webnovel

Chapter 13

"Malapit na tayo sa Portum," anunsyo ni Kurohana habang inaabot ang mga damit. Naguguluhang napatingin si Rod sa babae habang kinukuha ang mga iyon at sinipat-sipat. "Isuot niyo yan."

Inabot naman ni Rod kay Slytherin ang mas maliit na damit. Sabay pa silang napangiwi ng makita kung gaano ito kadumi at kabaho. Nag-dadalawang isip man ay tuluyan na itong isinuot ni Rod.

Nang matapos makapagbihis ay lumingon siya kay Slytherin. Nakita pa niya kung gaano ito nahihirapan sa pagsusuot nito. Akmang tutulungan niya sana ito ng bigla nitong hampasin ang kamay niya na nakaantabay dito.

"I can do it!" he said as if he was cheering himself.

Halos mapabunghalit ng tawa si Rod sa inakto ng bata na mabilis niyang pinigilan subalit hindi pa rin iyon nakaligtas sa matalas na mga mata ng bata na biglang sumimangot.

"Stop laughing, you doofus!"

Hindi mapigilan ni Rod ang asarin ang bata lalo pa at tuwing nakikita niya ang iba't-ibang emosyon mula dito ay para na ring nakikita niya si Kurohana.

Napakunot -noo si Rod lalo na ng ma-realize niya na may pagkakahawig ang dalawa. Para bang lalaking bersyon ni Kurohana ang bata pero may puting buhok.

Mabilis na pinilig ni Rod ang ulo para maialis ang ideya.

"Imposible. Siya mismo nagsabi na napulot niya ang bata sa gubat," saisip pa niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang bumalik ang babae sa harapan upang ipagpatuloy na ang paglalakbay. Agad niya itong nilapitan para palitan sa pagpapatakbo ng kabayo pero ni hindi man lang ito nagdalawang isip na tumanggi.

"No. I should be the one to coach this."

Napamaang si Rod sa sinabi ng babae. Pakiramdam niya hindi siya karapat-dapat na magpatakbo ng sasakyan kung kaya wala sa sariling bumagsak ang kanyang balikat.

Kurohana immediately notices Rod's reaction. She even found him cute with his pouting lips.

"That's not what I meant," she said while thinking that he may feel rejected because of the previous accident. "Portum has very tight security. They won't allow anyone that is not registered to enter their city."

Rod sighed and returned inside the wagon. He took his belongings to look for his pocket watch. He suddenly felt someone staring at him and saw the boy silently watching him. He even noticed how Slytherin's eyes started to shimmer upon seeing the pocket watch in his hands.

"Get ready boys, we're already near the entrance," Kurohana announced as she pulled the horse's reign to slow down. "Huwag kayong magsasalita o anupaman."

"Halt!"

Dahil sa kuryusidad, hindi napigilan nila Rod at Slytherin ang sumilip sa butas ng sinasakyan. Sabay pa silang napapigil ng paghinga sa kaba ng makita ang mga armadong guwardiya na humarang sa kanila.

"Anong laman niyan?"

Iniangat ng mga bantay ang mga hawak na sibat saka ihinarang sa harap ng sasakyan nila Rod. Ang isa sa kanila ay pilit na sinisilip ang laman nito.

"Kalakal," sabi ni Kurohana. "And some loots I got while doing my quests." Itinaas pa niya ang isang bag na may lamang mga sungay ng napatay nilang mga lobo.

Agad namang hinanap ng mga ito ang pass ni Kurohana. Walang ganang iniangat niya ang kamay na may hawak na gintong card na dahilan ng biglang pagkabalisa ng mga ito. Walang sabi-sabing biglang itong yumuko at humingi ng tawad sa pang-aabala sa kanila bago nila binuksan ang tarangkahan.

"Anong nangyari?"

Hindi pinansin ni Kurohana ang pag-uusisa ni Rod. Si Slytherin naman ay humahangang nakatitig sa babae. Bakas din sa mga mata nito ang pagmamalaki habang pasimpleng iniingosan si Rod.

Paglagpas na paglagpas ng sasakyan sa gate ay agad silang sinalubong ng magulong syudad. Kali-kaliwa ang mga taong nagkakagulo at nag-iingay. Nariyang may sumisigaw at tumatawag ng mga mamimili. Mayroon ding mga kalalakihan na may mga pasan-pasan na mga naglalakihang bagahe pababa ng mga barko.

Hindi din nakaligtas sa paningin ni Rod ang mga demi-human. Napakalaki ng pagkakaiba ng pagtrato sa kanila sa Portum sa buhay nila sa PraeaClara. Hindi katulad ng sa huli na malaya silang nakikisalamuha, sa Portum ay nakasuot sila ng mga collar sa leeg habang hila-hila sila ng mga taong kasapi ng alta-sosyedad na hindi maikakailang mga nagmamay-ari sa kanila.

Wala sa sariling napalingon si Rod sa isang maliit na eskinita. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang maliit na batang babaeng humahangos. Subalit saktong pag-apak niya sa labas ng eskinita ay bigla siyang hinablot ng malaki at maskuladong lalaki.

"Peste kang bata ka!"

Halos magpanting ang tenga ni Rod hindi dahil sa pagkakasigaw ng lalaki kung hindi dahil sa sinabi nito sa bata. Hindi niya mapigilang mapatalon pababa upang lapitan ang mga ito. Nag-aalala siya para sa bata mula sa maaaring gawin dito ng malaking lalaki.

"Nahuli din kitang magnanakaw ka!" galit na sabi nito habang hinahatak ang nagpupumiglas na bata.

