webnovel

PANG-ANIM NA KABANATA

Nakatunganga lang ako habang nanonood kay De Lara nag titipa sa laptop nya.

Hindi ko alam kung bakit dito nya piniling mag edit eh, Ang init-init rito, ang sikip at ang tahimik! Hindi ko na alam talaga sa lalaking toh.

"How about this?" Tanong nya naman at tinuro ang screen ng laptop.

Lumaki ang butas ng ilong ko at masama syang tinignan dahil picture ko yon! Kagaya nong pinakita sa akin ng bakla.

"Kaya tayo na i-issue eh! My day ka ng my day!" Inis kong. He just shrug. Binabaliwala ang reklamo ko.

"I just find it cute, that's why" baliwala nyang sabu

Napairap na lang ako!

Puro na lang ako cute sa paningin nya! Hindi ba pweding maganda?

Siguro ang tingin ng lalaking to sa akin ay nakakabatang kapatid! Yon siguro ang nasa isip nya.

"Bibili lang muna ako ng snack" Ani ko.

"No need, I'm not hungry" tanggi nya. Hindi tinataggal ang mata sa laptop nyang mamahalin.

"Eh ako!? Gutom ako eh"  pamilolosopo ko.

Gusto kong e untog ang ulo ko!

Hindi ko sya Kuya para ganyanin! Hindi rin sya kaibigan ko na p-pilosopohin ko lang! Jusko naman Aloha! Umayos-ayos ka.

"Ugh...Joke lang pala" Nahihiya kong sabi. Biglang bumait ang boses.

Ang plastic! Plastic ko!

Sige Aloha! Ituloy mo yang kagagahan mo! Crush mo yang kaharap mo! Baka ano ng nasaisip nya.

"Ah yeah, I forgot, I have food in my bag" aniya at kinuha ang kung ano sa kanya.

"Ay hindi! Busog ako..."

"No, I don't like eating. Sayo na yan" aniya at at nilahad sa akin ang box.

Kumurap-kurap ako at tinignan ang nilahad nya.

The box is so cute, color white ang kulay at puti ang ribbon! Exactly my favorite color.

"Sure ka?" Ani ko. He nod.

Nag-aalangan naman ako dahil halatang mamahalin! Baka ilang libo ang ginastos nya rito.

"Again, I don't like eating. Sayo na yan" baliwala nyang sabi at nilagay sa kamay ko.

Totok na totok ako sa box halos isang oras. I didn't open dahil nahihiya ako.

Kinukumbinsi nya na nga akong buksan pero umiling ako at sinabing mamaya na lang! Baka sumigaw ako bigla kapag nakita kung ano ang laman.

"Baka ma late tayo sa...Next class natin" pambabasag ko sa katahimikan.

"Entrepreneurial day remember?" He said while looking at his laptop.

Nakapamot na lang ako ng ulo!

"Oo nga pala" Ani ko.

Mamayang four pa pala ang sunod naming klase! Ang tanga naman Aloha! Saan ba ang utak mo!?

Para maalis ang tingin ko sa box at kay De Lara. Nag phone na lang ako para ma distract ang sarili.

Bakit ba dito nya piniling mag edit nyan? Ako nahihirapan eh!

Pwede naman doon sa school pero! Baka pag pestahan kami! Pero pwede rin sa may coffee shop or sa bahay nya para wala talagang esturbo! Sa dinami-dami ng lugar dito pa nya napiling mag edit!

Our GC pop up, nakikipag video call ang mga maklase ko.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga trip nila.

Magkakasama lang ang mga toh ah? Bakit may pa video call? Mga baliw din eh.

Steven Vegas:

Hoy! Salvador! Seen ng seen! Join the call! Sipain kita dyan eh.

Brutal na message ng bakla. Napangiwi na lang ako.

Napaka demanding! Akala mo kung sino!

"Anong trip nyo?" Bored kong sabi.

[ Hoy Salvador! Bakit off cam! Abah! Open cam! Empaktah toh! Nasaan ka ba? ]

[ Nandito rin kami Vegas! Bakit Salvador ka ng Salvador. May gusto ka sa kanya noh? ]

[ Kilabutan ka sa sinasabi mo ]

[ well! Hindi rin naman natin masisi si Salvador! Ang ganda eh ]

Tumikhim ako sa narinig.

