webnovel

Broken Promises

Aliyah Neslein's Point of View

MATAPOS ang inihandang dinner ay nagkanya-kanya ng umpukan ang mga bisita. Yung mga young married ay kasama nila mommy at daddy sa may garden, umiinom sila ng liquor ng very, very light lang naman habang nagku-kwentuhan. Yung grupo naman ng oldies headed by lolo Franz ay naroon sa living room, business as usual ang tema ng usapan nila. At kami namang mga bagets ay nasa likod bahay, dun sa hinandang sayawan nila Gilbert.

Nagsasayawan na sila Richelle nang dumating kami ni Jam sa likod bahay. I even saw Neiel and Andrei dancing with some cute girls of their age. Oo nga pala, teen agers na rin pala ang mga baby brothers ko. Time flies really fast. Kaya pala hindi ko na sila nakita sa paligid, nandito na rin pala sila.

Sinamahan ko muna kasi si Jam sa labas para ihatid ang parents nya. Hindi kasi sila pwedeng mag-stay overnight dahil may maagang meeting sila na dadaluhan kinabukasan sa Montreal International. Sila papa Anton naman ay naiwan pa dahil tinatamad na daw syang mag-drive.

" Sayaw tayo babe? " tanong ni Jam sa akin pagkaupong-pagkaupo ko pa lang. Tumango ako at hawak kamay pa kaming pumunta sa dance floor. Nakihilera kami kila Richelle at Anne na kasayaw na sila Gilbert at Jake. Yung iba namang kababata namin ay may kanya-kanya na rin na kapareha.

Sunod-sunod na dance music ang pinapatugtog ng DJ kaya naman sobrang nag-enjoy ang lahat. Wala na ngang bumabalik sa upuan. Kaya naman ng matapos ang set ng dance music ay hinihingal na kami sa pagod.

" Babe wait lang ha? " paalam ko kay Jam.

" Saan punta? Sama ako. " saad nya. Tsk! Ang clingy talaga.

" Wag na maiwan ka na muna dyan sa kanila. Kukuha lang ako ng tubig na maiinom tapos mag rest room na din ako. "

" Okay ingat ka dyan. " natawa naman ako.

" Hello! Bahay namin to, saan ako mag-iingat? " natatawa ko pang turan.

" Wala naman, baka lang kasi may bumuga ng apoy sayo dyan sa loob. " biro nya. Hindi ko na napigilan ang mapa-halakhak. Naalala ko kasi si Onemig , ang sama ng tingin nya sa amin ni Jam kanina. Ang laki yata ng problema nya sa amin.

Nasaan na nga kaya yun? Mukhang umuwi na yata. Wala sa paligid eh.

Tumalikod na ako at iniwanan na sila matapos kong ipagbilin si Jam kila Anne. Sa back door na ako dumaan. Nang aktong bubuksan ko ang pinto para pumasok ay saktong may nagbubukas din palabas kaya nagkauntugan kami.

" Ouch! "

"Aray naman! "

Nagkagulatan pa kami nang magkatinginan kami ng nakauntugan ko habang pareho pa naming hinihimas ang ulo namin.

Nagkatitigan kami.

Puno ng pangungulila at panghihinayang ang nababasa ko sa mga mata nya.

At ako?

As usual, heto na naman yung pakiramdam na parang nanlalambot ang mga tuhod ko. Nabuhay na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko na matagal na panahon ng nakahimlay. Nagra-rally na naman sila dahil nakita nilang muli ang dating amo nila.

Hindi ko alam kung sino ang naunang bumitiw sa amin sa titigan. Basta natauhan na lang ako ng marinig ko syang nagsalita.

" Uhm, sorry. Nasaktan ka ba? " tanong nya. Natulala naman ako. Grabe na-miss ko yata yung boses nya.

" H-Ha? O-Oo. Medyo. Okay na ako. Naka-move on na. "

" What? "mukhang nagulat pa sya sa sagot ko.

Stupid Liyah! Ano ba pinagsasabi mo? Nakakahiya! Go back to your senses nga.

" Ah eh, what I mean is, hindi na masakit yung nauntog sa akin. " tipid syang tumango. Mukhang may sasabihin pa sya nang bigla akong magpaalam na.

