webnovel

Chapter 20

His POV

Because of what happened earlier, the awkwardness between us grew.

Kung kaninang umaga ay nagkakatinginan pa kami, ngayon ay ni hindi na kami mapakali at agad na nagbabawi ng tingin tuwing magtatama ang mga mata namin.

"What happened?" I heard Jess asked Sly. They're walking ahead of us.

"Don't ask," Sly answered uninterestedly. "Don't mind them, just some adult things."

I sighed. This mood is killing me! It's not me at all, I think.

"K-kurohana~"

Binalingan niya ako ng tingin na mabilis niya ring binawi.

This is hard.

"Jess!" Nilapitan ko ang dalawang bata dahil sa kawalan ng ideya kung paano mapapagaan ang mabigat na hangin sa pagitan namin.

Hinawakan ko ang kamay ng bata. Napapagitnaan namin siya ni Sly na ngayon ay humawak din sa isa pang kamay ni Jess kasabay ng pagtalim ng tingin sa akin.

I smirk. I can't help myself from teasing this boy.

"Gusto mong kargahin kita?"

Biglang kumislap ang mga mata ni Jess na ngayon ay nakuha ko na ang atensyon. Nang silipin ko si Sly, lalong dumilim ang mukha nito.

Shit, kids are really cute!

"Ayos lang po ba?" medyo nahihiya niya pang tanong.

"Yes!" I answered immediately. "Bakit? Ayaw mo ba?" ganting tanong ko na sinabayan ko pa ng malungkot na boses at mukha.

Lalong kumislap ang mga mata ng bata. "No, no, no!"

"Ahh, ayaw mo..." mas pinalungkot ko pa ang mukha at boses ko ng sabihin ko iyon.

"I mean, a-ano, gushto ko!" nagkandabulol pa siya sa sinabi na lalong nagpa-cute s akanya.

"Okay!" Marahan kong ginulo ang kanyang buhok. "Here you go!"

I pick her up and sit her on my shoulders.

"Wow!"

Nang muli kong balingan si Sly ay lalong nalukot ang mukha nito. Halatang inis na inis siya sakin. HIndi ko tuloy maiwasan ang lalong paglapad ng ngiti ko.

Sa sobrang irita ng bata ay sumabay siya sa paglakad ni Kurohana saka humawak sa kamay nito. Nagulat pa ang babae na napatingin sa bata.

"Why?"

"Hmm, nothing," Sly shook his head then glared at me.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti. Naramdaman ko nanaman ang kakaibang saya lalo na at hindi ko maiwasang mag-isip na isa kaming masayang pamilya. Pasimple kong sinilip ang nakaupo sa aking balikat saka sa magkapanabay na sina Kurohana at Slytherin.

"Kurohana!"

Subalit napatigil ako dahil sa pagtawag na iyon. Agad kong nilingon si Kurohana para lang makita na may kausap na siyang lalaki na base sa mga galawan at ngiti ay hindi maitatangging malapit sa kanya. Ang kanina kong ngiti ay agad na napalitan ng simangot habang patuloy silang pinapanood.

"Siya na ba iyon?"

Biglang lumapit sa akin ang lalaki na ikinagulat ko. Tinignan niya ako mla ulo hanggang paa. Hindi pa siya nakuntento at inikutan niya ako, ang kanyang kamay ay nakalagay sa kanyang baba, habang pinag-aaralan ang aking kabuuan.

Lalo akong naasiwa sa ginawa niya. Para bang isa akong mikrobyo sa ilalim ng microscope kung pag-aralan niya.

Bigla siyang ngumiti ng napakalapad kasabay ng kakaibang pagkislap ng kanyang mga mata. Mabilis siyang bumaling kay Kurohana na hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na. "Napakagaling mo talagang pumili!" ngiting-ngiting sabi nito na umakbay pa sa babae.

