webnovel

I Will Conquer The Heavens

"Balang araw,kikilalanin ako sa buong kontinente ng azure. Kahit pa ang mga diyos sa kalangitan ay luluhod sa aking harapan." Ito ang ipinangako ni Skyler sa kanyang sarili at sa mga magulang.Isang pangako na napaka-imposibleng matupad ng kagaya niyang itinuturing na inutil sa daigdig nga kultibasyon. At anong himala ang kanyang kailangan upang makamit ang pangarap na ito? Matutupad niya pa kaya ito kung sa kalagitnaan pa lang ng kanyang paglalakbay ay nangyari ang hindi inaasahan?..

The_LonelyFish · ตะวันออก
เรตติ้งไม่พอ
6 Chs

Known Cultivation Rank in Azure Continent.

FOUNDATION RANK ; ito ang pinaka basic na antas ng isang cultivator o adventurer sa kontinente ng Azure. Hindi na kailangang bukas ang Dantian ng isang adventurer para maabot ang antas na ito ang kailangan lang ay malakas na pangangatawan.Nahahati ito sa 10sampung level sa unang level ay may lakas ang isang cultivator na katumbas 200jin at nadadagdagan pa ito ito habang papataas ang iyung antas.

WARRIOR RANK: Ang sinomang makatapak sa antas na ito kay itinuturing na mga mandirigma at sila ay kadalasang mga kawal  ng kaharian.May lakas sila na kayang wasakin ang isang bahay sa pamamagitan ng suntok lamang.Nahahati sa 10 ang antas ng ranggong ito.Walang kakayahan ang nasa ranggong ito na gamitin ang mga elemento o soulforce sa paligid para gawing sandata subalit kaya nila itong gamitin bilang enerhiya na nagbibigay sa kanila ng lakas ng pangangatawan na aabot sa katumbas ng  10000jin.

EARTH RANK: kung lakas ng pangangatawan ang pag uusapan ay halos walang pagkakaiba ang earth at warrior rank pero sa kabuoan kay malayo ang agwat nalang dalawa.Ang adventurer na nakatapak na sa earth rank ay may kakayahan ng ipunin ang soul force o Qi sa paligid para gamiting sandata subalit maikling panahon lamang nila ito magagamit sa kadahilanang konti lang ang kaya nilang iimbak na soulforce sa kanilang dantian. Kasing bilis na rin ang kilos nila ng isang cheetah kung takbuhan ang pag uusapan.Kadalasan ay mga nagiging pinuno ng isang bayan o probinsya ang adventurer na nakakaabot sa rank na ito ang iba naman ay personal na taga bantay ng hari.Nahahati sa 10 level ang ranggong ito

SKY RANK; Ang mga nakatapak sa ranggong ito ay ang mga maituturing na simula na ng pagiging totoong eksperto sa kontinente.Kagaya ng tawag sa kanilang ranggo ang mga nasa sky rank ay may kakayahang gumamit ng soulforce na sapat para makalipad gamit ang mga flying techniques.Malaya na rin nilang magamit ang mga elemento dahil sapat na ang kakayahan ng kanilang dantian. Kaya na rin ng isang sky rank na paabutin hanggang sa 1000 taon ang kanilang buhay kahit pa hindi sila kumakain ng normal na pagkain.Kung lakas ang pag uusapan sinasabing sa nakalipas na mga taon ay mayroong isang kaharian ang winasak ng isang sky rank cultivator sa loob ng kalahating araw dahil pinatay ng hari nila roon ang kanyang anak.Ang hari naman ng Han kingdom ay may lakas na 7 level Sky rank..May 10level ang ranggong ito.

HEAVEN RANK:Ang ranggong ito ang itinuturing na pinnacle o tuktuk ng kapangyarihan sa kontinente ng Azure.Bihira lang sila sa kontinente masasabing mabibilang lang sa daliri kaya walang gaanong totoong may alam sa kakayahan nila lalo na sa kaharian ng Han.Kahit ang emperyo ng fanlong ay sinasabing mayroon lamang sa kasalukuyang 2 na nakatapak sa ranggong ito.Ito ay si protektor Drego ang protektor ng emperyo at ang emperador Kalixto.

SAINT RANK:Sa loob nga ilang libong taon ay wala pang nakakatapak sa ranggong ito kaya may nagsasabing alamat lang ito.pero ayun naman sa tala ng kasaysayan ng Emperyo ng NuWa ay 3libong taon na ang nakakaraan ang kanilang ninuno ay isang saint rank.Ngunit siya ay naglakbay sa kabilang kontinente at dipa bumabalik.May mga nagsasabi naman na magiging isa ng diyos ang isang adventurer sa oras na makatapak siya sa saint rank..