Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.
Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.
Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita.
" nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa inyo. Uwi ka na nay.. Promise kapag umuwi kana.. Kukunin na kita, isasama na kita sa maynila at hinding hindi na tayo magkaka hiwalay... "
Patuloy lang ako sa pag sasalita na animo'y nasa harap ko lang si nanay. Muli nanaman akong umiyak ng umiyak. Nag mistulang gripo ang aking mga mata.
" nay.. Aalis na ako bukas.. Babalik nanaman ako ng maynila.. Nag punta ako dito nay para hanapin ka.. Pero hindi ka naman nagpa kita.. Sana nasa maayos kang kalagayan.. Mahal na mahal kita nay..."
At tuloyan na akong humagulhol ng iyak. Kuyom ko ang aking mga palad na habang ibinabalik ang mga damit ni inay sa aparador. Kahit anong mangyari hindi ako susuko sa pag hahanap. Kahit na nasa Maynila na ako ay gagawa at gagawa parin ako ng paraan para mahanap siya. Alam ko dito sa puso't isip ko na buhay ang ina ko. At gagawin ko ang lahat makasama ko lang siya.
Mag aalasais na ng naisipan kong bumalik sa bahay nila ella. Kinabukasan alas singko palang ay gumising na ako upang makapag handa sa pag babalik ko sa maynila. Kagabi palang ay nag paalam na ako kina aling pasing at mang cardo at nagpa salamat sa mga ito. Nangako naman sila na hindi parin susuko sa pag hahanap sa inay ko.
Natapos na akong maligo at mag bihis ng magising si ella. Kaagad naman siyang bumangon at sinabayan na ako sa pagkain ng almusal ganoon din sina aling pasing at mang cardo ay sumabay na sa pag aalmusal sa akin. Katwiran nila ay aalis nanaman daw ako kaya gusto nilang makasalo ako sa pagkain bago mag byahe papuntang maynila.
Nang matapos kumain ay nag paalam na ako kaagad sa kanila dahil baka ma traffic ako pabalik ng maynila. Hinatid ako ni ella sa sakayan ng jeep. At nang makasakay na ako ay agad naman na itong umalis pabalik sa kanila dahil nagpapa tulong si mang cardo kay ella sa pag aani ng kanilang mga pananim na gulay. Ibinabagsak kasi nila ito sa palengke pagka ani palang mayroon na silang sinusuplayan na mga tinderang may puwesto sa palengke. Sa kanila din kunukuha ni inay dati ang mga inilalako niyang gulay.
Alas sais ng gabi ng maka balik na ako sa apartment na inuupahan ko. Dumaan muna ako sa bahay nina aling ursula upang ipaalam dito na naka uwi na ako at iniabot ko na din ang binili kong mga pasalubong na kakanin na binili ko pa sa Quezon bago ako sumakay ng jeep papunta dito. At bumili nalang din ako ng lutong ulam at kanin sa karinderyang nadaanan ko sa may terminal ng jeep na binabaan ko kanina. Pagka kain ko ay kaagad na akong nag linis ng katawan at nag palit ng damit. Bago ako humiga sa higaan ko ay tinawagan ko na muna sina ella para ipaalam din sa mga ito na naka uwi na ako ng apartment. At sa sobrang pagod ko sa biyahe ay agad na akong naka tulog pagka lapat ko palang ng aking katawan sa higaan.
Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ng aking cellphone isinet ko kasi ito ng alas sais ng umaga para maka sigurado ako na magigising ako kaagad. Lunes kasi ngayon at paniguradong may traffic nanaman sa Magallanes area. Agad akong nag timpla ng kape at bumili nalang ako ng pandesal sa panadirya na malapit lang din dito sa paupahan. Ito nalang ang magiging agahan ko ngayon at mamaya nalang ako babawi ng kain pag dating sa trabaho. Nang matapos na akong kumain ay kaagad din akong naligo. At pagka bihis ay agad din na umalis at siyempre pa hindi ko kinalimutan na bitbitin ang binili kong pasalubong para kay ms. Devine at rina dahil panigurado akong nag aabang ang mga ito sa pasalubong ko sa kanila. Na Ikwento ko kasi sa kanila na masasarap ang mga gawang kakanin namin sa Quezon.
May 30 minutes pa bago ang simula ng aming trabaho. Nag pasya akong idaan muna ang pasalubong ko para kay rina. Ngunit wala pa si rina ng dumating ako kung kaya't inilapag ko na lamang ito sa ibabaw ng kanyang table. At tsaka gayon din si ms. Divine wala pa sa kanyang office ito. inihabilin ko nalang ito sa kanyang assistant na naunang pumasok sa kanya.
