webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

Binatog

Dumating si Jason na may dalang binatog.

Wala daw itong mahanap na mais kaya kumuha nalang siya ng binatog. Natawa si Yen sa isiping para siyang asawa nitong naglilihi.

Bigla siyang natigilan sa naisip.

Natawa naman siya nang maisip iyon. Ilang beses na may nangyayari sa kanila hindi kaya siya mabuntis??

Iwinaksi ni Yen sa isipan ang bagong ideyang naisip. Maari nga pero wala naman siguro. Hindi pa siya handang maging ina. Lalo na at hindi niya alam kung saan ang patungo ng relasyon nila.

Masaya nilang pinagsaluhan ni Jason ang pagkain na dinala nito. Pinili ni Yen na itabi muna ang lahat nang alalahanin. Minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon. Ke totoo o hindi, mahal siya ni Jason ngayon. Kung ito man ang huling pagkakataon na makasama niya ito. Gagawin niya nang lahat para maging masaya ang araw na iyon. At sisiguraduhin niya na mapapabilang iyon sa isa sa mga masasaya nilang alala.

Una nilang binisita ang bulkang Mayon at Cagsawa ruins. Taga bicol si Yen ngunit bilang na bilang kung ilang beses palang siya nakagala doon. Dahil sa kahirapan noon ay wala siyang panahon na mag adventure noon. Kulang nga ang kita nilang mag anak para isurvive ang buong araw. Papano pa kaya ang pamamasyal?

Ngayon ay malaya na niyang gawin ang nais niya. At bonus pa na nakasama niya ang taong mahal niya. Plano niyang sumaglit sa bahay ng magulang at bumisita doon. Para din makilala nito si Jason.

Nadalaw din nila ang Bulusan sinaglitan ang iilang tourist spot doon at dumirecho sila Gubat. Sa lugar ni Yen at doon nila balak ubusin ang mga natitirang oras ng kanilang bakasyon. Ipakikila daw ni Yen sa Jason sa magulang nito. At hindi naman tumutol ang huli. Nais niya din makita ang kinalakhang buhay ng dalaga. Ang lugar ni Yen ay malayo sa kabihasnan. Napakalayo nito sa siyudad gayunpaman ay napakanda ng kanilang lugar. Hindi pa ito naabot ng polusyon at napakapayapa nito.

Namangha si Yen nang makita ang bahay nila. Noon ay kubo lamang ito at ngayon ay gawa na sa bato. Ang perang ipinapadala ni Yen daw ang ginamit ng kanyang ama para maayos ito. Lagi kasing nilipad ng bagyo ang kanilang bubongan noon. Kaya naman malaking ginhawa na din sa pamilya niya ang gayon.

Nanatiling simple ang pamumuhay ng pamilya ni Yen. Nagpapasalamat sa kanya ang kanyang magulang dahil sa ginhawang hatid ni Yen sa mga ito. Malapit na din daw magtapos ang isa niyang kapatid at tutulong daw ito kay Yen para mapag aral ang iba.Apat silang magkakapatid.

Masaya ang pamilya ni Yen, puno ng pagmamahal. Ang pera na nagkukulang noon ngayon ay sapat at mas masaya ang lahat. Lalo at kompleto sila.

Naaliw si Jason manood. Hindi niya nadanas ang gayon. Ang tanawin ng isang masayang pamilya ay kaaya-aya sa kanyang paningin. At dahil doon ay hindi man lang siya nakadama kahit konting pagkainip.

Nasa bundok ang bahay nina Yen. Bagamat may kuryente ay wala silang gripo at kailangang umigib. Hindi kalayuan ang igiban ng tubig. Ito ay balon at talaga namang napaka presko ng tubig. At manamis namis...Kahit walang yelo ay malamig.

