webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · สมัยใหม่
Not enough ratings
47 Chs

Siggy Lizares

FINAL CHAPTER OF HAPLOS NG HANGIN (YBS #3)

FREUD SIGMUND L. LIZARES.

"Cause of death is saccular aneurysm or known as berries or in layman's term, brain aneurysm."

Humigpit ang hawak ko sa death certificate habang nakikinig sa mga sinasabi ni Dahlia. Para akong nakatitig sa isang malaking sink hole: nakakalula, nakakatakot, napakalalim, walang kasiguraduhan kung anong mayroon sa dulo.

"And this is Scharlette's birth certificate. It was her late PA's child, Nissa Montescarlos. Ate legally adopted Schar and named after her - Scharlette Nerissha Hinolan. Kinilala na siyang ina ng bata."

Tinanggap ko ang inabot na papel ni Dahlia pero nalipat na ang tingin ko sa batang nasa sulok lang ng Chapel, naglalaro kasama ang yaya niya.

"And, Sig, we saw it in her car. Sa may visor ng driver's seat."

Bumalik ang tingin ko kay Dahlia. May inabot siya sa akin at nang makita ko ito, sinubukan kong ikalma ang sarili ko. Pinigilan ko ang nanginginig kong kamay habang inaabot ang sunod na ibinigay ni Dahlia. It's a sonogram of an unborn child. I saw her name and the date on the upper part of the sonogram. It was hers and it was taken two years ago.

"She was pregnant pala no'ng umuwi siya rito, two years ago. Grabe, kami 'yong nandito, kami 'yong may connections sa mga doctor pero hindi man lang namin nalaman na buntis pala siya."

Nilingon ko si Hannah na nasa kabilang tabi ko lang, kanina pang tahimik at nakatingin sa harapan namin, sa malaking picture frame niya.

Umiwas ako ng tingin, humingang malalim, at pinigilan ang sariling maibagsak ang namumuong luha. I can't show weakness. Not with the prying eyes of everyone. I can't be weak for now. I need to be strong. And crying my heart out is not one of the signs of showing how strong you are.

Binaliktad ko ang sonogram, only to find out a written note at the back of it.

'My first real sonogram of my baby! Pinilit ko talaga si doc na magpa-ultrasound kahit alam kong maliit ka pa lang. I am so excited to see you, my little one!'

Huminga akong malalim at mariin na kinagat ang pang-ibabang labi ko. Sabihin mo nga sa akin, Sandi, kung paano ko mapipigilan ang emosyon ko ngayon? Gusto kong maging matatag. Gusto kong maging bato na lang. Ayoko nang ganito, ayoko 'yong may nararamdaman ako. Hanggang kailan mo ba ako sasaktan, Sandi?

"Pero bago pa man nag-limang buwan ang tiyan niya, nakunan siya. Ang sabi sa akin ni Jenna, hindi raw malakas ang kapit ng bata kaya hindi nito nakayanan."

Tumingala ako, sinusubukan pa ring pigilan ang mga luha. Pero kahit anong pigil mo, kapag hindi na kaya, kapag bumigay na, wala kang magagawa kundi hayaan ito sa pagdaloy.

I can't imagine the pain she's been through. Mahal ko nga siya pero bakit ko nakayanang pabayaan siya ng ganoon?

"It was yours, right? She was seventeen weeks pregnant that time. Imposibleng kay Ardian 'yon. And I don't want to believe na nabuntis siya ng gagong iyon." Agad ko ring pinalis ang luha at lumingon kay Dahlia. "Siggy, paano mong naatim na pabayaan ng ganoon si Ate?"

I furrowed my brows and I can't believe the words that came out of her mouth.

"What? Ako lang ba dapat ang sisisihin dito? Kapatid niya kayo, Dahlia, and where are you when she needed you the most?" back fire ko sa kaniya.

"Sinubukan kong tulungan siya, Siggy. Sinubukan kong mag-reach out sa kaniya."

Tumaas na ang boses ni Dahlia at halatang nagagalit na siya sa akin. Galit din ako, hindi sa kaniya, kundi sa sarili ko.

