webnovel

In Case You Forget Me

Paano kung makalimutan ka ng taong pinakamamahal mo? Yung taong pinakaimportante sa'yo? Paano mo ipapaalala sa kanya kung sino ka? Paano mo ipapaalala yung pagmamahal niyo sa isa't isa kung kahit siya, nakalimutan nang minahal ka? Paano mo ipaglalaban yung pagmamahalang ikaw nalang ang nakakaalala? A story about Amnesia. A battle between the heart and the mind. "Can your heart really remember the love that your mind forgotten?" *** TAGLISH (Tagalog-English) love story Hi Readers, I hope you enjoy reading my first ever full novel! Thank you for your support! -Jaks

Dmissusj · วัยรุ่น
Not enough ratings
80 Chs

Her Nightmare

*Theia's POV*

"Nate, anong ibig sabihin nito??"

I was sitting here and waiting for him to arrive pero napatayo ako sa nakita ko. Naglalakad siya papalapit sa'kin kasama si Ivy.

Yung ex niya.

Wala namang masama kung magkasama silang dalawa because everything else is settled between the three of us.

Pero mali yung nakikita ko.

Hawak niya yung kamay ni Ivy.

Itinaas niya yung kamay nilang magkahawak and he kissed her hand.

Anong nangyayari?

Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Hindi niya dapat pinaglalaruan yung damdamin ko.

"James Nathaniel Go, if this is one of your pranks, you better stop now."

Kasi naniniwala na 'ko.

"This is not a prank, Theia." Ngumisi sa'kin si Ivy. "Makikipaghiwalay na siya sa'yo!"

"Hindi yan totoo!"

"He finally realized na ako parin ang mahal niya." Lalong lumaki yung ngiti niya sa'kin.

"No." Hindi yun totoo. Hindi ako naniniwala. "Nate talk to me, please."

"Babe, tell her."

Babe???

"It's true, Theia." He's staring at me. "Maghiwalay na tayo."

"Noo.. Nate!!" Hinawakan ko yung kamay niya. "You can't leave me. You said you love me. Sabi mo, ako lang!"

I'm crying. Hindi ko na mapigilan yung luha ko.

"I don't feel the same way anymore." Walang emosyon yung mga mata niya. "I realized that I still love her. Narealize kong mas mahal ko siya kaysa sa'yo."

This was real. Iiwan niya na ako.

"No." I begged. "Please, don't go."

Wag mo kong iwan.

Hindi ko kayang mawala ka.

"It's over, Theia."

Tinanggal niya yung kamay ko.

"If you really love me, maiintindihan mo 'ko." He said. "Kung mahal mo talaga ako, you'll let me go."

Ganun ba dapat? Kapag mahal mo dapat mong pakawalan?

Pero paano kung hindi ko kaya?

Paano kung sa sobrang sakit, ayaw kong mawala siya?

I opened my hand and saw his ring. Yung kapartner ng promise ring na binigay niya sa'kin.

I looked up and saw nothing.

Wala na sila. Umalis na siya.

Iniwan niya na ko.

Sabi niya mahal niya ako.

Pag mahal mo naman, hindi mo dapat iwanan di ba?

Pero umalis siya.

Iniwan niya parin ako.

Iniwan ako ng taong pinakamamahal ko.

Kasabay ng sakit na nararamdaman ko, bumuhos yung malakas na ulan.

I couldn't breathe..

Tumingin ako sa paligid pero walang ibang tao.

Ako lang.

Hindi ko mapigilan yung paglabas ng luha ko.

Umiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko.

Mamamatay na ba ako?

"THEIA??? ALETHEIA?! BABBYY!!"

"Theia, wake up! You're dreaming!!!"

"Theia!! Please!!!"

Ramdam ko yung pag-uga ng katawan ko.

"NATHANN!!!!"

I opened my eyes. Pawis na pawis ako. Hingal na hingal. Umiiyak. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa'kin.

"Oh, baby!!!" Niyakap agad ako ni Mommy.

"Mommyy!"

"You're okay, baby." She said over and over. "You're safe. Mommy's here..."

It took time bago ako huminahon. Binitawan rin ako ni Mommy.

