I'm 19years old at nagtatrabaho na ako sa factory na malapit samin. May nakilala akong guy, actually matagal ko na siya kilala pero hindi kami masyadong close sa isa't-isa. Pauwi na ako that time nang makasabay ko siya na lumabas ng gate. Nagulat pa nga ako ng bigla niya akong kinausap at kunin ang number ko, bilang friend daw. Walang alinlangan na binigay ko ang number ko sabay paalam at umalis. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nakatanggap ng message galing sa kanya.
[Good Evening, Miss. Dinner kana ah!]
Basa ko sa unang message niya, so nireplyan ko siya na.. 'Same to you, at ikaw dinner kana rin'.. Hanggang sa magkatextmate na kami pareho at madalas na kami magkasama kapag tuwing breaktime.
One day habang hinahatid niya ako pauwi samin ay nagulat ako sa sinabi niya. Gusto daw niya akong ligawan at ako naman 'tong si walang isip ay pumayag agad ako na magpaligaw sa kanya. Di nagtagal ay sinagot ko na rin siya at palagi na kami magkasama. Makalipas ng isang linggong relasyon ay niyaya niya ako na magswimming daw kami kasama ang pamilya niya at kasabay din niyon ang birthday ng kapatid niya.
After ng swimming at kinabukasan ay balik trabaho na naman nang mapansin kong hindi niya ako pinapansin. Kahit maski pagbati ko sa kanya ng 'Good morning' sa text ay hindi niya ko nireplayan. Buong maghapon niya akong hindi pinansin at nang mag-uwian ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. Tinanong ko siya kung bakit di niya ako pinapansin pero ang tanging sinagot lang niya sa'kin ay, 'Text, text na lang tayo, pagod ako eh' matapos niyon ay umalis siya na hindi niya ako hinahatid pauwi.
Pagkarating ko sa bahay ay agad ko siyang kinulit sa text hanggang sa makatanggap ako ng isang message mula sa kanya.
[I'm sorry Hailey, break na tayo. Nakipagbalikan ako sa ex ko dahil nabuntis ko siya at kailangan ko siyang panagutan. Sorry talaga Hailey di ko sinasadya, sana pagdating ng panahon makita mo na ang taong nararapat sa'yo!]
Matapos ko mabasa ang message niya ay bigla na lamang ako umiyak hanggang sa nakatulugan ko na. Kinabukasan nalaman ko na lang na nagresign na siya at hindi na muling nakita pa.
Lesson: Bago mo jowain, kilalanin mo muna ang mga naging past niya. Baka kasi mahal niya pa o gumagawa lang siya ng way para magbreak kayo, at higit sa lahat baka ginagawa ka lang niya na pampalipas oras.