webnovel

Immortal Destroyer [Volume 6]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
40 Chs

Chapter 17

Halos lahat ng mga mamamayang sakop ng Green Martial Valley Union ay naririto. Literal na lahat ng uri ng mga miyembro nila mapabat, sanggol, matanda o mga kadalagahan at maging ang mga kabinataan ay naririto sa lugar na ito halatang nagtataka din ang mga ito.

"Magandang araw sa inyong lahat. Naririto ako sa harap niyo upang ipagbigay alam ang masamang balitang nalalapit ng mabura ang titulo ng Sky Flame Kingdom bilang isang kaharian alinsunod sa oinagsamang pwersa ng tatlong kaharian ng Hollow Earth Kingdom, Sky Ice Kingdom at Wind Fury Kingdom. Nabunyag na ang katotohanang ang Sky Flame Kingdom ang nagpasimuno ng rebelyon lalo na ang itinalagang Crowned Prince at iba pa. Ang ating nalalapit na kamatayan sa nalalapit na matinding labanan upang maging hunting ground ng mga nagtatagong mga kalaban mula sa labas at mga umaalyansa para sa rebelyon ay tutugisin, dadakipin at papaslangin sa Sentral na lugar ng Dou City. Wala ng kinalaman ang mga opisyales ng tatlong kaharian at ang Dou City sa maaaring naapektuhan sa nasabing mga gulo." Seryosong saad ni Ginoong Li San na nagsisilbing pinuno ng Green Martial Valley Union sa kasalukuyan. Bakas ang labis na kalungkutan sa mukha nito habang nakatingin sa mga nasasakupan nitogn mga mamamayan ng Green Valley. May hawak pa itong mahabang scroll na siyang naging basehan sa pagsasabi nito ng nasabing hindi magandang anunsiyo mula sa mga opisyales ng tatlong kaharian at ng Dou City.

Mabilis na gumuhit ang mga pagkagulat maging ang labis na kalungkutan sa mukha ng mga mamamayan ng Green Valley. Halatang isang malaking problema ito para sa papalakas pa lamang na union ng mga mahihinang mga angkan.

Ngunit meron talagang hindi talaga makapagpigil na hindi makisawsaw sa mga usapin patungkol sa sigalot na kinakaharap ng Sky Flame Kingdom dahil damay-damay sila sa masamang balitang ito.

"Bakit naman tayo madadamay sa problema ng Sky Flame Kingdom na iyan? Kailan pa tayo naging kasapi ng pesteng kahariang iyan na maski tayo ay alam nating pinabayaan nila tayo na parang mga basura lamang tayo sa paningin nila!"

"Maging ako ay hindi makakapayag sa desisyon ng Dou City lalo na ng tatlong karatig kaharian ng Sky Flame Kingdom!"

"Ayoko mang makisawsaw sa usaping ito ngunit masyado namang hindi makararungan ang gusto ng mga nakakataas na mga opisyales ukol sa desisyon na ito!"

"Masyado tayong naiipit noon pero mas inipit pa tayo lalo ng pesteng mga kaharian na iyan ukol sa desisyon ng Dou City!"

"If we all know, pabor sa tatlong mga kaharian ang kagustuhan ng Dou City na ipawalang-bisa ang titulo ng Sky Flame Kingdom para sila ang makinabang!"

"Wow ha, hindi nila sagutin ang mga masasamang mangyayari sa loob ng Sky Flame Kingdom?! Talaga nga naman o! Tayo ang magdurusa sa ginawa ng Crowned Prince na yan at ng iba pang sangkot sa sinasabing rebelyon hmmp!"

"Dapat ay paslangin na lamang ang nagkasala hindi yung mga inosenteng nilalang na madadamay ay paramg wala na silang pakialam. Nasaan ang hustisya?!"

Tila nagkakagulo na sa malawak na pangunahing cultivation ground ng Green Martial Valley Union lalo na ang patungkol sa usaping mawalan na ng bisa ang titulo ng Sky Flame Kingdom bilang kaharian. Ano pa ang magiging papel nila kung sakaling sila na mismo ang aktuwal na gagawan ng gulo ng mga gustong sumakop sa kanilang lupain mula sa alinman sa tatlong kaharian.

