Juan Miguel Arceo's Point of View
HINDI na nga kami bumalik pa ni Greta sa kung ano man kami dati. Naging casual na lang kami sa isat-isa. Madalas ko silang makita sa school nung college student na kapitbahay nila, yung lalaking ka-sex nya nung pinuntahan ko sya sa kanila.
Pinakikiramdaman ko ang sarili ko kung ano ba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko sila, wala naman akong makapang selos o galit sa puso ko. Siguro inakala ko lang na pagmamahal yung nararamdaman ko noon sa kanya dahil sa ginagawa namin.Dahil naibibigay nya ang karnal na pangangailangan ko. Iba ang love sa lust lang. Iyon ang napagtanto ko, dahil kung mahal ko si Greta, magseselos ako o magagalit ako pero wala eh, hindi ko naramdaman yon. Ang tanging nararamdaman ko lang ay panghihinayang. Hindi para sa akin kundi para sa kanya. Nanghihinayang ako dahil napakabata pa nya para malulong sa kamunduhan at malublob sa kasalanan.
Minsan hiniling nya sa aking mag-usap kami ng sarilinan. Matagal kong pinag-isipan kung papayag ba ako, pero sa huli napagdesisyunan ko na paunlakan rin sya sa hiling nya para naman magkaroon na rin kami ng closure.
" Onemig sorry talaga dun sa nangyari." umpisa nya. Nasa kanila ulit kami, as usual nasa business trip na naman ang parents nya kaya kami lang dalawa sa bahay nila. Stay out kasi ang mga katulong nila kaya nakaalis na ang mga ito pag nasa bahay na si Greta.
" Wala na sa akin yun Greta. Pero bakit mo ginawa yun? Hindi ka ba natatakot na baka dumating yung araw na mabuntis ka? Nanghihinayang ako sayo Greta, napakabata mo pa para malulong sa isang bagay na kasalanan sa Diyos. Alam ko na nagkamali ako, tayo, pero pinagsisihan ko yun ng labis sa Diyos, humingi ako ng tawad sa Kanya. Hindi pa huli ang lahat para sayo, patatawarin ka ng Diyos kung magsisisi ka sa mga nagawa mo. "
" Alam ko naman yon Onemig pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Hinahanap-hanap na ng katawan ko yun. Yung kapitbahay namin, si Marlon, he's so good. Walang-wala yung ginagawa natin dati kaya lalo akong nahumaling sa ganon. Almost everyday, we did it. Marami syang ginagawa na mas lalo kong nagugustuhan. Siguro dahil marami na syang experience. Sinasamahan nya ako dito sa bahay tuwing gabi and we did that thing until morning. "
" So bakit mo sinasabi sa akin ito? Ito lang ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong makausap? Ang ipamukha sa akin kung gaano ka nag-eenjoy sa pagtatampisaw sa kasalanan? " mahinahon ko pa ring turan. Nasaan na ang Greta na nakilala ko noon? Puno na ng kamunduhan ang utak nya.
" Baka nakakalimutan mo Onemig, dalawa tayong tumuklas nito. Ikaw ang unang lalaki na nagparanas sa akin nito! "
" Hindi ko nakakalimutan yon. Kaya nga hanggat maaga pinaiiwas na kita dahil mali yan. Bata pa tayo at hindi yan ang dapat na inaatupag natin. Walang patutunguhan ang usapan nating ito dahil sarado na yang isip mo Greta. "
" Kung gusto mong tumigil ako, bumalik ka sa akin. Tutal sayo ko naman unang naranasan ito, so mas mabuti kung tayo na lang exclusively. "
" What? Naririnig mo ba yang sarili mo Greta? Ayoko na. Hindi ko na kailanman gagawin yun unless I'm married. May takot ako sa Diyos. " yun lang at iniwanan ko na sya. Hinabol nya ako sa may gate nila. Pilit nya akong niyayakap pero nagpupumiglas ako.
