webnovel

How I became a Mother (TAGALOG-ENGLISH)

Career & Love Series: 1 Gabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastian Salvador, the long lost father of the child and the well-known CEO of many famous clubs. Will she be able to accept being a substitute mother? Or will she reject the responsibility and give the baby to Sebastian?

soriNotsorry · วัยรุ่น
Not enough ratings
10 Chs

Parking Lot

Kumatok ako sa pintuan ng office nang aming department head bago pumasok.

Mga ilang segundo rin ako naghintay sa pag sang-ayon ng head namin na papasukin na ako kaya't tumingin muna ako sa label ng door na nakalagay.

Department Head of Obstetrics and Gynecology

Dr. Genevieve Reyes-Salvador, M.D.

Soon pangalan ko naman makakalagay diyan and I can't wait to make it happen.

"Come in." narinig ko na sambit ng department head namin kaya't pumasok na ako. Nakita ko sya sa swivel chair, naka suot ng reading glasses at seryosong nagbabasa ng papers.

"Good afternoon po, Dr. Salvador." pagbati ko sa kanya at hinihintay na alokin niya ako't umupo.

Tumawa sya ng mahina at tinanggal ang glasses niya't tumingin sa akin.

"Don't be so formal Ella, come on sit my dear." malambing na pag-alok ni Dr. Salvador habang hindi nawawala ang mga ngiti niya sa labi. "How are you my dear?" tanong nya sa akin.

Umupo ako sa upuan niya sa harap ng table at ngumiti. "Mabuti naman po ako Dr. Salvador, kayo po?"

"Maayos rin naman and didn't I tell you na stop calling me that? Instead, call me Tita Gen?" pagsaway ni Dr. Salvador sa akin habang nakatingin ng deritso sa aking mga mata.

She always tells me kasi na to call her as Tita Gen but I can't, knowing na boss ko sya and I am aiming to be next in line to hers. Baka kasi sabihin ng iba na nakuha ko ang posisyon as department head dahil sa connections and hindi sa sariling sikap.

"Sorry po Dr. Salva--ah Tita Gen, nasanay lang po." nahihiyang pagdadahilan ko sa kanya at yumuko.

"Ikaw talaga Ella." sambit ni Tita Gen habang umiiling. "By the way, do you know the reason why I called you here?" patanong na sambit ni Tita Gen na ikinabilis kong tumingin sa kaniya at umiling.

"Your assistant called and said na you were always on your office daw at parang hindi na umuuwi sa inyo, totoo ba iyon Ella?" striktong tanong ni Tita Gen na ikinatuyo ng aking lalamunan.

"Paminsan po, mas kumportable po kasi ako sa office kysa bahay." pagdadahilan ko at umiwas ng tingin ky Tita Gen.

"Ella, yes it's normal for us doctors to stay at the office for how many hours. But your assistant said that you stayed there in the office kahit wala ka namang kailangan gawin dun." pag-eexplain ni Tita Gen sa akin habang naka tingin pa rin sa akin ng masama. "Because of that, I will be giving you office leave for 1 month." dugtong pa niya dito na ikinagulat ko.

"Tita Gen I have things to do sa office naman and what about my patients?" natatarantang sambit ko sa kanya.

"I am giving you this for you to rest, masyado ka ng workaholic Ella. It is not good for you and your body."

"Tita Gen—"

"Ella, you are the most skilled and intelligent doctor we ever had. Kaya nga't binibigyan kita nito dahil gusto ko magpahinga ka muna at enjoy your own time." worried na sabi ni Tita Gen at sumandal sa likod ng swivel chair niya.

"How about my patients? They need me Tita Gen, I can't just leave them." nag-aalalang sambit ko sa kanya.

"I'm giving them to Dr. Suarez for a while. Don't worry, she'll take care of them." panatag na sabi niya sa akin habang ako ay hindi, kakompetensya ko rin ito sa position as department head. Alam kong gagawin niya talaga ang lahat para maging department head and when I say lahat as-in lahat.