"Are you alright?? Alalang alala kami sa'yo."

"Yes, Mommy..."

Inabutan ako ni Kuya ng tubig. Lahat sila nasa kwarto ko. Si Mommy, Daddy at Kuya Alec.

"Sumisigaw ka at umiiyak." Sabi ni Daddy. "You scared us. This was the first time na binangungot ka."

"I'm so sorry, Daddy.. I don't know what happened."

I looked at Mommy and saw her crying.

Ayaw kong nakikita siyang umiiyak.

"I'm sorry, Mommy."

"It's okay, baby. Go change your clothes and sleep." She said while wiping her tears. "Basang basa ka ng pawis mo."

"Yes, Mommy." Kiniss ko siya sa cheeks at niyakap. "I love you."

"Come on, Hon." Sabi ni Daddy. "Let's go. Let her sleep."

"Good night, baby. I love you." Niyakap ako ni Mommy at kiniss sa cheeks. Daddy kissed me on the forehead.

"Good night, Mommy and Daddy."

After changing, I saw Kuya holding my phone. Wala na sina Mommy at Daddy pero nandun parin siya.

Hinayaan ko nalang siya dahil wala naman kaming tinatago sa isa't isa. Lagi lang naman siyang naglalaro everytime he uses it.

"Are you sure, you're okay?"

"Yes, Kuya."

"Alam mo ba kung bakit tinawag na nightmare ang panaginip na hindi maganda?"

"No..."

"Because it's our greatest fear." He said. "Lahat tayo may kinakatakutan. Lahat tayo may mga bagay na ayaw nating mangyari."

I nodded.

Yes, losing Nate was my greatest fear.

He's my first and last love. Siya lang ang mamahalin ko ng ganito habang buhay kahit mawala ako.

"So, what was your dream about?"

"...."

I was hesitating whether to tell him or not. May possibility kasing sabihin niya kay Nate which is not a good idea. Napakaclose kasi nilang dalawa.

"What?" He raised his eyebrow. Natatawa tuloy ako sa kanya.

"You look gay, Kuya!" Sabi ko. "It's my first time seeing you do that."

"Do what?" Ginalaw galaw niya pa lalo yung dalawang kilay niya kaya lalo akong natawa.

"KU-YA S-TO-P!! HA-HAHAH-A!!!" He even tickled me which made it harder to stop.

"Ikaw ha. Pinagtatawanan mo na yung kuya mo." He finally stopped. "Ayan ang napapala ng mga kapatid na tulad mo."

"Ikaw kasi! Mas mukha ka pang si Ate Naomi."

"I must've gotten that reaction from her then." Napangiti naman siya.

Ate Naomi is Nate's sister. Same age as Kuya and they're in a relationship too. Hindi lang ako ang pumapag-ibig no.

"Bagay na bagay kayo, Kuya." I smiled knowing that this will make him forget our topic. "Ang swerte sa'yo ni Ate Naomi."

"Siya ba talaga yung swerte?" Napakamot sa ulo si Kuya. Nahiya yata. Ang cute. "Then why do I feel like I'm the luckiest person on earth because she chose me?"

"Ayieeee!! Ang arte!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Sige parehas na kayong maswerte sa isa't isa. Ang cheesy ha!!"

"Matagal na kong cheesy no." He smirked then his face turned serious. "So ano na nga kasi yung panaginip mo?"

Akala ko nakalusot na. No more joking around with Kuya pag ganito siya.

"Can you promise that you won't tell Nate?" Ako naman yung nagtaas ng kilay ngayon.

"Hmm... fine."

Kahit nagdadawang isip ako, sinabi ko parin sa kanya.

"Magkahawak sila ng kamay papalapit sa'kin."

Kuya would know who I was talking about even without names.

"He broke up with me.." I smiled bitterly.

Isang mapait na ngiti para sa isang mapait na panaginip.

"And then sila na ulit nung ex niya."

I didn't realize that I was touching the ring that Nate gave me until Kuya took that hand and held it.

"We all know how much he loves you, Theia." He said. "He will never do anything to hurt you."

Tumango ako. I know that. Hindi lang alam, ramdam ko pa.

"Pero bakit nag-aalala ka pa rin?"

