webnovel

GPS Side Story V - Locked

Description: Kamatayan na lang ang hinihintay ni Arvic Summer noong mga panahong lugmok na lugmok na siya, ngunit hindi niya akalain na dumating ang oras na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Aaric. Nagpakalayo-layo siya at napadpad sa isang maliit na distrito. Ang Tierra Del Fuego ang lugar na maihahambing mo sa isang patay, walang kakulay kulay at masangsang ang amoy. Lugar na tila sinumpa at puno ng dugo kahit saan ka man lumingon na pinamumunuan ng isang malupit at may pusong bato na si Quillon Demetre, ang Alpha na kalaban ng kabilang distrito na Tierra De Lobo. Nang makita siya ni Quillon, muling nanganib ang kanyang buhay ngunit dahil sa angking kakayahan ni Arvic na tumitig ng diretso sa mata ng Alpha, nagkaroon ng interest ito sa kanya. Ginawa siyang laruan at dito niya higit na naranasan ang hirap at sakit ng katawan na gawa ng Alpha. "Alpha never cry and never beg. Kapag mahina ka, talo ka." Iilan sa mga paniniwala ni Quillon. Hanggang saan kakayanin ni Arvic ang kalupitan nito? Magagawa kaya niyang baguhin ang malupit na Alpha o nanaisin na lamang niya na wakasan ang sariling buhay?

CarpeDiem2019 · ย้อนยุค
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 19

LEJOS, TIERRA DEL FUEGO...

MATAIMTIM na naka tingin sa kawalan si Archard habang nagkakape siya sa receiving area. Hinihintay ang update ng kanyang beta sa ipinag-utos niya. Hindi siya makakapayag na mabubunyag lang ng basta-basta ang lihim na matagal na niyang itinago.

Sa kanyang pag-iisip ay doon dumating ang beta niyang si Nyxus.

"Lord Archard" yumukod ito bilang paggalang.

"Balita?" tanong niya na hindi tumitingin sa beta.

Narinig niya itong nagbuga ng hangin bago sumagot.

"Nagawa hong patayin ni Tryston ang ninong ninyo. Tama ho kayo, pumunta siya doon para aminin ang lahat kila Arvic at sa kapatid ninyo ang totoo. Ngunit... tumagos kay Arvic ang balang ginamit sa ninong ninyo."

Biglang napalingon si Archard sa beta niya dahil sa ibinalita nito. Nanlalaki ang mga matang marahan siyang napatayo.

Galit niya itong kinuwelyuhan. "What did you say?!" tiim ang bagang tanong niya.

"Tumagos ho ang bala kay Arvic." anito.

Doon tuluyang nag-init ang ulo niya. "What?! That idiot! Ang sabi ko patayin ang matandang 'yun, wala akong sinabing pati si Arvic idamay niya! Fucking idiot! Nasaan si Tryston? Iharap ninyo siya sa akin!" galit na galit na utos ni Archard sa kanyang beta.

"Kasama ko na ho si Tryston, my lord." anito bago utusan ang mga delta na ipasok si Tryston.

Inilapag ng mga delta ang kahong hawak ng mga ito kanina pa at marahan 'yung binuksan sa harapan ni Archard. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sinapit nito.

"Sa galit ho ni Quillon, iyan ho ang kinasapitan niya, my lord."

Kumuyom ang mga kamay niya. Hindi siya nagagalit sa pagkamatay ni Tryston, because he deserve it dahil sa ginawa nito kay Arvic! Nagagalit siya kay Quillon dahil sa ginagawa nito nalalagay sa kapahamakan si Arvic.

"That freaking wolf!" tinabig niya ang lahat ng gamit na nasa lamesa kaya nagkanda basag-basag 'yon sa sahig.

"Pagbabayaran mo ang nangyari kay Arvic. I have a better plan for him, pero sinira mong hayop ka!" aniya kasabay nang pagpalit ang kulay ng mga mata niya.

"Nag-uumpisa pa lang ako!"

"Hey, what happen?" nagtatakang tanong ni Xyrix habang pababa ng hagdan. Nakaroba pa ito at tila bagong gising lamang.

"Xyrix" yumukod ang ulo ni Nyxus bilang paggaling.

"What did you call me? My queen Nyxus, my queen! Always remember that!" napipikang anito sa beta.

"And how about you huh, my lord?" sabay lapit nito kay Archard at dinampian niya ito ng halik sa labi.

