webnovel

Immortal Destroyer: Upheaval [Volume 2]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · ตะวันออก
เรตติ้งไม่พอ
97 Chs

Chapter 58

Agad namang pumasok ang batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang hindi pa rin ito bumalik sa dati nitong anyo aside from his disguise look. Mas mabuti nga ang ganitong klaseng pagbabalat-kayo kaysa ilantad ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaniyang sariling totoong anyo at itsura na siguradong magiging disadvantage niya sa kung anumang nialalng na masagupa niya lalo na ng mga kapwa niya martial artists.

Hindi na kasi ordinaryong senaryo ang pangingikil o pangingitil ng buhay rito. Madalas kasing naririto ang mga Rogue Cultivators na siyang mayroong iba't ibang klase ng gawain sa loob ng Hidden Forest. Halimbawa na lamang rito ay iba't ibang mga maduduming gawain ng karamihan sa mga ito na nagpo-form ng grupo-grupong miyembro upang ihanda ang mga sarili nila sa pag-ambush, pagnakaw ng gamit ng iba, pambubugbog, pangtu-torture, pagkitil ng buhay at iba pa na labag sa human law. Kung gaano ka-behave ang mga martial artists o grupo ng mga martial artists sa loob ng bayan ay kaibahan naman ito sa hindi sakop na lugar na pinamamahalaan ng Sky Flame Kingdom. Isa lamang ang Hidden Forest sa maituturing na unlawful place at law of jungle ang sinusunod ng mga ito. Dito ay hindi lamang mga delikadong mga halimaw ang masasagupa mo kundi maging ng mga delikadong mga nilalang kagaya ng mga Rogue Cultivators ang matatagpuan mo rito. Marami pang mga nilalang ang naririto na delikado din kapag naprovoke mo ang mga ito kagaya ng mga serial killers, assassins, swordmasters at iba pa.

Agad namang pinakiramdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaniyang kapaligiran. Alam niysng hindi siya maaaring makampante lamang sa katahimikan ng lugar na ito na siyang tinatapakan niya na sakop na ng Hidden Forest. Gusto niya lang magpalipas ng oras dito bago siya umuwi sa Green Valley kung saan ang angkan niya. Wala siyang planong mag-aksaya ng oras upang magliwaliw dito kundi ay suriin ang lugar na ito. Dito siya dadaan sa susunod pero it doesn't mean na makakampante lamang siya lalo pa't hindi niya alam ang patakaran rito. Plano niyang maglakbay sa susunkd ng mag-isa lamang at gusto niyang tuklasin ang mga bagay-bagay rito o kung may sistemang sinusunod dito.

Naglakad-lakad pa ang batang lalaking si Li Xiaolong habang sumasayad ang kupasing roba na kaniyang sariling suot sa lupa o sa mga damuhan na kaniyang nilalakaran ngunit di pa rin nito ibinababa ang kaniyang depensa sa mapanganib na lugar na ito.

Sa ibang parte ng Hidden Forest...

BOGGGGSSSSHHHH!!!!

Puno ng galos ang katawan ng magandang dalagang si Yì Hua habang sa hindi kalayuan lamang ay ang kaniyang sariling tiyuhin na walang iba kundi si Elder Yì Huizhong na sugatan din. Hindi naman ganoon kalala pero nasaktan din sila sa ginawang pag-atake ng kanilang kalaban sa kanila.

Mayroong limang nilalang na nasa harapan nila. Matamang nakatingin ng may ngiti sa kanilang mga labi ang mga ito.

Ang dalawang nilalang na nasa unahan ay masasabing kakikitaan ng natural na maitim na aura na nakapalibot sa mga ito na ito'y tanda na marami na ang mga itong napaslang na mga inosenteng buhay. Isang lalaking punong-puno ng piercings sa mukha na para sa dalaga ay naoakapangit tingnan nito habang ang isang nilalang na katabi lamang nito ay nakasuot ng kulay pulang cloak. Parang pamilyar sa magandang dalagang si Yì Hua ang mga boses ng mga ito ngunit di niya maaalala kung saan.

Kanina pa sila napapalibutan ng mga ito sa lugar na ito at ang dalawang nilalang sa harapan nila na ilang metro lamang ang layo sa kanila ang masasabi niyang mastermind ng pangyayaring ito.

"Ibigay mo sa amin ang Blue Crystal Pill o hindi?!" Direktang sambit ng lalaking martial artist na puro piercings sa mukha nito habang nakangisi pa ito ng malademonyo. Mabilis nitong inilahad ang kanang kamay nito na tila gusto nitong i-hand in sa kaniya ng magandang dalaga ang nasabing hinihingi nitong bagay.

Nabigla naman ang magandang dalagang si Yì Hua sa kaniyang narinig mula sa hindi kilalang martial artist. Hindi niya aakalaing ang lahat ng pangyayaring ito ay talaga namang dahilan lamang ay ang nasabing Blue Crystal Pill na siyang nasa kaniyang pangangalaga ngayon matapod niyang magbayad ng kaukulang halaga na dalawang milyong gold coins.

"Ano ka sinuswerte? Kaya pala pamilyar ang boses niyo ay dahil kayong dalawa ang nakalaban ko sa pag-bid sa Blue Crystal Pill pwe!" Mapaklang sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang nito mapigilang dumura sa harap ng limang nilalang na ito.

"Hahaha... Mabuti naman at alam mo. Isuko mo na ang Blue Crystal Pill sa amin dahil walang silbi iyon sa katulad mong isang hamak na Early Xiantian Realm Expert hehehe...!" Malademonyong sambit ng lalaking martial artist na puro piercings ang mukha nito habang makikitaan ng panghahamak ang tono ng pananalita nito. Halatang mababa ang tingin nito sa babaeng martial artists.

"Ano'ng karapatan mong insultuhin ako? Hindi mo ba ako nakikilala huh?! Wag kayong msgkakamaling gawan ako ng masama dahil hindi ako magdadalawang isip na ipapaslang kayong lahat!" Matapang na sambit ng magandang dalagang si Yì Hua na puro galos ang katawan nito habang sinubukan pa nitong tumayo kahit na namilipit siya sa sakit dulot ng natamo niynag pinsala sa katawan.

Napatahimik ang lahat na siyang ikinasaya ng magandang dalagang si Yì Hua ngunit iyon ang malaking pagkakamali niya dahil mabilis na humagalpak ng tawa ang mga ito.

"Mukhang baliw kang dalaga ka. Maganda ka sana ngunit may pagkatanga ka rin pala noh? Ano'ng magagawa nila sa amin? Sa Hidden Forest na ito ay walang batas hehehe pwera nalang kung malakas ka hehehe..!" Sambit ng nakasuot ng kulay pulang cloak.

"Hahahaha... Natakot talaga kami hahahahahaha!!!!" Sambit ng lalaking martial artist na puro piercings ang mukha nito.

"Ang ignorante ng magandang babaeng ito. Tayo pa talaga ang tinakot nito hahahaha!!!" Sambit ng isang martial artists na mukhang goons.

"Mismo. Sino'ng tinakot nito hahahaha!!!" Sang-ayon din ng isa pang martial artists na mukhang goons din.

"May saltik siguro sa ulo yan kaya ganyan ang pinagsasabi nito hehehe...!" Sambit din ng isa pang martial Artists na mukhang goons. Talagang napatawa rin ito sa kaniyang sariling narinig mula sa mga martial artists na naririto.