Kuya knows me too well. Minsan mas alam niya pa yung iniisip ko kaysa sa'kin.

"Wala kasing sigurado sa mundo." I told him. "May mga taong ngang naghihiwalay parin kahit kasal na. May mga taong nagkakagusto sa iba kahit may karelasyon na. People fall in and out of love, Kuya. Parang nature na ng taong mag hanap o makahanap ng iba."

"What do you need then?" He asked. "Assurance?"

"Hindi ko rin alam.." Sabi ko. "I'm just scared.. Siguro tulad rin ng ibang babae, ayaw ko lang na mawala yung taong mahal ko."

"Theia, wala talagang kasiguruhan sa mundo." Sabi niya. "Like what you said, people fall in and out of love. Tulad mo, natatakot rin akong mawala si Naomi. It's normal to be scared but we can't let fear eat us."

"I don't believe na nature ng tao ang maghanap at makahanap ng iba. Bakit may mga tumatanda ng magkasama? Ang dami namang iba dyan but they stayed committed and in love with one person." He pointed out. "It all comes down to choice, Theia."

I fell silent.

Lagi siyang tama kapag nag sasalita siya. Laging may point. Kung debate lang to, talo na ako.

"What if I lose him? Anong gagawin ko?"

That's my greatest fear.

Losing Nate.

Losing the person I love the most.

"Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag nawala sa'kin si Naomi. But shit happens and life goes on." Kuya said. "We can't control anything. Pahalagahan mo pag nandyan pa. Pag wala na, edi hayaan mo na."

"Pero.."

I hate thinking negatively pero minsan, hindi ko rin makontrol yung utak ko.

Natawa naman si Kuya.

"Takot na takot din ako tulad mo." Napatingin ako sa kanya nung humina yung boses niya. "We've been together for 8 years pero di parin mawala wala yung mga 'paano kung ganito' o 'paano kung ganyan' moments. We both feel the same way pero alam mo ba kung anong ginawa namin?"

Patuloy lang akong nakikinig kay Kuya. Madalas kaming nag uusap pero ito yung favorite ko.

Heart to heart talk.

"Every time na may doubts kami or moments na nag iisip ng kung ano ano, we will always tell each other. We're too open and that's what I'm most thankful for. Kapag may pagkakamali kami, hindi namin ginagamit yun na rason bilang kahinaan ng isa't isa."

"Whenever either one of us feel sad, mas lalo kaming nagmamahalan because love shouldn't make you feel anything less, Theia. Buo ka nung pinili mong magmahal. Buo ka parin dapat habang nagmamahal ka. Walang nauubos. Dapat pinupunan niyo lang yung isa't isa."

"Do you think he'll stay as well?"

Kapag nalaman kaya ni Nate na ganito ako mag isip pipiliin parin niya ko?

"Theia, you know him better. Alam mo naman na maiintindihan ka niya diba?" Sagot niya. "You need to tell him. He deserves to know what you're thinking, Theia. Parehas kayong nasa relasyon."

"Hindi pwedeng nag-iisip ka ng kung ano ano tapos wala siyang ideya. You have to fight your battles together as a couple."

"Pero paano kung umayaw siya..?"

"Love is a choice, Theia." He said. "Sa tingin mo ba hahayaan naming ligawan ka niya if he doesn't love you? We trust him. Naniniwala kaming hindi ka niya pababayaan."

He kissed my forehead and stood up.

"Don't worry about the things we can't control. Mahalin niyo lang ang isa't isa para sa dulo, hindi niyo pagsisisihan ang mga bagay na hindi niyo ginawa."

"Sige na, matulog ka na ulit." He smiled and left the phone beside me. "Good night, sis."

"Thank you, Kuya. Good night."

Tumayo ako at inayos yung higaan but when I turned around, he was still standing by the door, smiling.

Ngiti ng bata na may ginawang kalokohan.

"What?" I felt curious. "May ginawa ka nanamang kalokohan no?"

I can't help but think na may ginawa talaga siya.

"Bakit? Lagi ba kong may ginagawang kalokohan?"

"Lagi kaya!" It's true. Kapag ganyan si Kuya malamang may ginawa siyang hindi maganda.