"Oh fucking shit, it's Tryston's head!" aniya ng makita ito sa sahig. "Nyxus! Ipalinis mo ang mga kalat na ito. Ayokong makakita ng bahid na dugo o anumang malansa dito sa mansion. Go!"

"Come my lord, let's talk about that in our room." yaya ni Xyrix kay Archard na agad naman naglakad at iniwan si Xyrix na paakyat na rin.

Pagpasok pa lang ng kanilang kwarto pinagsusuntok na ni Archard ang pader sa sobrang galit.

"Hey, calm down!" awat ni Xyrix sa kanya.

"Bullshit, i need to see Arvic right now! Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan niya." umupo ito sa gilid ng kama at sabunot ang sariling buhok.

"Tell me what happen!" napipikang tanong ni Xyrix kay Archard.

"Alam nila Quillon at Arvic ang totoo. Nagpunta ang traidor kong Ninong sa mansion at inamin lahat." napakuyom ang palad ni Archard sa muling pagsagi ng alalahaning iyon.

"Fuck! How come? I knew it! Kung nakinig ka lang sa akin Archard. Hindi mangyayari ito. Now tell me, papaano ka ngayon makakalapit kay Arvic gayong alam na ng kambal mo ang totoo?" paroon parito ang ginawa ni Xyrix na tila hindi malaman ang gagawin.

Ang kulay yellow gold na mga mata ni Archard ay lalong tumingkad sa sobrang galit. Nagngangalit ang mga ngiping tumayo ito at lalabas ng kwarto ng awatin ni Xyrix.

" Where the hell are you going?" tanong ni Xyrix

"I need to talk to Midnight!" sabay labas nito sa pinto at pabalibag na sinara iyon.

MIDNIGHT VERMILLION, is rogue. Siya ang tumatayong leader ng Pack of Blu Sangre na binuo ni Archard mula sa Italy. Siya ang nasa likod ng mga anumalyang ginagawa o black transaction na ibinibintang ngayon sa Pack of Luna Sangrienta na pinamumunuan ng alpha na si Quillon Demetre.

Ang bukod tangi sa mga rogue na malaki ang galit sa pamilya nila Quillon at Archard Demetre. Pangatlo sa mga magkakapatid na Quillon at Archard Demetre na iniluwal ng kanilang ina ngunit dahil sa kulay rosas na taglay na kulay ng mga mata at hugis nito hindi tinanggap ng Ama nila Quillon ang pangatlo sa triplets dahil para sa kaharian isa siyang abnormal na magdadala lamang ng kamalasan.

Sa sobrang awa ng ina nila Quillon, pinakiusapan nito ang doctor na ampunin at ilayo sa Tierra Del Fuego ang sanggol at ariin na lang na parang sariling anak. Masakit man sa loob ng ina tiniis na lamang nito ang sakit na dulot ng pagkakawalay sa anak. Bago pa man mailayo ang sanggol, nag-iwan ang ina ng liham para sa anak na ibibigay lamang sa takdang panahon.

Simula nang malaman ng batang si Midnight ang katotohanan nagtanim na ito ng galit sa kanyang ama at pati ang kanyang mga kapatid na sina Quillon at Archard ay kinasuklaman niya ang mga ito.

NAGING matagumpay lamang ang kanyang balak ng may dalhin ang kanyang ninong na doctor sa kanilang tahanan sa Italy na mag-asawa kasama si Archard. Doon sinadya na ilapit ni Midnight ang sarili sa kapatid na walang kaalaman sa katotohanan at sinimulan niya itong i-brainwash upang magalit ito sa kapatid na si Quillon at paghigantihan ng lihim.

After an hour, nasa headquarter na si Archard kasama ang kanyang beta na si Nyxus.

"My lord." bati sa kanya ng isang delta na nakabantay sa gate.

"Where is Midnight?" tanong ni Archard ng hindi tumitingin sa kausap.

"He is nowhere to be found my lord. Simula pong kunin niya ang ulo ni Tryston at ibigay dito umalis po siya at hindi pa bumabalik." anito kay Archard.

"Okay, tell him i need to talk to him as soon as possible when he gets here." napatiim bagang lamang ito at tumalikod na ng alis.

Sa kabilang banda...

SA PRIVATE ROOM kung saan naroon si Arvic na wala pa ring malay. Masusing binabantayan ng ilang delta at salutary ang omega. Kasama ng 3 dalubhasang doctor, masusing sinusuri ang parte ng dibdib ni Arvic na kung saan bumaon ang bala.

