webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

Restraining Order

" alam mo ba kung kailan manganganak si Yen?" tanong ni Trixie kay Jenny.

" nanganak na kase nagleave na si Jason ee." sagot ni Jenny.

" hindi na siya pumasok kanina. Tinanong ko yung boss sabi ay nanganak na daw. "

Gumihit ang nakakalokong ngiti sa labi ni Trixie.

" huy! anong plano mo? wag mong sabihing papatayin mo yung bata."

" pag nabuhay siya, swerte niya. Gagawin ko siyang alila katulad ng nanay niya. pag namatay siya, mas masaya. Hahahahaha! "

" mawawalan ng rason si Jason para manatili pa sa kanya. "

" hindi kaya dapat mag move on ka na girl? "

" hindiiiii!!! inagaw ni Yen ang kaligayahan ko kaya kukunin ko din yon sa kanya. "

Sa ospital ay dumating ang mag asawang Miguel at Rowena. Sumunod naman ang mag asawang Villaflor. Masaya nilang sinalubong ang bagong silang na sanggol. Ngayon ang araw ng labas ni Yen at nagdesisyon siya na sa bahay niya na lamang manatili. Hindi niya sigurado ang kaligtasan sa bahay ni Jason. Mas ligtas siya sa sarili niyang bahay na hindi alam ni Trixie ang lokasyon. Pribadong lugar iyon at hindi basta basta nakakapasok doon. Mahigpit ang security. Isa pa ay nagtalaga na si Rico ng bantay doon. May bantay din naman sa bahay ni Jason pero mas panatag siya sa sarili niyang bahay.

Agad na sumangayon si Miguel at Rico. Kahit naguguluhan ay pumayag na din si Jason. Para maintindihan ay sinabi sa kanya ni Miguel ang ginawa ni Trixie dalawang araw bago siya manganak. Isinend din sa kanya ni Rico ang record ng usapan nila ni Yen kung saan doon malinaw na maririnig ang palitan nila ng salita.

Napakuyom si Jason ng kanyang kamao. Tiim bagang siya sa galit. Mabuti nalang at mabilis si Yen. Tama ito. Sa lagay niya ngayon ay hindi niya pa kayang kumilos. Wala siyang lakas para lumaban. Kaya naman pumayag na siya na bahay ni Yen sila uuwi.

Pagdating sa bahay ni Yen ay masaya silang sinalubong ni Manang Doray. Tuwang tuwa ito nang makita si Jesrael. Buhat ito ng nanay ni Yen at si Yen naman ay buhat buhat ni Jason.

Nang makapwesto na ang mag-ina ay saglit na sinilip ni Jason ang kabilang kwarto. Naisip niya na baka kailangan pang iparenovate ito. Namangha siya nang buksan ang pinto. Kung ano ang itsura ng kwarto sa bahay niya ay ganun din mismo ang itsura nito. Si Yen ang nagdesenyo ng lahat ng iyon. Pati ang ayos ng kwarto.

Napailing siya sa paghanga sa asawa. Talagang masyado itong advance mag isip. Marahil ay napredict na nito na mang gugulo si Trixie kaya talaga namang handang handa ito sa mga mangyayari.

Nagpaalam ang mga Villaflor kay Yen. Ang sabi ni Rico ay saka nalang sila mag uusap. Kapag nakarecover na si Yen. Hindi din sila maharap ni Yen dahil nagpapadede siya at talagang groge siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng sobrang antok. Pag alis ni Rico ay tuluyan na siyang nakatulog.

Kumunot ang noo ni Trixie nang harangin siya ng gwardiya papasok sa subdibisyon nila Jason. Inis niyang binuksan ang bintana at nagpakilala siya bilang anak ni William.

" sorry ma'am pero hindi ka po pwedeng pumasok" sabi ng gwardiya.

" at baket??! " mataray niyang tanong.

" anu ho bang sadya ninyo ma'am?"

" pupuntahan ko ang fiance ko. Si Jason De Chavez."

" ay ma'am kase po ay may restraining order po kayo. Hindi po kayo pinapayagang lumapit sa mga De Chavez."

" anu? "

" dahil po sa pagtatangka niyong pananakit kay Ma'am Yen."