" Sige una na ako, mag-ccr lang ako. " malungkot syang tumango. Medyo naawa naman ako. Pinalis ko rin agad yung naramdaman ko. Hindi na dapat ako magkaroon ng kahit anong emosyon towards him. Mahirap na muling lumapit sa kanya. Masakit syang mahalin.

Tipid akong ngumiti sa kanya tapos tumalikod na ako para tumungo na sa cr.

Hindi naman ako nagtagal sa loob. Dala ang mga bote ng malamig na mineral water at isang face towel, bumalik na ako kung saan naroroon si Jam. Nang makalapit na ako sa kanya ay agad kong inabot sa kanya ang dala kong malamig na tubig. Iminuwestra ko rin na tumalikod sya para mapunasan ko ng dala kong face towel ang kanyang likod.

" Wow! Swerte mo naman Jam, alagang-alaga ka ni Liyah. " kantyaw ni Bidong. Tipid lang na ngumiti si Jam, ayaw nyang magkomento dahil katabi ni Bidong si Gilbert at sa isang upuan naman ay si Onemig. Kung sa ibang pagkakataon lang, siguradong ipinagmalaki na ako ni Jam. Ganon sya ka proud sa akin. Pero ayaw lang nyang maging awkward ang sandali dahil sa presence ni Onemig.

" Oo nga Jam, maswerte ka. Yung iba kasi dyan, hawak na nila, hinayaan pang mawala. " walang pakundangan na komento ni Richelle. Palihim ko syang kinurot sa braso. Medyo napangiwi pa sya. Napaka-pasaway talaga ng isang to.

" Richie ano ba! Wag ka nga dyan. Mamaya mag-away na naman kayo nyan. Kinakapatid mo pa naman yan. " bulong ko sa kanya.

" Hmp! " tanging sagot lang nya. Naghalukipkip pa. Naiiling na lang si Anne sa asta ni Richelle. Napatingin ako sa pwesto ni Onemig, kausap nya si Jake. Mukhang hindi naman yata nya narinig yung sinabi ni Richelle.

When the visions around you

Bring tears to your eyes

And all that surrounds you

Are secret and lies.

Nagsi-tayuan na sila nang tumugtog ang love song. Kanya-kanya ng dala ng partner papunta sa dance floor. Si Neiel at Andrei naman ay sinenyasan ako na papasok na sila sa loob ng bahay. Tumango lang ako habang lihim na natatawa, corny kasi para sa kanila ang love song na tugtog.

Ako naman hindi mapakali, parang sinasadya naman kasi nung DJ na yun ang ni-play na kanta. Team song namin yun ni Uno eh. Pero nung sumulyap ako sa may sound system, hindi ko naman kilala yung DJ, baka nagkataon lang na yun ang napili nyang i-play.

Kaming dalawa na lang ni Jam ang naiwan sa seats namin kasi nasa dance floor na ulit si Richelle at Anne. Ayaw pa ni Jam na sumayaw kami kasi nasobrahan sya sa pagod kanina.

Kaya nag-uusap na lang muna kami.

" Dude pwede ko bang maisayaw si Aliyah? "

Sabay kaming napatingin ni Jam sa nagsalita.

Si Onemig.

Nagkatinginan kami ni Jam, tila humihingi sya ng pahintulot sa akin kung papayag ba sya sa request ni Onemig. Ganun din naman ang ibig sabihin ng tingin ko sa kanya. Sa huli ay tumango sya ng marahan. Nagkaintindihan na kami.

Walang kibo akong tumayo at sumunod kay Onemig. Marami ang nakatingin habang papunta kami sa gitna. Punong - puno ng pagtataka ang mga tingin nila kung bakit kami magkasama.

I'll be your strength

I'll give you hope

Keeping your faith when it's gone

The one you should call

Was standing there all along.

Hindi ko alam kung paano ako hahawak sa balikat nya. Ang awkward naman kasi. Nung hindi ako kumikilos ay sya na mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa balikat nya at pagkaraan ay magaan nya namang inilagay ang mga kamay nya sa bewang ko. Puno ng pag-iingat.

And I will take you in my arms

And hold you right where you belong

Till the day my life is through

This I promise you

This I promise you. . .

