webnovel

With You All The Way

Laine's Point of View

" Baby are you ready? Oh bakit hindi ka pa nakaayos?" sinilip ko ang nagsasalitang si Anton mula sa pagkakatalukbong ko ng kumot.Mukhang nayayamot na dahil kanina pa nya ako binabalik-balikan dito sa bedroom namin.

Ewan ko ba ilang araw na akong ganito,gusto kong matulog na lang maghapon.Nagtataka na ang sya sa akin dahil parang naturukan daw ako ng tranquilizers, puro tulog na lang kasi ang ginagawa ko this past few days.

" Hubby inaantok pa ako eh!" reklamo ko sa kanya.

" Ay grabe sya! Umalis ako tulog ka tapos ngayon inaantok kana naman.Panay kasi panood mo ng late night show eh.May balak ka ba na pumalit kay kuya Germs sa walang tulugan? Tapos sa maghapon ka tulog!" natatawa ng turan nya.

Bumangon ako." Eh kasi naman eh! Ngayon na ba yung photo shoot natin, akala ko bukas pa yon?"

" Hayan! Hayan! Sa sobrang lulong mo sa pagtulog, pati petsa nakakalimutan mo na.Halika na nga maligo ka na!" untag nya sabay karga sa akin na syang ikinagulat ko.Dinala nya ako sa bathroom at itinapat sa shower na mabilis nyang nabuksan.

" Ahhhhh Antonio it's so cold, damn!"

Protesta ko.Nagising ang diwa ko dun ah at pati himaymay ng bawat laman ko sa lamig ng tubig na mula sa shower.

Humahalakhak lang syang isinara na ang pintuan ng bathroom at iniwan na ako.Wala na akong nagawa kundi hubarin ang damit kong nabasa na at ituloy ang paliligo.

Bwisit na lalaki yon! Sarap pektusan sa ngala-ngala.

PAGDATING namin sa opisina ng Montreal ay naroon na ang mga kapwa namin modelo. Iginala ko ang paningin ko, umaasang makikita ko si Nhel, pero sa malas ay wala pa sya.Hindi na nga sya umattend ng meeting last month, hindi pa rin ba sya pupunta sa photo shoot na ito?

I felt sad and disappointed at the same time. Talagang tinotoo na yata nya na iwasan at kalimutan ako. Sa loob ng isang buwan, itinigil ko na rin ang pagte-text at pagtawag sa kanya dahil hindi naman nya ako sinasagot.

Why are you doing this to me Nhel? It hurts me bigtime.

After 30 minutes nag-umpisa na ang photo shoot.Naunang kunan si Anton at Pia.According to Ms.Dang ang assistant ng art director, si Nhel daw ang partner ko. Marami daw ang nag-request dahil sa magandang kinalabasan nung fashion show.

Eh wala naman sya, paano naman ako? Lahat sila may partner na.

Eksaktong natapos sila Anton at Pia ng marinig ko ang pamilyar na boses kausap ng photographer.

" Sorry sir marami po kasing trabaho sa office."

" Ok lang Nhel, mamaya pa naman kayo pagkatapos ni Clark at Kylie.Bale kayo ni Laine ang last dahil kayo ang pinaka cover sa bagong brochure na ilalabas next month.Mag-ayos kana sa dressing room." mabait na turan naman sa kanya ng photographer.Tumango na lang sya at lumakad na papunta ng dressing room na hindi man lang tumitingin sa paligid.

Sus ang suplado ni kuya sa personal!

Pumasok na sya ng dressing room na kanugnog ng photo shoot room para mag-ayos at magpalit ng undergarments na imomodelo nya.

Halos mapanga-nga ako ng lumabas na sya ng dressing room.

Huh! grabe bakit bigla yatang uminit ang paligid.

Half naked sya, may white pants na suot.Siguro huhubarin na lang nya mamaya yon pag nag shoot na.

Umupo sya sa dulo at uminom ng kape na inabot ng PA sa kanya. Nang makita nya sila Pia ay buong puso nyang nginitian ang mga ito.

Shet bakit ang gwapo ng asawa ko?

Parang naramdaman ko na lang bigla na gusto ko syang yakapin at kurot-kurotin sa pisngi.Gusto ko syang panggigilan.

Hala ano nangyari sa akin?

Nang mahagip nya ako ng tingin ay parang nagulat pa sya pero agad din namang umiwas.

Kunwari ka pa! If I know nabighani kana naman sa akin dahil sa suot ko.

Nung turn na naming dalawa, syempre kunwari parang walang gusot sa pagitan namin. Professional yata kami. Nagawa kasi namin ng maayos ang mga pose na hinihingi ng photographer sa amin.

Nung huling shoot na namin bigla na lang akong nakaramdam ng konting hilo pero pinilit ko na ayusin ang pose ko.Sa pinaka huling instruction ng photographer,nakaramdam na ako ng panlalamig at sumunod ay ang pandidilim ng aking paningin kasabay ng pag click ng camera.Ang huling natatandaan ko ay may sumalo sa akin at tinawag ang aking pangalan.

" Laine!"

______________

MARAHAN kong idinilat ang aking mga mata.Medyo nasilaw pa ako sa liwanag ng ilaw na unang tumambad sa akin. Tinignan ko ang paligid.Base sa kulay puting wall, alam kong nasa isang ospital ako.

Naalala ko na, nahimatay ako kanina sa photo shoot. Ginalaw ko ang kamay ko at nagulat na lang ako ng may masagi ako.