Pagka labas ko ng Hrd Department ay naka salubong ko si sir david. Kaagad ko naman itong binati.
" good morning sir david!.." And I smiled broadly before i bowed my head.
Kaagad siyang tumingin sa akin at ngumiti. Nang maka lagpas na ako sa kanya ay muli niya akong tinawag. " Ms. Macaraeg! Come to my office later. I want to talk to you.. I have something to tell you. " he said in a very serious way.
Tango nalang ang tanging naisagot ko. Bigla akong kinabahan. Bakit kaya niya ako gustong kausapin at mukhang seryoso pa ang pag uusapan namin dahil kung hindi bakit hindi nalang niya sinabi sa akin ang gusto niyang sabihin kanina ng magka salubong kami. Hindi kaya sa pag absent ko ng isang linggo. Pero Legal naman ang pag absent ko dahil bukod sa nag paalam ako ng maayos kay ms. Divine ay nag file din ako ng absent form bago ako umabsent. Naku kung dahil lang doon ipapakita ko talaga yung absent form ko na naka file at may pirma pa ni ms. Divine. Nasa ganun akong pag iisip ng dumating si ms. Divine. " hi eloisa! Many thanks nga pala sa pasalubong mo ha!.. Tinikman ko na nga at infairness! ang sarap girl! Agad niyang bungad sa akin.
" you're welcome ms. Divine! Mabuti naman at nagustohan niyo po.." at ngumiti ako sa kanya. Mag sasalita pa sana itong muli ng bigla kong maalala na itanong sa kanya kong may alam siya kung bakit ako gustong kausapin ni sir David. Baka sakaling may alam siya.
" ahmmm.. Ms. Divine, may idea po ba kayo kung bakit ako gustong kausapin ni sir david sa mismong office pa niya..?" tanong ko dito.
At agad naman siyang sumagot.
" naku wala eh.. Pero noong nakaraang araw ay kinuha niya sa akin ang resume mo at mga records mo. Wala naman siyang sinabi kung bakit.. "
" ay ganun po ba.. Sige po salamat akala ko kase may idea po kayo. Sige po tatapusin ko lang po itong ginagawa ko at pupuntahan ko na rin po si sir david sa office niya. " huling sabi ko sa kanya at tumalikod na siya pabalik ng hrd.
Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay kaagad din naman akong nag punta sa office ni sir david. Kumatok ako sa glass door at bumungad sa akin ang kanyang secretary.
" good morning po.. Pina papapunta po ako ni sir david sa office niya. Gusto niya daw po akong maka usap.." at ngumiti lamang ako ng bahagya dito. Nakita kong pinindot niya ang intercom at may kinausap malamang si sir David ito.
Nang matapos siya sa kausap Niya ay agad siyang lumingon sa akin at ngumiti." Sige pumasok kana daw. " sabi niya sa akin.
Nag lakad ako papunta sa pinto ni sir david ngunit bago ako kumatok ay humugot muna ako ng hangin mula sa aking lalamunan at umusal ng panalangin na sana hindi bad news ang sabihin sa akin ni sir david.
And then i knock the door thrice. I heard he's baritone voice inside. " Come in Eloisa!"
Agad naman akong pumasok. Pagka pasok ko ay ngumiti lang ako at pina upo niya ako sa upuang nasa harap niya. " please seat down eloisa.."
Nang maka upo na ako sa harap niya ay napansin kong napaka seryoso ng awra niya. Pina ikot ikot pa niya ang kanya upoan habang naka upo at nilalaro pa niya sa kamay ang ballpen na hawak niya. Habang naka tingin sa folder na nasa harap niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag salita na ako.
" ahmm.. Sir david.. Bakit niyo po ako gustong maka usap? Tungkol po ba ito sa pag absent ko? Naku sir legal po ang pag absent ko ha, dahil nag file ako ng absent form bago ako umabsent, may pirma pa nga po iyon ni ms. Divine.. Kung gusto niyo po ipapa kita ko po sa inyo yung naka file ko na form.. " sinabi ko iyon ng mahinahon habang naka titig sa mukha niya.
Ini angat niya ang kanyang mukha at tumingin sa akin ng naka kunot noo. tumikhim siya bago nag salita." hey hey! What are you talking about! Wala pa nga akong sinasabi sa iyo. Can you just listen to me first. Calm down okay. "
Binawi ko ang paningin ko sa kanya at niyuko ang aking ulo. Muli siyang nag salita. Agad naman akong tumingin sa kanya.