"Magsisisihan ba talaga kayong dalawa? Nasa harap kayo ng burol ni Ate, mahiya naman kayo. Kaonting respeto man lang sa kaniya, kahit ngayon lang. Lahat tayo may kasalanan dito. 'Wag na tayong magturuan dahil tinalikuran natin siyang lahat kung kailan kailangan niya ang suporta at tulong natin."

Umiwas ako ng tingin kay Dahlia at humingang malalim nang pumagitna na sa amin si Hannah. Mariin akong pumikit at minasahe ang bridge ng nose ko at napagdesisyonang tumayo.

"Magpapahangin lang," simpleng sagot ko at naglakad na palabas ng chapel. Hindi inalintana ang tingin ng ibang tao sa naging sagutan namin ni Dahlia. Wala na akong pakialam.

Dumiretso ako sa kotse ko at padarag na pumasok doon. Inihagis ko sa passenger's seat ang mga papeles na dala ko. Yumuko sa steering wheel at doon inilabas ang lahat ng sakit na iniwan niya sa akin.

"Sige na, Kuya. Samahan mo na kasi ako."

Masama kong tiningnan ang kapatid ko at agad siyang sininghalan. "Alam mong gago ka, saka mo lang talaga ako tinatawag na Kuya kapag may kailangan ka sa akin, ano? Si Tonton nga bulabugin mo."

Inihagis ko sa kaniya ang invitation na ipinakita pa niya sa akin kanina para receipt daw na totoo ang sinasabi niya.

"Ano na naman 'yan? 'Wag n'yo 'kong dinadamay-damay d'yan sa kalokohan n'yong dalawa ha."

Napangiwi na lang ako nang biglang sumingit ang isa pang kapatid namin na kakababa lang sa hagdanan na agad ding dumiretso papunta ng kusina. It's Tonton.

"Sige na kasi, Freud Sigmund! Dahlia's gonna drag my ass there kapag hindi ako pumunta. Kilala mo naman 'yong batang iyon. Brutal kung brutal, e, akala mo hindi babae."

"Dahlia's gonna drag your ass? O baka naman dahil kay Yulia kaya ka pupunta?"

"What? Puwede ba, Siggy, tigilan mo ako sa Yulia story na 'yan. Friends nga lang kami."

Hindi ko na siya pinansin sa mga walang kabuluhan niyang sinasabi. Ipinatong ko ang kaliwang braso ko sa ibabaw ng aking ulo at nagpatuloy sa panonood ng TV.

"Ano ba 'yang pinag-aawayan n'yong dalawa?"

Nanatili ang tingin ko sa TV kahit na muli kong narinig ang boses ni Tonton. His mouth is obviously full kasi parang murmur na lang ang naging tanong niya. The mannerless Tonton. Hindi ako sumagot. Uto-uto 'yang si Sonny, paniguradong sasagutin niya 'yan.

"Debut kasi no'ng Ate ni Dahlia. Invited ako. Magpapahatid sana ako kay Siggy. Kung puwede nga lang gamitin ko 'yong kotse, hindi ko na bubulabugin 'to."

"Tigilan mo 'ko ha. Grounded ka nga sabi sa paggamit ng mga kotse. Ako naman ang malilintikan kapag pinagbigyan kita. Alam mo namang chini-check ni Dad ang dash cam ng mga kotseng nandito," rason ko.

"Bakit, sa'n ba? Maglakad ka na lang kaya papunta ro'n?"

Pfft. Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Tonton.

"Gago, Kuya Ton. Sa L Fisher kasi. Ang layo kaya no'n para lakarin."

"L Fisher? Teka, sandali."

"'Yon! Kuya Ton's a life saver talaga!"

"Asa ka pa. Hindi ka ihahatid n'yan." Lumingon ako sa direksiyon ni Tonton nang bigla siyang natahimik. He's looking something on his phone.

"Sig, did you check our family group chat? Mom chatted you about this L Fisher thing. She said punta ka raw doon to check on Charmaine Lim, anak ng kaibigan niya. 'Yon lang."

"What? Bakit ako?"

"Ewan. Ask Mommy. At Sigmund 'yong m-in-ention niya. Sigmund pangalan mo 'di ba?" sarkastikong sagot ni Tonton.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration. Ayoko kasing puntahan ang Charmaine Lim na 'yon.