"Kamusta si Arvic?" tanong ni Quillon sa doctor na sumusuri.

"Arvic is under observation. Hindi naman ganoon kalala ang kondisyon niya ngayon. Good thing sa laman lang tumagos ang bala kaya naman hindi kami nahirapang tanggalin ito. His body accepts all the medications." anito kay Quillon.

"Why is it until now unconcious pa rin siya?" nag-aalalang tanong ni Quillon.

"That is why we are worrying about. All the tests results are going okay. He might suffer a traumatic condition or panic attacked bago pa man siya matamaan ng bala." sabay baling ng tingin nito sa alpha.

Napakunot ng noo si Quillon at napaisip.

"Bago mangyari iyon, mayroon bang naging dahilan kung bakit humina ang mental at emotional level niya?"

Napabuntong hininga si Quillon at tumabi sa kanyang mahal. Tinitigan niya ang mukha ng omega bago ito tumango sa doctor.

"Yes."

"Nakasalalay sa paggising niya ang kaligtasan. Kapag tumagal pa ito sa loob ng 24 hours he might be---" Quillon cut him off.

"Gigising siya. He will be okay! I swear he will!" pangungumbinsi ni Quillon.

"Okay. I'll be right back after an hour to check him again. If you will excuse me Alpha Quillon, i'll be on the other room." paalam ng doctor.

Quillon nodded.

Nang mapag-isa na lamang sila Quillon ar Arvic sa room, mas lalong inilapit ni Quillon ang sarili sa nakaratay na si Arvic. Kinuha niya ang kamay nito at masuyong pinisil.

"Arvic, please wake up. I need you. Your parents has been waiting for you so long, ngayon ka pa ba susuko? Pupuntahan natin sila, magkakasama na kayong muli kaya please, my love, wake up." at tumulo ang luha nito sa kanyang pisngi habang hawak hawak ni Quillon ang kamay ni Arvic.

Walang sawang kinikintalan ng maliliit na halik ang kamay ng mahal habang patuloy ang pag-usal niya. "Yes, maybe i'm a demon to others but for Arvic's sake, i will kneel down, asking and begging for HIS help. I'm not ready to lose my omega. Ang dami ko pang plano ngayon para sa aming dalawa. Magpapakabuti pa ako at itatama ang lahat. Bubuo pa kami ng malaking pamilya. Please, i'm calling the CREATOR above the heaven please forgive me. Please bring back my omega." at humagulgol na lamang ito ng tahimik.

Habang lumilipas ang oras lalong nakadama ng pagkatakot si Quillon dahil sa hindi pa nagkakamalay ang mahal niyang si Arvic.

Mga dalubhasang doctor na rin ang nagmo-monitor kay Arvic upang masiguro ang kalagayan ng omega.

"How is he?" tanong ni Quillon sa doctor ng bumalik ang mga ito for check up.

"His vital signs are okay, pero ang gumugulo sa isipan namin ay kung bakit hanggang ngayon unconcious pa rin si Arvic. Kaya we decided to do a ct-scan." anito kay Quillon.

"If not necessarily, don't do that. I guess, he needs me more than that right now."

"Oh." tila naalalang sagot ng doctor. "Okay, since we already have the result. Tomorrow morning is our next schedule to check him again. You can have all day and night. Just make sure that you have enough strenght and trust to your omega para mapabilis ang paggaling ni Arvic. Aalis na muna kami and will be back tonight, Alpha Quillon." paalam nito sa lalaki.

Quillon nodded...

After a few minutes someone knock the door.

"Come in..."

"Kamahalan, eto na po ang pinahanda ninyong panlinis para kay Arvic." sabay lapag nito ng planggana na may lamang maligamgam na tubig, sabon, sponge at towel maging ang pamalit na damit ni Arvic.

Tiningnan lamang ito ni Quillon at tumayo.

"Gethro..." tawag ng alpha sa kanya.

"Kamahalan." yumukod ito bago muling tumingin ng diretso kay Quillon.

"From now on, you will call Arvic not just by his name. Call him with respect." utos nito sa kanyang beta.

"Masusunod po Kamahalan. Ano po ang nais ninyong itawag ko po sa kanya?" tanong nito.

"Call him, Queen Arvic. Because as soon as he gets back his consciousness, i will propose to him for a marriage." seryosong saad ng alpha.