webnovel

CHAPTER 12

"Zioniel nakakahiya! Dito na lang ako! Nag message na ako kay Santiago! Papunta na yon!" Tanggi ko sa kanya.

Gusto kasi nyang doon ako u-upo sa bench kung saan silang mga player! Maglalaro sila ng basketball ngayon na magkaaway pa rin sila ni David.

"Ikaw lang mag-isa rito" nag-aalala nyang sabi. I shook my head.

"Dito na lang ako mag c-heer sayo! Nakakahiya talaga" Ani ko talaga. He sigh heavily at wala ng magawa.

Actually, nagsinungaling lang akong pupunta si Santiago! Makulit yan eh kaya alam ko kapag wala akong sasabihing kasama, ipipilit nya talaga.

When the game start. Una wala pa akong naintindihan! Hindi naman kasi ako manonood ng basketball kahit palaging naglalaro si Kuya.

"Technical Foul!Rise your hand... No. 8 De Lara" the announcer announce.

Napakurap ako at napatingin kay De larang masama ang tingin kay David.

Here we go! Ito na naman sila! Sana talaga hindi sila mag-aaway rito! Nakakahiya!

Unang quarter pa lang, out na si De Lara at David dahil sa alitan nilang dalawa sa court! Magkakampi sila! Pero sila ang nag-aaway..Lumapit ako sa kanya! Iwan ko rin sa lalaking toh! Napakainit ng ulo.

Actually, Hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang phone ko! Pero wala naman akong pake, ang dami nyang load eh kaya tuwang-tuwa rin ako. Kahit hindi na nya yon ibalik, okay lang.

"Hey, bakit ka na out?" Walang kwenta kong tanong. Alam ko na nga ang sagot.Nag-angat sya ng tingin sa akin at napailing. I sigh at tumabi sa kanya.

"I thought nahihiya ka?" Pang-iiba nya ng topic kahit inis pa rin. I rolled my eyes at inabot ang towel at binigay sa kanya.

"Ang init na naman ng ulo mo" ani ko at napasulyap kay David na kakaiwas lang ng tingin. Isa pa toh! Ang sarap e umpog ng paulit-ulit.

"Uwi na lang tayo, I'm not in the mood to play" aniya at biglang tumayo, deri-deritsong nagtungo sa nilabasan nila kanina kaya nanlaki ang mata ko at humabol sa kanya.

Siraulo talagang lalaking toh! Paano yon game nya? Paano yong mga kaibigan nya? Baka e kick out sya team nya sa behavior nyang yan!

"Sandali!" Ani ko at humarang ba sa kanya kahit nasa CR na sya ng mga lalaki. Wala namang tao.

"What? It's not good to play when you are not in the mood, I might be the reason-"

"Bumalik ka doon! Kaya ako sumama eh para makita kang maglaro tapos uuwi ka lang?"kunot noo kong sabi.

May quizz kami bukas! Hindi ako nag-aral! Nagsinungaling pa ako kay Kuya na may group sa study kami ngayon kaya wala ako sa boarding house tapos ito lang?

He sigh heavily hindi ako sinagot!

"Okay ganito! Wag mo na lang pansinin si David okay? Mamaya na yang galit mo! Focus ka muna sa game" mahinahong sabi ko.

"Make me" aniya. Kumunot naman ang noo ko. Hindi sya maintindihan.

"Anong make me?" Taka kong tanong.

"Can I do something? Para mawala ang inis ko?" He huskily said at lumapit sa akin kaya kumalabog ang puso oo at paulit-ulit na kumurap.

"A-ano?" Utal kong sabi at umatras ng umatras. I gulped nang naramdaman ko ang lamig ng dingding.I press my lips when he corner me and lower his head para magkapantay kami.

"Can I baby?" Bulong nya.

I wanted to shook my head. Conservative ako! Hindi pa kami para gawin ang bagay na toh! But my whole body didn't cooperate, tumango pa ako!

Napapikit ako nang naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Matinding kalabog ang aking nararamdaman, I even felt my hand formed a fist! Jusko! I cannot! Para akong mahihimatay sa nararamdaman ko.

