Naglilinis ako nang aking office table sa aking klinika. Palagi ko itong ginagawa bago magsimula sa trabaho, para ko na siyang buwelo.
Sumulpot si Rachel sa aking harapan. "Dok Ara. May gustong kumausap sa inyo?"
Nagtaka ako. "Sino Rachel?"
"Hindi nagpakilala sa akin. Kilala niyo raw siya at may napag-usapan daw kayong appointment,"
Kumunot ang aking noo. "Sige papasukin mo,"
Nawala siya at nagbalik sa reception area. Hinawi ko ang aking buhok, kinuha ang aking blue shok-shok sa table at tinali dito. I made a pony tail, naka-taas pa ang dalawa kong kamay nang lumitaw siya sa aking harapan.
Na-sorpresa ako sa presensya niya. "Ma – Maya," hindi ko inaasahan ang pagpunta niya, akala ko talaga tapos na ang ugnayan ko sa kanilang pamilya.
"Good morning doktora, pasensya na kung bigla akong nag-punta rito. Si Marco kasi ang nagsabi sa akin," bigla akong kinabahan ng marinig ko ang pangalang iyon. Pero pinilit kong huwag mag over-react.
"Sumama ka sa akin Maya. Huwag tayong mag-usap dito," wika ko sa kanya. Ang mukha naman niya ang nagtaka.
Lumabas kami nang aking klinika, inaya ko siya sa private garden nang ospital, wala kasing masyadong napunta roon. Na-upo kami sa isang mahabang wooden bench na may mataas na halaman sa likod namin kaya natatakpan kami mula sa kabila na isang corridor. Kumuha ako nang dalawang cup of coffee sa isang vending machine malapit doon at binigay kay Maya.
"Kamusta na si Marco?" tanong ko sa kanya, bigla kasi akong nagka-interes.
"Okay na siya," sagot ni Maya. Humigop siya nang kape. "Hindi na naulit yung nangyari. Salamat nga pala sa pagtulong ninyo. Natutuwa siya sa ginawa ninyo,"
Nabaling ang tingin ko sa ibang direksyon. "Pero hindi ko siya masyadong naka-usap nung araw na iyon," muli ko na naman itong na-alala.
"Sinabi nga niya sa akin, kaya niya ako pinapunta rito. Interesado siya sa tulong mo. Natatakot kasi akong makasuhan siya. Tulungan mo sana kaming huwag mangyari iyon,"
"Buo ang paniniwala kong hindi siya makakasuhan kung malalaman lang natin ang sakit niya," paliwanag ko. Umaliwalas ang mukha ni Maya. "Yun na ang pinaka-valid reason at naniniwala sina ma'am Yolly dito,"
I paused for a moment bago muling nagsalita. "Sabihin mo sa akin Maya. Ano ba ang sakit niya?"
Hindi siya kaagad sumagot at pinakikiramdaman ko siya. Kumukuha ba siya nang lakas nang loob? Kunot noo akong nag-aantay dahil nabalot na kami nang katahimikan.
"Kasi," huminga siya nang malalim. "May amnesia ang asawa ko,"
Lumundag ata ang puso ko sa gulat, Nanlaki pa ang aking mata. Amnesia? Ibig bang sabihin non, hindi ako paranoid. Hindi ako makagalaw sa aking kina-uupuan. Pinilit kong mag-relax, bumilis kasi ang tibok nang aking puso habang lumalim ang aking interes sa sinabi niya. Maraming katanungan ang pumasok sa isip ko pero kaylangan ko munang kumalma.
"Pa – pano? Kelan pa nagsimula? Maya please gusto kong malaman?"
Huminga nang malalim si Maya, tumingin siya sa kawalan at nagsimulang magkwento.
"Naglayas ako noon sa amin. Nalaman ko kasing yung perang pinapadala ko mula sa pagtratrabaho ko sa japan ay nauwi nalang sa wala dahil nilulustay ito nang mga pinsan at tiyahin ko na nagpalaki sa akin. Ulila na kasi ako sa magulang. Bagong lipat ako noon sa Bulacan. Nagkaroon nang isang aksidente malapit sa lugar nang nilipatan ko – "
Doon na ako biglang nanginig. Pero tahimik lang ako, pinakinggan ko pa rin siya.