"Grabe! Ang galing talaga ni Mommy. Wala kang kawala, Freud Sigmund. Ihahatid mo talaga ako ngayon sa L Fisher.

I mouthed 'fuck you' to him at padarag na umakyat sa pangalawang palapag ng bahay para magbihis.

Nagkaniya-kaniya kami ni Sonny nang makarating sa L Fisher Hotel. Pinabayaan ko na, malaki na naman 'yong ugok na 'yon.

Nagkita nga kami ni Charmaine Lim. Sinamahan ko lang siya sa late night shopping niya at sa dinner na rin. Hindi naman siya boring kasama. Masiyado lang siyang madaldal para sa akin.

Akala ko roon na matatapos ang gabi naming dalawa pero bigla siyang nag-aya na mag-inuman daw kami sa bar area ng hotel. Pero takte, naka-tatlong shots pa lang siya ng tequila, knockdown na. Wala akong naging choice kundi ang ihatid siya sa hotel room niya. Tulog na tulog. Walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya.

Bumalik ulit ako sa Chalet. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako sa text ni Sonny kung anong oras kaming uuwi. Hindi ko inalam 'yong tungkol sa party, wala rin naman akong pakialam doon.

Naiinip na ako kakahintay sa ugok kong kapatid. Tapos may babae pa sa tabi ko na maka-inom parang drunken master. Hindi ko alam kung matatawa ako sa ginagawa niya o ano. Feeling niya expert siya sa ginagawa niya pero halata na sa appearance niya na wasted na wasted na siya. She's beautiful, no doubt. Pero masiyado naman siyang nakaayos para lang uminom sa Chalet?

Tinitigan ko ang babae. Pamilyar siya sa akin. Kamukha niya 'yong babaeng nasa invitation ni Siggy- teka, sandali! Was that her? The Sandreanna Millicent P. Hinolan na may debut ngayon?

"Sir, kilala n'yo? Mukhang lasing na lasing na. Sabagay, kaka-eighteen niya lang ngayon. Baka sinusubukan ang legal age."

Masama kong tiningnan ang bar tender na humarap sa akin para lang sabihin 'yon. Gusto ko siyang i-despise sa ginagawa niya ngayon. Hindi 'yan allowed, 'di ba? Pero na-curious ako sa sinabi niya.

"Kaka-eighteen lang?"

"Oo, Sir. Kaka-debut niya lang kanina, sa may La Proa."

La Proa? Shit? Siya 'yon? Ang kapatid ni Dahlia? E, bakit nandito 'to kung debut niya ngayon? 'Wag mo sabihin sa aking tapos na ang party?

Lumingon ako sa babae at pinag-aralan ang mukha niya. Sakto ring napatingin siya sa akin, mukhang lasing na lasing na. Bigla niya akong tinanong kung puwede ba raw niya akong halikan. Nagulat ako sa tanong niya pero tinawanan ko na lang at sinagot ng wala sa sarili, nagbabaka-sakaling nangti-trip lang siya sa sobrang kalasingan pero bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan nga ako.

Pero nakakadala ang mga pangyayari. Hindi ko namalayan sa sarili kong nadadala na pala ako sa halik na mismong in-intiate niya.

Nagulat 'yong bar tender sa nangyari pero wala na akong pakialam. Matapos ang halik, pinilit niya pa akong kunin ang phone ko para mag-selfie daw kaming dalawa bago nakatulog sa sobrang kalasingan. Sinubukan kong alalayan siya para maihatid sa hotel room niya. Mabuti na lang at nagising siya at paulit-ulit na sinasabi ang room number niya. Hawak na rin niya ngayon ang card key ng room. Naaawa ako and at the same time ay natatawa sa sobrang kalasingan niya.

Ipinasok ko siya sa room na sinasabi niya. Pinahiga ko siya sa malaking kama. Kapatid nga niya si Dahlia. I can see Dahlia now, sleeping soundly on the other side of the bed. Ate nga siya ni Dahlia, no doubt. Ang kulit malasing, e.

Nang ma-satisfy sa ayos niya, lumabas ako ng room to check on my phone. Nakita kong nag-message ang ugok kong kapatid.

Sonny:

D'yan ka matutulog, 'di ba? Umuwi na ako, inihatid ako ni Justine dito sa bahay.