Nadanas ni Jason tumawid sa pilapil, mag igib gamit ang pingga. Ano pa't naging katawatawa siya doon dahil halos hindi niya maingat ang dalawang timba. Bago pa man siya makarating sa bahay nina Yen ay kalahati na lamang ang laman niyon. Gayunpaman ay hindi niya ito sinukuan. Hanggang sa mapuno niya ang mga ginagamit nilang tapayan.

Kinabukasan ay nabungaran ni Jason ang tatay ni Yen na nagsisibak ng kahoy. Nilapitan niya ito at kinuha ang palakol dito. Susubukan niya din magsibak. Habang ginagawa iyon ay mataman namang nanonod ang ama ni Yen. Tahimik at hinahayaan lamang siya nito.

Sumunod na araw ay maagang nagbangon ang tatay ni Yen. Sinundan naman ito ni Jason. Ang sabi nito ay mag gagapas daw ito ng palay. Nabuhay ang excitement sa mata ni Jason at nagpresinta itong sumama na inayunan naman ng ama ni Yen. Doon ay nakita niya kung gaano na kalawak ang lupain ng magulang ni Yen. Ang kwento nito, nakuha niya daw yon lahat dahil kay Yen. Lahat daw iyon ay nakasanla noon. At si Yen ang unti-unting tumubos nito.

Sa tatlong taon daw ni Yen sa Maynila ay nabigyan daw talaga sila ng dalaga ng napakalaking ginhawa na kahit na hindi na ito sumuporta pa ay hindi na daw sila magugutom pa. Sabi ng ama nito.

Muling nabuhay ang paghanga sa puso ni Jason. Hindi biro ang dinanas ng Yen-Yen niya. Napaka sipag nito at marunong sa buhay. Marahil ang pagkatao nito ay nahubog mula sa payak na pamumuhay kaya gayon na lamang kadali para dito ang mga bagay bagay. Kung malalaman lamang ng kanyang ama kung anong klaseng tao si Yen ay baka magbago ang isip nito kakatulak sa kanyang pakasal kay Trixie.

Naisip nanaman niya ang pagpapakasal kay Trixie. Pinangako niya na kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na pakasalan ito. Hindi naman siguro masamang sumuway sa magulang paminsan minsan.

" Tay, minsan ho ba ay sumuway sainyo si Yen? "

Napatingin ang ama ni Yen kay Jason.

" Sa lahat ng anak ko, si Yen ang pinakamabait. Pero si Yen amg pinaka matigas ang ulo." sagot nito

" Subalit maraming beses niya napatunayan saken na tama siya. Kaya simula noon ay hinayaan ko na siya mag desisyon para sa sarili niya." kwento ng ama ni Yen.

Napaisip si Jason. Mula pagkabata ay malaki ang respeto niya sa kanyang ama. Kahit minsan ay hindi niya ito sinuway. Ngunit kahit minsan ay di niya dinanas ang katulad ni Yen na malayang pumipili ng gustong gawin sa buhay. At kahit ano ang gawin nito ay naroon ang suporta at tiwala ng kanyang magulang.

Marami siyang narealize sa lakad na ito. Napakaswerte niya dahil hindi niya naranasan ang hirap. Maswerte siya dahil lahat ng kailangan niya naibibigay ng kanyang ama. Subalit mas maswerte si Yen sa pagkakaroon ng pamilyang payak simple, masaya at puno ng pagmamahal.

Minasdan ni Jason ang paligid. Ang mga bagay na kanyang natatanaw ay siyang naging mundong ginagalawan ni Yen. Masarap mamalagi doon. Payapa. Tahimik. Presko. Malayo sa polusyon. Gusto niya bumalik doon.

" nag enjoy ka? " tanong ni Yen may dala itong mangkok.

" hmmmm... anu yang kinakain mo?" tanong ni Jason

" binatog gawa ng nanay ko. Kuha ka don."

Natawa si Jason at na-curious dahil sarap na sarap ang Yen sa binatog. Ano bang meron sa binatog? Ang totoo, hindi pa siya nakakatikim nito.