Maganda pala ako? Hindi ako aware dyan ah.

[ Lumabas rin Angelo! May gusto ka kay Salvador ano? Sumbong kita kay Fafa De Lara ]

"Pinagsasabi mo oi" saway ko sa bakla.

Naririnig lahat ni De Lara ang mga pinagsasabi nya! Nakakahiya talaga ang bibig nito.

[ Ikaw naman dyan Salvador! Open the camera! Etsusera toh! Akala mo maganda! kong maka off cam! ]

[ May gusto talaga kay Salvador! Magiging lalaki na rin sya! Sa wakas ]

[ hindi kita e a-attendance na tokmol ka! ]

[ Joke lang! Magagalit agad eh ]

[ palambing lambing pa ng boses! ]

[ Hello Salavador my friend ]

Salita ni Santiago na kaka join lang. I hello back on her.

[ Wala rin ba kaming Hello Salvador? ]

The boys teased me. Napatawa naman ako at magsasalita na sana nang inagaw ni De Lara ang phone ko.

"Hoy!" Anggal ko. He looked at me sharply na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya.

"I announce something. I don't have internet" malamig nyang sabi.

Kunot noo naman akong tumango dahil ang lamig lamig ng boses nya.

Nangyayari sa kanya?

I heard everyone screaming at my phone kaya sisilip na sana ako nang nilayo ni De Lara.

"Please give me a water" utos nya.

"Huh?" I asked. Tinignan nya ako kaya nailang ako at tumango na lang.

What happened? Bakit nag sigawan sila?

Kunot noo akong nagsalin ng Tubig sa petsil. Iniisip kung anong dahilan ng sigawan.

Yes, gwapo sya pero hindi naman sya artista para pagkaguluhan ng ganon.

Habang pababa, tyaka ko lang na realize kung bakit sila nag sigawa.

Oh my goodness! Account ko pala ang ginamit nya para may e a-announced! Baka kung ano na naman ang iisipin ng mga buang kong kaklase.

"Hoy akin yang account..." natigil ako sa pagsasalita nang nakitang nasa tabi na ng laptop ng ang phone ko at nag titipa na rin sya sa laptop nya.

"Ugh...Pinatay na?" Awkward kong sabi. He looked at me and nod. "Ah" Ani ko.

Nanalita kami sa boarding house ko hanggang umabot ng hapon! Kaya sabay rin kaming pumasok sa classroom.

Everyone teased when we enter the room, napailing na lang ako at hindi na lang sila painapansin.

Bahala sila sa mga buhay nila.

"Sit beside me" pasimpleng bulong sa akin ni De Lara.

"Huh? Hindi..."

"Gusto mo na namang mapahiya?" Seryoso nyang sabi. I pursed my lips at namula ang mukha sa kahihiyan na naramdaman kaya wala akong nagawa kung hindi tumabi sa kanya.

Nagpaubaya nga ang isa nyang kaibigan kaya nag-iinit ang pisngi ko.

Everyone teased us pero nang nagsalita si De Lara na tumahimik agad naman silang sumunod.

Malakas akong bumuntong hininga at nilagay sa table ang bag ko at dumokdok para hindi ko makita ang mukha ng kaklase ko.

"Your hiding?" He asked. I shook my head kahit totoo namang nagtatago ako.

"Pagod lang dahil ang init ng panahon" pagdadahilan ko.

"Right" I heard him mumbled kaya napa yes ako sa isip ko.

"Pinagod mo yata bruh!"

"Your finally settle Huh?"

"I can't believe that your really..."

"Shut up fuckers!" Madiin nyang sabi sa mga kaibigan nya. They laughed.

Gusto ko na lang mawala ng parang bula sa kinauupuan ko. Nakikita naman siguro nila ako! Kung makapag-asaran parang wala ako rito!

"I heard them say that you went to her boarding house?"

"I didn't say that"

"But Natalie said that your background is the same as her boarding house, she went there before cause her friends invited her"

"We just edit the picture we shoot"

"Knowing you? Really man? Wala kang pakialam sa studies mo then all of the sudden..."

"Shut it bruh"

"How about Venus? What will you do to her?"

"Were done"

"No more chasing?"

"I'm done with her"

"She's better that her right"

"Don't compare her to that bitch"

"Ow! You finally said dirty to her"

"Shut up already!"

