webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

Ang Nakaraan

Sa daan pauwi ay hindi mapakali si Trixie. Panay ang tingin niya sa likod baka may mga nakasunod sa kanila. Natatakot siya na baka bigla silang tambangan sa daan at patayin. Natatakot siya sa sinabi ni Yen. Sa ginawa nito kanina ay nalaman niya na hindi ito basta basta. At maaring may kakayahan nga itong gawan siya ng hindi maganda. Natatakot siya sa pwedeng mangyari sa kanya. Natatakot siya na baka ipapatay siya nito o ipa-rape o kung anu-anong brutal na paraan ang naglalaro sa kanyang utak.

Ang kanyang ama ay tiim bagang habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela. Hindi niya mapapatawad si Yen sa ginawa nitong panghihiya sa anak. Kitang kita niya kung papaano na-bully ni Yen si Trixie. Kung papano nito sinadyang dunggolin ito. Kitang kita niya ang ginawa nitong pagbuhos ng lason sa inumin at inumang kay Trixie upang inumin nito.

Totoong mali ang kanyang anak. Pero ang inis na kumakain sa kanya ay hindi niya mapigilan. Bilang magulang ay hindi niya gusto ang nakitang pambubully ni Yen sa anak.

Pagkatapos ng party ay payapang nagsi-uwi ang mga bisita ni Yen. Sila ni Jason ang naiwan at umaktong tila ba walang nangyari. Gayunpaman ay naitanong pa rin ni Jason kay Yen kung anong plano ni Yen ukol dito.

" wala naman. Hindi naman ako ganon kasama. Tama nang alam niya na hindi niya ko pwedeng tapak tapakan. Hindi ako gagawa ng kahit ano para magsayang ng oras sa kanya. My time is precious."

Para kay Yen, hindi siya magsasayang ng oras unless nalang ay mahuli niyang muli ito na may ginagawang hindi kanais-nais. Marami na siyang ibidensiyang hawak laban dito kaya mabilis nalang itong tapusin kung sakali mang umulit. Gayon pa man ay medyo nakukulitan na siya sa pampi-peste nito sa kanya. Subalit wala pa siya sa mood para isingit ito sa dami ng isipin niya.

Isa-isang tinawagan ni William ang kanilang mga investors. Nagrerecruit siya ng sasama sa kanyang mag aklas laban kay Yen. May mga ilang sa mga ito ang sumang-ayon. Subalit dahil nangako si Rico na gagabayan pa rin ito ay hindi na sila nagprotesta.

Mahirap tibagin si Yen. Dahil si Rico mismo ang nasa likod nito. At hindi niya din talaga maitatanggi na may kakayahan ito. Subalit hindi pa rin siya susuko. Ang nais niya ay mawala ito sa kanyang paningin.

" papano kame magtitiwala sayo? wala ka pa namang napapatunayan at kelan ka lang nagpakita sa kompanyang ito. Hindi mo pa alam kung ano at papano ito tumatakbo." sabi ni William.

" anong gusto mong mangyari Mr. Rosales? " maang na tanong ni Yen.

" ang gusto ko ay hindi ikaw bagkos ibang mas karapat dapat"

" at sino ang tingin mong mas karapat dapat Mr. Rosales? ...ikaw? "

" M-Marami... marami dito ang mas karapat dapat sa pwestong iyan."

" Ok. Pero baka nakakalimutan mo na akin ang kompanyang ito Mr.Rosales." taas noong sabi ni Yen dito.

" Then we will pull out all our shares."

Matibay ang pagkakasabi ni William. Ngunit wala man lang sumigunda sa kanya kahit sino sa naroon. Lahat ng nakausap niya na sumang ayon ay walang sinabi kahit isa. Bahagya siyang natigilan at napalingon sa mga taong nasa meeting na iyon.

" Then pull it out." sabi ni Yen.

Kumabog ang puso ni William sa naging reaksiyon ni Yen. Lalo pa siyanh kinabahan ng tawagin nito ang secretary nito para iprocess ang kanyang mga papel.

" From now on, you are not belong to us. Goodbye."