Namilog ang mata ni Trixie sa inis. Wala siyang nagawa kundi umalis na lamang. Napamura siya sa galit at inis na sinigawan ang kanyang driver na bilisan nito.

Kailangan niyang makaisip ng paraan kung papano makukuha ang anak ni Yen. Mahina si Yen ngayon kaya hindi ito makakalaban. Kung makakapasok siya sa loob ay mabilis niya lang din mapapasok ang bahay ni Jason dahil may susi siya dito. Sana lang ay hindi pa napapalitan ng lock ang bahay nila.

Sobra sobra ang inis niya. Hindi niya naisip na matalino pala si Yen. Nagawa nga nitong maagaw si Jason kaya hindi niya dapat ito maliitin. Natanaw niya ang tricycle na na papasok sa subdibisyon. Nabuhay ang kanyang dugo.

" itabi mo, bababa ako."

" mam? "

" itabi mo sabi ee!!" singhal niya sa driver niya na agad namang tumalima.

Tinanggal niya ang mga accessory niya sa katawan. Hinubad ang sapatos na may mataas na takong at isinuot ang tsinelas na baon niya palagi. Sinusuot niya yon pag nasa sasakyan siya at pagod na ang kanyang mga binti sa katatayo at kakalakad gamit ang may mataas na takong na sapatos.

Kinuha niya ang scarf at nagsuot ng sun glasses. Pumasok siya sa tiyange at naghanap ng damit na cheap at mumurahin. Pumili siya ng mahabang palda para hindi makita ang kanyang legs at T-shirt na medyo maluwag. Inilugay ang buhok at bahagyang ginusot isinuot ang salamin na walang grado na binili niya din sa bangketa. Tinanggal ang makapal na make-up para lang magmuka siyang hindi kapansin pansin. Tinakluban niya ng scarf ang kanyang ulo para maitago ang may kulay niyang buhok.

Umikot siya sa salamin at natawa sa itsura. Para siyang manang na mamamalengke. Gayunpaman ay itinuloy niya ang kanyang plano. Pumunta siya sa sakayan ng tricycle, nakipila doon at sumakay. Ayos!! pwede na siyang makapasok.

Nagbubunyi si Yen sa loob niya. Subalit muli siyang nadismaya na sa kanto pa lamang papuntang bahay ni Jason ay may gwardiya na. Hiningian siya ng mga ito ng I.D ngunit hindi niya yon pwedeng ibigay. Dumukot siya bag ng medyo makapal na lilibuhin at inabot sa dalawang bantay. Napamaang naman ito ay patay malisyang kinuha iyon at pinayagan siyang dumaan.

Nakarating siya sa gate ng bahay ni Jason sa wakas.

Tahimik.Tila walang tao. Baka nasa ospital pa. Sakto. Sosorpresahin niya nalang ito. Kinuha niya ang susi sa kanyang bag para muling madismayang iba na pala ang lock noon.

" Bwiiiiisiiiit!!!! Pakyu ka Yen! Pusang ina ka! Hindi kita papayagang manalo hype ka!! Gagawin ko ang lahat, maging kalbaryo lang ang maging buhay mo. HINDING HINDI KA MAGIGING MASAYA!!" habang pinagsisipa niya ang gate sa inis.

" Totoo palang masama kang balak sa apo ko?"

Natigilan si Yen nang maulinigan ang boses ni Miguel. Nag aalangan siyang lingunin ito.

" wag ka na magtago. Kahit baguhin mo ang itsura mo, kilala kita."

Dahan dahan siyang humarap kay Miguel.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

" pag may nangyari sa apo ko. Hinding hindi kita patatawarin." muling sabi ni Miguel.

Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa ni William kay Trixie? Palagay niya ay kailangan nitong kumunsulta na sa doctor sa utak. Napailing siya. Mabuti nalang pala...

Kaya pala ganun na lamang ang pagtanggi ni Jason makasal dito. Dahil sa bulok nitong pagkatao.

Dear Trixie,

MAMATAY KA SA INGGIT! hehehe

Salamat po sa patuloy na pagsama sa akin.

papost naman po ng review salamat nang marami. Labyu all

Mag iingat po tayong lahat.

-nicolycah

nicolycahcreators' thoughts