"What if she will the one who will chase you"

"I'm done with her"

"Obviously...I'm happy for you"

Ang usapan nya sa kaibigan nya ang dahilan kung bakit hindi ako makapukos sa klase.

So my ex girlfriend sya na halatang baliw na baliw sya kaya hinabol-habol but he's just a human, napagod kakahabol at ngayon lang sinampal ng katotohanan na dapat na nya yong kalimutan!

At ako ba ang tinutukoy nyang her na dahilan kung bakit sya naka move on?

Impossible!

Ayoko ng mag overthink! Nakakasakit ng ulo! Bahala na sya sa buhay nya! Buhay nya yan eh.

Nang nakauwi na ako sa boarding house, agad kong kinuha yong box na binigay sa akin ni De Lara!

Hindi ko talaga toh binuksan kanina dahil nahihiya ako sa maging reaksyon ko.

"Ano toh?" Taka kong sabi nang puro confetti ang tumambad sa akin.

Akala ko pagkain ang laman nito?

Pinagkukuha ko ang confetti, hoping na may makitang pagkain. Kung ako niloloko ng De Lara na yon! Patay talaga yon sa akin!

"Oh...My...Goodness!" Dahan-dahan kong sabi.

Isang flower na nilagay sa u-shape glass! Not just ordinary flower, kumikinang-kinang sa loob, parang galaxy.

Dahan-dahan ko yong kinuha yon, manghang-mangha sa nakit.

"Bakit nya ako binigyan ng ganito?" Tanong ko sa sarili ko.

I took a photo on the flower and send to De Lara. Tinatanong kung bakit may pa ganito.

ZS De Lara:

Your welcome

Napakunot naman ang noo ko sa replay nya.

Aloha Aloha:

Anong your welcome? Bakit may paganito?"

Kunot noo kong replay.

Itong si De Lara! Na w-werduhan na ako sa mga pinagkikilos! Hindi ko alam na pinaglalaruan nya ako, makipag-kaibigan lang o ano.

ZS De Lara:

There's more in the box.

Replay nya, binabaliwala talaga ang tanong ko.

Ako naman na curious. Tumingin ako sa box ulit and my eyes widen in fraction nang nakita ko ang mga chocolates

Mag c-chat na sana ako nang nakatanggap ako ng video call mula sa kanya kaya agad kong sinagot dahil nalilito ako sa mga ito.

"Ano toh? Akala ko pagkain?" Kunot noo kong sabi habang inaayos ang phone ko.

I saw him smirked. Umiwas ako ng tingin dahil ang gwapo-gwapo nya sa screen.

His laying on his bed, Inuunan ang braso nya kaya nadidipina ang kanyang muscle. His expressive eyes na nakakapag-pa-attract sa akin sa kanya are more evident.

Jusko!

[ Chocolates is not a food? ] He said teasingly kaya napasimangot ako.

Kung hindi ka lang gwapo eh.

"Eh bakit may flower?...pero ang ganda ah! Para sana kanina toh?" Wala sa sarili kong tanong.

[ What do you mean para sana kanino toh? ] Malamig nyang tanong.

"Eh kasi...Sabi mo..."

[ flowering words so that you will accept that one ]

"Hah?" Gulantang kong sabi at napatingin sa cellphone ko.

[ I hope you like it...Good night ]

"Teka-...anak ng!" Inis kong sabi ng pinatayan nya ako ng tawag kaya sandamakmak ang message ko sa kanya.

Aloha Aloha:

Hoy! De Lara! Hindi ko ugaling mag overthink!

Aloha Aloha:

Hoy! Bakit hindi ka nag replay? Kung itapon ko tong binigay mo?

Aloha Aloha:

De Lara! Pag sumakit na naman itong ulo ko! Lagot ka sa akin!

Aloha Aloha:

Kung e block kaya kita? Seen ng seen! Hindi ka pogi oi!

Aloha Aloha:

E bibinta ko tong flower mo! Kung ayaw mong sabihin kung bakit mo ako binigyan ng ganito.

Aloha Aloha:

Siguro hindi to para sa akin no? Binigay mo lang to dahil hindi tinggap ng girlfriend mo.

ZS De Lara:

That's really for you...Sleep already, we still have class tomorrow.

