webnovel

Jack of All Draws

Taong 2036 Isang Asteroid ang tumama sa mundo subalit na masira ang mundo naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag at enerhiya dito nagsimula ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng tao. Limang Anim na Antas ng Kapangyarihan -Mythical -Legendary -Epic -Rare -Uncommon -Common Ang lahat ng tao ay nagkaroon ng magkakaibang abilidad pagkatapos ng pagbagsak ng Asteroid. Si Artix ay nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan at ito ay tinatawag na "All Draws" hanggang saan limitasyon ng ability niya? Unang araw pagkatapos ng pagbagsak ng comet lahat ng tao ay nagkaroon ng mga ability habang si Artix ay hindi niya pa alam kung ano ang meron sa kanya halos lahat ng kanyang nakikita ay May ability at bigkas siyang inatake ng isang grupo ng bandido at dito lumabas ang ability niya.Ano kaya mangyayari? kahanga-hanga ba ang ability niya o ito ay isang nonsense?.......…

Unreliable_Gamer · ไซไฟ
เรตติ้งไม่พอ
1 Chs

New Generation of Abilities

Taong April 13, 2036.Inaakala ng isang katauhan na ito na ang huling masasayang araw ng mundo, inaasahang ngayong araw tatama ang "Apophis" isang asteroid na May laking katumbas ng tatlong football fields, sapat na ito para magunaw ang mundo dahil sa impact ng pagsabog o kaya naman paglubog ng mundo sa isang mini ice age at pagkasira ng agrikultura ng mundo.

Si Artix at ang kanyang mga magulang ay nasa bahay,nagtatanghalian at nanood sa countdown ng NASA haba ang lahat ay nagiiyakan,Si Artix ay kalmado lang at kumakain kasama ang kanyang pamilya ang hapag kainan nila ay punong puno ng mga mamahaling pagkain dahil ito na ang kanilang "Last Meal".

Lahat ng Tao ay nasa kanilang mga tirahan kasama ang Pamilya at nagdarasal.Nag countdown ng Ang NASA na isang minuto na lang at babagsak na ang "Apophis".Lahat ng tao ay umiiyak at kayakap ang kanilang mga pamilya.

Sinimulan na ng NASA ang Countdown.

"10,9,8,7,6,5, Have a faith and pursue the unknown end!"

Tumama na ang "Apophis" sa mundo nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag sa buong mundo at ang isang katauhan ay nawalan ng malay.

Nagising si Artix at nakita niya ang ang kanyang pamilya na walang malay.

"Ma!,Dad! Gising!,Gising!"

Umiiyak si Artix at nagtataka kung bakit nabuhay siya at ang iba ay walang malay.Lumabas ito para alamin kung ano ang nangyayari sa paligid niya at sa mundo nakita niya ang ilang mga kabataan at ibang mga tao na nagkaroon ng super human strength ang Iba ay napapagalaw ang iba't-ibang uri ng elemento,malakas sumuntok,mabilis tumakbo at pagkakaroon ng riot sa buong siyudad ng Ovallium dahil sa May mga kapangyarihan ang mga tao at ang iba ay hindi ito makontrol.

Tumatakbo si Artix Dahil Hinahabol ito ng isang lalaki na May tatlong kutsilyo na kahit ibato niya ito sa malayo ito ay bumabalik pa rin sa kanya.

"Tulong! Tulong!" Sigaw ni Artix pero walang nakakapansin dahil lahat ay hindi alam ang nangyayari sa kanilang mga sarili.Tinamaan si Artix ng dalawang Kutsilyo na binabato ng lalaki at agad na natumba si Artix.

Papatayin na siya ng lalaki subalit bigla itong nabagsakan ng isang malaking bato at tumumba kung saan nakahiga si Artix.

Minulat ang mga mata.....

"Nasaan ako? Bakit ang liwanag?"

"Sir Alfred! gising na ang patient No. 10!" sabi ng Nurse.

Nagmadali si Alfred upang tingnan si Artix at tinanong niya to ng tungkol sa kanyang identity.

Sinabi ni Artix ang mga sumusunod:

Name: Artix Leopold

Age: 18

Occupation: College Student

Place of Birth: Southeast Ng Ovallium City

Madaming Tanong si Artix kung paano siya nabuhay sa aksidenteng yun at pinaliwanag ito ni Alfred sa kanya sa pamamagitan ng isang Video Recorder.

Pinapakita sa video na taong 2036 ay tumama ang "Apophis" sa planetang Earth dahil sa isang misteryosong liwanag at itoy nag resulta ng malawakang pagkasira ng mundo hindi tuluyang nasira ang mundo pero nabawasan ang populasyon ng tao mula sa 10billion na katao bumaba ito sa 80%.

Sa ikalawang yugto ng video pinakita dito na nagkaroon ng mga abilidad na hindi pangkaraniwan ang mga tao at ang mga abilidad na to ay naka-ranggo sa mga sumusunod:

Common- Pag isang elemento lang kayang pagalawin.

Un-common- Higit sa dalawa ang kayang pagalawin.

Rare- Ito ang abilidad na kayang ipagsama ang mga elemento

Epic: Abilidad na hindi maipaliwanag.

Legendary: ito ang tawag sa mga taong namaster or nakamit na ang full potential ng kanilang mga abilidad.

Mythical: Ito ang abilidad na kayang wasakin ang isang bansa.

Sinabi din ni Alfred ang tungkol sa systema

ng bagong lipunan.

"Ngayon ay ika 19 ng November taong 2041 at hindi na ito ang Ovallium City na iyong nakilala ito na ang Forsaken Shore City isa sa 22 na Siyudad na nanatiling hindi pa nasasakop.

"Ha? anong nasasakop? bakit?" Banggit ni Artix.

"Manood ka lang at makikita mo" - Alfred.

Nag Play na ang Video at itoy na sa huling bahagi na pinaliwanag dito ang mga outsiders o ang mga Fallen. Sila ang tinatawag na Half Human At Half Alien dahil sa Radiation na dala ng "Aphopis" nasira ang kanila pag uugali at inaatake nila ang kahit sino sila ang mga taong magiging kagaya mo kung hindi compatible sa Genes mo ang Radiation.

Nanatiling Kalmado at Nagiisip si Artix.

Tinanong nito kung paano siya nabuhay dun sa aksidenteng yun.

"Artix nung nakita kita habang hinahabol ka nung lalaking May kutsilyo natakot ako."

"Ha Bakit ano bang nangyari nun?"

"Hindi ko alam kung ano gagawin ko nung panahon na yun pero di ko asahan na May abilidad din ako na gaya niya at nalaman kong kaya kong pagalawin ang mga bato nung nabagsakan ka ng bato umalis na siya at inatake ang iba ay tinulungan kita."

"Seryoso at Confused na expression ni Artix.."

Tinuloy ni Alfred ang Kwento at Sinabing nakaligtas sila dahil sa isang tao at ang taong yun ay walang iba kundi si "Geresis" ang founder ng "Ministry Of Abilities". At ako bilang Doctor utang ko ang buhay ko sa kanya at nangakong susuportahan ko siya sa abot ng aking makakaya.

"Sir Alfred May idea ba kayo kung ano ang abilidad ko?"

"Wala akong idea pero May paraan ako para malaman. Pumunta kana sa testing room ng malaman natin!".

So guys End ng Chapter 1 madami pang gusot sa dialogue pati sa storytelling pero G lang hanggang matuto.

SEE YOU IN THE NEXT CHAPTER...🙃😎