Napakunot ako hindi dahil sa kanyang sinabi kundi sa pag-akbay niya kay Kurohana. Akmang lalapitan ko na siya upang alisin ang braso nito sa balikat ng babae ng kusa nito iyong alisin kasabay ng paglahad ng palad sa akin.

"Brad!" nakangising sabi nito. HIndi ko sana papansinin ang paglahad niya ng kanyang palad ng muli itong magsalita. "Ako si Brad ta~"

HIndi na nito natapos ang nais sabihin ng biglang sumingit si Kurohana.

"Kasama ko sa Guild," pagkasabi niya niyon ay sinamaan niya ng tingin ang nagpakilalang Brad na ngayon ay nagkakamot ng ulo habang nakangiwi.

Wala sana akong balak na makipagkamay sa kanya pero naramdaman ko na lang ang kusang paggalaw ng palad ko. Agad kong tinignan ang babae sa aking tabi, nakataas ang isa niyang kilay na parang sinasabing huwag na akong lumaban kaya wala akong nagawa kundi hayaan siya.

"Rod," sagot ko.

Matapos makipagkamay ay bigla niya namang binalingan si Jess na nakaupo sa aking balikat.

"Ito na ba ang anak ninyo?" Bigla akong natigilan sa sinabi niya saka tinignan ng tuwid si Brad. Ang kanyang mga mata ay kumikinang na tila ba giliw na giliw sa bata. "Napakaganda naman, kamukhang-kamukha ng mommy!"

Pasimple kong sinilip si Kurohana. Halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ng makita ko ang kanyang itsura. Kitang-kita ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa kanyang kaputian. Mas lalo tuloy siyang gumanda lalo na ng kabakasan ng kainosentehan ang mukha niya na laging salat sa emosyon.

Agad akong nahinto sa paghanga kay Kurohana ng biglang pumiksi ang bata sa aking balikat. Sa sobrang pagpupumiglas niya ay haalos mahulog na siya mula sa pagkakaupo doon. Hindi ko tuloy maisip kung ano ang ginawa ni Brad sa bata at kulang na lang ay tumalon na pababa doon.

"Oh, kambal ba sila?" biglang sabi nanaman nito na pinuntahan naman si Sly na ngayon ay nakabusangot na habang pinipisil ng lalaki ang pisngi. "Nakakatuwa naman! Parang ilang taon ka lang hindi nadalaw ngayon ay may uwi ka ng mga anak at asawa."

"Stop it, Brad!" sita ni Kurohana. Ang kaninang namumula sa hiyang mukha nito ay nalakipan na ng pagkairita. "You're scaring my children!"

Mabilis na huminto ang lalaki saka tinignan ang mga bata. Sinundan ko din ng tingin si Sly na ngayon ay namumula ang pisngi sa pagpisil ng lalaki habang ang mga mata nito at iling ay namumula din, halatang papaiyak na.

Bago pa muling makapagsalita si Kurohana ay mabilis ng nagpaalam si Brad saka tumakbo palayo.

Walang nagawa si Kurohana sa biglang pagtakas ni Brad. Napabuntung-hininga na lang siya saka kinarga ang batang lalaki. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pang-aalo sa bata na animo'y aping-api na pilit pa ring pinipigilan ang sariling umiyak.

Habang tinitignan ang dalawa, hindi ko maiwasang maisip ang sinabi ni Brad kanina. Pinagkamalan niya ako hindi lang asawa ni Kurohana kung hindi tatay din ng mga bata!

HIndi ko alam kung bakit tila may kung anong malamig na kamay ang humaplos sa aking dibdib.

"A-anong hinihintay mo diyan?" iritadong bulalas ni Kurohana na ngayon ay nakahinto sa hindi kalayuan. "Bilisan mo na, anong oras na!"

Mas lalong lumapad ang nakapaskil na ngiti sa aking labi. Habang mahigpit na hawak si Jess ay mabilis akong pumanabay ng lakad kay Kurohana saka siya inakbayan.