Para siyang itinulos na kandila. Hindi niya inakala na magiging ganon kabilis ang pangyayari. Napakagaling ni Yen mag manipula. Hindi niya inaasahan na ganon ito kabilis mag isip. Ngayon ay agad na siyang nasipa nito. Nang walang kahirap hirap. Bago pa man siya bumawi ay tinapos na nito ang meeting na iyon. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon pang magsalita. Nagagalit siya sa sarili. Kung bakit siya mismo at ang makitid niyang isip ang nagputol ng pagkakataon niya para bumawi. Wala siyang siyan nagawa kundi malungkot na umuwi.

Sa airport bago sumakay ng eroplano si Rico ay nakarating sa kanya ang balita. Napangiti siya sa narinig at napailing. Wala talagang sini-sino si Yen. Ang tapang nito ay solid manang mana sa kanyang ina. Napangiti si Rico at tahimik na inalala ang nakaraan.

Si Sharina. Ang babaeng una niyang minahal. Ang babaeng nagtulak sa kanya at naging inspirasyon niya para marating ang lugar na kanyang kinalalagyan. Katulad ito ni Yen. Maabilidad. Matalino, maprinsipyo at sobra kung magmahal. Napasandal si Rico sa kanyang kinauupuan.

Mag iisang taon si Yen noon. Dahil kay Sylvia. Isa iyong pagkakamali. Pagkakamali na hanggang sa ngayon ay pinagsisisihan niya.

Nabuntis niya si Sharina noong nag aaral palang sila sa kolehiyo. Dahil sa hindi pa siya handa ay itinago niya ito. Walang alam amg kanyang mga magulang na isa na siyang ama. Nag aaral siya sa isang unibersidad na malayo sa kanilang tahanan kaya nagkaroon siya ng condo. Doon niya itinago si Sharina. At doon din sila nagsama nito. Dahil sa kanyang kaduwagan ay nanlamig sa kanya si Sharina. Nagagalit ito dahil bakit daw tila siya walang bayag. At duwag na ipakilala siya bilang ina ng kanyang anak. Ang pakiramdam nito ay kinakahiya niya ito. Subalit hindi siya magkaroon ng lakas ng loob. Estudyante palang siya noon at wala pang kakayahang bumuhay ng pamilya. Ang lahat ay naka-asa sa magulang niya.

Noong araw na iyon ay nagtalo sila. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil sa kawalan ni Sharina ng seguridad sa kanya. Nagkasagutan sila. Ang nais lang naman niya ay magkaroon ng konti pang panahon. Subalit noong gabing iyon emosyonal na ito. Kaysa salubungin ang init ng ulo nito ay iniwan niya ito doon sa kanyang condo. Nagtungo siya sa bar kung saan ay naroroon din si Sylvia.

Panay ang dikit nito sa kanya. At dahil na din sa kalasingan ay inakala niyang si Sharina ito. May nangyari sa kanila at ang aktong yon ang mismong naabutan ni Sharina. Wala siyang kamalay malay dahil langong lango siya sa alak. Hindi niya alam na sinundan pala siya nito dala ang bata. Sinamantala ni Sylvia ang pagkakataong iyon at tahasan nitong sinabi kay Sharina na nakatakda na silang ikasal. Dahil nagdadalang tao na raw ito na pawang kasinungalingan. Dahil matagal na siyang pinagduduhan ni Sharina dahil sa kanyang kaduwagan ay agad itong naniwala. Kaya nang umuwi siya sa Condo ay wala na itong naiwan kahit na konting bakas.

Mahabang panahon ang ginugol niya para hanapin ito. Labing limang taon ang lumipas nang si Yen mismo ang kumatok sa kanyang tahanan. Nag a-apply bilang kasambahay. Dahil sa malaking pagkakahawig nito kay Sharina ay agad niya itong tinanggap. Nang malaman niya ang pangalan nito ay lalong lumakas ang kanyang hinuha.

Nag imbistiga siya at tinunton ang address na nakalagay sa bio-data na ibinigay sa kanya ni Yen. At doon niya nakita si Sharina. Nakausap niya ito. Ang laki ng itinanda nito. Nalaman niya na sumama ito sa dati nitong manliligaw. Nagsama sila, nagpakasal at nagkaroon din ng tatlong anak. Naghirap ito dahil hindi ito nakatapos. Dahil din sa nabuntis niya ito. Mag isa nitong itinaguyod si Yen bago dumating si Berto. Buong puso nitong inako si Yen at pinalaki. Inari nito si Yen bilang isang tunay na anak at kahit si Yen mismo ay hindi nagduda sa kanyang pagkatao. Dahil na din sa pagmamahal na ibinigay ni Berto na dapat ay siya. Wala na ang galit nito sa kanya. Wala na din ang pagmamahal. Ang lahat ng tungkol sa kanila ay ala-ala na lamang. At natanggap na niya iyon noon pa man. Yon dahil sa kanyang kaduwagan.