Habang papalapit si Rod ay biglang iniangat ng lalaki ang hawak na malapad na kahoy saka itinutok sa bata. Halos lumipad si Rod para makalapit dito saka ihinarang ang sarili saka sinapo ang kahoy gamit ang isang kamay bago pa man ito tumama sa kanya. Nagulat pa ang mga ito sa bigla niyang pagsulpot.

Agad niyang sinamaan ng tingin ang lalaki kasabay ng pagtatago sa bata sa kanyang likuran. HIndi maintindihan ni Rod kung bakit siya nakialam sa mga ito at kung bakit malapit ang loob niya sa bata, na siyang nagtutulak sa kanya upang protektahan ito.

"Wag ka ngang nangingialam dito!" galit na sabi ng lalaki habang pilit na inaagaw ang hawak na kahoy mula kay Rod.

Hindi ito pinansin ni Rod habang walang kahirap-hirap na inagaw ang kahoy mula dito.

"Magkano ba?"

Hindi sumagot ang kaharap na malaking lalaki. Hindi siya nito naintindihan na tumitig lang sa kay Rod.

Hindi na hinintay ni Rod ang sagot nito ata basta na lang binato dito ang dalawang maliit na piraso ng ginto bago inakay ang bata pabalik sa sasakyan.

Agad silang sinalubong ng galit na galit na si Slytherin. Napagalitan kasi ito ng hindi man lang nito pinigilan si Rod sa biglang pagtalon pababa ng sasakyan. Subalit agad siyang natigilan ng makitang may kasama na itong batang babae ng bumalik.

Hindi pa man nakakasampa si Rod sa sasakyan ay bigla siyang binatukan ni Kurohana. Wala sa sariling nasapo niya ang ulo saka napatingin sa babae. Ang mga mata nitong itim na itim ay tila ba nagbabadya ng panganib habang nakikipagtagisan ng titig sa kanya.

Kinakabahang napalunok si Rod saka ngumiti ng alanganin. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa babaeng kaharap kung bakit siya tumalon pababa ng sasakyan.

"Huwag mo kong ngitian," matalim na sabi ni Kurohana. Lalong nagliyab ang mga mata nito sa galit nabihirang-bihirang mangyari. Sa takot ng bata ay bigla itong nagtago sa likod ni Rod na agad namang napansi ng babae. "Sino siya?"

Agad na natigilan si Kurohana ng matitigan ang bata. Kahit na madungis ito, mababakas pa din kung gaano kaganda ang bata. Mayroon itong singkit at kulay berdeng mga mata na tinernuhan ng itim na itim na buhok. Medyo matangos na ilong at mapupulang mga labi.

Biglang bumilis ang tibok ng dibdib niya. HIndi niya maintindihan kung bakit tila ba nakikita niya ang sarili sa bata.

"Kurohana?" nag-aalalang tanong ni Rod sa kanya.

Pilit na kinalma ni Kurohana ang sarili kasabay ng pasimpleng pagpilig ng ulo bago naglakad papalayo.

Pagdating sa isa sa kilalang guild sa lugar, agad niyang ipinarehistro ang dalawang bata para sa kanilang pagkakakilanlan. Parehong bronze ang nakuhang rank ng mga bata. Ito ang pinakamababang rank ng isang adventurer na sinundan ng silver na katulad ng rank ni Rod. Ang pangatlo ay Gold, at ang kasalukuyang may kilalang pinakamataas na rank ay Diamond.

Habang naglalakad pabalik sa tutuluyan ay pasimpleng lumapit si Slytherin sa batang nagpakilala bilang Jess.

"Ilang taon ka na?" biglang tanong nito na ngayon ay nakatitig kay Jess. Hindi ito sumagot na agad nagtago sa likod ni Rod na napailing na lang. "Ang laki mo na pero takot ka pa rin sa tao?" pang-aasar pa ng batang lalaki.

Tumingin pa muna si Jess kay Rod na parang humihingi ng pahintulot. Nang makita ang pagtango nito ay saka siya bumaling kay Slytherin, "F-five."

Parehong natigilan sila Rod at Kurohana pagkarinig sa sagot nito saka nagkatinginan.

"Five ka na?" paninigurado pa ni Slytherin na nakakunot ang noo na lalong nagpa-cute dito. Medyo malakas din ang pagkakasabi nito kaya napatingin sa kanya ang mga tao sa paligid na biglang nagbulungan.

Agad na sinamaan ng tingin ni Kurohana ang mga ito na agad nagsibawi ng tingin.

"Ang liit mo para sa five!" Dumiretso ng tayo ang batang lalaki. Bakas sa kanya ang pagmamalaki. "Dapat kasing laki kita kung five ka na!"

"Bakit? Ilang taon ka na ba?" tanong naman ni Jess. Bumitaw na ito mula sa pagkakatago sa likod ni Rod saka lumapit kay Slytherin.

"Five!" mayabang na sagot nito. "If you're five, you should be as tall as me."

Bago pa magtalo ang dalawa ay inawat na ito ni Rod kasabay ng pag-anunsyo ni Kurohana na nakarating na sila.

Matapos kumain ay agad na silang kumuha ng kwarto subalit iisa na lang ang natitira. Agad na iyon kinuha ni Kurohana ng mapansin niyang medyo marami ang tao ngayon sa lugar. Hindi na rin niya pinansin na magsasama sila ni Rod dahil may kasama naman silang mga bata.

"Nasaan na si Jess?" agad na tanong niya kay Rod ng makitang itong lumabas sa banyo. Kasalukuyan itong nagpupunas ng buhok na basa pa mula sa paliligo. Agad itong tumabi sa kanya sa higaan saka napatingin sa natutulog na si Slytherin sa kanyang tabi.

Bago pa man ito nakasagot ay agad ng nakuha ang pansin niya ng batang babaeng nakasilip mula sa banyo.