When his hand gently touch my fist at dinala sa leeg nya. I lost! Hindi ko na alam!

He kissed me gently at naramdaman ko rin ang pag-iingat nya. Gusto kong sumabog dahil sa naramdaman!

So this is how it feels!

And when I learned how his lips move, I kissed him back. Naramdaman ko rin lumapit ang katawan nya sa akin at sinuklian pa lalo ang mga halik ko.

"The fucking fuck!" Malutong na sabi ng kung sino kaya tinulak ko ka agad si Zioniel sa pagkabigla.

"What the fuck too! What do you want?" Iritadong sabi ni Zioniel.

Nag-init ang mukha ko at nagtago sa likod ni Zioniel sa kahihiyan!

"Making out in the comfort room? So cheap!" Malamig na sabi ng kung sino.

Hindi ako maka tingin dahil sa kahihiyan! Gusto ko na lang lamunin ng lupa!

Hindi ko alam ang gagawin ko! Nagtago lang talaga ako sa likod ni De Lara!

My mind is in hire wire dahil hindi maalis sa isip ko ang halik nya! Hindi ko alam! Hindi ko maintindihan! Parang lumilipad ang utak ko!

"Think whatever you think! But I wont make her feel cheap. You fuckers!" Matigas nyang sabi at nilingon ako.

Napapikit ako ng mariin and buried my faced on his chest! Ayokong makita ang nakakita sa amin dahil mas mahihiya lang ako!

He sigh at niyakap ako pabalik.

"Let's go?" Bulong nya sa akin. I nod at humigpit ang kapit sa jersey nya.

3rd quarter na nang pumasok si De Lara! Sya na halos ang nakapuntos sa team nila kaya tuwang-tuwa ang mga kasama nya.

Para mawala ang kahihiyan kong nararamdaman, nakikisigaw na lang ako tuwing makakapuntos kaya unti-unti! Nawawala sa systema ko ang nangyari kanina pero pag naisip ko na naman! Nakakapanghina talaga! Kaya hindi ko na lang iisipin dahil mawawala talaga ako sa sarili ko.

"Congrats!" Masaya kong sabi nang nanalo sila.

"Yon!"

"Wala na bruh! Pinapamukha talaga sa atin na single tayo!"

"Hoy Salvador! Walang congrats sa amin?" Yong Angelo. Sinimangutan ko lang sya kaya pinagtatapik sya ng mga kasama nya.

"Tangina nyo! May girlfriend rin ako! Mga gago!"

"Walang nagtanong!tangina ka rin!"

Natahimik lang ang lahat ng biglang padabog na kinuha ni David and gym bag nya. Napatingin tuloy kami sa kanya.

"Cage your girl bruh" bulong ni Clark kay Zioniel kaya napalingon ako sa kanila.

Mayabang lang syang tinignan ni Zioniel! Kaya hinampas ko ang braso dahil ang hangin hangin. He laughed at biglang nilahad ang braso, humihingi ng yakap pero bago pa ako makalapit! Inunahan na ako ni Angelo at agad namang sumali ang mga teammates nya kaya natawa na lang ako.

"Mga baliw!" Natatawa kong sabi.

Kung hindi pa sila tinawag ng coach nila, hindi natigil sa kulitan ang lahat. Napailing na lang ako.

"Just for awhile...hmmm?" Ani ni Zioniel sa akin. I nod at umupo sa tabi ng gamit nya at inayos yon.

I never felt so happy like this before. Ang gaan gaan sa pakiramdam at ang saya sa puso kahit nakakahiya ang nangyari kanina.

And speaking of what happened earlier!

So that's how it feels! Kissing him is like a deep sea, it can crash you smoothly that make your body loosed all the control.

His lips honestly is so soft at lasang minth.I shook my head on my thoughts! Dahil nagsisimula namang maginit ang mukha ko.

"Hey, let's go" Mahinahong sabi ni De Lara. I cleared my throat and nod.

Umayos ka Aloha! Wag kang magpahalata! Jusko naman. I nod.

"Let me carry that one" aniya at inagaw ang bag nya sa akin.

"Tangina! Gusto ko ng ganyang girlfriend!"