" Please Onemig, I want you. Mahal kita. Please come back. " pagmamakaawa nya. Mariin akong umiling at tinabig sya ng bahagya. Walang patutunguhan ito kung hindi ko sya iiwan. Lumabas na ako ng gate at sumakay na ng bike ko. Pero bago ako makalayo ay sumigaw sya sa akin.
" Tandaan mo Onemig, walang ibang makikinabang sayo kundi ako lang. Walang babaeng magmamahal sayo ng katulad ng pagmamahal ko. Sa akin ka pa rin babagsak, tandaan mo yan. "
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi nya. Ano ang magagawa ng isang 14 years old na katulad nya?
Yun ang akala ko.
Nung sumunod na school year, nagpalipat ako sa ibang section nung malaman kong magkaklase na naman kami ni Greta. Kahit nagtataka si Jake at Gilbert, sumunod rin naman sila sa akin.
Sa bagong section namin nung second year, tinukso naman sa akin yung muse namin na si Alexandria. Sinakyan ko na lang yung panunukso nila hanggang sa naging mag-MU kami ni Alexa. Taliwas naman kay Greta ang ugali nya, sobrang hinhin. Kapag hinahatid ko sa kanila napakalayo ng distansya namin. Ni hindi ko mahawakan sa kamay. Pero magkasundo kami dahil napaka-bait at maalalahanin nya.
One day, kinausap nya ako ng umiiyak sya at sinabing mag-iwasan na raw kami. Nagtataka ako kasi okay naman kami. Pero sinunod ko na lang yung sinabi nya at iniwasan ko nga sya. Later ko na lang nalaman na kaya pala umiiyak sya nung time na yun kasi binu-bully at tinatakot sya ni Greta. Kapag hindi raw sya umiwas sa akin ay may masamang mangyayari sa kanya.
Galit na galit ako nung time na yun pero hinayaan ko na lang. Naisip ko na may kasalanan din ako kung bakit nagka-ganoon si Greta. Gusto ko man syang kumprontahin pero nanahimik na lang ako baka kasi mas lalo pang lumala ang sitwasyon kung aawayin ko sya. Katakot-takot ang paghingi ko ng sorry kay Alexa nun, hindi naman daw sya galit sa akin dahil mahal na mahal daw nya ako pero iniwasan na talaga nya ako ng tuluyan. At nung sumunod na school year nagpaalam sya sa akin na sa Manila na sya mag-aaral. Nalungkot din ako sa kinahinatnan namin pero naisip ko na mabuti na rin yun kaysa mapahamak pa sya dahil lang sa issue namin ni Greta.
Nag-concentrate na lang ako sa pag-aaral ko nung 3rd year na kami. Ayoko na muna ng babae sa buhay ko. Tinotoo kasi ni Greta yung banta nya na walang makikinabang sa akin na ibang babae. Kapag may kumakausap nga lang sa akin na babae sa school, kinabukasan iiwasan na akong tiyak dahil may banta na sa buhay nila.
Fourth year na kami nung maugnay sa akin yung transferee na si Kristine. Medyo nagustuhan ko sya kasi may pagkakahawig sya kay Aliyah. Hindi ko rin sya niligawan pero crush nya ako. Palaban ang isang ito pero takot sa kasalanan. Pumapayag syang halikan ko sya sa lips pero bawal ang MOMOL. Halik lang talaga. Ayos lang sa akin yun kasi ayaw ko na rin namang maulit yung nangyari nung kami pa ni Greta.
Hindi umubra kay Kristine ang mga pagbabanta ni Greta. Kaya medyo tumagal kami ng ilang buwan.
Not until one day.
Galit na galit syang pumasok nung araw na yun. Nung makita nya ako ay bigla na lang nya akong sinampal.
" Anong ginawa ko sayo Onemig at pinahiya mo ako ng ganito sa buong campus? " umiiyak na turan nya. Ako naman ay biglang naguluhan sa sinasabi nya.
