webnovel

10 Utos ng Manliligaw

Sampung Utos Ng Manliligaw

(Self Sustained 'to kaya wag kang Epal, Paniniwala ko yan)

1. Bawal ang Rebound

Simple lang naman ang logic dyan e, siguro naman alam mo na kung bakit. Kung nasaktan ka ng ex mo na hindi naman kagandahan makapaginarte, wag ka na munang mandamay HAHA. Solohin mo muna yan ! iinom mo para masaya, ikwento mo sa tropa, iyakan mo sila tapos sabihin mo magbabading ka na lang. Hindi yung maghahanap ka ng panakip butas sa puso mo, Kung nagaaral ka ng biology malamang alam mong may butas talaga yan, since birth. "Mas magandang gumawa ka na lang ng assignment mo, o kaya tapusin mo muna trabaho mo sa opisina, walang BREAK LEAVE ! walang sahod/baon kapag hindi ka pumasok !"

2. Bawal ang Assuming !

Kapag nanligaw ka, dapat mong isipin na wala syang gusto sayo. Para may challenge tsaka kung iisipin mo kasing meron, baka itake for granted mo lang s'ya. Hindi yan magiging masaya promise. Pakboy ka na nyan boy haha, tsaka wag kang magpapaniwala na funny is the new pogi, matagal ng pogi ang mga funny. Malakas lang talagang sumabay sa agos karamihan sa mga babae, lakas makaDouble Standard. "Hindi lahat ng babae looks ang hinahanap"

3. Befriend Her Friends

Kahit ayaw mo sa mga tropa nyang maiingay at mapanlait, tiis tiis lang bro, ginusto mo yan e haha. Madami yang maitutulong sa'yo, tsaka mas madami silang alam tungkol sa nililigawan mo na hindi mo nakikita. Wag kaseng porket maganda liligawan mo agad. Check mo din yung ugali, sabi nga nila "Tell me who your friends are and I'll tell you who are"

4. Ipakita mo ang iyong True Colors

Pakita mo agad yung totoo mong kulay, kasi mahirap magadjust sa sorbrang goodboy habang nanliligaw ko kung pakboy ka naman talaga, depende kung handa kang magbago. Kung habang nanliligaw ka e ang sweet sweet mo na kulang na lang e magtayo ka ng candy shop sa tabi ng 7-11 kung saan palagi mo syang nililibre ng hotdog at siopao. Mas maganda na din yung sagutin ka nya ng oo kasi yun ka talaga. "Kakantahan paba kita ?"

5. Seek Parental Guidance

Pakilala ka kagad sa parents haha. Mas malaki ang chances na sagutin ka ng nililigawan mo kapag kilala ka ng parents, depende na lang kung ok ka sa kanila. Tsaka hindi ka mahihirapang dumalaw sa bahay nila . Magdala ka na din ng Pizza, baka mahilig yung nanay nya dun. Pero kung wala pang budget kasi estudyante ka palang ok na siguro yung po at opo. "Mother knows best" kapag hindi ka trip ng nanay, tanggapin mo ng may kontrabida sa buhay nyong dalawa kapag oo ang sinagot nya .

6. Be an Ready-to-listen-always-there Kind of Guy

Ikaw dapat yung huwarang pader hahaha yung ginangster ni Kim Chiu kasi na friendzone sya. HAHA . Joke lang, dapat palagi kang nadyan, hindi naman to the point na bumili ka ng bulldog tapos idikit mo sarili mo sa kanya, dapat magaling ka lang makinig, kapag kasi nagkikwento ang mga babae hindi naman nila talaga kailangan minsan ng solusyon sa problema nila, kailangan lang talaga nila ng makikinig. "Be a good listener". Wag kang sumabat hangga't di pa tapos yung kwento.

7. Open ka dapat

Kahit pa sabihin nating nanliligaw ka, hindi ka dapat mahiyang magkwento sa kanya. Lalo na kapag medyo close na kayo. Natutuwa yang mga babae kapag medyo madaldal ka. Wag ka nang maglihim, depende na lang kung may tinatago ka, hindi naman din kailangan ng secrets kung sakaling maging kayo (pero wag mong sasabihing hindi kapa tuli, magpatuli hangga't hindi pa huli ang lahat). Kapag kasi may nalaman yan na dapat e alam nya, sira na ang tiwala, minus pogi points agad yan. Basahin mo yung Pogi Points ni Stanley Chi, Epektib yun.

8. Dapat One at a Time

Kung manliligaw ka, isa isa lang. Anu to? Lotto ? the more you bet, the more chances of winning? HAHA. Easyhan mo lang. Dito lang masama ang reserba, dahil kapag nalaman n'yang may nililigawan kapa bukod sa kanya. Basted ka na promise. Wag mo nang ipagpatuloy mga pangarap mo sa buhay, subukan mo na lang magnetworking baka may makilala kapang taong open-minded na maiintindihan ka kung baket more than one ka kung manligaw. Maghilamos ka para mahimasmasan ka .

9. Wag maging Manyak

Eto nangyayari na to kapag feeling mo e gusto ka na talaga ni Girl, yung tipong sasagutin ka na nya ngayun kaso tinatamad lang sya. Kung magdedate kayo sa Sinehan, magdala ka ng jacket hindi yung mangyayakap ka, pahiramin mo ng jacket, magdala ka na din ng payong! Muka ka pang gentleman. Wag ka ding manghihingi ng kiss, ano to ? U-Week ? may kiss booth. Ok na siguro yung Hug pagkatapos mo syang ihatid sa kanila kahit medyo gabi na. Basta may consent ! lahat ng bagay kailangan ng consent kuya.

10. Dapat may Last Resort

Eto na nga ang last resort, kapag feeling mo talaga e wala ka ng pagasa pero gustung gusto mo talaga sya, Magaral ka na lang ng mabuti ! para may future ka ! hindi porket ikaw lang walang love life sa inyong magkakatropa e maghahanap ka agad, wag mong pansinin yung tropa mong mas panget pa sayo pero may Girlfriend, isipin mo na lang wala kang gastos ! Walang load at walang hassle . Basahin mo yung Suplado Tips ni Stanley Chi tapos iapply mo sa totoong buhay, babae na lalapit sayo ! Ipupusta ko laman ng wallet ko ! Kapag hindi yan umepekto ewan ko na lang sayo

Note*- Basahin ang mga sumusunod iapply mo na din para umepekto :

Pogi Points ni Stanley Chi

Suplado Tips 1 & 2 , Stanley Chi paden

at Kung ayaw mo na sa Girlfriend mo, basahin mo yung kay Ramon Bautista ! Yung Orange na libro nya ! Tsaka magdeodorant ka !

Para talaga to kay Jo Mar Esquillo Mabborang , Pinsan kong walang lovelife, torpe at laging niloloko ng babae