webnovel

The Truth

Aliyah's Point of View

MATAMAN lang akong nakatingin kay Onemig. Hawak pa rin nya ang dalawang kamay ko at nakatitig sa akin ang magaganda nyang mga mata. Tila lalong tumingkad ang dark chocolate na kulay nito dahil sa matinding emosyon na nararamdaman nya.

Hindi ko naman alam kung ano ang iisipin ko. Naghihintay ako na sabihin nya na joke lang, pero walang nangyaring ganon. Naglalaban ang puso at isip ko kung papaniwalaan ko ba ang mga sinabi nya.

Sabi ng puso ko na hanggang ngayon ay umiibig sa kanya, oo maniwala ka pero ang isip ko tumututol.

Saglit kong binalikan sa isip ko yung mga sinabi nya sa akin nung muli kaming magkita after three years---

"Alam kong nasira na ang tiwala mo pero darating ang araw Liyah, alam kong matutupad ang pinangako ko sayo."

"Ah oo nga pala, never ka nga palang nagselos. Sa ating dalawa noon, ako pala yung seloso. Until now naman, nagseselos pa rin ako. "

"Uy wala akong sinabing ganon. Natutuwa nga ako kasi narinig ko na naman yang tawa mo. Music to my ears. "

"Salamat Ali. Mabuti naman at masaya ka na. Kapag nakikita kasi kitang masaya, masaya na rin ako kahit pa masakit sa akin na may iba ng nagpapasaya sayo at iba na rin ang mahal mo, hindi na ako. "

"Wala lang. Para sa akin isa kang poon na gusto kong alayan ng hindi lang bulaklak kundi lahat ng meron ako. Kung hindi lang kasalanan sa Diyos, baka sinamba na rin kita Ali. "

Natatandaan ko na yan ang mga nasabi nya nitong mga nakaraan na may nais ipahiwatig na maaaring tugma sa mga sinabi nya sa akin ngayon. Ayoko lang pagtuonan ng pansin dahil baka isa na naman sa mga pang-aasar nya. Nahihirapan na kasi akong maniwala pero ang puso ko, umaasam talaga.

" Alam ko nahihirapan kang maniwala sa sinabi ko dahil sa nangyari sa ating relasyon, nasira ko na yung tiwala mo. Pero ito ang totoo Ali, hindi kailanman nawala yung pagmamahal ko sayo. Hanggang ngayon ikaw pa rin. Feel this. " turan nya na parang nabasa nya ang iniisip ko, inilagay nya ang isang kamay ko  sa tapat ng puso nya, ang bilis nga ng tibok, nagwawala din parang yung sa akin.

" Uno? " tanong ko habang nakadantay pa rin ang kamay ko sa tapat ng puso nya.

" Yes, Ali. It's still you. Ikaw lang ang nakakagawa nyan. Nung umalis ka, nanghina ako dahil dinala mo yan. " tukoy nya sa puso nya.

" Si Monique? Paano nangyari si Monique? "

" Hindi ba sabi ko sayo, nangyari si Monique ng hindi inaasahan? Kailan lang kami, siya ang gumawa ng paraan para magkaroon kami ng kaugnayan. Ayoko sana dahil nirerespeto ko ang alaala ng kuya nya. Ibinilin kasi sya sa akin ng kuya nya bago ito namatay. " tila nagtatanong akong napatingin sa kanya.

" Ha? Paanong namatay? " tanong ko at hindi naman sya nagdamot na isalaysay sa akin ang nangyari.

" Malaki ang utang na loob ko kay Monty nung nasa college pa kami, iniligtas nya ako dun sa taong nangholdap sa akin minsang ginabi kami sa school. Ako sana ang sasaksakin nung holdaper pero mabilis akong nadaluhan ni Monty at sya ang nasaksak. Sakto namang may mga pulis na nagroronda na nakasaksi sa pangyayari. Nadakip ang holdaper at tinulungan nila akong madala si Monty sa hospital. Hindi nakayanan ni Monty dahil maraming dugo ang nawala sa kanya pero bago sya malagutan ng hininga, he asked me to look after her sister dahil ulila na sila at lola na lang ang kasama nila. " huminto sya saglit dahil iginiya nya ako paupo sa garden chair namin. Naramdaman nya sigurong parang nanghina ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam na may ganoon palang nangyari sa kanya na muntik na nyang ikasawi. Nakaramdam ako ng takot kahit tapos na yon. Siguro kung kami pa non, baka ikamatay ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

" Do you still want to hear the whole story kung paano nangyari si Monique? "tanong nya nung makaupo na kami. Saglit akong natigilan. Gusto ko ba? Handa ba ako sa kung anuman ang marinig ko mula sa kanya?

" Kailangan ko pa ba na malaman? " tanong ko. Napatingin naman sya sa akin.

