webnovel

Immortal Destroyer [Volume 6]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
40 Chs

Chapter 1

Nakangising demonyo namang tumingin si Jīn Yun habang mahigpit na nakahawak sa mahabang espada nito na ngayon ay nakatutok pa rin sa leeg ng nasabing lider ng White Falcon Gang.

Ngunit mabilis niyang ibinaba ang sandata nito nang makita niyang malamig na tumingin sa kaniya ang nakakatanda nitong kapatid na si Jīn Shen na halatang hindi natutuwa sa pinanggagawa nilang magkapatid.

PAH!

Siniko ng lider ng White Falcon Gang ang tagiliran ni Jīn Yun na siyang dahilan upang mapaatras ito halatang nagulat ito habang nakatunghay sa papalayong lider ng nasabing gang.

Nakita naman niyang dumila pa ang kapatid nitong si Jīn Xin dahil sa mga pinanggagawa niya. Gusto niya pa sanang kutungan at turuan ng leksyon ang bunsong kapatid niya ay hindi na niya nagawa pa. Mahirap pa naman inisin at mainis si Jīn Shen dahil siya pa rin ang magmumukhang kawawa.

Padabog na lumakad si Jīn Yun sa kinaroroonan ng mga kapatid niya bago pa lumala ang sitwasyon. Sa mga titig pa lamang ng nakakatandang kapatid niya ay alam niyang hindi magpapatalo ang pesteng Jīn Xin na inismiran pa siya.

Wala siyang magagawa pa kundi ang kainin ang pride niya kundi ay siya rin ang mapapasama.

"Mabuti at alam niyong lumugar. Hindi ko aakalaing kayo pa ang ilalagay at ipapadala ni Boss na marami namang mas malakas pa sa inyo hmmp!" Walang kagatol-gatol na sambit ng mismong lider ng White Falcon Gang. Gusto niyang gumanti sa magkakapatid na ito lalo na kay Jīn Xin at sa nakapamainitin ang ulong si Jīn Yun.

Gusto niya ring ipakita rito na hindi siya basta-basta lamang maaapi ng sinuman lalo na katulad ng mga Blade Brothers na ito. Ano sila siniswerte? Sa misyong ito ay siya ang lider at siya ang masusunod. Ang mga Blade Brothers na ito ay gusto niyang ilugar sa kung saan lamang sila dapat lumugar.

Mabilis na nabalot ng tensyon ang buong lugar na ito matapos sabihin ng mismong lider ng White Falcon Gang ang mga katagang ito. It is almost dead silence filled this place. Hindi tanga ang mga taong naririto kung ano ang tono at ano ang mismong gustong ipakahulugan ng nasabing lider nang sabihin niya ito.

Makikita ang inis at galit sa mga mata nina Jīn Xin at Jīn Yun nang maabsorb nila ang katagang gustong ipahiwatig sa kanila ng lider ng White Falcon Gang.

"Pesteng bastardo, do you really think high of yourself. Alam naman natin na kami ang pinaka-suitable na eksperto sa misyong ito! Namumuro ka na sa pinapakita mo!" Puno ng confidence na sambit ni Jīn Xin habang hindi nito mapigilang gusto niyang maliitin ang pesteng lider ng White Falcon Gang.

"Lakas naman talaga ng loob mo na galitin kami ngunit do you really think na may mahahanap pa siyang katulad namin. Alam naman nating sa atin lahat dito ay ikaw lang naman ang pinakawalang utak dito. Kung sana ay di mo pinatakas ang pesteng yun edi sana wala tayong problema ngayon." Puno ng  panghahamak na saad ni Jīn Yun habang bakas ang pagkainis sa boses nito. Talagang malaki ang problema nito sa lider ng White Falcon Gang lalo na ang mga ginagawa nito ay nagpapainit ng ulo nila.

"Talaga ba? Tingnan natin ang kakayahan niyong hulihin ang pesteng nilalang na iyon. Wag niyong sabihing di ko kayo binalaan." Sambit ng lider ng White Falcon Gang. Masasabing talagang hindi niya aakalaing pinagdududahan pa siya ng mga ito. He is really capable but he knows that he can't beat that pest out of this world.

