webnovel

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)[FILIPINO] PREVIEW ONLY

HUNTING KENDRA (The Last Vampire) Vampire/Zombie/Wolf Series Written by: Babz07aziole Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...

Babz07_Aziole · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
9 Chs

CHAPTER SIX

AGAD na siyang tumayo mula sa pagkakaupo ng magsabi ng huling prof niya ngayong gabi ang dismissed.

Mabilis na niyang sinamsam ang lahat ng kaniyang mga kagamitan at agad nang naglakad paalis. Ayaw niyang maabutan siya ng lalaking iyon, masama ang kutob niya. Ilang beses niyang ginamit ang kakayahan niya upang makita ang mangyayari mamaya, ngunit pumalya lamang siya. Nanakit lang ang ulo niya sa ginawa niya.

Alas-onse niya kaya mangilan-ngilan na ang mga estudyanteng naghihintay ng mga sundo nila. Nang makalagpas siya sa poste ng ilaw ay mabilis na siyang nagtatakbo na tulad ng mabilis na hayop pang gubat. Nagpalukso-lukso siya sa mga sanga ng puno. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang natigilan mula sa ere, kitang-kita niya ang namumulang mata nito na nakatutok sa kaniya.

Bigla siyang natuliro, hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Ang balak niyang pagtalikod dito ay hindi na niya nagawa, sapagkat mahigpit at marahas siyang hinila nito pababa,napahiga siya sa lupa.

Nagpumiglas siya ngunit walang magawa ang lakas niya mula rito. Naikalat ang mga kagamitan niya sa lupa.

"Bitiwan mo ako!"naghuhumiyaw niyang sabi dito. Napapikit si Kendra ng maramdaman niya ang lalong paghigpit ng pagkakahawak ng kamay niya sa likuran niya ni Timothy.

"Bibitawan lamang kita kung sasagutin mo ang mga itatanong ko sa iyo Kendra."mahinahon nitong sagot sa kanya, pero ramdam niya ang kakaibang emosyon na nakapaloob sa sinabi nito.

Hindi siya umimik pero napilitan siyang magsalita muli ng lalong hinigpitan at pinuwersa ang kamay niyang hinahawakan nito.

"Oo na ano ka ba! Babalian mo ba ako ng kamay!"panggagalaiting bulyaw niya sa binata.

Tila naman nakaramdam ng awa si Timothy, tuluyan na niyang binitiwan ang kamay ng dalaga.

Dahan-dahang tumayo si kendra, hinimas pa niya ang brasong namula na dahil sa ginawa nito. Iniwas nalang ni Timothy ang mata ng masama siyang binalingan ni Kendra.

Ilang sandali silang natahimik parehas, tanging mga huni ng panggabing hayop ang madidinig sa buong kakahuyan. Maski ang hangin ay banayad na humahampas sa kanilang balat. Maaliwalas maski ang langit na tinatanglawan ng bilog na buwan. Tila may kung anong mahika ang nakapalibot sa buong paligid nila sa mga sandaling iyon.

Muling ibinalik ni Kendra ang tingin dito, nagtaka siya ng labis dahil tuluyan ng nag-iba ang kulay ng mata ni Timothy. Mula sa pula ba katulad ng dugo ay naging asul na ulit ito, pinakatitigan pa niya ito ng mabuti baka namali lang siya. Ngunit hindi na muling bumalik sa dati ang kulay ng mga mata nito.

Nagbunga muna ng hangin si Kendra bago umimik. Nakaramdam siya ng pagkainis sa lalaking kaharap, kahit mas matanda ito ng sampong taon sa kaniya ay hindi niya papayagan na ganunin na lang siya. Teacher pa naman niya ito pero sa inasal nito, baka hindi na niya ito kayang irespeto!

"Ano bang itatanong mo huh?!"hindi na niya napigilang ang pagsigaw dito. Unti-unti siyang naglakad, napansin niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kaniya.

Nababaliw na yata ito, ano ang akala nito tatakasan ko siya! Inis na naibulong niya sa isip. Agad na niyang pinagpupulot ang mga gamit niyang naikalat.

"Hindi ako baliw Kendra, kung iyan ang nasa isip mo."naisatinig ni Timothy. Marahas ang ginawang paglingon ni Kendra sa kinatatayuan ng binata. Nasa mukha nito ang kaseryusuhan.

"P-paano mo..."naguguluhan at puno na ng pagtataka ang tinig ni Kendra. Hindi na siya pinatapos ng binata agad itong sumabad.

"May kakayahan akong makabasa ng isip Kendra, so stop being naive. Hindi bebenta sa akin iyan." Seryusong sabi ng binata kay Kendra.

Hindi pa rin nakaimik ang dalaga sa mga sandaling iyon, napapaisip talaga siya sa lalaking kaharap. Kung ano ba talaga ito.

"Don't worry Kendra, katulad mo isa rin ako kakaibang nilalang."sagot ng binata sa tanong ni Kendra sa isip para lay Timothy.

"What the... ano ka ba t-talaga, isa ka rin bang bampira na katulad ko?"bigla ng tanong ni Kendra. Nagugulat pa rin siya sa nangyayari ngayon.