" Thank God you're awake. How are you feelin' baby?" isang masayang Anton ang nabungaran ko, tila nabunutan ng tinik ng makita akong gising na.

" I'm fine.What happened?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano nangyari sa akin.

" Nag collapsed ka pagkatapos nung huling shoot mo.God, I'm so worried."

" Salamat nasalo mo ako kanina."

" Hindi ako ang nakasalo sayo, nasa dressing room ako nun tinawag lang ako nila Pia."

What? Kung ganon si Nhel ang nakasalo sa akin dahil siya ang katabi ko kanina.Pero kahit sigurado na ako na sya nga, nagtanong pa rin ako.

" Eh kung hindi ikaw, sino?"

" Sino pa ba, eh di si Nhel.Siya rin ang nagdala sayo dito sa ospital. Umalis lang sya nung nakasunod na ako." hindi ako kumibo pero deep inside nagbubunyi ang kalooban ko.

" Sobrang nag-alala nga sya sayo.Ayaw pa sanang umuwi kaya lang sabi ko ako na ang bahala sayo. Napilitan syang umalis kasi dumating din sina daddy at mommy pati na rin si lolo, pinag-alala mo sila ng husto baby."

" Siguro kaya ako nahimatay dahil kapapanood ko ng late night show o nasobrahan ako ng tulog sa maghapon. Hindi na normal ang oras ng tulog ko."

" Nope! " maagap nyang sambit.

" Eh ano?"

" I'm going to be a dad again! Isn't it amazing?"

" What?!" oh my G. So that explains why I'm moody this past days,the cravings at ang pagkahumaling ko sa tulog.Wala kasi akong morning sickness gaya nung si Aliyah ang pinagbubuntis ko kaya hindi ko pinapansin ang ibang symptoms.

" Wait, are you not happy? It's a blessing." masayang turan nya.

" Of course, I'm happy. Kaya lang kasi....." I drew a deep sigh.

" Kaya lang ano? Wala sa timing?"

I nodded. Hindi naman sa ayaw ko kaya lang kasi hindi pa naaayos yung divorce naming dalawa.Paano na si Lianna? Lalo kaming hindi makakawala sa isat-isa nito dahil hindi lalo papayag ang parents nya ngayong buntis na naman ako. Kung sana'y alam nila ang totoo.

" Hindi yun Ton.Paano ang parents mo? Lalo silang hindi papayag na mag divorce tayo kung malalaman nilang buntis ako. Ano sasabihin na ba natin sa kanila ang totoo?"

Bigla syang natahimik na parang nag-iisip ng malalim.

" Gusto ko kasi divorce na tayo pag sasabihin na natin sa kanila ang lahat."

" Alam na ba nila ang tungkol dito sa sitwasyon ko ngayon?"

" That you're pregnant? No, wala akong pinagsabihan. Kahit yung doctor na tumingin sayo, kinausap ko na huwag ipaalam kahit kanino.He's my college friend."

Lumapit sya sa akin when he saw my worried face.He pulled me to him and gave me a tight hug.

" Baby don't worry, I'm here. Hindi naman kita pababayaan. "

" Alam ko naman yun Ton. Syempre inaalala rin naman kita, dapat si Lianna na ang inaasikaso mo ngayon. At isa pa, hindi ka ba nagagalit sa akin dahil dito? Nagbunga ang pagsuway ko sayo."

" Sa totoo lang baby, nang malaman ko kanina na buntis ka, medyo nagalit talaga ako, hindi ka kasi nag-iingat. Naisip ko kaagad kung paano natin maaayos ang problema natin ngayong ganyan ang kalagayan mo. Mas naging complicated na ang sitwasyon  pero nung maisip ko na maaring plano yan ng Diyos sa atin, inisip ko na lang yung mga positibong maaring mangyari.So, stop worrying now. I'm happy and I really am.Masaya ako dahil may isa na namang anghel na magpapasaya sa atin. I hope this time, it's a boy para kumpleto na."

" Sus mai-stuck kana naman sa akin kahit hindi naman na dapat. Ano na lang ang sasabihin ni Lianna sa akin nyan? Dapat sa kanya kana naka focus pero makikihati pa rin ako ngayon dahil dito. Ton it's unfair to both of you, dahil hindi mo naman kailangan mag-suffer sa isang bagay na wala ka naman kinalaman."

" Aissst...wag na makulit.Lianna will understand. Ano pa ba ang ikakatakot nya eh kasal na sya sa akin dito. And besides, you're still my wife dahil hindi pa tayo divorce kaya dapat lang na intindihin pa rin kita.So, apparently may kinalaman pa rin ako sayo."

" Ton alam mo ang ibig kong sabihin. Dito, dito ka walang kinalaman." turo ko sa tiyan ko.

Inalis nya ang pagkakayakap sa akin. Kinuha nya ang dalawa kong kamay, mahigpit na hinawakan at malungkot akong tinignan.Then he heaved a deep sigh.

" Alright baby, naiintindihan na kita." may pagsukong turan nya. " Kung ano ang pasyang makakapag-paluwag ng damdamin mo, doon din ako. Ayusin na natin ang dapat ayusin." may ngiti na sa labi na turan nya at mabilis akong ginawaran ng halik sa noo.

" Ok then let's flew back to Switzerland as soon as possible!"

Hayun, nagbunga na naman ang pagmamahalan nung ating mga bida. Grabe lang si Anton, sobrang bait nya. Sana mayroon pang katulad nya dito sa mundo..haha.

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts