webnovel

Proud

Nhel's Point of View

SINUNOD ko yung sinabi ni tito Franz kaninang umaga.

Kaya naman nagmamadali akong umuwi para maabutan ko sila Pete na pupunta sa school ni Laine.Sasama ako sa kanila para panoorin ang aming kaibigan.

Dumaan ako sa bahay nila Pete and thank God nandun pa si Wil.Hindi na kasi pumasok ito ng afternoon class namin kaya hindi ko nasabi sa kanya na sasama na ako.Nung niyaya kasi nila ako nag aalangan ako kaya hindi na nila ulit ako niyaya.

" Bro, aalis naba kayo? Pwedeng sumama?" nahihiya ko pang tanong.

" Talaga bro sasama ka?" hindi makapaniwalang tanong rin nya.

" Oo, kinausap kasi ako ni tito Franz kanina." sagot ko.

" Good! Sige uwi kana at magbihis.Dalian mo baka bumalik na si Mang Gusting, inuna lang ihatid yung mga bata hindi na kasi kasya." sabi nya.

" Hintayin nyo ako ha?" sabi ko.

" Oo naman, andyan pa si kuya sinundo sila Rina." sagot nya.

At nagmamadali na akong umuwi para gumayak na.

Saktong palabas na ako ng bahay ng dumating si Mang Gusting.Tuwang-tuwa ang barkada nang malaman nila na sasama ako.Sumakay na kami at pumunta na sa school ni Laine.

" Guys, pagdating dun hihiwalay ako sa inyo ha?" sabi ko sa kanila.

" Bakit naman bro?Sumama ka pa."

tanong ni Pete.

" Kasi baka makita ako ni Laine.Alam nyo na,baka biglang mag back out yun." sagot ko.

" Oo nga noh.Pero paano pag tapos na at uwian na?Makikita ka rin nun." sabi naman ni Rina.

" Mauna na akong lalabas.Dun na lang ako sa parking lot maghihintay kasama ni Mang Gusting, sabi ni tito Franz sa isang kotse naman si Laine."

At ganon na nga ang napagkasunduan namin.

Pagdating ng auditorium, pumwesto na yung apat sa may likurang upuan nila Tito Franz kung saan kasama ang mga magulang ko.

Pumwesto naman ako dun sa kabilang raw na medyo malayo sa kanila para hindi ako mapansin ni Laine, pero makikita ko pa rin ng maayos yung stage.

Nag start na.Excited ako kasi gusto kong makita si Laine na rumampa sa ibat- ibang attire nya.At syempre yung sinasabi ni tito Franz na malupet na talent daw.

Magpapakilala na yung mga candidate.

Lumabas na yung unang candidate.Cute sya.Bata pa.Grade five daw sya ayon sa pakilala nya.Pang-ilan kaya si Laine?

" Good evening everyone.I'm Alyanna Maine Guererro, 13 years old and proudly represents the Freshman year."

Naghiyawan ang mga nanonood.

Ako? Natulala.

WOW!

I was enchanted by the girl on stage wearing a navy blue formal dress.

Siya ba yun?

Mukha syang barbie doll.Simple lang ang make up nya at ang sexy nya sa tube dress na yon.Bakit parang lumaki yung ano, yung ano nya,yung hinaharap ba.

Haisst! Bakit ba yun ang napansin ko.Perv!

Kasi naman tube nga,naka reveal yung shoulder nyang maputi at makinis.At may cleavage sya.Naku po Lord, patawad!

Casual wear na.Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao ng rumampa si Laine sa casual nyang suot.Bata pa ba to? Eh ang hot ng dating eh!

Gayong simpleng long sleeves at leather black skirt with matching leather boots lang naman.Ang galing nyang magdala.

Natapos na lahat ang mga canditates sa pagrampa ng kanilang casual wear.

Heto na! Talent portion na!

Pinatay ang ilaw.Tanging spotlight lang ang nakatutok sa stage.May kumanta.Narinig ko na yung singing voice na isa rin sa mga hinangaan ko sa kanya.

Somewhere Out There.Favorite naming kantahin yun ah!

Bigla akong napangiti, kase yun ang pinili nya.

Nung chorus na, lumabas na sya sa stage.Wala na! Nasa outer space na yata ako.Mesmerized na talaga ako sa suot nyang red shorts at jacket at roller skates.

Roller skates!!?? Ito na siguro yung malupet na talent na sinasabi ni tito Franz.

Hindi na halos ako makahinga ng mag exhibition sya at umikot ng mabilis na naka roller skates.

God! Bakit ba ang galing ng babaeng ito?

Grabe! Standing ovation.Ang galing mo Laine.Sobrang proud ako sayo.

Walang dudang ikaw na ang winner.

At ng i-announce na ang mga winners.Siya na ang nakakuha ng title na Miss Campus Queen.

Thank you Lord!

You deserved it Laine.I'm so proud of you.

Kung pwede lang akong lumapit sa kanya para batiin din sya at yakapin katulad nila, gagawin ko.

Aahhh! Kainis naman talaga!

Habang nagkakagulo sila sa loob, sinamantala ko na yun para lumabas at mauna na sa parking lot.Gaya ng napag- usapan, dun ako maghihintay kasama si Mang Gusting.

Abala ako sa pagmamasid sa paligid ng school ng maramdaman kong may mga paparating.Lumingon ako.

Patay kang bata ka! Bakit nandito silang lahat? Sabi ni Mang Gusting sa kabilang side ng school nag-park si Tita Paz.

Nakatingin silang lahat sa akin.

At nahagip ng tingin ko ang gulat na gulat na si Laine.

Napatingin ako kay Tito Franz at sa barkada.Maluwang ang mga ngiti nila.Pinlano ba nila ito?Hmmm.I smell something fishy.

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.Naramdaman siguro yun ni tito Franz kaya siya na ang nagsalita.

" O hijo, nandito ka pala, dinala ko sila dito para tawagin si Gusting.Magti- treat ako sa labas.Sama ka na."

sabi ni tito.

Tatawagin lang si Mang Gusting bakit lahat pa sila kasama.Nahuli tuloy ako ni Laine na nandito.Si tito talaga! Nagdududa na ko.May balak nga siguro to.

" S-sige po." Yun lang ang nasabi ko.

Grabe nabulol pa yata ako.

" Gusting, pagkasyahin mo na si tita Baby at mga bata,pati itong apat." sabi ni tito kay mang Gusting.

" At ikaw Nhel, dito ka na sa amin sumakay." sabi naman nya sa akin.

Naku po! Sinasabi ko na nga ba eh!

Nang sulyapan ko si Laine, blangko lang ang expression nya.

God! Hindi ko kayang hulaan kung ano nasa loob nya.

Bahala na nga!

Ano na kaya ang mangyayari ngayong nagkita na ulit ang dalawa?

Abangan!

Thanks! God bless.?

AIGENMARIEcreators' thoughts