Ang bilis ng araw, isang linggo na ang dumaan after noong book signing. Isang linggo narin akong umay na umay na sa kakautos ni Jake. Utos dito, utos doon. Wala naman akong magawa kundi sumunod kasi kung hindi edi nalagot na ako! Ngayon ang ika-43 na araw na uutusan niya ako. Oo nagttrack ako sa araw, kasi baka lumagpas na siya sa 100 days. May topak pa naman yun.
Nandito pala ako ngayon sa library. Hindi pa naman ako tinatawagan ni Jake eh, himala nga simula kaninang umaga walang paramdam, ano kayang nangyari dun? Medyo kinakabahan rin ako para sa kaniya.
"Angela, uy andito ka lang pala. Kanina pa ka namin hinahanap. Nakita mo ba si Jake?" ha? bat ako ang tinatanong ng mga ito eh maski ako hindi ko alam. "Ha? hindi ko alam, akala ko nga kasama niyo lang siya eh. Kaninang umaga pa siya walang paramdam, kung normal na araw ngayon nasa tambayan niyo sa sana ako nagluluto."
"Ano bang nangyari dun? Kagabi huling chat niya samin eto" at pinakita nila ang chat nga ni Jake.
Jake: Mga g*go, bumalik na siya
"Ha? Sinong bumalik? Kilala niyo ba?" tanong ko naman sa kanila. "Hindi rin namin alam, kaya nagtataka kami" sabi ni Gio. Bat parang kinakabahan ako? Tsk ano ba tong narararamdaman ko, hindi pwede to.
Jake's POV
Urgh, I miss her. I fvcking miss her! Hindi ko alam bakit basta miss ko lang siya. Hindi ako nagparamdam sa kanila kasi susunduin ko sa Airport si Elainne. My ex.
I didn't expect na darating ang araw na ito. Akala ko tuluyan na niya akong iniwan. Kaya heto, papunta na ako sa airport si Elainne.
Wala rin akong magawa, kung hindi ko siya susunduin papagalitan naman ako. Last night I just chatted them that she's back, hoping they'll get whom is back. I don't want Angela to worry.
"I'm sorry, really sorry Angela" I whispered and focused on the road.
- Airport -
Nandito na ako sa Airport, Currently waiting for Elainne to come out. Habang naghihintay, chineck ko ang phone ko, nakita konv maraming messages and missed calls from Angela. Afraid, I shut my phone off and hid it in my pocket.
"Babyyy" nagulat nalang ako ng may yumakap sa akin.
"Please, wag mo akong yakapin, and don't call me baby." sabi ko at mahina siyang tinulak palayo sakin. Naka move on na ako sa pang iiwan niya sa akin. Bigla ko rin naisip si Angela. Aish bat ko ba naisip ang babaeng yun?
Kinuha ko na ang mga bags na dala ni Elainne and nauna ng bumalik sa sasakyan ko. Ayoko pa siyang kausapin ngayon. Naka move on na ako pero hindi ko pa siya napapatawad. Basta ang alam ko, ayaw ko na sa kaniya. Wala na rin akong pake kung magmukha man akong masama sa tingin ng iba
"Baby naman, talk to me" sabi niya pa at lalapit na sana pero umiwas ako, at sumakay na sa driver's seat. Sumakay na rin siya sa shotgun seat at saka ko pinaandar ang sasakyan.
Tahimik lang kami sa byahe ng bigla siyang magsalita, "Jake, I miss you. Don't you miss me too?" sabi niya at hindi ko man lang siya tiningnan at sinagot "No, keep in mind that I'm doing this as my parents request. Don't expect too much." I said pero hindi pa rin siya na kontento.
"I thought you love me Jake?" napasmirk ako sa sinabi niya at bahagya siyang tiningnan. "Don't act as if you didn't go somewhere I don't know without saying anything. You know very well what happened to me here when you left me. So don't expect I still have feelings for you. I already moved on so just accept it and move on too." I said as I parked the car, sa harap ng bahay nila.
Nilabas ko na ang mga gamit niya and nilagay sa labas ng bahay nila, sabihin niyo pang hindi ako gentleman pero ayoko na siyang makasama sa ngayon, baka ano pa ang magawa ko sa kaniya, baka masampal ko lang siya.
Angela's POV
Hayst, nasaan na ba yung lalaking yun, di ko alam bakit pero nagaalala ako. Hindi naman porket ganun na siya kasama di na ako mag-aalala na ako sa kaniya. May kabaitan pa naman yun kahit konti sa katawan.
*bell rings*
Tsk, mamaya ko na siya pproblemahin, papasok muna ako sa susunod na class ko. Mamaya pagkatapos ng klase saka ako pupunta sa tambayan nila, baka sakaling andun na siya. Nakakainis naman kasi, pano ako makakapag concentrate sa klase ko neto? Siya yung inaalala ko kasi buong araw ba namang walang paramdam. Nakakapanibago kasi. Nasanay na ako na araw araw niya akong iniinis.
Nandito na ako sa room namin at talagang hindi ako makapag concentrate.
"Miss Barboza?" Aish, lintik talaga yan sakin mamaya, nakakainis. "MISS BARBOZA? Are you still with us?"
Napabalik ako sa huwisyo ng biglang sumigaw ang teacher namin, at pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko. "Yes miss. I'm sorry miss." Sabi ko nalang at nakinig na ulit.
Nagpatuloy na siya sa dicussion niya and nakinig na ako.
*****
Pauwi na ako, wala paring paramdam si Jake. Hindi na ako pumunta sa tamabayan nila dahil nakasalubong ko na naman sina Gio sa hallway and sabi nila wala doon si Jake.
Instead na maghintay ng text sa kaniya, kusa nalang akong nagtext. Panay tingin ako sa cellphone ko habang naglalakad ako kasi baka magreply siya ng biglang may nakabangga ako.
"Hala, sorry po. Sorry talaga, kasalanan ko yun, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi ko at tutulungan ko na sana siya ng bigla niyang tinampal ang kamay ko at masamang tumingin sakin.
"Sa susunod kasi wag tatanga-tanga, ayan tuloy ano na ang nangyare sa suot ko? Galing pa naman to Australia, and surely you can afford to buy this" mataray na sabi niya, hindi ko naman sinasadya kung makaasta tong babaeng to kala mo ang ganda ganda niya eh make up lang naman ang makapal.
"Sorry po, ikaw nga dyan di rin naman tumingin sa dinadaanan" hininaan ko nalang ng sabi yung huli kasi baka magalit pa.
Naglakad na siya at ngayon ko lang narealize na hindi familiar ang mukha niya, kasi konti lang naman ang lumalabas dito kaya medyo kilala ko na ang mga mukha ng mga tao dito pero siya hindi talaga familiar. Hmmm baka bagong lipat?
Nang maaalala ko kung bakit ko nakabanggaan ang babaeng yun, dali dali kong tiningnan ang cellphone ko at nakitang may message galling kay Jake.
"Meet me tomorrow morning, rooftop ng school. Be there at 7"