I scoffed nang sa wakas ay nag replay sya. Yan lang pala ang katapat nya para mag replay.

Aloha Aloha:

Hindi! Sinasabi mo lang talaga yan! Hindi talaga para sa akin toh!

ZS De Lara:

Then why is it your name is ingraved in front?

Natigilan naman ako sa nabasa at tinignan kung totoo ba ang sinabi nya.

"Hala?" Gulat kong sabi nang nakita ang pangalan ko.

Dahil sa pagkagulat hindi ko na sya ni replayan! Kung anu-ano na lang ang pumasok sa isip ko dahil sa binigay nyang toh!

Indeed! Para sa akin nga toh! Kaya pala favorite color ko ang box...but I wonder why! Saan nya nalaman na yellow ay white ang favorite kong color? As far as I remember! Hindi ko nabanggit yon kahit kanino!

"Ugh! E tutulog ko na lang toh!" Inis kong sabi at niligpit ang kalat.

Kinabukasan, dumeritso ako sa SSG Office, Mamaya pang hapon ang klase ko dahil entrep. Day! Iwan ko ba sa ibang professor kung bakit pa sila magk-kalase!

"Hoy-...Ayy tulog!" Pigil ko sa sarili kong bulyawan si De Larang natutulog pala, naka cross lang ang mga kamay habang nakaupo.

"Mamaya na nga lang" sabi ko sa sarili ko at tumulong na lang sa mga kailangan gawin.

Litong-lito na ako sa kanya sa totoo lang! Hindi ko na alam kung anong iisipin ko!

Is he crushing on me? Or hindi? Nakakalito na kasi eh!

Lapit sya ng lapit tapos kahapon binigyan nya ako ng flowers at chocolate!

Gusto kong mag conclude na nanliligaw sya o gusto nya ako pero ayaw tanggapin ng isip ko dahil ang dami agad pumapasok sa isip ko na 'paano'

Paano kong may girlfriend sya? Paano kong pinaglalaruan nya lang ako dahil nakikita nyang gusto ko sya? Paano kong panakip butas lang ako dahil may ex pala syang mahal na mahal nya?

Hindi ko alam!

Hindi pa ako nagkaka-boyfriend since birth kaya hindi ko talaga alam kong paano toh, wala akong ideya.

I sigh!

Mag c-chat ako kina Arsenia, may experience yon eh! Siguro makakatulong yon sa akin.

Nang matapos kami sa nga ginagawa, sinulyapan ko si De Lara na ganon pa rin ang pwesto nya.

Napabuntong hininga lang ako. I want to confront him dahil litong-lito na ako pero mukhang puyat ang tao.

"We don't have work anymore, you can freely do whatever you wanted to do basta bumalik kayo mamayang hapon...attendance is a must" Ani ng president.

Mahina naman ako na pa yes at kinuha ang bag ko para bumalik sa boarding house. Tulog pa si De Lara eh! Mamaya ko na lang tatanungin. Kay Arsenia muna ako magtatanong.

Pagkarating ko ng boarding house, agad akong nag hulog sa piso wifi at nakipag video call kina Arsenia.

I know class hours ngayon pero wala namang mga pakialam yon sa study nila. Ika nga nila noon...Nag-aral lang daw sila dahil yong ang ginagawa ng lahat ng kabataan. Mga baliw talaga.

Arsenia join, akala ko sya lang pero silang tatlo ang bumungad sa akin.

[ Himalang napatawag ka? ]

[ Akala ko patay ka na! ]

[ Grabe! Hindi mo ba kami na miss Aloha? ]

I laughed on their remarks.

"Na miss rin naman, umuwi ako dyan nong weekends ni hindi nyo nga ako dinalaw" pagtatampo ko rin.

[ Hoy! Hindi ka nagsabing gaga ka! ]

[ Oo nga! Wala na nga kaming update sa buhay mo ]

[ Wala ng pakialam sa atin yan ]

"Tumahimik kayo! Kita ko sa mga post nyo na masaya kayo! Kanya-kanyang bebe time! Pinapamukha nyo talaga sa akin na wala akong boyfriend noh?" Inis kong sabi.

Nagtawanan naman ang tatlo sa lintaya ko kaya napairap ako.