" What do you mean? Ano ang ginawa ko sayo? Gabi na nga halos nung ihatid kita sa inyo tapos pagbibintangan mo ako ng kung ano! "
" Nagde-deny ka pa! Halika tingnan mo! " hinila nya ako palabas ng room at dinala sa may bulletin board na malapit sa entrance.
Nagulat ako ng makita ang ibat-ibang picture namin na nakapaskil sa board. Puro malalaswa ang kuha. Alam kong hindi totoo yun pero sa makakakita aakalaing totoo.
" Alam mong hindi totoo yan Kristine dahil wala naman tayong ginawang ganyan! "
" Oo alam ko pero bakit mo nilagay yan dyan? Anong nagawa ko sayo Onemig ? " panay pa rin ang tulo ng luha nya.
" I swear Tin, hindi ako yan. Magkasama tayo kahapon maghapon at halos gabi na nung ihatid nga kita sa inyo. At hindi ko talaga magagawa sayo yan. "
" Kung ganon sino ang gumawa nyan? "
" Hindi ko alam Tin. " sagot ko pero sa isip ko naghihinala na ako kung sino.
Ipinatawag ng principal ang mga magulang namin ni Tin kinabukasan. Nagharap-harap kami sa principal's office at pinatunayan namin ni Kristine sa harap nilang lahat na hindi namin ginawa yung nasa picture. Pinotoshop lang ang lahat.
Naniwala sila sa amin. Hindi naman nagalit ang mga magulang namin pero pina-iiwas na kami sa isat-isa. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon ni Kristine na magkausap man lang hanggang sa sumapit ang graduation.
Summer vacation na nung makumpirma ang hinala ko na si Greta nga ang gumawa nun. Gagawin talaga nya ang lahat para hindi na ako mapalapit sa ibang babae.
Napagpasyahan ko na sa France na lang magpatuloy ng college. Nandoon naman si kuya Mark at isa pa para makaiwas na rin kay Greta at sa mga pambubwusit nya sa mga babaeng nali-link sa akin.
Halos dalawang taon lang ako sa France, umuwi na ako ng Pinas. Nami-miss ko kasi ang parents ko, ang mga kaibigan ko at ang Sto.Cristo. Nalaman ko na wala na si Greta sa Sto. Cristo at sa Maynila na sila nanirahan. Doon na rin sya nag-aral ng college. Medyo nakahinga ako ng maluwag dun sa balitang yun. Wala ng hadlang kung sakaling pumasok na ako sa isang totoong relasyon.
Ngayon, matapos kong ilahad lahat kay Aliyah ang nakakahiyang nakaraan ko with Greta, nangangamba ako kung matatanggap ba nya ito o hindi. At nag-aalala rin ako para sa kanya ngayong alam na ni Greta ang tungkol sa amin.
Nagawa ni Gretang sirain ang mga naging past relationships ko kaya hindi malabong gawin nya ulit ngayon. At heto na nga, inumpisahan na nya kanina sa pamamagitan ng paghahatid ng regalo na may kasamang sulat ng pagbabanta. Alam nya na darating si Aliyah dahil birthday ko kaya nagpauna na sya.
Pinagmasdan ko si sweetie. Gusto kong suntukin ang sarili ko sa nakita kong itsura nya. Nakatingin lang sya sa akin pero kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa maganda nyang mukha.
Lumapit ako sa kanya at kinulong sya sa mahigpit na yakap.
" Sweetie I'm sorry. Gusto kong maging honest sayo. Yung madilim na part na yun sa buhay ko ang gusto ko ng kalimutan.Huhusgahan mo ba ako? Nandidiri ka ba sa akin sa mga nagawa ko? " may takot sa puso ko habang nagtatanong ako. Hindi ko rin mabasa kung ano ang nararamdaman nya. Nakatitig lang sya sa akin. Nagulat ako ng pumiglas sya sa pagkakayakap ko at medyo dumistansya sya ng bahagya sa akin. Tiningnan nya ako ng buong kapaitan. Kinabahan ako.
God mukhang mawawala na rin ba sa akin ang pinakamamahal ko?