Tila pinagpawisan naman ng malala si Ginoong Li San sa mga dinadaing ng mga nasasakupan niya. Halatang wala silang magagawa sa maaaring sigalot na sinapit ng Sky Flame Kingdom.

Habang naririnig at nakikita ng batang si Li Xiaolong ang pagpanic ng mga  mamamayan ng Green Martial Valley Union ay halatang hindi talaga pabor sa kanila ang bagay na ito.

Gustuhin man ng batang si Li Xiaolong ang nangyayaring pagbagsak ng Sky Flame Kingdom ngunit hindi sa ganitong pamamaraan lalo na at sila mismo ay maaaring maapektuhan sa nasabing kaguluhang mangyayari sa oras na sumiklab ang hindi nila inaasahang mga bisitang sasakop sa kanila.

Hindi niya aakalaing pagkatapos ng mga ginawa niya ay higit na alerto ang Dou City sa maaaring malaking gulo at banta sa lahat.

Agad na nag-isip ng pamamaraan ang batang si Li Xiaolong upang hindi tuluyang malugmok ang Sky Flame Kingdom at mabura ang Green Martial Valley Union mula sa kaguluhang noong nakaraang mga linggo pa nagsisimula.

...

"Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong magpakita rito sa bulwagan ng palasyo Crowned Prince! Matapos ang ginawa mong gulo ay may gana ka pang magpakita?!" Galit na galit na saad ni Prince Nianzu habang mabilis nitong itinutok ang mahabang espadang hawak-hawak nito ng mahigpit. Talagang makikitang walang pagbibiro ito sa kaniyang mga sinasabi.

Napangisi na lamang ang Crowned Prince habang nasa likuran lamang nito ang isa pa nitong kapatid na si Prince Yaozu. Talagang makikitang mainit ang dugo ng dalawang panig dahil nagpang-abot sila sa mawalak na bulwagang ito ng Sky Flame Palace.

"Tigil-tigilan mo nga Nianzu ang Crowned Prince at ako ang harapin. Hindi kita uurungan kung yun ang gusto mong palabasin." Galit ring saad ni Prince Yaozu habang nilalakihan nito ang mga nito habang bakas ang labis ng pandidilat ng mata nito. Halatang di ito magpapatalo sa aniya'y peste niyang kapatid na siyang humahadlang sa mga plano nila.

"Wag kang sumabat dito Yaozu kung ayaw mong madamay sa gulong ang mismong ang Crowned Prince mismo ang nag-umpisa!" Puno ng pagbabantang wika ni Prince Nianzu na halatang hindi ito magpapasindak sa presensya ng dalawang kapatid niya. Kay Prince Yaozu niya naman itinutok ang mahabang espadang hawak-hawak niya. Abot langit na ang galit niya sa mga oras na ito.

Ikaw ba naman na galing sa matinding paglalakbay at kailangan mo pang pangunhanan ang hukbong sandatahan sa bawat gawain ng mga ito tapos ang Crowned Prince ay mukhang nagliwaliw at inabuso ang kapangyarihan nito upang gumawa ng matinding problema sa kaharian nila.

Halos lahat ng meron sila noon ay parang bigla na lamang naglaho nitong nakaraang mga linggo. Ang mga kaalyansa ng Sky Flame Kingdom nila ay tinalikuran sila, ang mga bagay at mga nilalang na akala nila ay tutulungan sila ngunit parang napako ang lahat ng mga ito. Isa lang naman ang dahilan at ito ay dahil sa pagsisimula ng Crowned Prince ng rebelyon sa tatlong kaharian lalong-lalo na ang Dou City.

Maraming mga sulat ang dumating sa kanila at karamihan sa mga ito ay puro mga pagbabanta ang laman ng mga mensahe.

"So ano'ng gagawin ko, umiyak? Alam naman natin Nianzu na madirito na ang problema, alangan namang wala tayong gawin at magpapaapi lamang tayo sa mga pesteng kaharian na yan lalo na ang Dou City. Hinding-hindi mangyayari iyon!" Galit na saad ni Prince Yaozu. Halatang hindi ito makikinig sa pinagsasabi ni Prince Nianzu.