jeyehou: sige po babye

Umalis nako at sumakay nang bus. Hindi ko pala nasabi na ako lang pala ang nakatira kila mama dahil ang mga kapatid ko ay may kanya kanya nang pamilya so ako nalang ang walang asawa. Okay lang basta masaya ako sa buhay ko ngayon hahahhah.. oh diba ang saya. Masaya ako basta nakakapanuod ako ng kdrama, siguro 150 kdrama na ang napanood ko hahah…

AUTHOR

Siya si Jeyehou D. milestone, 23 years old, isang babaeng maganda, matangkad, mahigil sa aso at pusa. Hindi gaano kataas ang buhok at medyo wavey yung buhok. Mataas ang imagination kaysa reality. Isa siyang simple at naniniwala sa magic. Nakaka basa din siya nang isip nang tao kung nagsasabi bato nang totoo o hindi at higit sa lahat naaalam niya kung sino ang may gusto sa kanya. Pwera lang kung may koneksyon siya sa taong yon, hindi niya mababasa.

POV JEYEHOU

Trrrrriiiikkkk....(tumigil ang bus)

Oh! Nandito napala ako, bumaba nako at tiningnan ko muna ang building,wowhhhh ang taas, napatanong tuloy ako sa sarili ko 'pano kaya kung ang elevator ay sira at may mangyayaring meeting don sa last floor at kailangan nila ako tapos malalate ka okay pa bayayung tuhod ko katatakbo?....' haysssst.. tama na nga kaka imagine, buti pa pumasok nako.

Pumasok nako sa office at pumunta sa table ko. May table nako dahil tinuro na sakin kahapon, nandito na kasi ako kahapon.

Yon lang nagtrabaho nako at hindi ko pa close ang mga tao dito dahil bago panga ako. Nagtatype ako nang napansin kung may tumayo sa kanan ko.

Yul: hi..

Jeyehou: oh…. Hi (smile)

Yul: ikaw yung bago dito?

Jeyehou: Oo ako po yon

Yul: ahhh.. ako pala si Seo yul (sabay abot nang kamay)

Jeyehou: ako po si jeyehou (inabot ko naman ang kamay niya)

Yul: wag mo kong eh 'po' dahil pariho lang naman tayo dito impleyado dito, tawagin mo nalang ako sa pangalan ko (smile)

Jeyehou: ahh… sige po

Yul: oh may 'po' kana naman hahahah

Jeyehou: ahh hahahha… sige

Yul: sige magtrabaho na tayo.

Umupo siya sa katabi kong table. Nag simula narin akong magtrabaho.

Natapos na ang tinatrabaho ko sakto uwian na, kinuha ko na ang bag ko at umuwi na…pag uwi ko ay pumunta agad ako sa kwarto ko at nagbihis.

Pagkatapos kong mag bihis ay bumaba nako at pumunta sa kusina para kumuha ng snaks. Ako lang kasi dito sa bahay dahil hind pa umuuwi sila mama at papa nag tatrabaho kasi sila sa business namin kaya ang gagawin ko lang ngayon ay magluto nang haponan.

Nagsaing muna ako nang kanin at nagluto ako nang ulam, pagkatapos kung magluto ay pumunta nako sa kwarto dala dala ang snaks ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko muna ang laptop at humiga nako at pinanood ang kdrama. Mga ilang oras din ako dito kakapanood nang kdrama at natapos ko yun, kaya bumaba muna ako para tingnan kong nakauwi na sila mama at papa, at sakto nandito na pala sila.

Mama: oh? Nakauwi kana pala?

Jeyehou: Opo hindi po niyo nakita may sinaing napo

Mama: ahy… oo nga hahha…

Jeyehou: oh sige po maghanda na po ako ang haponan at kakain natayo

Mama: sige

Hinanda ko na ang hapunan at kumain na kaming tatlo. Habang kumakain, nag uusap din kami.

Papa: oh kamusta ang trabaho?

Jeyehou: okay lang po pa, walang gaanong trabaho

Papa: ganyan talaga yan anak bago ka palang kasi

Jeyehou: Oo nga po heheh…

Mama: may kaibigan ka naba don anak?