"But Tita Gen—"

"No buts Dr. Divata, that's it. My decision is final, you may go now." pormal na tutol ni Tita Gen sa akin na ikinababa ng aking balikat at tumayo na sa upuan.

"Yes I understand Dr. Salvador, I shall take my leave then." malungkot kong saad ky Tita Gen at nag simula ng umalis patungo sa aking office.

Habang pabalik ako sa office ko ay naka salubong ko si Dr. Suarez na may malaking ngiti.

"Oh hi Dr. Divata, I heard from your assistant na pinatawag ka daw ni Dr. Salvador?" plastik na pagbati sa akin ni Dr. Suarez. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumango.

"Nakuuu baka pinagalitan ka. May ginawa ka bang masama?" sabi niyang nagkukunwaring nag-alala sa akin. Sus alam ko style mo Dr. Suarez at yung acting skills mo -1 over 100.

"She gave me an office leave. Masyado ko na raw kasing ginalingan yung pagiging doctor kaya halos lahat ng pasyente sa akin nagkokonsult." I said while smirking at her dahil nakuha ko yung gusto kong reaksyon sa kanya. Pumangit kasi ng masyado yung mukha niya after I said those words.

"Oh well I gotta go. Iinform ko lang mga patients ko na I need to rest and for the meantime I will direct them na magpakonsult doon sa doctor na in-assigned na substitute ko ni Dr. Salvador. Which is ikaw pala dahil walang masyadong patients." pag-iinis ko lalo sa kanya at sinimulan ng umalis sa harapan niya. Yung mukha niya kasi parang gusto na akong patayin sa galit.

Pagpasok ko sa office, abala yung assistant ko sa pagsusulat sa papel. Baka yun yung mga patients na kailangang ibigay ky Dr. Salvador para masupervise niya ito at ibigay ky Dr. Suarez.

"Hi Lori, ikaw ha isinumbong mo ako ky Dr. Salvador." pagbati ko sa kaniya kaya yung atensyon niya ay nasa akin at nagulat sa sinabi ko.

"Naku Doc hindi po. Pinag bantaan kasi ako ni Dr. Salvador na papaalisin sa pagiging assistant niyo po kapag hindi ako magsasabi ng totoo." maiyak iyak na sambit ni Lori sa akin. Maiyakin kasi ito eh kaya gustong gusto kong inaasar.

"Wehh sabi ni Dr. Salvador kusa mo daw sinabi eh." pang-aasar ko lalo sa kanya.

"Hindi talaga po Doc, promise." sambit ni Lori habang naka taas pa ang kanang kamay. Cute talaga nitong awayin parang isang sundot mo lang iiyak na.

"Oh sige sinabi mo eh. So for now 1 month muna ako aalis sa hospital ha matagal tagal rin tayo magkikita but update me sa mga patients pa rin if they received the treatment that they need." pagbibilin ko sa kanya at tumango lang ito at patuloy inilista ang mga pangalan ng aking mga pasyente sa papel.

Pumasok na ako sa separate office ko at umupo sa swivel chair.

Naka tunganga lang ako habang iniisip ko kung ano gagawin ko sa loob ng 1 month. Paano na yung posisyon sa pagiging department head na gusto ko. Habang iniisip ko ang mga problema ko ay nag ring yung phone ko. Kinuha ko yun at ini-accept ang call kahit hindi ko pa tinigtignan ang caller ID.

"Ellaaaaa!"

Inilayo ko ang phone ko sa tainga dahil sa matinis na sigaw. Tinignan ko yung caller ID at inanswer na naman yung call.

"Zara ba't ka ba sumisigaw?" iritang sambit ko sa kanya at naka rinig lamang ako ng tawa sa kabilang linya.

