Para kay Yen. ang lahat ng dinaranas niya ngayon ay pansamantala lang. Hindi magtatagal ay muli siyang tatayo at mananalo sa laban. Dalawa lang naman ang laging pinatutunguhan ng laban. Mabigo, at magtagumpay.
Sinundo nina Joseph at Jason ang mga magulang ni Yen. Habang nasa daan ay nagcha-chat sa kanya si Jason gamit ang kanyang account. Dahil cellphone ni Jason ang gamit niya, nagkaroon siya ng pagkakataon na busisiin ito.
Wala naman siyang nakita bukod kay Albert na nasa last dialed number nito. Hindi niya yon pinansin. Wala naman itong naiwang messages sa inbox. Lahat deleted. Napangiti si Yen. Magaling!
[ nagkita na kame nila papa.] chat ni Jason sa kanya. Eh? papa? natawa siya at nag thumbs lang.
Sinara niya ang messenger ni Jason nang mapansin niya ang chat ng isang babae?
Jenny
[ ingat ka, salamat sa paghatid. 😊 ]
Binuksan ang social media account. Nagsearch.
Binasa ang bagong status na nakapoost. 5 hrs. ago.
DISORAS NA NG GABI PERO NANDITO PA RIN KAME. 😍😍
-Picture ni Jason. Nakaupo sa mesa. Nakalatag ang food. Silang dalawa lang.
Date??
Comments
-ayiiiiieee!! 😍
-pre iba na yan ha. 😁
-smells fishy
-you look good together.
-totoo na ba yan?
Parang dinurog ang puso ni Yen.
Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon
Hindi ba ito nag-iisip?
Bumalik si Yen sa messenger.
Backread.
[ hi.] si Jason
[😊]
[anu gawa mo?]
[wala. miss mo ko?] sagot ng babae.
[ hmmmm...]
Parang sumulak ang kanyang dugo nang makita ito. Nanginginig siya. Galit siya. Anong ginawa niya para danasin amg lahat ng ito? Wala siyang inagrabyadong sinuman para makarma siya. ANAK NG PUSANG INA!!
Nakita niya ang message ng isa pa.
Shane
[ hinatid mo si Jenny? ]
[oo...sayang may tao sa bahay nila. Haha ]
[uyuy mo! nakauwi ka na?]
[pauwi na.]
Hindi ba alam ng mga katrabaho ni Jason na buntis na siya? Na may sabit na ang lalaking ito??
Parang bulkang sasabog si Yen. Hindi pa siya nakakarecover sa pagkabigla ay narinig niyang dumating ang sasakyan ni Jason. Huminga siya ng malalim. Pilit na ngumiti at lumabas para salubungin ang mga magulang.
Pagdating na pagdating ng mga ito ay naghanda na siya ng pagkain para sa kanila. Malapad ang ngiti ng kaniyang ina.
" ang laki-laki na ng tiyan mo. Kelan yan?"
" september ma, baka maging kabirthday ng ama."
" hahaha ganon ba? mabuti yung ganon para tipid."
Pinakita nito ang mga dala niyang pasalubong galing sa bicol. Mayroong para sa kanyang byanan at sa mga kapatid ni Jason.
Si Jason naman ay magalang na nagpaalam sa kanyang ama paraatulog.
" hindi ka ba muna kakain? " tanong ng kanyang ama sa lalaki.
" hindi na po. Wala pa ho kase akong tulog. "
Ni hindi man lang ito tumingin kay Yen. Dumirecho ito sa kwarto at nahiga.
Hindi niya makompronta si Jason. Dahil narito ang kanyang mga magulang ay hindi niya pwedeng ipakita na hindi siya ok. Alam niya na warfreak ang kanyang ama at pagdating sa kanila ay handang makipagpatayan ito. Tahimik ang kanyang ama pero pag nagalit ay nakakatakot.
Pinilit ni Yen na pasiglahin ang sarili. Pagkatapos ng tanghalian ay hinayaan niya ang kanyang mga magulang na magpahinga muna. Pumasok din siya sa kwarto ni Jason para matulog dahil napuyat din siya kakahintay dito.
Nahiga siya sa tabi nito. Pinagmasdan niya Jason habang natutulog. Madalas kapag ganitong pagod ito ay nagsasalita ito nang tulog. Kapag kinausap mo ay sumasagot din at memoryado na yon ni Yen.
Ilang sandali pa ang lumipas...
" Jenny!!! pssst! lumapit ka dito bakit ba ang layo mo." Nag-umpisa na itong magsalita habang tulog.
Napaluha si Yen sa narinig. Sa galit ay nasampal niya ito.
Pulang pula ang mata ni Jason. Dahil sa pagkagulat at napabalikwas ito ng bangon. Tumingin ito sa kanya at tila nabigla ito sa galit niyang mukha. Bigla ay sumeryoso ang mukha nito at tila nagbalik na sa ulirat.
" bakit ba!?" bulalas na tanong nito.
" kelan mo pa ako niloloko."
" anong sinsabi mo ba?"
" hindi ako tanga Jason."
Muli itong bumalik sa higaan at tinalikuran siya.