At sinamahan pa niya ng selfie ang s-in-end niyang message. I gritted my teeth and halos ihagis ang phone ko dahil sa inis. 'Yong kaisa-isang taong hinintay ko, ayon at iniwan din pala ako.

Bumaba na lang ako sa reception area, kukuha na lang ako ng room. Habang pababa ako, hindi ko maiwasang hindi isipin ang ginawa no'ng ate ni Dahlia. What was her name again? Sandreanna Millicent? Ang liit lang ng city namin, bakit ngayon ko lang siya nakita?

Kinabukasan, maaga akong nagising at agad na nagtanong sa restaurant area ng hotel to make a favor for me. Ibinilin ko sa kanila na bigyan ng isang green tea with apple cider si Sandi Hinolan. I stalked her last night kaya nalaman ko ang pangalan niya, even her nickname. The green tea with apple cider cures hangover, kasi for sure na magkakaroon 'yon ng hangover kinabukasan.

Uuwi na sana ako no'n pero nalaman ni Charmaine na nasa hotel pa rin ako kaya nagpumilit na samahan ko raw siyang kumain ng breakfast and lunch and one last time shopping. Ayoko namang maging bad shot kay Mommy kaya pinagbigyan ko na. Doon din ako nakita ni Dahlia. Pinansin niya ako. Pinansin ko rin siya. Tumagal lang ang naging titig ko sa babaeng nasa harapan niya at nakatalikod sa direksiyon ko.

I was whispering to myself na sana lumingon siya, kahit panandalian lang. Pero hindi niya ginawa. And that was my first encounter with her.

And from that day forward, nakita ko na lang ang sarili ko na ini-stalk na siya. She's Sandreanna Millicent P. Hinolan. First daughter of Dr. Bernardo and Dra. Cindy Hinolan of Hinolan Clinic. With three other siblings named: Dahlia Barbara, Hannahleah Barbianna, and Hoover Bernand Roberts. Born on July twenty-eight of the year nineteen-ninety four, just a year and three days after I was born. Took up her grade and high school education at the same school: Mount Carmel College of Escalante, Inc. Bound to go to UP - Manila to pursue BS Nursing as her pre-med. Her bestfriends are Mikan Osmeña and Kiara Montinola. Kilalang-kilala ko ang dalawang iyon. She has a beautiful face, wonderful talent, and an awesome life.

Para akong tanga sa ginagawa ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit naging interesado ako sa buhay ng babaeng iyon. Pero no'ng nag-UP na siya, doon na ako nawalan ng contact sa kaniya.

Kaya no'ng makita siya accidentally sa isang coffee shop near her school, was for me the fate and chance I needed in my life to realize what feeling I have for her.

Akala ko 'yon na, pero biglang sumulpot sa eksena si Krane. Sa lahat ba naman ng lalaking mapapalapit sa kaniya, 'yong pinsan ko pa talaga.

Pero hindi lang ganoon kababaw para panghinaan ng loob ang isang Siggy Lizares. Hindi pa naman sila. Wala silang relasyon na dalawa. Kaya walang pakialam si Krane sa pakikipagkaibigan ko sa kaniya.

Nakakatuwa siyang maging kaibigan. Inosente siya sa ibang bagay pero I know deep inside her, she's palaban enough to face every challenges of her life. Bilib nga ako sa kaniya no'ng bigla siyang nag-open up sa akin. I saw a different side of Sandreanna. That's why I took the risk of falling in love with the lovable and adorable Sandreanna Millicent.

Tutol ang parents ko nang mag-desisyon akong mag-transfer sa Benilde. I'm doing fine in La Salle Bacolod pero gusto kong mapalapit sa kaniya. I promised myself, when I heard her story, that I will do anything just to protect her. I even asked my parents na hihiramin ko pansamantala ang penthouse na dapat ay ibibigay nila kay Darry, ang rason ko, gagawin kong studio.

One thing I like about my parents is that they don't care about what you do in life. Saka lang sila manghihimasok sa buhay mo kapag may mali na silang makita, nilabag mo ang principles ni daddy, o 'di kaya'y grounded ka. But I'm way past legal age, I should be doing whatever I want.

Sandreanna's a precious person. She should be taken care of. Hindi 'yong inaalipusta ng sariling pamilya.