"Si Marco, nakaligtas ata siya sa aksidenteng iyon. Nakilala ko siyang naglalakad nang wala sa sarili, may punit ang suot. Malakas pa man din ang ulan noon tapos bigla siyang nabuwal sa harap ko. dinala ko siya sa bahay at doon siya nanatili pansamantala. Nagkaroon pa siya nang mataas na lagnat noon pero inalagaan ko siya hanggang bumuti ang kanyang pakiramdam. Nang magising siya sa unang pagkakataon, wala na siyang matandaan tungkol sa nangyari sa kanya. Doon ko nakumpirmang nagka amnesia siya. hinayaan ko nalang siyang tumira sa poder ko hanggang na-develop kami sa isa't isa. Yung pagtira niya naging permanente na. Sa mga unang isang taon nang pagsasama namin unang umatake ang matinding sakit nang ulo. Doon na siya nagbago nang pag-uugali,"
Naputol nang tuluyan yung kwento niya nang tumunog bigla ang kanyang android phone. She stood up at lumayo sa akin para sagutin ito. Tulala ako matapos kong marinig ang kwento.
Isa-isa kong ina-analyze bawat mga salitang binitawan niya. Malaking aksidente sa bulacan. Isa siya sa nakaligtas at nakita niyang naglalakad nang wala sa sarili. Tama yung aksidente, pero yung nakaligtas siya? Unti-unting nanikip ang aking dibdib. Nahimasmasan nalang ako nang maramdaman ko ang kanyang tapik sa aking likod. I glanced at her pero yung tingin ko tumagos lang sa may kawalan.
"Doktora kaylangan ko nang umuwi. Yung asawa ko kasi yung tumawag. Babalik nalang ako rito kasama si Marco,"
Narinig ko nang malinaw yung sinabi niya pero ayokong sumagot. Napansin kong tumalikod siya sa akin at nagmamadaling lumayo. Nang mawala na siya sa aking paningin, nakaupo pa rin ako sa wooden bench. Paulit-ulit na ina-alala yung kanyang kwento habang ina-analyze ito. Yung aksidente ang hindi mawala-wala sa aking isipan. Nakaligtas ba talaga siya? Kaya ba magkamukha silang dalawa dahil si Hector talaga iyon.
"No, no it can't be," wika ko. Umiiling akong mag-isa.
Bumulalas ako nang pag-iyak dahil ang sikip na kasi nang aking dibdib. It all make sense to me now, pero papaano? Ayokong paniwalaan ang kanyang kwento, pero valid siya dahil naroroon yung aksidente seven years ago.
Napa-yuko ako and I cupped my palms to my face. Basang-basa ang aking mukha pati na kamay. Tumayo ako nang wala sa sarili at naglakad-lakad. Dinala ako nang aking mga paa sa roof deck garden nang ospital. Sumandal ako sa railings at pinagmasdan ang paligid na aking natatanaw. I stopped crying for a moment, just for a moment. Iniisip muli ang kwento ni Maya.
"No, hindi si Hector iyon," bulong ko sa aking sarili.
Pano kung siya nga? Buhay siya. I tried to calm down, but I think I'm getting crazy.
Lumingon ako sa kalangitan, bumulalas na naman ako nang pag-iyak. "Lord, ba – bakit ganun?"
Sa mga oras na iyon hindi ako makapaniwala. Para bang nagsimula ako ulit sa dati, yung panahong namatay si Hector. Ngayon buhay naman siya at hindi ito kayang tanggapin nang aking puso at isipan. Yung logic na na-cremate siya at nasa columbarium na, nawalan na ng validity.
I thought I am strong pati ba naman ngayon kaylangan pa rin mag-birong muli ang tadhana. Ang daya, ang daya daya. Ngayon mas masakit ang muli kong pagluha.