webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · วัยรุ่น
Not enough ratings
39 Chs

Chapter 16: Weekend (2)

"Pwede bang pakawalan mo na 'ko?" Sabi ko kay Dice dahil nagmumukha na kaming dakilang PDA dahil nakaakbay siya sa akin at pilit na inihaharap ang katawan ko sa kaniya. Basang basa pa rin kami sa ulan at hindi kami makatawag sa mansion para magpasundo dahil naiwan pala ni Dice ang phone niya.

"Basta sumunod ka na lang, malapit na tayo." Utos niya.

Pagdating namin sa bahay ay kaagad kaming tinanong ni Mommy kung bakit kami basang basa at KUNG BAKIT NAKAAKBAY SA AKIN SI DICE NA PARA BANG AYAW NA AKONG PAKAWALAN. Kaagad naman akong nagtakip ng mukha para takpan ang pamumula nito. Nagtinginan naman silang dalawa na para bang mata lang ang nag-uusap at nagkaintindihan naman yata sila kaya kaagad akong hinila ni Dice papunta sa isang kwarto upstairs.

"Bakit ba ayaw mo kong bitawan?" Tanong ko kay Dice na may halong pagsusungit. Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya tumitingin sa akin. Dali dali niya akong iniharap sa salamin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Gosh! Kita na pala ang suot kong underwear dahil nabasa ang damit ko. Kaagad namang kumuha si Dice ng damit sa closet niya at ang sabi niya iyon daw ang mga naiwan niyang damit dito bago siya lumipat sa condo namin kaya matagal na raw niya itong hindi naisusuot. Sinabihan niya ako na iyon muna ang gamitin. Sinabihan rin niya ako na magbihis na, lumabas na siya ng kwarto upang uminom ng tubig.

Pumunta agad ako sa CR sa loob ng kwarto niya saka nagshower. Pagkatapos kong magshower ay inamoy ko ang sarili ko, yay! Kaamoy ko na si Dice hihi! Pinagmasdan ko naman ang damit na binigay niya sa akin at kaagad itong isinuot. Ang laki ng damit niya para sa akin. Long sleve ito kaya hindi at sobrang haba para sa kamay ko, pati na rin ang pants na pinahiram niya sa akin ay ganoon din kaya itinupi ko ito para lumitaw ang paa ko.

Pagkalabas ko naman ng cr ay nakita ko nasa tapat ng pinto si Dice habang nakatayo at nakatulala, nakahawak ang isang kamay niya sa baba niya at nakatingin sa kawalan.

"Im done." Sabi ko saka kumaway kaway para mapansin niya ako. Hindi naman ako nagfail dahil kaagad siyang tumingin sa akin na parang nagulat pa. Basang basa pa rin ang suot niya at pati na rin ang buhok niya. Ang hot niya ngayon! Kung may camera sana ako nakuhanan ko ito ng picture. Sayang!

Sabay pa kaming napaiwas ng tingin nang marealize na nakatingin na pala kami sa isa't isa. Dali dali akong kumuha ng tuwalya sa closet niya saka lumapit sa kinaroroonan niya. Hinagis ko ito sa mukha niya saka tumakbo palabas ng kwarto. Haaaay!

Naabutan ko si Mommy na sa kusina habang nagluluto kasama ang ilan sa mga kasambahay nila. Tumulong na lang rin ako sa kanila dahil may alam din ako sa pagluluto.

"Nasabi ko na kay Dice na dito na kayo magstay at pumayag naman siya, at alam mo ba... Hindi siya nakapagsalita nang sabihin ko na magshare kayo ng kwarto." Ani Mommy?

"ANO PO?" Kahit ako ay nagulat sa sinabi niya.

"Wag kang kabahan, Shi, kilala ko yang anak ko at may tiwala ako sa kaniya. At kung may gawin man siya, ano naman? He's your husband." Katwiran ni Mommy.

Mali po kayo Mommy, dahil baka ako po ang may gawin sa anak niyo. Iyon sana ang gusto kong sabihin.

Kinahapunan ay sabay sabay rin kaming kumain. Wala naman si Daddy dahil nasa work pa at minsan lang din pala itong umuwi kagaya ng parents ko. Nakwentuhan sila tungkol sa trabaho at sa mga pangyayari sa buhay nila samantalang ako naman ay nakikinig lang at sumasagot lang ako sa tanong nila tungkol sa akin.

Pagkatapos naman naming kumain ay nanood kami ng TV sa sala. Nang medyo late na ay nagpasya kami na matulog na. Bigla na lang ding bumuhos ang ulan kaya napakalma ako ng tunog nito. Syempre kinakabahan ulit ako dahil ito ang pangalawang beses na matutulog kami ni Dice nang magkasama sa iisang kwarto. Nauna siya sa akin sa kwarto dahil ang sabi ko sa kaniya ay pupunta muna ako sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom ito. Kanina pa ako hindi mapakali.