His smile grew bigger. I swear kung hindi ko lang siya kapatid, iisipin kong may masama siyang balak.

"By the way..." Dahan dahan niyang sinabi sabay sarado ng pinto. "Nathan is on call. Enjoy the night!"

WHAT DID HE JUST SAY???

"YOU PROMISED NOT TO TELL HIM!" I shouted back sabay takip ng bibig.

Baka marinig ako nila Mommy at Daddy!

"I DIDN'T SAY ANYTHING! IKAW ANG NAGSABI!" I even heard him laugh.

I felt bad. Na-guilty ako bigla sa mga pinagsasabi ko kanina. Masyado akong dumaldal dahil sa mga tanong ni Kuya.

Kasalanan niya to!

I grabbed my phone and tapped the screen.

Almost 1 hour nang naka-on yung call. Ibig sabihin narinig niya lahat???

It's almost midnight. Lagot ako nito kay Nate. Ayaw niya pa namang gising pa ako ng ganitong oras.

I clicked the loudspeaker and listen.

"Alam mo namang importante sa'min si Theia, di ba?"

"Mommy????"

Nagulat ako na pagka-loud speaker ko, boses niya yung narinig ko.

I'm sure si Mommy yung nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Ano ka ba, baby. Shut up ka muna. I'm still talking to my future son in law."

Si Mommy nga. I even heard Daddy and Kuya's laugh. Does that mean..

Nasa loob ng bahay si Nate????

Pero paano???? May family gathering sila.

"Yes, Tita." He's really here. "Importante rin po siya sa'kin."

"Starting today, Mommy nalang ang itawag mo sa'kin." Sabi ni Mommy. "When are you two planning to get married? Napaguusapan niyo na ba yun ni Theia?"

"Mommy!" Singit ko agad. Nakakagulat yung mga tanungan niya.

"Baby, shh ka muna dyan okay?" Sabi niya. "Gusto ko munang kausapin ang future son-in-law ko. Is that alright?"

I kept my mouth shut. I don't know why I'm still here sitting on my bed, kahit alam kong nasa sala lang naman sila. Hindi ko makaila na gusto ko ring marinig yung sagot niya.

"Now, nasaan na ba tayo? Oh, yung sa kasal." Sabi ni Mommy. "Is it okay to ask you this? Tutal dun rin naman ang punta niyong dalawa ni Theia, di ba?"

"Opo Mo-..."

"Mommy, parang pinapamigay niyo naman ako." Singit ko sa kanila.

Pero sinabi niyang dun rin ang punta namin! Hindi ko tuloy mapigilang kiligin. Sige pa Mommy magtanong ka lang! HAHAHA.

"Bakit ayaw mo ba?" Asar ni Kuya.

Syempre gusto. Mahal na mahal ko kaya yan pero syempre dapat pakipot muna. Haha.

"Of course not.." Bulong ko. "But you're pressuring him baka takasan niya ako."

"Nathan already said that it's okay to ask him these questions." Sabi ni Daddy. "Syempre gusto na naming masigurado ang future mo."

"Mahal na mahal ko po si Theia, Tito." Narinig kong sabi ni Nate. "Wala po akong balak na takasan siya o kung ano man. I will never ever leave her."

"Daddy nalang rin ang itawag mo sa'kin." Sabi ni Daddy. "Alam mo naman yung kalagayan niya diba? But we wanted her to live a normal life tulad ng iba. We don't want her to feel different."

Naririnig kong humihikbi na si Mommy. I'm starting to get emotional too. Bakit pa kasi ako?

"Yes, Daddy. Alam ko rin pong mahal na mahal niyo si Theia." Hindi ko talaga mapigilang kiligin sa sinasabi ni Nate mga magulang ko ngayon. "I will love her and take care of her. I will do everything and anything to make her happy."

"Thank you for loving her so much, Nathan."

"So, kailan ang kasal?" Tanong ulit ni Kuya.

Okay, that's it. Bababa na 'ko. Si Kuya talaga hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. Tumingin muna ako sa salamin at nagtali ng buhok.

Bubuksan ko na sana yung pinto pero mas nauna pa 'tong magbukas bago ko pa mahawakan yung knob.

"Nate?"

******