Jeyehou: wala pa po ma…

Mama: wala pa? Kahit pag pansin sayo wala?

Jeyehou: ahh hindi po meron naman pong pumansin sakin hehehe…

Mama: sino? Babae o lalaki?

Jeyehou: lalaki po

Mama: lalaki? (masaya) gwapo? Anong pangalan?

Jeyehou: ohh bakit kayo ganyan maka tanong at naka smile pa hindi ko nga matandaan ang mukha niya at pangalan niya hahhah..

Papa: kaya ganyan ang tanong mama mo dahil gusto niya na magka boyfriend kana----

Mama: ---at para magkaapo narin (smile)

Jeyahou: magkaapo? Ehh… ang dami dami niyo na ngang apo hahah… sa apat kong ate may sampo nakayong apo hahahhah

Mama: iba kasi sila kaysa sayo, syempre iba rin yung sayo, bakit hindi mo gustong magkaanak? Kung gusto mo mag madre ka nalang.

Jeyehou: hindi naman sa hindi ko gusto ma----

Mama: ---eh ano?

Jeyehou: ehh kasi hindi ko pa po nahanap ang true lab ko, hindi pa po ako in love hahhah…

Mama: ahh sabagay hindi ka in love heheh

Papa: oh sige taposin na natin ang tapic nayan at ubusin na natin ang kinakain natin.

Mama&jeyehou: okay hahhaah…

Matapos kaming kumain niligpit na namin ang mga pinagkainan namin at hinugasan ko. Pagkatapos kong maghugas ay pumunta nako sa kwarto at nanood nang bagong kdrama.

Ang ganda nang pinapanood ko ngayon dahil magical ang genre nya. Ang kwentong pinapanood ko ay may apat na taong may mga kapangyarihan tinatawag silang apat na 'the four season of daeho' at sa kwento don ay may isang babaeng napakalakas at meron ding kapangyarihan, pinangalanan siyang si 'naksu'.

So ayon nga nanood ako at may nakita ako sa movie nayon ay may kaparehong mukha, basta familiar lang yung mukha hindi ko lang matandaan basat familiar lang yung muka, yung nakita kuna dati pero hindi ko lang matandaan. Basta hindi ko na pinansin.

Nanood lang ako at pagkatapos kong panoorin ay pumunta ako sa cr dahil naiihi nako. Pagkatapos kong umihi ay pumunta nako sa bed at inoff ko na ang laptop, nilagay ko na ito sa mesa at nang may nakita akong bracelet na kumikinang sa gilid nang mesa ko. Kinuha ko naman ito at sinuot baka inilagay to ni mama at nahulog siguro dahil nandito ang pusa ko sa mesa natulog. So ayon humiga na ako at nag iimagine na naman na ano kaya kung magyari ang magical at nakapasok ako sa movie nayon, kasi sa ibang kdrama kasi napapanood ko ay nakakapunta sa ibang lugar, o sa panahong wala pang gadget.

Kagaya nung scarlet heart na kdrama, nung tumalon siya sa tubig dahil iligtas yung matanda tapos pag ahon niya iba nayong napuntahan niya. Nakapunta siya sa lumang panahon, pano kaya ako kung paggising ko mamaya iba narin yung lugar o panahon ang napuntahan ko.

Hayyyyyy nako imagination ko talaga ang lawak. Ganito talaga ako sa lahat nang napapanood ko na drama nag iimagine talaga ako, matagal tagal narin akong ganito inisisip ko nga baka nababaliw nako. Pero hindi naman siguro hahahh. Hayyyy nako talaga Hindi nako nakakatulog sa pag iimagine ko. Makatulog nanga...…

AUTHOR

Nakatulog na si jeyehou at sa hindi inaasahang pangyayari ay natupad ang kahilingan niya charrrooottt. Hindi niya naman hiniling hahhaah. Yung bracelate na sinuot niya ay hindi yon galing sa mama niya. Isa yung kapangyarihan niya kaya punta tayo sa chapter 2.