I supported her all the way. I provided for her needs. I loved her unconditionally. Muntik ko pang makalimutan ang mga gusto kong gawin sa buhay nang dahil sa kaniya. Pero wala akong pinagsisihan sa lahat ng ginawa ko sa kaniya. Kaya sobra akong nagulat nang bigla siyang makipaghiwalay sa akin. Muntik ko pang masuntok si Mikan nang ibigay niya sa akin ang sulat daw na pinapabigay ni Sandi.

Naguluhan ako sa naging rason niya. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali sa kaniya. Bakit bigla na lang niya akong iniwan? Bakit bigla siyang bumitiw? Anong nagawa kong mali? Bakit hindi niya direktang sinabi sa akin?

She left me under the rain. And I hated the rain since that day. Gusto ko siyang habulin no'n. Puntahan kung saan man siya naroroon. Pero nang makitang unti-unti na siyang umaangat, unti-unti na siyang nagiging sikat, unti-unti na siyang napapansin ng lahat, at unti-unti na siyang nagmamahal ng iba… tumigil ako't inatupag ang sarili kong kaligayahan. Kahit ngayon lang, sarili mo naman ang mahalin mo, Siggy. Kahit corny pero unahin mo muna ang sarili mo.

"'Yong kanta n'yong Millie… para sa kaniya 'yon?" Lumagok ako sa Heineken na hawak ko matapos kong itinanong sa kaniya 'yon. Nakatanaw ako sa malawak na dagat. Natatanaw ko rin sa malayo ang nagtatawanang mga Osmeña.

Makalipas ang ilang taon na wala na siya sa piling ko, nagpatuloy ang buhay ko. Dahil sa few connections na mayroon ang mga Lizares sa Osmeña, nagkaroon ng chance na maisama kami sa Amanpulo for MJ's birthday. Dahil nandito si Mikan, nilakasan ko na ang loob ko sa pagtatanong ko sa pinaka-controversial na kantang mayroon ang banda nila, ang Millie.

"Isn't it obvious?" natatawa pang sagot niya, parang na-weird-uhan sa naging tanong ko.

"Kailan pa?"

"Matagal na."

Lumagok ulit ako sa beer. "Bakit hindi mo siya niligiwan no'ng maghiwalay kaming dalawa?"

"Hindi naman ako ganoon ka-gago para ipagpilitan ang sarili ko sa isang taong obviously ay may mahal na iba?" lumingon siya sa akin. "Ikaw mahal no'n, bakit ako aamin?"

Mapakla akong natawa sa sinabi niya. "Sigurado ka? Kung ako, bakit iba ang boyfriend niya ngayon?" I'm talking about Sandi's new boyfriend na isang basketball player daw sa NBA pero hindi naman marunong maglaro, palagi pang bangko. Pagpapa-cute lang yata ang ginagawa no'n sa court, e.

"Ah, si Horn?"

I made faces nang hindi nakatingin si Mikan sa akin. Nakakairita.

"Ligawan mo kaya si Sandi? Mapapanatag ang loob ko kapag ikaw ang makakatuluyan niya over those stupid boys na obvious namang ginagamit lang siya for popularity."

Malakas na tumawa si Mikan bilang unang sagot sa sinabi ko. Naiirita ko siyang tiningnan habang tawa pa rin nang tawa.

Sige, subukan mong ligawan si Sandi. Kamao ko talaga ang una mong matitikman. Sige, subukan mo talaga Mikan Osmeña.

Humupa ang tawa niya at tinapik ang balikat ko. "Hindi ko pa kaya. Saka na lang kapag hindi mo na siya mahal."

Pero sa buhay natin, kailangan talaga nating huminto sa paghihintay na babalik pa ang isang tao imposible nang bumalik at magpatuloy sa buhay. Tuluyan akong nawalan ng pag-asa kay Sandi nang mas lalo siyang naging kilala ng lahat. Ang layo na niya, mahirap ng abutin.

Kaya sinubukan kong tanggapin ang mga ni-recommend na girls ni Mommy. Sinubukan kong maging interesado kay Thelaine Ponsica. I want to date her in private sana kasi gusto kong ma-realize ko muna sa sarili ko na kaya kong papasukin ang bagong tao sa buhay ko. 'Tang ina talaga. Dati kaya ko namang maghanap ng iba, bago pa siya dumating sa buhay ko, pero bakit ngayon nahihirapan ako?