" Ngayong ibinubukas ko sayong muli ang sarili ko, tanggapin mo man ako o hindi, gusto ko pa rin na maging honest ako sayo, yung walang itinatago. Ayokong may pader na nakaharang sa ating dalawa. After all, magkaibigan pa rin naman tayo ano man ang maging desisyon mo. "

Nakakaunawa akong tumango. Mahal ko sya. Ano man ang marinig ko mula sa kanya ay tatanggapin ko. Katulad ng pagtanggap ko noon sa nakaraan nila ni Greta. Love bears all things, believes all things, hope all things, endures all things. Lahat ng yan kakayanin ko dahil mahal ko siya.

" Noong mamatay si Monty, graduating na kaming pareho ni Monique---" pagpapatuloy nya. " Dahil nga si Monty ang nagpapa-aral sa kanya, inako ko ang responsibilidad na yon bilang pagtanaw ng utang na loob. Kami ni daddy ang sumuporta sa pag-aaral ni Monique hanggang sa maka-graduate sya. At ako rin ang naglapit sa kanya kay lolo Franz para makapag-trabaho sya sa FCG para sa ikabubuhay nila ng lola nya. Nung nagka-trabaho na ako, tumutulong din ako sa mga gastusin nila sa bahay. Naging malapit ako sa mag-lola na binigyan naman ni Monique ng ibang kahulugan. Inamin nya na mahal nya ako pero tinapat ko sya na kapatid lang ang tingin ko sa kanya dahil ibinilin sya sa akin ng kuya nya. Parang nagdamdam sya sa akin pero hinayaan ko na lang. Hanggang sa isang gabi---" tumigil sya saglit upang huminga ng malalim.

" Sige ituloy mo na. I'm fine. " untag ko sa kanya.

" Yun nga, nung gabing bago ang birthday ni Jake, and that was eight months ago, nagkayayaan kami na mag-inuman sa bahay nila Jake kasama yung mga kababata natin sa youth club. All boys kami. Sa kalagitnaan nung inuman namin, dumating si Monique at nakisalo sa amin. Nalasing kami pare-pareho at sa guestroom nila Jake kami natulog at may---may nangyari sa amin. " natigagal ako ng husto at nakarehistro yun sa mukha ko kaya tumigil na sya. Hinila nya ako at niyakap.

" I'm sorry Ali. Naging sunud-sunuran ang katawan ko sa nangyayari, siya ang kumikilos at hindi na ako nakapag-isip ng tama dahil dala na rin ng kalasingan. At nung magising kami nung umagang yun, inobliga nya na ako na dapat maging kami dahil may nangyari na sa amin. Alam naman nyang hindi ko sya mahal pero hayaan ko na lang daw siya na mahalin nya ako. Yun na yung simula at hanggang ngayon ginagawa naman nya ang lahat para mahalin ko sya. Pilit kong isinasaksak sa isip ko na sya na lang. What's not to love about her? Mabait naman sya, maalalahanin at maasikaso din pero iba ang laman nitong puso ko. Yung una kong minahal ang tanging nagmamay-ari nito. Hindi ko pwedeng ibigay sa iba. " bumitaw sya sa yakap nya sa akin matapos nyang sabihin yon tapos tumitig syang muli sa akin. His eyes weren't backing down. Yung puso ko ay sobrang bilis na naman ng tibok dahil sa intensidad ng pagtingin nya sa akin.

Heto na naman kami, sa pangalawang pagkakataon buong tapang nyang isiniwalat sa akin ang kahinaan nya. Nasasaktan ako pero mas mabuti para sa akin yung ganito kaysa naglilihim sya.

Paano ko sasabihin sa kanya na sa ngayon ayoko pang bumalik kami sa dati, lalo na ngayon sa mga nalaman ko. Masyadong komplikado dahil kahit naman hindi nya official na girlfriend si Monique, pero para kay Monique may something sila lalo pa't may nangyari na sa kanila.

May nangyari o may nangyayari pa rin?

I heaved a deep breath and bit my lower lip.

" Ano kasi, paano ko ba sasabihin to. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong nalaman ko ang sitwasyon mo. Onemig unfair kay Monique kung basta mo na lang sya iiwan dahil bumalik na ako, lalo na't may nangyayari na sa inyo. Kahit hindi mo sabihin alam kong hindi lang nung gabing yon may nangyari. Naintindihan ko, lalaki ka at may pangangailangan kaya natural lang yon sa isang alpha male na tulad mo. Walang mawawala.  Pero sa isang babae, mahalaga ang dangal.  "

" Do you really think na may nangyayari talaga sa amin? " naa-amused na tanong nya.

