Naghihimutok si Sandra nang magmartsa siya palabas ng bahay ni Jason. Hindi na niya napansin ang nang-uuyam na tingin ni Mang Doray. Si Manang na saksi ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ni Jason. Si Manang na tanging napagsasabihan ni Jason ng kanyang saloobin at siguradong sigurado siya na walang mapapala si Sandra sa pagpapansin sa kanyang alaga. Dahil batid niya na pinili na ni Jason na ibigay kay Jesrael ang lahat ng oras niya bilang pagbawi sa mga pagkukulang niya kay Yen noon. Hindi na nais ni Jason na magkaroon ng panibagong relasyon at desidido ito na wala nang ibang babae at si Yen na lamang ang huli. Kung sakaling hindi na bumalik si Yen ay mananatili na lamang siyang single habang buhay. Dahil para kay Jason ay sapat na sa kanya ang anak. Subalit hindi ito sumusuko at malakas ang paniniwala nitong babalik si Yen muli. Maging si Manang na pinakamalapit na kaibigan ni Yen, ay naniniwalang babalik ito. Malakas din ang kutob niya na buhay ito subalit ni minsan ay hindi niya pinahayag ang kanyang saloobin sa pagkawala ni Yen. Katulad din ni Jason ay tahimik lamang siyang naghihintay. Kaya kahit wala si Yen ay nanatili siya sa tabi ng mag ama at iniisip lamang niya na out of town lamang si Yen.
Kung inaakala ni Sandra na magkakaroon siya ng puwang sa puso ni Jason, nagkakamali siya. Napapailing na lamang siya sa mga pakulo ni Sandra pero ni minsan ay hindi niya ito pinagsalitaan. Nakakapasok lamang ito sa bahay na yon ay dahil hindi pa siya pinagbabawalan ni Jason pero pakiramdam niya ay malapit na iyon. Kitang kita niya ang pagka-irita sa mga mata ni Jason tuwing nakikita ito. At alam niya na kapag naubos ang pasensiya nito, uuwi siyang luhaan sigurado.
Mabigat ang loob ni Manang kay Sandra, hindi niya maintindihan pero sa kabila ng mganda at maamo nitong mukha ay tila ba mayroong pagbabadya ng panganib sa katauhan nito. Parang nakakatakot na hayaan itong maglabas masok lang doon dahil parang isang araw ay mapapahamak silang silang lahat. Totoong masama mag-isip ng ganon sa kapwa subalit hindi naman siguro masamang mag-ingat at magmasid at mag-usisa.
Nakasimangot si Sandra nang bumungad sa pinto ng bahay niya.
" Hey! What happen?"
Nakakunot ang noo ng babaeng sumalubong kay Sandra sa pintuan. Nilagpasan niya ito at pabagsak na sumalampak sa magarbong sofa sa isang malawak na sala.
" So tungkol nanaman yan don sa pilay?" tanong ni Maxine na matalik na kaibigan ni Sandra.
Malaya itong nakakalabas masok sa bahay ng dalaga dahil may sarili itong susi. Bukod dito ay walang ibang kasama si Sandra sa bahay na iyon. Si Max lang ang taong pinagkakatiwalaan niya. Bukod tanging nakakaunawa at nakaka-alam ng likaw ng kanyang bituka. Tutol ito sa pagkakahumaling niya kay Jason subalit wala naman itong magawa dahil alam nito na pag ginusto niya ay hindi naman siya magpapa-pigil. Hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya ay hindi niya talaga ito sinusukuan. Gagawa at gagawa siya ng paraan para makuha ito, kasehodang pumatay pa siya basta sigurado na siya ang panalo.
Memorize na nito ang gusto niya. Gusto niya yung mga bagay na pinahihirapan niya. Gusto niya ay yung macha-challenge siya at alam din ni Max na si Jason lang ang lalaking nakita niyang tumugma sa kanyang pamantayan. Kahit pa may kakulangan ito ay hindi mo pa rin masasabing may kapansanan ito. Lalo na't naka-recover na ito ay hindi na din halatang artifial ang mga binti nito. Saka sa hubog ng katawan nito ay talaga namang lalo siyang nababaliw. Minsan ay nakita niya itong topless habang tinutulungan si Manang sa pag aayos ng mga halaman talaga naman nakakapaglway ang mga alon alon sa ibabang bahagi ng tiyan nito. Napakakagat si Sandra sa labi nang maalala iyon. Napangiti siya habang muling nahulog sa pangangarap na balang araw ay babaling sa kanya ang pagtingin na yon na iniuukol ni Jason kay Yen na matagal nang wala.