[ Mag boyfriend ka na rin! Daming gwapo dito gurl! Mga Business Administration rin! E ririto kita! ]

[ Tanga! Mas maraming gwapo sa Accountancy! ]

[ Gaga! Ayoko sa mga accountant! Dahil kapag mag b-break na baka e compute lahat nila ang mga binigay sa atin at pababayaran! ]

[ Doon na lang sa engineering! Secure future mo don Aloha! Dami pang hot pero sadly my mga girlfriend na pero! Maagaw pa rin yon! Hindi pa kasal eh ]

[ Ginawa mo pang kabit kaibigan natin! Sa ganda nyang yan? Kabit lang! Doon sa Criminology gurl! Though mga chaka talaga sila pero ang sarap mag-alaga ]

Natampal ko na lang ang noo ko sa nga pinagsasabi nila.

Yes minsan naiingit ako sa kanila! Dahil may taga sundo, may ka lambigan, may katawagan, may magbibigay ng kung anu-ano pero kapag sinubukan ko na natatakot ako.

Natatakot ako na baka hindi ko kayang ipaglaban sya sa pamilya ko!

[ E r-rito ka namin dito gurl! Ako bahala kina tita at Tito! ]

[ ako naman bahala sa Kuya mo! ]

[ Kapal ng mukha! May girlfriend na ang Kuya nyan at may boyfriend ka na! Malandi ]

[ Hoy Aloha! May pressure ka please dapat may boyfriend ka na! 20 ka na next year! Baka tatanda ka na dalaga nyan! Sige ka ]

"Iwan ko sa inyo!...Anyway, may itatanong lang ako" Ani ko at umayos ng upo sa kama.

[ wag lang tungkol sa acads dahil nagkanda bagsak bagsak na kami rito! ]

I laughed.

"Hindi kasi ganito...There's a boy na...attractive ako and then tinutukso kami...so na develop that's why lumalayo ako para pigilan ang nararamdaman ko...you know my parents and kuya...pero lapit sya ng lapit...tapos kahapon, binigyan nya ako ng flowers at chocolate, tinanong ko kung bakit pero ibang sagot nakukuha ko" nakanguso kong sabi.

Arsenia, Jenia and Rehena screamed. Napapikit na lang ako at malakas na bumuntong hininga.

[ sa wakas magkaka love life na ang Aloha namin! ]

[ Gwapo ba? Anong pangalan, search ko...baka chokoy na naman yan! Mga nagkakagusto pa naman sayo noon ang papangit! ]

"Private ang account nya eh send ko na lang...wait" Ani ko. I save De Lara's profile picture and send it to our GC.

"Na send ko na" Ani ko.

Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ni Arsenia, napatakip naman ng bibig si Jenia at laglag ang panga ni Rehena.

Naka topless kasi na photo ang pinasa ko, yon ang profile nya eh! Mukhang nagbabakasyon sya nito.

[ Afam ba toh? ]

"Hindi no...teka, mag s-send ako ng iba" Ani ko at nag send ng group photo nilang magkakaibigan at binilugan ko na lang si De Lara para makilala nila.

[ Gaga ka Aloha! Seryoso ka ba o nananginip ka lang ? ]

[ Baka nag e-embento ka lang ah? Yan papatol sayo? ]

[ Aloha? Seryoso ba toh? Parang artista na toh ah? Baka isa na naman to sa mga idol mo kaya ganyan! Scam ka pa naman ]

Hindi naniniwala nilang ani. I sigh at nag send ng convo namin ni De Lara pati yong screenshot ko sa my day nya na may mukha ko.

Malutong na mura ang pinakawalan ng tatlo. Hindi makapaniwala.

[ Gurl! Malayo ka naman sa pamilya mo! Sagutin mo na tapos pakilala mo kami! ]

[ May Kuya o kapatid ba yan? Shit! Ang swerte mong gaga ka! Anong ginawa mo at nagkagusto yan sayo? ]

"Anong nagkagusto? Wala nga syang sinasabi eh!" Nakanguso kong sabi.

[ Wala nga syang sinasabi pero yong pabigay-bigay nya ng flower at chocolate tapos ika nga kamo, lapit ng lapit sayo kahit lumalayo ka na....gurl! He's pursuing you! ]

Umawang naman ang labi ko sa narinig.

He's what?...Pursuing me?...impossible!