webnovel

Ikigai

Iam_Jeaaaa · วัยรุ่น
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 13

Chapter 13: Away Bati

June 6, 2019

Dylan's POV

Haysus! Maiipit ako neto eh!

Alam ko namang wala na sa mood si Rydien dahil na-inis siya kay Rhys.

Ito kasi yung nangyari.

'Hindi ako madaldal ah! Slight lang! '

•FLASHBACK•

"Ang tagal naman! " naiirita na singhal ni Rhys.

"Maghintay ka kasi! " sabi naman ni Rydien.

"Napakabagal naman kasi kumilos ng mga babae eh! " sigaw ni Rhys.

"Alam mo naman kasing maglinis eh 'no. NAGLINIS ! May tao bang naglilinis ng isang segundo lang?! Sabihin mong meron, tatamaan ka sakin. " dinuro pa ni ry si Rhys.

"Kahit hindi ko naman sabihing meron alam kong may matatamo ako eh. Come on! Punch me! " nang-hahamon ang boses ni Rhys na tumayo na sa pagkakaupo sa isang malaking bato.

"O sige na! Sige! " handa ng sinugod si Ry ng pumagitna ako.

"Hoy hoy hoy! Bawal iyan! " sabi ko.

"Palibhasa kasi! Under ka! " bulyaw ni Rhys kay Ry.

"Ulitin mo nga iyong sinabi mo. Ulitin mo! " sinenyasan pa ni Ry si Rhys na lumapit!

"Hindi mo narinig?! Sabi ko under ka! UNDER KA! Ayaw mong sabihan sila ng masama kasi under ka! " sigaw ni Rhys.

"Abay! Sinusubok mo ako ha?! Lapit na! " pumipigil na silang pareho pero sunigaw na ako ng malakas. As in yung sobrang lakas. Yung parang kay Clarize.

XD

"Pwede ba?! Kung gusto nyong mag-away— " pinutol nila ang sasabihin ko.

"ANO?! " they shouted in chorus.

:-\

"Kakatok muna ako sa kanila para kumuha ng kutsilyo para mas maging maganda ang away niyo. " hindi ako sure kung tama yung sinabi ko pero mas nanlalamang ang pagiging hindi sure.

:|

"Kahit wag na! " sabay ulit silang nagsalita.

Wala parin si Laster! Nagbabayad kasi sa guard para makapasok kami!

Mag-aaway pa sana sila ng bumukas ang pinto nila Clarize. Lumabas yung mommy niya at sinuway kami.

Umupo ako. Si Ry nagsisipa-sipa ng bato habang si Rhys ay nagce-cell phone.

"Sorry ang bagal ko. Tara na sa court. " paghingi ng tawad ni Clarize.

"It's okay. Tara na. " sagot ni Ry. Hindi kumibo o nagsasalita man lang si Rhys.

•END OF THE FLASHBACK•

Kinuha ni Jillian yung phone niya at.

"TING! TING! TING! TING! TING! TING! TING!" ang dami nun ah! Ang daming notifications ni Jillian! Sanaol.

Imi-mute ni Jillian ang phone niya at ibinulsa ito. Ni lagay niya ang isang kamay sa loob ng kanang bulsa niya at nilarolaro ang susi sa kaliwang kamay.

Malayo layo rin ang lakad namin pero parang naging maikli.

"We're here. " anunsyo ni JEA.

"We're not asking. Tsk! "rinig kong bulong ni Rhys.

"Jan alam mo? Para kang bakla! Ang sungit sungit mo! " sigaw ni Clarize.

"Anong tinawag mo sa akin? " naging mala apoy ang tingin ni Rhys sa kaniya.

"Jan. Bakit anong masama? 'Yun naman ang first name mo ah?! " pangangatwiran ni Clarize.

"No one dares to call me like that. You're different. " tila may pagkamangha sa tinig niya. Ngunit mas lamang ang pang-i-insulto niya.

"Why? " singit naman ni JEA.

"I hate it. " sabi naman ni Rhys na umupo sa sementong upuan.