"Puta! Ayoko na! Bakit ang taray ng mga babae-"

"Putcha ka! Wala kang jowa!"

"Silence or..."

"Libre mo master?"

"Libre na yan!"

"Libre na yan!"

They chanted. Napatingin tuloy ako kay Zioniel. He turned to me too.

"Pwede ka pa?" Malambing nyang sabi. Napatingin ako sa phone ko para tignan ang oras. I shook my head. 15 minutes na lang curfew na. Wala akong matutulugan.

"Kayo na lang! Pero hatid mo muna ako!" Nakanguso kong sabi. He sigh.

"Then hindi kami-"

"Sige na! Celebration nyo yan dahil nanalo kayo. Call me na lang if tapos na kayo okay?" Nakangiti kong sabi.

Napatitig naman sya sa akin ng ilang saglit kaya ngumiti pa ako ng malaki. He sigh.

"Okay...E hahatid muna kita Okay?" Aniya.

"Ano bruh? Hindi pwede?"

"Anak ng kagang Salvador! Wag kang ganyan! Maging-"

"Sino ka?" Putol ko kay Angelo. Everyone laugh on his reaction. Shock na shock na pinatulan ko ang kagagohan nya.

"A-ano daw bro?...Hindi nya ako kilala? Sa gwapo kong toh!?" Madrama nyang sabi.

"Let's go" ani ni De Lara na natatawa rin. I nod.

"Bro! Nakakasakit ng damdamin yang Salvador mo! Shuta! Hindi pala ako nag e-exist sa kanya? Putangina!" Rinig kong sabi ni Angelo.

Natawa na lang ako. I even heard De Lara chuckled.

"De Lara!" Ani ko sa kanya nang nakakita ng balot sa kabila.

"Hmmm?" Aniya habang pinapatunog ang sasakyan nya.

"Bibili muna ako saglit non?" Turo ko sa nagtitinda ng Balot.

He turned to me at tinignan ang tinuturo ko.

"Ako na..."

"Sasama ako! Ako pipili!" Excited kong sabi he smile and nod.

Bumili ako ng limang balot. De Lara is acting extremely sad dahil sa boarding house ko lang kakainin. Curfew na kasi talaga.

Nang nagsimula na syang mag drive. He negotiate na doon na daw ako matulog sa pad nya para sabay naming kainin ang balot but I shook my head.

He pouted kaya natawa ako. Ang cute!

"Bukas na lang" pampalubag loob ko.

"Tomorrow is another day. Another moment...This is frustrating...I will buy you a condo so that you can go whatever you want" Nakangiwi nyang sabi kaya hinampas ko ang braso.

"Para kang sira! Magbabalot tayo next time kaya wag ka ng sad" baby talked ko. He laughed.

"Promise?" Aniya. Tuwang-tuwa sa maliit na bagay. I nod.

"Promise! pag hindi na ma-iinit ang ulo mo!" Madiin kong sabi pero tumawa lang sya.

"Copy boss" tuwang-tuwa kong sabi kaya hinampas ko ang braso nya pero tumawa lang ang tokmol.

"Zioniel naman eh! Seryoso ako! Way ka ng makikipag-away! Ako kinakabahan sayo eh!" Nakanguso kong sabi at iniwas ang tingin.

Ayokong nasasaktan sya, ayokong bibigyan nya ang doubt ang sarili nya. Ayoko ng ganon. I wanted him to be happy cause he deserve it.

Napasinghap ako nang hulihin nya ang kamay ko at pinagsaklop yon. Gusto kong e waksi yon pero parang ayoko dahil baka mag-aaway na naman kami at gusto ko rin naman.

"I'm sorry...I can't promise but I will try my best" aniya.

Nang nasa boarding house ako. Agad kong nilantakan ang balot at tinawagan si Mama para sabihing okay lang ako pati si Kuya para inggitin sya.

[ Susunduin kita sa Friday...Wag ka ng mag bus! Tapos bye! Hindi kita na miss ] walang mudong sabi ni Kuya at binaba ang tawag.

After I eat. Nag-ayos ako ng sarili para matulog. De Lara called too pero dahil inantok ako, Hindi ko alam kung anonng nangyari but when I saw a message of De Lara, mukhang alam nyang tulog na ako.