Pero kahit mahirap, sinubukan ko. Sinubukan kong itago pero hindi ko alam na mahilig pa lang mag-brag ng mga achievements itong si Thelaine. Pinangalandakan niya sa lahat ng kakilala namin na nililigawan ko siya. Dahil maliit lang ang circle na mayroon kami sa city, agad na nalaman ni Mikan. Kaya ko nga isi-sekreto, para hindi malaman ni Mikan, e.

Few weeks after that, nalaman ko na lang na pinuntahan na ni Mikan si Sandi sa ibang bansa. Nag-confess ng kaniyang undying love through a music video and rooftop scene- fuck it! Naiirita talaga ako kapag naalala ko 'yon.

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari pero dahil sa usap-usapan na narinig ko, mukhang busted si Mikan.

Alam kong sinabi kong ipapakain ko sa kaniya ang kamao ko pero nang makita ko siya sa private party sa isang bar sa Manila ay hindi ko nagawa.

"Welcome to the club!" pagbibiro ko pa sa kaniya.

Masama niya akong tiningnan, halatang hindi natuwa sa sinabi ko. Wala naman kasi talagang nakakatuwa sa sinabi ko. Ang ibig ko lang sabihin ay ang club kung saan pinagsama-sama ang mga na-busted at iniwan ni Sandi.

"Gago."

"Bakit mo kasi niligawan? Alam mong kaka-break lang sa mukhang bisugong singer na dating member ng isang boy band na boyfriend, e.

"Ah, si Harry?"

"Ewan ko. 'Di ko alam pangalan no'n. Anong rason niya?"

Umaasa akong babanggitin ni Mikan na ako ang dahilan kung bakit hindi siya sinagot ni Sandi. Umaasa talaga ako. C'mon, Mikan, give me a good answer.

"Kapatid lang ang turing niya sa akin."

Nagtaka ako sa sinagot niya. Naguluhan na rin. "'Yon lang?"

"Oo, 'yon lang. Ano ba dapat ang rason niya?"

Umiwas ako ng tingin at sunod-sunod na umiling. "Wala."

"Oh, she mentioned about you."

Mabilis pa sa isang segundo akong napalingon ulit kay Mikan dahil sa sinabi niya. "Anong sabi niya?"

Sabihin mo lang sa akin, Mikan, na ako ang rason. I'll flew to wherever she is right now talaga.

Unti-unting umangat ang gilid ng labi ni Mikan habang nakatingin sa akin. "She said you're an asshole."

I guess I'll continue with my life then.

"So, here's the tea! The real tea!"

Kumakain ako ng sandwich nang biglang umuwi sa manor si Kiara galing ibang bansa. Ang sabi nagbakasyon daw siya pero hindi ko na inalam kung saan. Basta ang alam ko, imbes na mag-bakasyon ako rito sa Escalante, ginawa akong babysitter ni Kuya Einny.

"Umakyat ka nga muna sa kuwarto n'yo?" matapos niya akong batiin ay pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kararating niya lang at inaakyat pa papunta sa kuwarto nila ni Kuya ang dala niyang maleta. And her handbag is still on her arm.

Nilampasan ko siya sa paglalakad at naisipang gawin ang una ko talagang plano, ang manood ng Netflix habang kumakain ng sandwich.

"C'mon, Siggy, hear me out. It's substantial for you. You need this information. Nagbakasyon ako ng dahil sa 'yo."

Sumama ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. "Ano na namang kinalaman ko r'yan? Baka ako na naman sisihin ni Kuya Einny ha."

Naglakad siya palapit sa akin at tinabihan ako sa couch. "Hear this out nga muna!"

"Not interested," nabo-bore kong sabi, hindi masiyadong maka-concentrate sa pinapanood kong Prison Break.

"Dali na, tungkol kay Sandi 'to."

"Not even slightly interested."

"Ah, talaga? Kahit sabihin ko sa 'yo na ang rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa 'yo ang nalaman ko?"