"Sorry Ell. Samahan mo ko pumunta sa Sm Mall ngayon bibili ng gift ky Varina dali!." pa-utos na sambit ni Zara na ikinakunot ng aking noo.

"Zara alam mo namang ayoko pumunta ng mga mall dba?"

"Sige naaaa. I know wala ka pang nabibiling gift para ky Varina kaya hali ka na!" excited na sambit ni Zara na ikinapikit ko na lamang ng aking mga mata.

"K fine." pagod na sabi ko ky Zara habang pumipikit pa rin.

"Yayy! Kasama pala natin si Lucy and Sophia, let's meet sa starbucks nalang by 4:00pm okay? Byeeee." pinutol niya na ang tawag.

Tumingin ako sa watch ko kung ano ng oras and alas 3 na pala. Naku! kailangan ko pang umuwi sa bahay para mag bihis at maligo. Dali dali kong kinuha ang aking bag at lumabas.

Wala si Lori sa upuan niya, siguro nag Cr or pumunta sa canteen. Nagsulat nalang ako sa papel na aalis na ako and daling dali pumunta sa parking lot.

Lumapit ako sa pulang BMW 8 series gran coupe kong sasakyan at binuksan ito. Umupo na ako sa driver's set at pinaandar ng ilang minuto yung sasakyan ko. Iniayos ko ang aking bag sa front seat at nag suot ng seat belt at umalis na patungo sa condo.

Nang makarating ako sa parking area ng condo ko ay dali dali akong umalis sa sasakyan ko at tinignan ang aking relo, 3:45 pm na. Malalate ako nito kaya kinuha ko ang aking phone at tinext si Zara na malalate ako.

Habang gumagamit ako ng phone ay may bumunggo sa akin na dahilan na mapa-upo ako sa sahig. Inis kong tumingin sa bumunggo sa akin at tinaasan ng kilay.

"Hey! Watch where you're going!" inis na sigaw ko sa lalaking nasa harap ko at parang walang plano na tulunggan akong tumayo.

"I should be the one who will say that. Ikaw yung busy sa phone and didn't even look where you were going." inis din na sambit nung lalaki at umaktong tatalikuran na ako.

Galit akong tumayo at sinagawan sya na nag echo sa parking lot.

"Siraulo!"

That made him turn back again to me. Galit itong naka tingin sa akin parang mangangain na. He walk slowly towards to me na parang tigre naghihintay na kagatin yung prey.

"Look miss, you bumped into me. You don't have the right to be angry but you should apologize to me. Where's your manners?" he menacingly said to me since mas maliit ako sa kanya he towered over to me. He looks hot when he's angry though. Waitttt what? Ella are you hearing yourself?

"I-I-Ikaw dapat mag sorry noh." I stuttered when answering him. I don't know why, but I did. Sya lang ata nakakapag stutter sa akin, never ako nag stutter sa kahit sino man. Well, I guess kung sino man ata kaharap nitong kausap ko ay mag stu-stutter at matatakot dahil nakakatakot naman talaga sya. Baka saksakin niya ko dito sa parking lot na kami lang dalawa dito.

"Oh really?" he evilly smirked at me and patuloy pa rin sa paglapit sa akin habang ako ay umaatras na. I felt na may matigas sa likod ko kaya't tinignan ko yun at nakitang nakasandal na ako sa likod nang sasakyan.

"Say sorry to me." he said in a demanding way in a low voice na parang husky na yung voice niya. I don't know but napalunok ako ng laway sa ginagawa niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang nakatitig rin ito sa akin. Di ko na pigilan na tumango.

"I-I-I'm sorry." nahihirapan kong sambit habang nakatingala pa rin sa kanya. Kumawala sa kanyang mukha ang isang malapad na ngiti at umatras ng kunti.

"Good girl." he proudly said and winked at me at tuluyan nang pumasok sa condo building.

What the? Bakit ako bumigay? Sino ba yun? Why does he have this effect on me that I barely know that I have?

Gago.