" Patulugin mo muna ako. "
Nakagat ni Yen ang pang ibaba niyang labi. Nakaset up na lahat ng kailangan niya. Maging ang kanyang panganganak ay handa na. Kung uuwi siya sa bahay niya....Sige Yen tiis pa. Malapit na.
Humiga ai Yen sa tabi ni Jason. Muli nanaman siyang nag isip. Naalala niya ang mga araw na ok sila.
" anong ipapangalan mo sa anak mo? "
" pag lalaki yan, federico. "
" ang bantot naman non." nakatawang tugon ni Yen.
" eh babae yan ee. Pwedeng Erika.... o Jenny."
JENNY...yon ang pangalang nai-suggest nito noon. Sa nabasa niya sa chats. Matagal na silang naglalandian. Pero sa tingin niya ay wala pa naman silang relasyon. Wala pa....pero sa mga reaction ng babae tuwinang magkausap sila, bibigay na ito. Hayuuuuuuup!!!
Gusto na niyang saksakin si Jason. Gayunpaman ay lumabas na lamang siya ng kwarto para makasagap ng sariwang hangin.
" bakit Yen?"
Naulinigan niya si Joseph sa kanyang likuran. Dahil sasabog na siya at kailangan niyang ilabas ang galit niya ay sinabi niya kay Joseph ang lahat.
" anu???" gulat na wika ni Joseph.
" hindi na siya dapat ganon. Kahit hindi kayo kasal, ay asawa ka na niya. Ina ka ng anak niya. Siraulo talaga ito si Jason." napapailing na sabi ni Joseph.
" hayaan mo, at kakausapin ko."
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Yen. Hindi siya makapag wala dahil sa kanyang mga magulang. Ayaw niya sa sisihin siya nito. Alam niya na magagalit din ang kanyang ama. Nagpahayag na nga ito ng pagkayamot sa kanyang byanan dahil ni ha ni ho raw ay wala siyang narinig dito. Nauunawaan niyang malayo sila pero ang paraan nito ay hindi kanais nais para sa kanya.
Muli siyang pumasok sa loob ng bahay at naabutan niya ang kanyang ama na nanonood ng T.V sa sala, umupo siya sa upuan na nakapwesto sa harap nito.
" anak, mag isa ka dito. Wala kang kakampi. Pag inagrabyado ka ng mga yan wala kang matatakbuhan."
Tahimik si Yen.
" mabait ang asawa mo. Pero minamasdan ko ang kanyang kilos. Para hindi ka mapano, hayaan mo lang siyang gawin ang kanyang gusto. Wag mo siyang pakialaman. Magtrabaho ka, at gastusan mo ang anak mo. Pag kaya mong pagtitiisan ito, manatili ka dito. Pero lahat ng pangangailangan mo, iprovide mo at wag kang aasa sa kanila." may bahid na pride ang tono ng ama.
" pag si Jason ay nagbibigay sayo ng pera, ibangko mo lahat. At pag nakarinig ka ng hindi maganda, isampal mo yon sa kanila. " sabi pa nito.
Nakakunot lamang ang noo ni Yen.
" at pag hindi mo na kinaya at susuko ka na, umuwi ka sa bahay. " sabi pa nito.
" pag hindi ka niyan inintindi hanggang manganak ka, wag mo na siyang bigyan ng karapatan sa bata. Pabayaan mo na. Mabubuhay ka kahit wala siya. Kaya natin yan. May trabaho ka naman. "
" ang pag aasawa anak ay hindi ganon kadali. Ngayon dahil malapit ka nang maging ina, ang buhay mo ay para na lamang sa anak mo. Tapos na ang termino mo. Lahat ng pagpapagod mo ay para na lahat sa anak mo." dugtong ni Berto.
"Sa ngayon, sa sitwasyon mo ay hindi mo pa kaya anak. Tiisin mo muna. Pero darating ang araw na lalakas ka at kakayanin mo nang muling lumipad. Pag nangyari yon, saka mo nalang sila bawian."
Dahil sa sinabi ng ama ay lumakas ang kanyang loob. Alam niyang kahit hindi siya magsalita ay kilalang kilala siya nito. Alam niyang kahit wala itong marinig ay alam nito kung anong nagyayari.
" maghaharap kame ng byanan mo. " kinabahan si Yen nang nabanggit ito ng kanyang ama.
Nag aalala siya na baka hindi sila magkaintindihan at mauwi lamang sa away. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa byanan niya pero nag aalala siya sa kanyang ama dahil kilala niya ito kung papano ito magsalita. Simple, pero matalas. Nakakasugat ng damdamin.
Ang sabi nila, ang lahat ng mag asawa ay dumadaan daw ganitong estado. Magkakaroon ng third party...yong iba party party!! haha. Mag aaway, hindi magkakaintindihan... pero ito ay parte lamang ng inyong pagdadaanan. At kapag nadaanan mo yan, daanan mo lang. Huwag mong tatambayan. Paraan yan para lalo tayong mapagtibay at ma-mold.Pero sa kaso ni Yen? Palagay mo ba?.
salamat sa pag antabay
pa-comment nalang ng reactions.
Pahingi na din ng power stones.
Salamat po.
Love,
-nicolycah