I loudly clunk my tongue at pinigilan ang sariling tingnan si Kiara at mabigyan siya ng kahit slight na idea lang tungkol sa nararamdaman ko. Ang alam pa rin ng lahat ay nililigawan ko si Thelaine, and I think it's better that way. Kaysa ang sabihin nila na ako si Siggy, ang hindi pa rin nakakapag-move on sa ex niyang si Sandi.

"What?"

"'Yon! Sabi ko na bibigay ka, e. So, here's the tea…"

Sinabi sa akin ni Kiara ang tungkol sa maling paratang ni Sandi sa akin. Dahil sa kuwento niya, napagtagpi ko 'yon sa huling sinabi niya sa akin. Maling paratang lang pala ang lahat.

Kaya no'ng malaman kong iiwan na niya ang hollywood para bumalik kung saan siyang nagsimula, tuwang-tuwa ako. I was about to do a plan na pupuntahan siya kung saan man siya naroroon para suyuin ulit siya pero hindi ko alam na ang pagkakataon na pala ang gagawa no'n.

Kaya no'ng mabigyan kami ng pangalawang pagkakataon, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sasayangin ito at sisiguraduhin kong mauuwi ito sa kasalan. Handa na ako. Handang-handa na. Planado na lahat sa utak ko ang gagawin kong proposal pero hindi ko alam na susubukin na namin kami ng pagkakataon.

Pero ngayon kasi, klarong-klaro pa sa sikat ng araw na may kasalanan siya. She cheated on me and that's one thing I can't forget nor forgive.

Pero mahal ko siya, kaya ko sanang gawin na patawarin siya pero naduwag ako. Naduwag akong lumapit sa kaniya at klaruhin ang lahat sa amin, marinig ang side niya, kausapin siya. Napapangunahan ako ng galit, naduduwag ako, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko no'n.

Gusto kong pumatay ng tao. Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay, matagal nang nakabulagta ang gagong iyon.

Alam ko ang nangyayari sa buhay niya matapos niyang umuwi sa hometown namin, maliban sa parteng buntis pala siya.

Kung sana naging matapang lang ako nang araw na iyon, sana nakausap ko siya, sana nalaman ko ang lahat, sana narinig ko ang side niya. Pero naduwag ako. You're really an asshole, Siggy Lizares.

Paulit-ulit kong inuntog ang ulo ko sa steering wheel ng kotse ko habang tahimik na umiiyak. Para bang maibabalik nito ang buhay ni Sandi.

I was there when she hold her last breathe. Sinamahan ko si Dahlia na puntahan ang Ate niya matapos balewalain ni Sandi ang sinabi ng kapatid niya no'ng hapong iyon. Ako rin 'yong nag-offer na ipagda-drive ng jet ski para puntahan ang Ate niya sa Jomabo Island matapos sabihin ni Sonny na nakita niya si Sandi.

Pero hindi ko inaasahan na 'yon na pala ang huli sa buhay niya. Lahat ng sisi, pinasan ko na. Lahat ng sisi, ibinato ko na sa sarili ko. Pero kahit anong pagsisisi ang gawin ko, hindi na mababalik ang nawala niyang buhay.

Nabulabog ang buong mundo ko nang marinig kong may kumatok sa may pintuan ng kotse sa side ko. Nilingon ko kung sino 'yon at agad na pinahiran ang basa kong mukha to mask up the vulnerability I'm feeling.

Ibinaba ko ang car window sa side ko at agad siyang tinanong.

"Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kanina sa loob, Kuya. I was checking her things back in her house and I saw this. I believe it's yours, Kuya Siggy."

Kinuha ko ang isang puting envelope. "Thanks, Hoov."

"Magsasalita ka raw ba mamaya sa eulogy, Kuya?"

"Hindi. Uuwi muna ako, Hoov."

"Sige, Kuya, sasabihin ko sa kanila. Ingat. Magkita na lang tayo bukas." kinatok niya ang roof ng kotse at umatras para bigyan ako ng daan makaalis.

Naisipan kong umalis na imbes na manatili sa huling gabi niya. She was cremated. But then again, gusto pa rin ng family niya na ilibing siya. Bukas, ililibing siya sa Heavenly Peace Memorial Park katabi ang iilang kamag-anak niya.