" ganito kasi yun eloisa, pina tawag kita dito dahil may offer ako sa iyo. Nag hahanap ako ng bagong Manager para sa isa ko pang site na bubuksan. I noticed that you are having a very good record. At nakita ko rin sa resume mo that When you were in high school you were valedictorian and also noong elementary ka palang ay mayroon ka nang good Educational background. Matalino ka pala.. Sayang hindi mo natapos ang pag aaral mo.. But anyways okay lang yun kahit hindi ka college grad nakapag college ka parin naman.. Gusto kong ipromote ka to be one of my branch manager.
I believe in you eloisa nakikita kong mapag kakatiwalaan kita. Actually, sasabihin ko sayo ang totoo, humihina ang company natin dahil kumokonti ang mga investors natin. Balak ko mag tayo ng bagong construction site at ikaw ang ilalagay kong taga pamahala dito. Maasahan ko ba ang tulong mo eloisa?.. " mahaba niyang paliwanag sa akin.
Hindi ako kaagad nakapag salita dala ng pagka bigla. Naisip kong kailangan ko talaga ito ang magkaroon ng mas malaking kita para mas makapag ipon pa ako at may pang gastos sa paghahanap sa nanay ko.
Dali dali akong ngumiti na abot hanggang tenga bago sumagot. " ay talaga po sir! Hindi ko po yan tatanggihan sir! I promise to do my best para maka tulong ako sa inyo. At ipina pangako ko rin po na mapag kakatiwalaan niyo ako!..
" very good eloisa! May tiwala ako sayo.. O paano hintayin mo nalang sa ibaba ang new contract mo na pipirmahan. Ipapaasikaso ko na ito agad kay divine. Muli niyang saad na naka ngiti sa akin. Tumayo siya at tumayo din ako. Nag kamayan kaming dalawa at nagpa salamat ako dito ng maraming beses.
Pagka labas ko ng office ni sir ay hanggang tenga ang ngiti ko. Maging ang kanyang sekretarya ay nginitian ko rin. Akalain mo yun kahit na may hindi magandang nangyari sa buhay namin ni inay ay mayroon din naman palang magandang mangyayari. Napaka buti talaga ng diyos.
Bumalik ako agad sa aking pwesto dahil marami pa akong mga pending na gawain mula ng umuwi ako ng quezon. Maya maya ay bumungad sa akin si ms. Divine. " wow eloisa! Congrats! Ang galing mo! Tinawagan ako ni sir David at pinagawan ka agad ng bagong contract. Wow! Site manager kana ngayon! Sabi ko na nga ba! Nung bago ka palang dito nakitaan na kita ng husay sa trabaho. At hindi nga ako nagka mali promoted kana ngayon! I'm happy for you eloisa. Mas mataas na ang posisyon mo ngayon sa akin. Proud ako sayo eloisa.. Sana hindi ka mag bago.. " mahaba niyang litanya sa akin.
" salamat ms. Divine sa tiwala.. Ililibre ko po kayo sa unang sahod ko bilang manager.. " sabi ko dito. At iniabot niya na sa akin ang folder na naglalaman ng bago kong kontrata.
Binasa ko muna iyon bago pinirmahan. May Nakalagay na
Job Description: Site Manager at may pangalan ni sir david sa ibaba.
Company CEO: JOHN DAVID DEL CASTILLO At may pirma niya sa ibabaw ng kanyang pangalan. Kaagad kong pinirmahan ito ngunit may naalala ako bigla. bumalik ang paningin ko sa pangalan ni sir david na nakasulat "John David Del Castillo" del Castillo muli kong bigkas. Hindi ko namalayan na naisa tinig ko na pala ito. Narinig kong tumikhim si ms. Divine at nag tanong.
" bakit loisa may problema ba? Yes, del Castillo nga ang family name nila sir david.. Bakit hindi mo ba alam?" tanong niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakapag salita dala ng pagka bigla. Nang maka bawi ako ay iniabot ko muna kay ms. Divine ang kontrata bago nag salita.
" ahmm.. Wala naman ms. Divine, ngayon ko lang kasi napansin na maganda pala ang family name nila sir." sagot ko dito at ngumiti.
Bahagya siyang natawa bago nag paalam. " sige ma'am eloisa congrats po ulit!" sabi niya at sabay kindat.