webnovel

Her Inexorable Past

Skye Erin Claveron, an unfortunate woman who died exactly on her birthday. But what if she lived again? Will she succeed in altering her past?

Ellywrites_ · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
12 Chs

Chapter 2

"Happy Valentine's Day, love!" My eyes sat on the two wearing a couple shirt.

I let out a harsh sigh, how bitter of me.

Kasalukuyan akong nagbabantay ng café, maraming magka-sintahan ang nag-haharutan habang kumukuha ng litrato. Nagpatulong akong ayusin ang disenyo ng lugar kaya maraming puwesto kung saan pwede mag-picture.

Maraming nagbago, hindi kagaya dati na wala akong aksiyon na ginagawa. Ngayong marami akong napagtanto hindi na dapat ako tumigil. I want to know who was that guy. Kung baguhin ang nakaraan at mga pangyayari ang solusyon gagawin ko.

Natigil ako sa pag-iisip ng may pumasok, I was surprised when I saw Cole accompanied with a popular celebrity.

Adriana Grey

Marami nang lumapit at nagpa-picture sa dalaga. She looked so good with that pastel dress. Nang lumingon na ito sa gawi ko agad akong ngumiti.

"Oh wow! I didn't expect to see you here, Skye!" She gladly mumbled while smiling from ear to ear. "I heard the father of my boyfriend was the landlord of this place."

I nodded "Ah y-yes! You look so good together." I complimented making her cheek turned red.

"I know right!" She chipered.

Nadako naman ang tingin ko sa binata na walang emosyon ang mukha mula pa kanina.

"Anyway, are you ready to order?" Tanong ko.

She nodded "One creamy milkshake and ube cake." Nilingon nito ang katabi "Ikaw babe, anong gusto mo?" Humawak pa ito sa braso ng binata.

"Chocolate coffee is fine." He answered plainly, while looking at me.

"Thanks! You may seat there." Tinuro ko ang mesa na nasa bandang kaliwa.

Binigay ko na kay Mara ang mga napiling inumin nito, pagkatapos ay sinimulan ko ng ilagay sa platito ang ube cake ni Adriana.

Pagkatapos maihain ni Mara naupo muna ako saglit at pinanood ang mga abalang customers. Maya-maya biglang nag landas ang mga mata namin ni Cole, he was looking intently making me uneasy. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. How can he gazed at me like that?

May mga dumating rin na customer kaya iyon na lang ang pinagtuonan ko ng pansin.

"Flowers for you ma'am!" I was shocked when an unfamiliar man gave me bunch of roses.

Nilingon ko ang mga ito ng may halong pagtataka "K-kanino galing?" I asked.

He just shruged and left me addled. My eyes sat on Cole who was smirking from ear to ear, he even winked at me discreetly.

Seriously? She has a girlfriend! I rolled my eyes in exasperation.

Palihim ko itong tinabi sa gilid, hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Inis ako na nalilito. Why the hell he gave me those? Adriana is more than enough. To be honest I envy her, mayroon siya ng lahat habang ako, ito lang, binabago ang nangyari kahit walang kasiguraduhan kung ano ang pwedeng kalabasan.

"Ang ganda naman nito, Ms. Skye!" Ani Suzy saka umikot habang hawak ang isang bugkos ng rosas.

Tipid akong ngumiti "Sa'yo na lang kung gusto mo."

Her eyes grew bigger "T-talaga? Sige! Salamat po."

I nodded, masasayang lang dahil hindi ko rin naman kukuhanin.

Tanghali pa lang ay sinara ko na ang café dahil balak kong abalahin ang sarili ko sa Mall, ibibili ko rin sila Bianca at Caden ng regalo. Sinabi ko kaninang umaga na hindi ako uuwi ngunit biro lang 'yon. They actually believed.

I was about enter my car when I saw a man's figure beside me.

"Bakit mo binigay sa iba?" He asked, nakakunot ang noo nito.

Palihim kong inikot ang aking mata "You better ask yourself, Mr. Velasco."

I heard him chuckled "W-What?"

Lalo lang nadagdagan ang inis ko ng pa- inosente itong magtanong. "Sinong matinong lalaki ang magbibigay ng rosas sa ibang babae habang may karelasyon?"