Napangisi naman ang binata kasabay ng pagtingin nito sa bilog na buwan na unti-unti ng tinatakpan na ng maitim na ulap. Bigla-bigla ang pagbabago ng temperatura sa paligid.

Hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan, tuluyan na silang nabasa ng binata.

Agad sana siyang tatakbo, ngunit sa maling hakbang ay namali ang tapak niya sa lupa. Upang tuluyan siyang bumagsak sa lupa, agad sana siyang tatayo ngunit napangiwi siya ng maramdaman ang pinong kirot sa talampakan niya.

Naiiling naman tinapunan siya ng binata sa mga oras na iyon, walang pag-aatubiling pinangko siya nito. Napatitig na lamang siya sa guwapong mukha nito na nanatiling nakatingin sa ibang direksyon.

"Ihahatid na kita Kendra, mukhang masama ang lagay ng paa mo. Sa ibang araw na tayo mag-usap,"pukaw ni Timothy sa pagkakatitig sa kaniya ng dalaga.

Napalunok naman si Kendra, kasabay ng pagtango. Kipkip ang mga librong hawak ay mabilis na gumalaw si Timothy, hanggang sa tumakbo na nga ito ng mabilis. Ramdam niya ang malamig na dapyo ng hangin sa kaniyang mukha. Ngunit hindi na niya pinansin ang lamig dulot ng tubig ulan, nasa mga bisig na kasi ng binata ang kanyang pansin.

Tahimik lamang sila sa mga sandaling nagdaan, iwasan man ni Kendra na damhin ang init ng katawan ng binata ay hindi niya na napigilan. Unang beses na maranasan niya ang ganito, buong buhay niya ay never siyang napalapit sa kahit na sino. Dahil tanging Mama niya lang at ang Tita Trinity niya lamang ang nakakasalamuha niya sa buong buhay niya, bukod sa mga naging kaklase niya ay wala siyang masasabing naging malapit na kaibigan.

Dahil binawalan siya ng Tita Trinity niya na 'wag magtitiwala kanino man. Naalala niya dati may isa siyang kaklaseng lalaki, binalak siyang ligawan nito. Natuwa nga siya noon, dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman ito at talagang napakabait pa. Kaso isang araw matapos ang tatlong buwan nitong panlilugaw sa kaniya ay bigla na lamang hindi ito nagpakita o nagparamdam na labis niyang ipinagtaka.

Nabalitaan na lang niyang lumipat ito ng ibang lugar ang dahilan ay hindi na niya inalam. Basta ang pagkakaintindi niya isa rin ito sa mga taong mapagpanggap.

Hindi na namalayan ni Kendra na napapikit na pala siya at tuluyang ipinikit niya ang mga mata habang nakasandig sa matipunong dib-dib ng binata.

Kanina pa hindi maayos ang pagtibok ng puso ni Timothy, nagsimula ng buhatin nga niya ang dalaga. Ramdam na ramdam niya ang kalambutan ng katawan nito at ang kakaibang halimuyak na nanggagaling mula rito. Lalo ng isinandig na ng tuluyan ni Kendra ang mukha nito sa kaniyang dib-dib.

Mabuti na lamang at agad na silang nakarating sa bahay ng mga ito.

Napamulagat si Kendra ng maramdaman niyang tumigil na sa pagtakbo si Timothy.

"Nandito na tayo,"marahan na sabi ni Timothy sa dalaga. Dahan-dahan nitong ibinaba si kendra, parehas pa sila napasulyap sa pintuan. Kasabay niyon ang paglabas ng Mama niya. Pinaglipat-lipat nito ang tingin kay Kendra at sa binata. Nasa mukha nito ang pagtatanong kung sino siya at bakit buhat-buhat niya si Kendra.

Dahan-dahan nang bumaba ang dalaga mula sa pagkakapangko ni Timothy. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Kahit masakit parin ang paa niya ay hindi na lang niya ipinahalata sa Mama niya. Ayaw niya itong nag-aalala.

"Wala ito Mama, natapilok lang ako sa daan k-kaya nagprisinta si Prof. Grae na ihatid ako." Agad na paliwanag niya sa ina.

Napatango-tango naman ito kapag-daka, tinapunan pa nito ang binata bago muling pumasok sa loob.

"S-salamat nga pala sa paghatid,"pasasalamat niya.

Tumango naman ang binata, iniiwas ni Kendra ang pansin. Ngunit sa pagtataka niya nanatiling nakatayo lamang ang binata at titig na titig sa kanyang mukha.

"Ano pa bang hinihintay mo?"taka niyang tanong.

Bigla nanlaki ang mga mata ni Kendra sa pagkurap niya'y tuluyang naglaho na parang bula ang binata. Naramdaman niya ang magaan na dapyo ng labing dumampi sa labi niya. Bago ito tuluyang maglaho sa harap niya. Nanginginig pa ang labing hinawakan niya ito.

Tang ina! 'di yata't hinalikan pa siya nito? Pero imbes na magalit ay mas lumamang ang kilig sa ginawa ni Timothy.

Damn malala na yata siya. First kiss niya iyon duh!