" Hoy! loka ka assuming ka nanaman Sandra! " kasunod niyon ang mahinang kutos ni Maxine sa kanyang ulo
Napatingin siya dito. Nakasimangot.
" Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Ilang buwan mo nang sinusundan yang pilay na yan. Umupa ka pa dito sa katapat na bahay niya. Grabe ang taas na ng level ng kabaliwan mo Sandy!! "
Inupahan niya yon para lang mapalapit kay Jason. Lahat yata ng paraan para magpapansin ay ginawa na niya. Sumasabay siya sa oras ng pagja-jogging nito, Bumibisita sa bahay nito, Nagluluto ng kung anu-ano para ipabaon ditoPero ni minsan ay hindi niya nakuha ang atensiyon ni Jason. Kahit yata maghubad siya sa harap nito ay hinding hindi siya nito titingnan. Pero desperada siya. Siguro dahil habang tumatagal at habang nagiging mailap ito ay parang lalong siyang nabubuhayan ng interes. Mahilig siya sa challenge. Ayaw niya doon sa mga lalaking hayagang nagpapakita ng pagka giliw sa kanya. Yung parang mga asong susunod sunod sa kanya para lang mapa-oo siya at maikama. Tapos pag nakuha na ang gusto sa kanya ay maghahanap ng iba. Nakakairita lang tingnan na habang nag e-effort silang mapasagot ka ay animo mga maaamong tupa na gagawin ang lahat para ka lang mapasaya. Kapag nakuha ka na bahala ka na.
Gusto niya si Jason. Dahil suplado ito. Hindi babaero. Ito yung tipo ng lalaki na mahirap hanapin. Na kahit paikutan mo ng mga magagandang babae ay hinding hindi papatol. Stick to one. Malas nga lang at may mahal na itong iba. Pero ayon sa source niya, ay wala na ang babaeng iyon. Nawala daw ito pagkatapos ng trahedyang dinanas nila tatlong taon na ang nakalipas. Wala daw resulta ang pagahahanap ng kapulisan at hanggang ngayon daw ay hindi pa rin natatagpuan ang mga labi nito. Yon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Jason na babalik si Yen. Isa pa may anak ito at ang batang iyon ang buhay na alaala ni Yen kaya marahil ay hindi nito nagagawang bumitaw dahil hangga't nakikita niya ang bata ay patuloy niya lang na maaalala ang ina nito.
Minsan naisip niyang alisin nalang ang bata sa mundo. Iniisip niya na lalasunin niya ito subalit hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon. Kailangan niya lamang makuha ang kanilang loob at tiwala bago siya magsagawa ng kung anong aksiyon para sigurado. Marahil si Manang muna para walang magbabantay sa kanila. Subalit kahit si Manang ay tila ilag sa kanya at hindi ito nagtangkang makipagmabutihan sa kanya kahit minsan. Kahit na minsan ay sinusuhulan niya ito ay walang pagdadalawang isip itong tatanggi sa kahit ano mang ibinibigay niya. Napaka tapat na katulong.
" Alam mo, isa lang naman ang gusto ko. Si Jason lang. Alam mo yon. "
" Bakit ba gustong gusto mo yung pinagsisiksikan ang sarili mo?" tanong ni Max.
" Ehh? sabi nino? alam mo kung bakit masungit si Jason saken? Dahil yon sa attracted din siya pero pinipigilan niya kaya dinadaan niya sa pagsusuplado. "
" Ewan ko sayo Sandy. " yamot na tumalikod si Max at nagtungo sa kanyang silid.
Bumabagyo.
Mag iingat po ang lahat.
Maraming salamat
Kahit trying hard ako may nagbabasa pa din hehe vote for me.