Humarurot ako papunta sa maliit na burol. Malalim na ang gabi pero wala akong pakialam. Umakyat ako sa tuktok, umupo sa lupa katabi ng puno at sumandal dito.

Dala ko ang envelope na ibinigay ng bunso niyang kapatid. I saw at the back of the envelope my initials. F.S.L.

Gusto kong buksan pero alam kong hindi ko kakayanin. Pero 'tang ina, Siggy, kahit ngayon lang, maging matapang ka naman para harapin ang lahat.

Binuksan ko ang envelope and there's two folded papers inside at gamit ang flashlight ng phone, inilawan ko ito.

October fourteen.

Siggy,

Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo. Gusto kong humingi ng tawad sa 'yo pero alam kong walang kapatawaran ang pagtataksil na ginawa ko sa 'yo. But nevertheless, I want to say sorry for what I did. I wasted your love. Sinayang ko 'yon. At habang-buhay kong hindi mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa kong iyon sa 'yo. If time permits, I want to see you again, para personal na sabihin sa 'yo na buntis ako, na magiging daddy ka na. Pero imposibleng malaman mo 'yon, you don't want to even look at me anymore. But I love you, Siggy, from heaven to earth, I love you so much!

-Sandi.

"Hanggang kailan mo ako sasaktan, Sandi? Sabihin mo para maihanda ko ang sarili ko."

November eight.

Siggy,

I'm sorry I lost our baby. I'm so sorry. Few days after knowing I'm pregnant, I lost him.

-Sandi.

Everything is in flashing light, but all I see is pitch-black.

The future is dimmed. I can see nothing. Sinubukan kong hagilapin ang liwanag ng hinaharap but I always end up with the same end-point… the conclusion that the future is nothing without you.

Everyone are having the best time of their lives, but here I am watching them from afar.

Sinubukan kong maging masaya kasama ang iba, kasama ang batang pinili mong alagaan. Sinubukan ko at alam kong masusubukan ko. Alam kong nanonood ka sa amin ngayon kasama ang anak natin. All I ask to you is to guide us always and to look after us.

Everyone are making noises, but the silence is making me deaf.

I can't imagine what you've been through when you were forced to face the judgmental eyes of the world, alone. Maingay ang lahat no'ng inapak-apakan ka nila pero naging bingi sa explanation na gusto mong iparinig sa kanila. And I was one of them. I was fucking one of them.

They've said I got their back when things go shitty, but when I got nothing and the world turned its back on me, no one was there for me.

If I was brave enough to go back to you, I would've been there for you, not the other way around.

Sa dami ng taong nangakong mananatili hanggang huli, wala ni-isa sa kanila ang nanatili.

And I'm so sorry I did not stay.

I'm so sorry, Sandi, I failed you. I hope there's a next lifetime for us, a next lifetime that could redo the mistakes we both did and make it right. I hope there's enough lifetime for our chances. I hope there's next lifetime for our love.

If God permits, I will always choose you as my partner. I will always choose you to be the woman I will love until I die. If God permits, Sandi, I want to see you again with that white dress and a veil while I slowly put a ring on your finger. If God permits, I want to build a family with you again and again and again.

If God permits, I want to be with you.

Pero alam kong hindi ka matutuwa kapag sumunod agad ako sa 'yo. You will never fogive me for that, for sure. Alam ko ang gusto mo, alagaan ko si Scharlette katulad nang pag-aalagang ginawa mo. She lost two mothers already and I can't bear the pain if I will not accept the responsibility of caring for her.

Isang haplos ng hangin galing sa 'yo, Sandi, mabubuo na ang buhay ko.

Mahal na mahal kita, Sandi.

~end~

HAPLOS NG HANGIN HAS ALREADY REACHED ITS CONCLUSION. THANK YOU TO ALL THE SILENT READERS OUT THERE THAT STAYED SILENT UP UNTIL NOW. THANK YOU SO MUCH FOR WASTING YOUR TIME READING MY STORY, THIS STORY. I REALLY, REALLY APPRECIATE IT. STAY SAFE AND NEGATIVE FROM THE VIRUS, PEOPLE. THANK YOU AND GOD BLESS! WATCH OUT FOR THE NEXT ONE: WHEN THE WAVES TOUCH THE SKY :)

_doravellacreators' thoughts