" Bakit wala ba? "

" Wala. "

" Weh, maniwala! "

" Oo nga. Once lang yon, nung gabing yon lang,  dala ng kalasingan.  May takot pa rin ako. Ayoko ng maulit yung dati, nung kay Greta. "

Napangiti ako. Medyo nahiya pa nga ako dahil ang advance ko mag-isip. Ang dami ko pang sinabi kanina.

" I promise myself that, that would be the last. Yung minsang pagkakamali kasi na yon ang nagdala sa akin sa sitwasyong ito. I wanted to be with you Ali, pero baka malabong mangyari yon dahil hindi ka papayag.Alam ko ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. "

" Oo tama ka pero hindi naman kita hinuhusgahan, wala akong karapatan na gawin yon. " sambit ko.

" So ibig sabihin papayag ka? Bibigyan mo ulit ako ng second chance? " parang bata na binigyan ng maraming candy ang tuwa na nakikita ko sa kanya. May ningning pa ang kanyang mga mata.

" Hindi yun ang ibig kong sabihin Uno. " bigla syang natigilan at parang bula na naglaho yung tuwa nya.

" So wala na talagang natitirang kahit konting pagmamahal dyan para sa akin? "malungkot nyang tanong.

Napabuntung-hininga ako ng malalim. Kailangan ko na ring maging totoo sa kanya. Naging honest sya sa akin kahit mahirap para sa kanya yon. Mahirap dahil hindi nya alam kung ano ang magiging resulta nun sakaling malaman ko ang totoo.

Tiningnan ko sya ng tuwid sa mga mata. Bahala na nga.

" Honestly, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sayo. Di ba pag minahal mo ang isang tao, mahal mo na yon. I still love you and I really do but things are not the same now. May mga tao ng involved sa buhay natin. Kung bibigyan natin ng pangalawang pagkakataon ang sa atin, paano na sila? Makakaya ba natin kung alam natin na may nasasaktan tayo? "

" Pero mahal na mahal kita. Aayusin ko ang lahat sa pagitan namin ni Monique at babalikan kita. Please, mangako ka na tatanggapin mo ulit ako. " pagsusumamo nya.

" At si Jam? Paano si Jam? " natigilan sya at napatingin sa akin. Sinusubukan ko lang naman sya. Gusto ko lang malaman kung determinado nga ba sya.

" Gagawin ko ang lahat, bumalik ka lang sa akin. Kahit pa magmakaawa ako kay Jam gagawin ko. Ganon kita kamahal Aliyah. "

Gusto ko ng sabihin na hindi na nya kailangang gawin yon dahil wala na kami ni Jam pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung gusto nya akong makuhang muli, dapat paghirapan nya ako. Ayusin muna nya ang sa kanila ni Monique bago ko sya tanggapin muli.

Magpa-pabebe muna ako. Feeling hard to get ba.

" Okay . " maikling tugon ko.

" Anong okay ? "

" Hala! Ano uulitin ko pa ba mula dun sa simula nung chapter na to? Ano ba ang pinaglalaban mo kanina pa? " napangiti pa sya sa sinabi ko.

" To win you back. " napapakamot pa sa sarili nyang ulo ng sambitin nya yon.

" Okay na nga. You can win me back but---you need to settle first your problem with Monique and Jam. Pero sa tingin ko medyo malabo yan sa ngayon at kami ni Jam, wala naman kaming problema sa relasyon namin. So paano na? "

Saglit syang nag-isip bago muling tumingin sa akin at nagsalita.

" Alam kong hindi madali ang mga kundisyon mo. Ngunit determinado ako na maghintay sa tamang panahon natin dahil alam ko at nararamdaman ko na tayo pa rin sa huli. Pero pakiusap, habang naghihintay ako, huwag ka ng lumayo sa akin at hayaan mo akong mahalin kita. Hindi kasi naging maayos ang buhay ko nung mawala ka. Ang hirap Ali. Ang hirap. Sinabi mo na mahal mo pa rin ako kaya yun ang panghahawakan ko at kakapitan ko para makaya kong maghintay. Mahal na mahal kita. "

Biglang may namuong luha sa mga mata ko. Sobra naman kasi yung mga sinabi nya. Ang lalim ng pinaghugutan. Parang kinukurot ang puso ko.

" Hey!  Why are you crying? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? "natataranta nyang turan habang pinupunasan yung mga luha ko.

" Nakakainis ka naman kasi eh. Ang dami mong sinasabi. " umiiyak akong yumakap sa kanya.

" Sorry. Sorry na. Nilabas ko lang naman yung laman ng puso ko. "

Hindi ako kumibo. Dinama ko na lang yung pintig ng puso nya habang nakayakap sya sa akin at nakahilig naman ako sa dibdib nya. This feels good kaya lang hindi pa lubusang akin kahit na yung puso nya ay sa akin pa rin.

" I love you Aliyah Neslein Mercado. And I will do everything to make you fall in love with me again. "