What an asshole!

"We aren't serious about our relationship, you know, just for fun." He sounded proud.

"Look, Mr. Velasco," I stopped for a second para buksan ang pinto ng kotse "I'm busy, maghanap ka ng ibang babae na mauuto mo." With that, I entered my car and drove all the way to the mall.

I believe that he disposed and played women's feelings just for fun and self recreation. Trip-trip lang kumbaga.

Nagtungo ako sa bilihan ng mga damit at laruan bago bumili ng mga groceries. Marami ring mga namimili kaya ilang minuto akong nag-hintay habang nakapila. Sinamahan ko na rin ng kuwintas at relo para may maibigay din ako kela Mommy.

Ako ang nag-volunteer na magluto mamaya na medyo ikinagulat nila, bakit daw ang dami kong ginagawa na hindi ko naman normal na kinahihiligan noon.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay pumunta na ako sa parking lot saka nilagay sa likod ng kotse ang mga napamili. When I felt someone was watching me I twisted my head a little to check who was it but saw nothing. Baka guni-guni ko lang.

Nagsimula na akong magmaneho pabalik sa bahay, nadatnan ko sila Bianca at Caden na nanonood sa sala habang suot-suot ang kulay pulang t-shirt na pinagawa ko. Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito ng makita ako.

"I thought you won't be able to come home!" Caden muttered as his brows narrowed.

I chuckled a bit "I was just kidding earlier!" I kissed their cheeks before leaving.

Nagtungo na ako sa kusina nang makita ko si Manang na naghahanda ng mga rekados.

"Hindi ka po ba uuwi sa inyo?" Tanong ko dito.

She looked at me "Hindi na hija, sa makalawa na lang siguro."

"Pero kaarawan ng anak niyo 'di ho ba?" Sa nakaraan kong balik narinig kong may kausap ito sa telepono ngunit pinababayaan ko lang, pero hindi na ngayon. I discerned that when realization hits you hard you'll do numerous things to fix a specific stuff.

"Paano niyo ho nalaman?" Bakas ang pagtataka sa mukha nito.

Imbis na sumagot kinuha ko ang envelope na nasa bulsa ko saka inabot dito. "Hindi na po 'yon mahalaga." I smiled, "ako na po ang bahala dito,"

May halo pang pag-aalinlangan ang mukha ng matanda ngunit kinalaunan ay pumayag din. "Maraming salamat, ma'am, mauna na po ako." Tumango ako.

Pagkalipas ng ilang oras nilapag ko na sa mesa ang mga pagkain. Narinig ko ang hiyawan ng mga kapatid ko kasabay ng pagpasok nila Dad. May mga dala rin silang paper bags at milk tea sa gilid. They looked amazed by the time their eyes sat on the table.

"They look so yummy!" Mom cheered.

I cooked creamy carbonara, fried chicken and tempura prawns. Sinamahan ko na rin ng salad dahil paborito ni Mommy ang mga gulay.

We sanitized our hands and prayed before the meal.

"How's your café, anak?" Dad asked after wiping his mouth.

"Maayos naman po, padami ng padami ang customers." I stated as a matter of fact.

Mom bobbed her head "Good to hear, sweetie."

We even discussed about going out of the country soon. Posible naman mangyari ngunit hindi pa gano'n kakuwag ang iskedyul nila.

Pagkatapos kumain, nagtipon kami sa sala. We were about to watch a movie but I planned to give them my presents first.

Nakita ko kung paano nagtinginan sila Bianca at Caden bago tanggapin ang mga regalo. Bumili ako ng mga bestida na babagay para sa limang taong gulang na babae, sinamahan ko na rin ito ng sandals at manika. Habang kay Caden naman, isang controlable car at sapatos.

They're eyes we're glowing, that made me satisfied. My goal, I want them to be happy.

"Thank you, Ate Skye! You're the best sister ever!" Ani Bianca saka nila ako niyakap ng sabay.

"Ang aga namang pamasko nito, Skye, anak!" Dad laughed, inalis nito ang pagkakabuhol ng ribbon sa box. Mom did the same.

I sighed in private, I can't even celebrate Christmas with them.