Pagakyat ko naman sa kwarto ni Dice ay nakita ko na nasa tapat siya ng bintana habang tinitingnan ang pagpatak ng ulan at pagtama nito doon. Kaagad naman akong lumundag sa kama at isinubsob ang ulo ko sa unan. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa, kaya bigla tuloy akong nahiya.

"Hey kid, let's talk." Panimula niya, hindi naman ako sumagot. "Listen to me." Aniya pero umiling ako habang nakasubsob pa rin sa unan.

"Ayaw mo ah," nagulat ako nang bigla niyang sundutin ang tagiliran ko. Hindi ako nagpatinag kaya inulit niya ito, dahilan para humarap na ako sa kaniya. Ang kulit kasi.

"Ayan na nga, bakit ba kasi?" Pagsusungit ko.

"Bakit mo ba 'ko iniiwasan?" Tanong niya. Tinatanong pa ba dapat yan?

"Ano bang sinasabi mo?" Nagmaang-maangan na lang ako.

"Look, about your fee—"

"Oo na, alam ko naman na hindi mo ako nakikita bilang isang babae." Sabi ko.

"Hindi nama sa gan—" -Dice

"At hindi naman ako humihingi ng kapalit." -ako

"Can you please listen to m—" -dice

"Gusto ko lang malaman mo—" -ako

"KID, LISTEN TO ME." -dice

Napatigil ako sa pagsasalita. Minsan talaga nakakatakot 'tong si Dice hehe.

"Im happy." Aniya. Why?

"Kasi hindi kita pinapansin? Kasi walang batang nanggugulo sayo?" Tanong ko. Bakit pa niya ako kinakausap ngayon kung masaya pala siya na hindi niya ako nakikita at nakakausap?

"No, hindi yon ang ibig kong sabihin." Sagot niya.

"Then what?"

"Ehem." He cleared his throat. "Masaya akong malaman ang nararamdaman mo."

"H-ha?" Nagtaka ako, hindi ko kasi maintindihan, parang nagblangko ang isip ko. "Akala ko ba—"

"Alam kong nagkaroon tayo ng argument last week..." He paused. "I just can't believe you caught feelings for someone insignificant like me."

"Insignificant?" Tanong ko. Paano naman siya naging insignificant sa kabila nang pagpapahalaga sa kaniya ni Mommy Grace?

"About Julie... Yes, she was my girlfriend." Huminga siya ng malalim. "Pero hindi ko siya minahal. Noong nasa US pa kami, pinagkalat niya sa mga kaibigan namin na kami na kahit hindi naman. Marami siyang ginawa para mapapayag ako na sabihin sa mga kaibigan namin na totoo ang sinasabi niya. She even drugged me. She's crazy. Hindi ako nakipagbreak sa kaniya dahil wala naman talaga kami. You need to stay away from her, she's dangerous. I just agreed to her plan to prevent her from harming me and others."

Dangerous? Crazy? Parang hindi naman. Baka immature lang.

"Pero bakit hinahayaan mo siyang dumikit sayo?" Tanong ko. "Bakit binabalewala mo ako pag kasama mo siya?"

"Dahil alam kong kapag nakita niya na pinapaboran kita, sasaktan ka niya." He answered.

"Bakit hindi mo sa 'kin sinabi agad?" Tanong ko ulit.

"Because I know it will only bother you." Sagot niya.

"Why are you always doubting my feelings?" I asked. "At saka bakit mo sinabing baka naguguluhan lang ako? Im sure I'm not confused about my own feelings!"

"Dahil 'yon ang nararamdaman ko ngayon." He said. Natigilan ako.

"What do you mean?"

"Naguguluhan ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. When you said you like me, hindi ko masagot ang sarili ko kung gusto rin ba kita pero... hindi ko rin masabi na hindi kita gusto." He answered. Siya naman pala ang naguguluhan, ipapasa pa sa akin.

"That's because you only see me as a kid, ikaw na rin ang nagsabi noon na hindi ka interesado sa akin." Dagdag ko.

"Oo sinabi ko 'yon, pero hindi ba pwedeng magbago 'yon?" He asked. "Look, I'm not sure if I like you, but I also don't hate you."

Now he's making me confused, not about my feelings, kundi sa feelings niya.

"Wag kang mag-alala, okay lang naman na hindi mo ako gusto, at okay lang rin na hindi mo ako 'hate', I just want you to accept my feelings, na kahit gaano ka pa kainsignificant, nandito pa rin ako." I said. Natahimik naman siya habang nakatingin ng diretso sa mga mata 'ko, hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga titig niya pero sigurado ako na may gusto siyang sabihin.

