webnovel

Chapter 3: Maggie

"KAM SAM HAMNIDA."Kung tatanungin ninyo ako kung ano na namang pinagsasabi ko, well, nagpapasalamat lang ako sa Koreanong kaharap ko, dahil matapos ang medyo hindi namin magandang pagkakakilala, eh heto ako ngayon at kumakain kasama niya sa isang Korean Restaurant. Biglaan lang naman ang nangyari. Paano pareho naming napagtantong pareho kaming mali. Ako, nagpadala sa emosyon ko, nang-away ako, at siya, oh well, 'yung kapatid niya na talagang may-ari ng center eh, bigla na lang nagbago ang isip na 'di na ituloy ang business dito sa Pilipinas dahil sa mga nangyayaring kaguluhan sa bansa. Wala naman siyang alam ro'n. Ang sabi nga niya, kakarating lang din niya sa Pilipinas at dahil sa wala siyang lugar para mag-stay, doon muna siya sa center.

"So is it a deal? Since you need a job and I need to get away from my parents, you will help me with my business here in the Philippines so I could tell them that I'm doing good here and I can't go back to Korea."

Gustong takasan nitong si Mr. Kang ang arranged marriage sa isang kapwa Koreana kaya lumipad siya dito sa Pilpinas.

"What do I have to do then?"

"We will push through with our English Center. I'll tell my brother that I will be the CEO. I'll do anything. But . . ."

"But, what?" Medyo kinakabahan ako sa gustong sabihin nitong si Mr. Kang. Paano kung sasabihin niyang magpapanggap kaming couple? Paano yun? bata pa ako. Hindi pa ako handa at ayoko talaga.

"Is it okay if I'll just give you for the mean time, allowance? I can't give you yet a decent pay since we are just starting. We need to get students first, clients who will trust us. But promise, once we make it big, it will benefit the both of us."

Magiging choosy pa ba ako? Palagay ko seryoso naman siya sa sinasabi niya dahil kahit na singkit ang mga mata niya, may something na hindi ko maipaliwanag. Hahahaha! Natawa ako sa sarili ko, ano ba naman 'tong iniisip ko?

"Sige. I mean, okay. I am okay with that."

"Salamat. Maraming-maraming salamat."Napaatras ako nang bigla niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa mesa namin. Nagulat ako sa ginawa niya. Aba, dalagang Pilipina 'to no. Kaya nagulat ako. Hindi ako handa.

"Ahmmm . . . patawad. Natuwa lang ako." Napatulala ako at naumid ang aking dila.Teka, bakit hindi ako makapagsalita. Bakit? Limang segundo. Oo. Na-freeze na yata ako. Ano 'tong feeling na 'to?

"Maggie?!"

"Natutuwa lang ako, ang galing mong mag-tagalog. Ang galing ng kaibigan mo. Naturuan ka talaga niyang mag-tagalog. Gusto ko siyang makilala balang araw," pag-iiba ko ng usapan namin. Sana hindi niya mahalata na ang gulo ng isip ko ngayon. Kung anu-ano ang naiisip ko. Ahahahaha!Pagtatawanan ko na lang ang sarili ko. Tama. 'Yun na nga and I need to stop my daydreaming this fast.

♫ 'Di mo alam dahil sa 'yo, ako'y 'di makakain

'Di rin makatulog, buhat nang iyong lokohin

Kung ako'y muling iibig

Sana'y 'di maging katulad mo

Tulad mo na may pusong bato. ♫

Seryoso siya? Pusong bato talaga ang ring tone niya? Ayos. Kakaiba 'tong Koreanong 'to. Again, I am not a fan of Korean dramas, pero itong isang 'to, may kakaiba sa kanya.

"I'm sorry. We have to go."

"Maggie?"Okay. Limang segundo ulit bago ako nabalik sa realidad. Eh, ang ganda ng ngiti niya, 'yung apologetic face na hanggang tainga ang smile. 'Yung gano'n. Ang hirap i-explain.

"My friend is in the airport. I have to pick him up. You can go with me, I'll bring you home first or you can stay so you can eat everything."

Hindi agad ako nakapagsalita at natulala na naman dahil sa pagiging caring niya. Naalala ko tuloy ang mga magulang ko.

"I guess, you are staying. Enjoy your meal, Maggie."

Umalis si Sir David palayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa pintuan ng restaurant at saka ako ulit kumain. Hindi ko alam kung bakit ako natutulala sa kanya, basta ang alam ko, maytrabaho na ako at mamahalin ko ang trabaho kong 'to! Thank you, Lord!