Napangisi naman ng malademonyo ang dalawang magkapatid na si Jīn Yun at Jīn Xin. Sa tinginan pa lang ng mga ito ay halatang may naiisip na naman ang mga ito.

Paismid na tumingin ang mga ito sa mismong direksyon ng nasabing lider ng White Falcon Gang.

"Sa paraan ng pagkakasabi mo ay nagpapatunay lamang na napakahina mo kumpara sa nakalaban mong tumakas. Tama ba ko?" Sarkastikong pagkakasambit ni Jīn Yun habang makikitang tila gusto niyang pasaringan ang sinasabi ng mismong lider ng White Falcon Gang.

"Mahina talaga ang gunggong na yan Kuya Jīn Yun, sinabi mo pa! Di ba naman siya tatakasan kung may kakayahan siyang paslangin ang pesteng nilalang na pinapahanap sa atin!" Puno ng pangmamaliit na saad ni Jīn Xin na makikitang tila ba hindi siya magpapatalo sa harap ng isang mahinang nilalang katulad ng lider ng maliit na gang na ito. Kung hindi lamang ito tanyag sa loob ng Chengdu Village ay wala din itong kakwenta-kwentang kausap maging ang pakikisama rito sa isang misyon ay hindi dapat.

Ano ang halaga ng isang nilalang na tumakas na iyon? Wala man lang silang masyadong impormasyon ukol rito, ipinapatugis lamang sa kanila ito at wala man lang masyadong mga deskripsyon kung bakit gustong-gusto nila itong ipahuli sa kanila.

"Hindi ako mahina. Sadyang hindi niyo alam ang kakayahan ng tumakas na nilalang. Maaaring mataas ang kakayahan niyo sa paggamit ng sandata niyo ngunit pareho pa rin ang Cultivation Level natin na mga Xiantian Realm Expert. Sigurado ba kayong tutulong kayo sa misyong ito o magiging pabigat lamang kayo?!" Wika ng lider ng White Falcon Gang habang hindi nito mapigilang supalpalin ang mga nagrereklamong magkapatid na ito. Mga walang matinong kausap ang mga ito dahil puro pasaring lamang ang alam nila.

Magsasalita pa sana ang magkapatid na si Jīn Yun at Jīn Xin dahil sa pangmamaliit ng mismong lider ng White Falcon Gang sa kanila ay nakita nilang inismiran sila ng nakakatandang kapatid nilang si Jīn Shen. Alam nilang hindi ito natutuwa sa pinanggagawa nila lalo na patungkol sa usaping ito.

Wala silang magawa kundi tumahimik upang di na nila mainis ang nakakatandang kapatid nila. After all, ito ang namumuno sa kanila lalo na sa mga misyong tinatanggap nila.

Mabilis na tumingin si Jīn Shen sa pwesto ng lider ng White Falcon Gang at mabilis na nagwika.

"Pagpasensyahan mo na ang mga kapatid ko. Maaari na ba tayong magsimula?" Seryosong saad ni Jīn Shen habang makikitang matiim itong nakatingin sa lider ng White Falcon Gang.

Wala siyang pakialam sa personal na buhay ng iba. Nandito siya dahil sa misyong tinanggap niya. Salapi lang naman ang habol niya rito at gawin ang pinaggagawa sa kanila.

Walang pag-aalinlangang tumango na lamang ang Lider ng White Falcon Gang. Wala siyang magagagawa kundi ang makipagtulungan sa Blade Brothers kundi ay siya rin ang mapapasama sa harap ng boss nila.

Tama nga ito ng pagkakahinuha na ang matino lamang rito ay ang lider ng magkakapatid na ito na si Jīn Shen.

Nakita na lamang niya ang papalayong pigura ng tatlong magkakapatid na Jīn at mabilis na kumilos ang mga ito papasok sa direksyon kung saan nariron ang daanan patungo sa masukal na kagubatan ng Disenchanting Forest. Mabilis ring sumunod ang ibang mga ekspertong pinadala upang dagdag bilang para gumalugad ng masukal na lugar na maaaring pinagtataguan ng nilalang na gusto nilang tugisin at mahuli ng tuluyan.

Sumunod na ring lumakad papasok ng masukal na kagubatan ang grupo ng White Falcon Gang maging ang mga ibang mga martial arts experts para masimulan na ang misyong tinanggap nila.