"Why?" Tanong niya. Aba't— "Why me?"

Huminga ako ng malalim at napaisip, bakit nga ba? Nagflashback lahat ng moments na kasama ko siya, kung paano basahin ang nasa isip ko kahit di ko naman sinasabi, kung paano niya ako icomfort sa pamamagitan ng pang-iinis niya, kung paano niya ako sungitan, pati na rin ang hitsura niya sa umaga kapag bagong gising siya, kapag kumakain siya at kapag nakakatulog siya sa sofa. Bahagya akong napangiti dahil sa naalala ko.

"What's funny?" Tanong niya habang nakahawak sa batok niya, nagtataka siguro haha.

"Hindi ko rin alam kung bakit sa dami ng lalaki sa mundo, ikaw ang nagustuhan ko. Do i need a reason? I just felt it." Paliwanag ko. Ewan ko kung bakit ang daldal ko ngayon, dahil na rin siguro nasabi ko na sa wakas ang nasa isip at puso ko.

"Then I'm looking forward... to your feelings." He said then nginitian ako saka ginulo ang buhok ko. "Oh, i almost forgot, my clothes... bagay pala sayo." Pang-aasar niya. Pero imbes na maasar ako ay kinilig ako.

"Please... wag mo akong binibiro nang ganyan now that you know how I feel." Sabi ko sabay takip ng mukha.

"Oops, sorry." Sabi niya while smirking. Ang bilis talaga magswitch ng emotions ng lalaking 'to.

Nang gabing iyon, naayos na namin ang mga misunderstandings namin. Naglagay ako ng maraming unan sa gitna namin ni Dice at nung tinanong niya kung bakit, ang sabi ko "basta, wag ka na magtanong, para sa 'yo din 'to" tapos pinagtawanan lang niya ako. Kinabukasan naman ay napansin na ni Mommy na ayos na ang lahat, at bago kami umalis sa mansion nila ay nagthumbs up pa siya sakin sabay kindat, at ganoon din ang ginawa ko.

Lumipas ang ilang araw ay sinabi ko na rin kay Erine na umamin na ako kay Dice. Napansin ko na down na down siya lalo na't umaakto si Ciro na parang walang nangyari kapag kasama niya kami. As in parang walang nangyari, ganoon pa rin siya ka-cheerful, kaya lang parang may mali sa mga ngiti niya. Napapansin rin namin Erine na marami nang umaaligid na babae kay Ciro at hindi naman niya ito itinataboy.

Huwebes ngayon at katatapos lang namin mag PE, hindi umattend ng klase si Erine kaya sobrang nagtaka ako dahil ako lang naman ang palagi niyang kasama at lagi rin siyang nagsasabi sa akin kapag may pupuntahan siya. Nagpasya akong hanapin siya, buti na lang may kaunti pa kaming oras bago magsimula ang susunod na klase. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap ko sa kaniya kaya hinayaan ko na lang ang mga paa ko na dalhin ako kahit saan. Halos mataranta ako nang marealize ko na dinala ako ng mga paa ko sa faculty room kung saan nandoon si Dice. Aaaack. Bakit naman magpupunta dito si Erine? Parang nagiging excuse ko lang tuloy ang paghahanap sa kaniya para masilayan ko si Dice. Pero dahil nandito na rin lang ako ay napag-isip isip kong tingnan kung nasa loob nga si Dice kaya sumilip ako sa bintana. Himala namang nakita ko siya agad. Napansin ko na kahit sa loob ng faculty room ay maraming umaaligid kay Dice, hindi lang pala si Julie ang kaagaw ko, pati rin pala teachers at hindi rin maitatangging sikat din siya sa mga estudyante.

Teka nga lang, paano kung may magustuhan siyang iba? Ang sabi ko okay lang kahit hindi niya ako magustuhan, dahil na rin mag-asawa na kami at hindi na kami pwedeng maghiwalay nang basta basta na lang, pero paano kung iyon ang magiging dahilan para hindi siya maging masaya? Paano kung tinanggalan ko lang pala siya ng kalayaan na magmahal? Ngayon ko lang naisip ang mga bagay na 'to, at inaamin ko na naguilty ako dahil pabor sa akin ang sitwasyon namin.

Sa mga oras na 'to, napaisip ako. Hindi ko pa pala naitatanong kay Dice kung may nagugustuhan siya ngayon. Isa lang ang naisip kong paraan kung sakali mang wala siyang nagugustuhan ngayon, I'll make sure to make him fall for me.