Masakit sa kanya na hindi man lang siya nito nakilala. Marahil ay iyon na din ang kabayaran sa kanyang kataksilan. Parusa iyon sa kanyang kaduwagan. Si Berto na walang wala ay nakayanan na panindigan ito. Pero siya...wala siyang kwenta.

Kaya naman simula noon ay sinubaybayan niya si Yen. Hanga siya sa kakayahan nito. Ang pagiging pursigido nito sa kanyang pangarap ang labis niyang hinangaan. At ang prinsipyo nitong makamit ang tagumpay ng patas at pinagbuhusan ng sariling pagod at lakas. Ang paraan nitong tumimbang ng mga sitwasyon at matalinong pag de-desisyon. Yon ay naituro ni Berto ng mahusay sa kanyang anak.

Magaling ang naging pagpapalaki dito ni Berto. Nahubog ito bilang isang mabuting tao. Kaya naman ay naglubag ang kanyang loob. Hindi na niya inagaw pa kay Berto ang pagiging ama nito. Hindi na niya ipinaalam pa kay Yen ang tungkol sa kanya bilang ama. Naduduwag nanaman siya. Ayaw niya na masira pa ang magandang samahan nila. Ayaw niya na magalit pa si Yen sa kanya. Kaya naman pinanindigan na lamang niya na isa siyang mabait na amo. Na may concern sa mga taong deserving na katulad ni Yen.

Ang kompanyang pinaghirapan niya ay buong puso niyang ibinigay kay Yen. Bilang kabayaran sa lahat ng panahon na wala siya sa tabi nito. Sapat na ang hirap na dinanas nito. Kaya naman marapat lang na maranasan din nito ang buhay na dapat ay nakatalaga para sa kanya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Sophia ang lahat. Alam ng kanyang asawa ang tungkol kay Yen. At pasalamat din siya na tinanggap din nito si Yen nang buo. Itinuring nilang kapamilya si Yen. Hindi nila ipinaramdam dito na katulong ito. Kahit sa kanyang mga anak ay malapit ito. Marahil yon ang tinatawag na lukso ng dugo.

Inakala ni Yen na ganoong nga iyon. Isa lamang siyang mabuting amo na nakitaan siya ng potential. At tinulungan siyang umangat. Pinalabas niya na binenta niya ito kay Yen at pumayag siyang bayaran nito ng installment. Pero ang perang ibinibigay nito sa kanya ay ibinabalik niya din sa account nito. Hindi pa nito iyon napapansin sa ngayon, subalit balang araw ay alam niyang matutuklasan din nito ang totoo. Alam ng ibang investors na si Yen ang nawawala niyang anak. Siniguro niyang magli- leak ang impormasyong iyon sa ibang investors para hindi maging ganoon kabigat ang pagtanggap ng mga ito kay Yen.

Napabuntong hininga si Rico nang sumagi sa isip niyang malalaman din ni Yen ang totoo. Hindi niya alam kung papano ito haharapin. Kung mapapatawad ba siya nito. Kung matatanggap ba siya. Hay...saka na. Pag nandoon na. Ang mahalaga ay sigurado na siya na maayos at maganda ang buhay ng kanyang anak.

Lumipad siya patungong Amerika para doon manirahan. Subalit nangako siya kay Yen na aalalayan niya pa rin ito at darating siya sa binyag at birthday ng apo. Hindi siya pwedeng mawala doon. Sa ngayon, ay panonoorin niyang muli si Yen mula sa malayo.

------------------------------------------------------

hihihi! Yon naman pala ee. Tama ang hinuha ni Yen na tatay niya nga si Rico. Nag iimbento siya ng kwento dahil totoong naiisip niya na baka tatay niya ito. Nakakapag taka naman din talaga.

salamat sa pag antabay.

salamat sa pag suporta.

sikapin natin na matapos ito nang maganda.

the trying hard,

-nicolycah