webnovel

Immortal Destroyer: Upheaval [Volume 2]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · ตะวันออก
เรตติ้งไม่พอ
97 Chs

Chapter 69

"Wag kayong mag-alala inay at itay. Magagawan ko ito ng paraan tsaka mayroong tutulong sa akin upang makasali sa patimpalak na gagawin ng Cosmic Dragon Institute para mangrecruit o mamili ng mga kukunin nitong mga estudyante o disipulo. Malay natin, makapasok ako hindi ba hehe." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa pabirong tono ng pananalita. He just act like he just dreaming it and aiming a slot to be one of the participants to join the competition.

"Balita ko ay nagbago ang patakaran ng Cosmic Dragon Institute ngayong taon. Ilang buwan na lamang ay gaganapin na iyon. Sapat na ba ang oras mo anak upang makapasok doon?!" Sambit ng magandang ginang na si Li Wenren. He just worried about his son's safety. Mas malaki at malawak ang Dou City kumpara sa apat na kaharian. He just don't want he own child died horribly in that kind of dangerous land where Cultivation is a living and honor belongs to the strongest. Alam noyang ang patayan doon ay legal at walang anumang makakasalba sa iyo laban sa mga kaaway mo kundi ang mismong background mo.

"Oo nga anak. Mag-iingat ka ha. Ang tanging mapapayo ko lamang sa iyo ay mag-ingat ka sa paglalakbay mo. You can't just get yourself killed. Ang buhay mo ang pinakaimportante anak kaysa sa materyal na bagay." Madamdaming habilin ng magandang babaeng si Li Wenren sa anak nitong lalaking si Li Xiaolong. Bilang isang ina ay mayroon sa parte niyang gusto niyang panatilihin ang anak niyang si Li Xiaolong rito ngunit alam niyang isusuko nito ang sarili nitong pangarap na maging malakas na cultivatior. Isa pa ay malaking problema nila ang mismong awtoridad ng Sky Flame Kingdom. There are like a vicious wolves at alam niyang hindi magtatagal ay lalabas ulit ang mga nagtatalasang pangil ng mga ito. Sa ngayon ay nagpapalamig pa ang mga ito dahil sa masalimuot na balita na nagnagahulugan lamang na mainit pa rin ang mata ng mga karatig nito kaharian. Kahit gaano pa kasakim at ganid ang mga namumuno sa kaharian ng Sky Flame Kingdom ay marunong din naman itong mag-isip ng gagawin sa sitwasyong ito kaya nauunawaan niya ang kaniyang sariling anak. Hindi kasi maaaring mamatay lamang silang lahat sa lugar na ito. Bilang isang ina ay hindi niya maaaring balewalain ang panganib na dulot ng mga ganid na namumuno sa loob ng Sky Flame Kingdom. Gusto niyang mabuhay ang anak niya at kung ang paglayo nito ay tanda ng pag-unlad ay magiging masaya siya sa mga ito. Alam niyang may ginawa ang anak niya upang masiguradong maililigtas sila kung sakaling mangyari ang hindi nila inaasahang kaganapan sa hinaharap. Sa tingin nga niya ay hindi niya na alam kung gaano na kalawak ang pag-iisip ng anak niya. Talagang napakaswerte niya kung tutuusin. she just don't know how lucky they are.

"Maraming salamat po inay at itay sa inyong mga payo. Asahan niyo pong itatatak ko sa aking puso't isipan ang mga aral na itinuro niyo sa akin. Hindi man ako sigurado kung magtatagumpay ba ang paglalakbay kong ito sa Dou City pero wala namang masama kung susubukan ko hindi ba. Kayo na rin po ang nagsabing hindi kailanman nagtatagumpay ang laging umuurong sa laban pero hindi masamang umatras minsan." Nakangiting sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang salitan niyang tiningnan ang gawi ng kaniyang mga magulang. Masuwerte din siya dahil mayroon siyang mapagkalingang mga magulang.

"Mabuti naman kung ganon anak. Aasahan ko ang iyong pagbabalik. Magtagumpay ka man o hindi. Alalahanin mong nandito lang kami ng itay mo. Pamilya tayo hindi ba?!" Maluha-luhang sambit ng magandang ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren. Hindi man niya maisatinig ang labis na takot at pangamba sa gagawing paglalakbay ng anak niya sa Dou City at sa mismong paaralan na Cosmic Dragon Institute ay alam niyang may puwang pa rin ang tahanan at angkan nila para sa anak niyang si Li Xiaolong.

Crreeeakkk!!!

Bigla na lamang lumangitngit ang pintuan nila sa bandang kusina. Parehong napatingin sina Li Xiaolong at ang mga magulang niyang si Li Wenren maging ang itay nitong si Li Qide.

"Bakit gising ka pa Zhilan?! Akala ko ba ay matutulog ka na?!" Nagtatakang sambit ni Li Qide na siyang ama o tumatayong haligi ng tahanang ito.

"Ah--- eh---!" Tanging nasambit ng magandang batang babaeng si Li Zhilan habang napakamot pa ito sa kaniyang ulo pero bigla na lamang naputol ang sasabihin nito nang magsalita si Li Wenren.

"Sa ilang araw niya pa lamang rito este ilang gabi ay madalas itong lumalabas kung gabi. Kung hindi naman ay palaging gutom." Sambit ng magandang babaeng si Li Wenren habang naka-cross arms pa itong nakatingin kay Li Xiaolong habang nakataas ang kilay.

Tila naningkit naman ang pares ng mata ni Li Xiaolong sa batang babaeng kinakapatid niya na si Li Zhilan. He don't know kung ano na naman ang patutsada ng ina niya dahil sa kagagawan ng kapatid.

Mabilis namang lumamlam ang pares ng mata nito nang tumingin siya sa mga mata ng kaniyang butihing inang si Li Wenren.

"Hindi po ako ang dapat niyong tanungin ina. Siya lang naman yang mahilig maligo sa ilog eh. Wala po akong kinalaman diyan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila nangangamba siyang pagalitan muli ng kaniyang sariling ina.

Sa loob kasi ng ilang araw ay madalas na ding pumupunta sa ilog ang kapatid niyang si Li Zhilan. Kung hindi niya pa aayain itong umalis na sa tubig ay hindi ito aalis. Sa huli ay siya pa rin ang pinapagalitan ng kaniyang sariling ina.

Mas malala ngayon, kasi gabi-gabi na ito pumupunta sa Bloody Gem River. Kulang na lang ay doon na ito tumira.

Nakabusangot namang tiningnan ng magandang batang babaeng si Li Zhilan ang kinakapatid nitong si Li Xiaolong.

"Hay naku kuya. Matatanong pa ba nila ako kung sinabi mo na ang dahilan. Hay naku!" Sambit ng batang babaeng si Li Zhilan habang halos di na maipinta ang mukha nito.

Nakaramdam naman ng pag-iinit ang kaliwang tenga ng magandang batang babaeng si Li Zhilan na siyang dahilan kung bakit siya napasigaw sa sakit.

"Ang sakit! Nay naman eh huhu... Bakit ako lang ang pinipingot mo dapat si Kuya Xiaolong din!" Sambit ng magandang batang babaeng si Li Zhilan habang nakatabingi ang ulo nito dahil sa lakas ng pagkakapingot sa kaniya ng kaniyang sariling ina.