De Lara:

Good night my love. Have a sweet dreams. I know you will not leave your boarding house kung hindi ma f-full charge phone mo so I end the call...See you tomorrow, I love you.

Napapikit ako ng mariin dahil tumalon ang puso ko sa tuwa dahil sa nabasa.

I really am so inlove on him! Jusko! Why not sagutin ko na lang? para namang kami eh! Sagot ko na lang kulang.

Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil ang aga pa naman nong pumunta rito!

Hindi ko alam kung anong nakita ni De Lara sa akin! Kung bakit ako pinili nya, bakit ako niligawan nya! Hindi ko alam! Basta ang alam ko lang masaya ako at mahal ko sya.

Doon ko hinintay si De Lara sa terrace, nakatulala lang ako habang pinanood ang phone kong nag c-charge.

Gusto ko na syang makita! Gusto ko na syang makasama! Mas gusto ko pang sya ang nagsasalita kaysa sa guro! Baliw na talaga ako.

When a car stop. Napatingin ako at hindi ako nagkamaling si Zioniel nga!

"Goodmorning!" Malambing nyang sabi at binigyan na naman ako ng bulaklak.

Napanguso ako! Mapupuno na talaga ang kwarto ko ng bulaklak kakabigay nya araw-araw.

"Salamat. Good morning din...Kamusta celebration nyo?...Ahh nga pala, sorry hindi ko sinagot! Nakatulog ako kagabi" nakanguso kong sabi at tinignan ang bawat flower.

"It's okay, I understand. Pagod ka. And our celebration? Naging taga hatid ako dahil lasing na lasing sila" aniya. Nanliit ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Lasing ka rin?" Ani ko. He smirked.

"No" aniya.

Inirapan ko lang sya at binalik ang mata sa phone kong 40 percent na ngayon. Tagal mag 100 percent! May 1hour na lang kami bago magsimula anv klase.

He laughed.

Hindi ko sya pinansin dahil sa pagtawa nyang yon! Happy pill nya ako eh!

"Are you done eating?" He asked. Napanguso na lang ako.

Hindi ako nakainit ng tubig kaya wala akong kape ngayon! Nagsaing kasi agad ako ng kanin ng hindi nag-iisip eh! Hindi muna ako nag-init ng tubig!

"Busog ako" sagot ko.

Hindi ako kakain kapag walang kape! Iwan ko rin ba sa akin pero yan ang nature ko eh!

"I see...why is it walang bawas tong rice cooker?" Aniya. Napanguso ako.

"Wala ako hot water" nakanguso kong sabi.

"Oh?...Hindi ka pa nag coffee?" Aniya. I nod, nasa phone ko pa rin ang mata.

"Then...Let's go to coffee shop-"

"Yan na naman! Wala akong pera! Ayoko" matigas ko talagang sabi.

I heard him chuckled. Sige pagtawanan mo ako! Basted ka talaga sa akin.

I almost rolled my eyes dahil sa naisip. Ang kapal kapal ng mukha ko para mag-isip ng ganyan! Ang gwapo gwapo nyan tapos ako na humihinga lang ang ambag sa mundo gaganyanin ko? Kapal talaga ng mukha ko.

Napasinghap ako ng umupo sya sa likod at nilagay ang baba nya sa balikat ko.

I sigh! Relax Aloha! Sanay ka ng cling sya kaya umayos ka! Napakaaga pa para kiligin!

"Want to go to my pad? 9:00 pa ang class natin..." malambing nyang sabi.

Napanguso na lang ako.

Lord! Give me a sign na sasagutin ko na ang lalaking toh! Parang kami na naman sa mga pinagagawa namin! Pero may walls pa rin, we limit ourselves dahil alam naming pareho na hindi kami.

"Nag c-charge pa ako" nakanguso kong sabi. He laughed at hinaplos ang buhok ko.

"I have power bank, get up already" aniya.

Matinding pilitan pa ang naganap bago ako napapayag! Ang kulit-kulit nya kasi eh kaya wala na akong magawa at curious rin naman ako kaya pumayag rin.