" Uhm. . Congrats nga pala Liyah. Nakuha mo ang isa sa mataas na Latin honors. We're so proud of you. Jam must be proud of you too. " bungad nya.

" Yeah, he is. He's always proud of me." tipid kong sagot. Tumango lang sya.

Namayani muli ang katahimikan sa pagitan namin. Iniiwasan kong tumingin sa kanya pero nararamdaman ko na nakatingin sya sa akin.

" I'm sorry Liyah. " bigla nyang sambit.

" Sorry? Hindi ba nag-sorry ka na dun sa message mo noon sa akin? Naintindihan ko na."

" But I never said sorry personally. "

" It's okay Onemig. I'm fine now. Besides nakatulong yung mga pinagdaanan ko para matuto ako. Jam is a good man. Binuo nya ako nung mga panahong durog na durog ako. Tinuruan nya ako kung paano magtiwala muli sa sarili ko. Nawala kasi yun nung mga panahong hindi ka naniwala sa akin. "

" Liyah! " bulalas nya. Puno ng sakit at pagsisisi ang nakikita ko sa mga mata nya.

" I'm sorry Onemig. Kung alam mo lang yung lungkot at sakit na dinanas ko nung maghiwalay tayo, para akong pinapatay ng paulit-ulit habang nakikita ko sa isip ko yung eksena nung gabing yon. Pero huwag kang mag-alala hindi ako nagtanim ng galit sayo, dun sa ginawa mo ako nagalit pero kahit yun napatawad ko na. Tanggap ko na, na hanggang dun na lang tayo. Okay na ako ngayon, masaya na ako. "

" I'm sorry kung nasaktan kita. Pero Liyah, nangako ako sayo di ba? Na sa huli--- " hindi ko na hinayaan pa na matapos sya sa sinasabi nya.

" Nangako ka rin naman noon di ba? Pero nasira pa rin tayo. Kami ni Jam, wala kaming ipinangako sa isat-isa. Hinahayaan na lang namin kung ano ang dumating. Promises are made to be broken Onemig. Kung ako sayo, huwag kang manangan dun sa pangako, hayaan mong ang tadhana ang gumawa non. " nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa gwapo nyang mukha. Alam kong nasaktan sya sa sinabi ko pero wala ng mas sasakit pa dun sa taong pinangakuan tapos hindi naman tinupad nung nangako.

I've loved you forever

In lifetimes before

And I promise you never

Will you hurt anymore

I give you my word

I give you my heart

This is a battle we've won

And with this vow

Forever has now begun.

" Alam kong nasira na ang tiwala mo pero darating ang araw Liyah, alam kong matutupad ang pinangako ko sayo. "

" Huwag ka ng magbitiw ng salita. Ako kasi, natutunan ko na huwag ng umasa. Masakit ang umasa. At isa pa, masaya ako kay Jam, and I'm sure ganoon ka rin sa girlfriend mo. "

Hindi na sya kumibo nanatili lang syang nakatingin sa akin. Ayoko na rin naman na magsalita pa. Baka kasi may masabi pa ako na makakasira lang ng gabi naming dalawa. At isa pa, para ano pa kung pag-uusapan namin ang nakaraan, wala na rin naman hindi ba? It's over. Wala na. Finish na.

Maaaring mahal ko pa sya. Hindi naman nawawala yon. Pero hindi na nya dapat malaman pa. Pati na rin yung totoong sitwasyon ng relasyon namin ni Jam. Ayoko na kasing bumalik dun sa kung ano kami dati. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng balikan yung sitwasyon na naranasan ko noong mawala sya sa akin. Ayoko na ring umasa dun sa pangako nya na kahit na anong mangyari, kami pa rin sa huli. Wala naman sa kanya ang pagpapasya nun kaya hindi ako dapat manangan. Nasa relasyon pa sya at ako naman ay hindi basta-basta bibitawan si Jam ng ganun na lang. Kaya walang kasiguruhan yung magtatagpo kami sa dulo. Paasa rin sya.

Minsan na akong naniwala pero ang kapalit ay luha.

Kaya hanggat maaari, ayoko na.

Kahit na mahal ko pa.

Just close your eyes each loving day

And know this feeling won't go away

Till the day my life is through

This I promise you

This I promise you. . .