"Okay. " wala ng nagsalita pa at nagsimula na kami.

"15 MINUTES break. " anunsyo ni Jillian.

'Whoo! Kapagod. '

Tumabi sakin si Jillian.

"I know something happened. C'mon tell it! " sabi niya na parang nae-excite.

"W-walang namang n-nangayari. " nauutal kong ani.

She smirked! I knew it! She is not convinced and she will force me to tell her the truth and if I say that I don't know it again Jillian will definitely punch me!

'Mama ko! '

"Tch! Namutla ka yata Mr. Makilig. " mapanunyang na sabi nito.

"Si-sige na nga! Ganito kasi iyon... " at kinuwento ko na sa kanya ang LAHAT LAHAT!

"Ahh. K. " nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. K. K. K LANG?!

"Clarize, Laster, Rydien and Rhys. " tawag ni Jillian sa kanila.

Heto na. Heto na. WAAAH!

Doobi doobi doo bi doo bi doo!

'Charot lang! Wala kasi sa hulog ang Author. Marami daw siyang projects kaya nabuang. '

"Say sorry to each other. " utos ni Jillian sa dalawa.

"Sorry. " si Clarize at Laster lang ang nagsalita.

Tumaas ang kilay ni JEA.

'Paktay! '

"No way/Sorry. " sabi ni Rhys at Ry.

"Get out. You two, get out. " pagkasabi at pagkasabi nun ni JEA ay lumabas si Rhys.

"Pfftt. " hagikhik namin nina Clarize at Laster.

'Pilosopo amp! '

"Why? " tanong naman ni Ry.

"Ayaw niyo mag sorry sa isat isa eh. Kaya hahayaan ko kayong lapain ng mga aso. Sige ka. Bawas pogi points kapag bumula iyang bibig mo. " mapanuyang na sabi nito.

"Hoy Rhys! " tawag ni Ry sa baklang pilosopo.

"Wag mo akong hinonoy-hoy lang! " balik na sigaw nito.

"Sige na kasi, magbati na tayo. " nagpout pa si Ry.

"You serious?! Ang pangit mo! Stay away from me! " nandidiring sabi ni Rhys kay Ry. Nakakadiri naman kasi talaga si Ry ngayon, hindi pa nga kinakagat ng aso, na-ulol na agad!

"Sige na kasi! Ayoko makagat ng aso! " pakiusap ni Ry.

"Fine. " sabi ni Rhys at nakipag kamay kay Ry.

"So! I hope you guys are done doing stupid things. Let us proceed para makausap ko si Sir regarding sa booth natin.

"May booth? " tanong ni Laster na kina tango ni Jillian.

"Ano sa tingin mo iyong booth? " I ask.

"Ewan. Basta sa booth daw, kailangan ma highlight yung talents ng mga bata. " she replied without looking at me.

"By the way, sa Saturday tayo gagawa ng booth. Mag-uusap usap narin ang mga advisers kung anong color natin. Basta sa mga grade 6 sa white. Hindi pa kumpirmado kung ano iyong ihahalo. " pagpapatuloy nito.

"Geh. Start na tayo. " sabi ko at nag-umpisa na kami.

Matagal tagal rin ang ginugol naming oras para sa pagpapractice. Sinabihan kami na dapat ay presentable kami para hindi mapa hiya sa susunod na Principal.

Kaya kasi kami nawalan ay dahil pinili ng former principal namin na umakyat sa higher level. Nasa district na siya ngayon at mas malaki na ang na hahawakan niya. Yung principal namin dati, binili narin itong school. Pero sabi niya hindi daw niya babaguhin ang pangalan ng school dahil iyon ang gusto ng 'Apo' niya. Sinabi niya rin na wag daw muna gawing publiko ito kasi gusto niya parin daw na mag mukhang pagmamay-ari parin ito ng Barangay na kinatitirikan nito.

Sabi ni Mr. Sakurai, oo Japanese siya, aalis daw siya para mas matulungan ang school na ito. Pero parang hindi kasi may nakalimutan siya, si JEA.

To be continued...