Nagbihis ako ulit para hindi madumihan ang uniform ko. Niilagay ko lang sa hanger dahil dadalhin ko kina Zioniel.

I wore his jersey at nag short lang and messy bun my hair. Nakakatamad ng mag-ayos! Mag-aayos naman ako mamaya dahil papasok kami.

Nang bumaba ako. He raise his brow while looking  at me. Ngumuso ako para matago ang hiya ko.

"Diba bagay sa akin?" Pabiro kong sabi. Napiling sya at lumapit sa akin  para kunin amg bag at uniform kong dala.

"Your beautiful" May pagkamangha nyang sabi.  I rolled my eyes.

"Nambola ka pa" Natatawa kong sabi. He laughed.

Pagkarating namin sa condo nya! Agad akong namangha sa ganda ng lugar. Everything is so luxurious, from the sofa, the furniture and fixture halatang ang mamahal!

His living room is so cool, u-shape style ang sofa tapos ang laki ng TV sa gitna. His kitchen as will! U-shape rin! Tapos ang organize ng mga gamit. Malayong -malayo sa bahay namin kahit palaging naglilinis si Mama!

"Ikaw lang mag-isa rito?" I asked habang naglilibot ang mata.

Nong unang pasok ko rito, hindi ko na appreciate ang lugar dahil ang sakit ng ulo ko non dahil lasing pero ngayon nasa katinuan na ako....Nakaka-inspire mag-aral ng mag-aral para in the near future magka ganito rin ako.

"Hmmmm...I don't have any coffee here.. ito lang..." aniya at pinakita yong pure coffee kaya napanguso ako.

"Okay lang" Ani ko at umiwas ng tingin.

Hindi ako umiinom ng ganyan dahil sobrang pait! Yong mga coffee Blanca lang iniinom ko or Milo! Ayoko ng mga ganyan. Pero dahil nahihiya ako, okay na lang! Ang kapal naman ng mukha ko kapag nag request pa ako.

"You sit first or tour around... pa deliver na lang tayo...is it okay with you?" Aniya.

I nod! Hindi na sumagot dahil amaze na amaze sa nakikita!

How can a student owned like this kind of place? Parents ko nga hindi naka pondar ng ganito! nag t-trabaho na yon araw-araw tapos sya na estudyante lang may sarili ng ganito? 

Nang dumating ang pagkain. Hinanda nya agad  ito, tutulong na sana ako pero hindi nya ako pinayagan dahil bahay nya raw toh, bisita ako kaya dapat pinagsisilbihan.

"Sabi mo yong natural coffee? Bakit milk to?" I asked. Nang natikman ang kape ko.

Hindi kasi kita dahil itim ang baso tapos hindi ko pa tinitignan ang laman dahil busy akong kumakain.

"I know that you didn't like that coffee soo?" Kibat balikat nyang sabi kaya napanguso ako.

"Edi ikaw na!" Nakangiwi kong sabi.

"Anyway...You free on Saturday?" He asked.

"Hindi, pauuwiin ako eh...Susunduin ako ni Kuya...Bakit?" Ani ko.

"Ah-huh, I understand..." aniya.

"Bakit?" Tanong ko ulit dahil hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Nothing...Next time" aniya.

"Bakit? Sige na!" Pagpupumilit ko.

"Next time" he said.

Ang hirap ding paaminin ang lalaking toh! Ugaling-ugali nya talaga hindi sumagot sa mga tanong.

"Just nothing baby okay...I swear I will do it next time..." Malambing nyang sabi kaya napanguso ako.

Wala na! Talo na ako! Mapapa-oo ka na lang talaga eh! Kahit kailangan mo ng sagot.

"Please" Dagdag nya pa kaya napatango ako.

"Okay" Ani ko. He smile.

"Anyway, I have a business meeting on Saturday..." He thrilled.

"Oh?" Ani ko. May gagawin pala tong lalaking to tapos niyaya pa ako. Baliw rin.

"Yup, just so you know...baka magselos ka" he said playfully. I dramatically put my hand on my chest.

"Ako magseselos? Sa gandang kong to? Hello" mataray kong sabi and flip my hair. He laughed.

"Yeah right...and don't forget that I also love you" nakangiti nyang sabi