webnovel

Ikalimang Sampal (8)

Editor: LiberReverieGroup

Ni minsan ay hindi niya inakalang magagapi siya ng isang maliit na paslit. Pinanood niya ang sarili niya sa atakot habang palapit ng palapit si Jun Wu Xie sa kanya. At sa bawat hakbang niyang papalapit, sumukot si Ke Cang Ju. Kanyang nilabas ang mga kamay at maraming uri ng usok na may iba't ibang kulay ang dinirekta kay Jun Wu Xie.

Buong buhay niya, nagtiwala siya sa mga lason niya, at itong paslit na ito ay hindi naiiba sa marami niya nang naging kalaban noon.

Kahit ang pinaka-nakamamatay na Lone Smoke ay walang naging epekto! Marami pa siyang lasong natatago, maaring may isa ditong makakapatay sa batang ito!

Gayunpaman, dirediretso parin si Jun Wu Xie sa pag lapit sakanya, kahit pag-kurap ay hindi niya ginagawa. Nilalagpasan niya lang ang lahat ng mga lasong ibinabato sakanya, ang mga mata niya'y makikita sa gitna ng mga usok ng lason.

"Tapos ka na ba?" Tanong si Jun Wu Xie matapos makita si Ke Cang Ju na nagpupumilit na lumalaban, at binabato lahat ng meron siya.

Nakatingin lang si Ke Cang Ju kay Jun Wu Xie, at ang kanyang tanong ang nag-alis ng pag-asa niya mula sa kanya. Sa lahat ng mga binato niyang lason, halos sampung nakamamatay na lason ang nasa usok na iyon. Kahit ang mga pinakamalalakas na mandirigma'y mamatay sa dami ng lasong kanyang itinapon.

Gayunpaman, nakatayo parin ng tuwid si Jun Wu Xie, walang bahid ng epekto ng lason ang makikita sa kanya. Ang maliwanag na ngiti niya lamang ang makikita, na nangungutya sa kahinaan ni Ke Cang Ju.

"Hindi ako makapaniwala… hindi kapanipaniwala…" Napaatras si Ke Cang Ju, ang mukha'y makikitaan ng labis na pamumutla.

Lumaki siyang napakapangit, may mga ugat na kulang kulang at sira sira, at dahil dun hindi pa rin gising ang kanyang contractual spirit. Sinumpa niya ang langit sa kadayaan ng kanyang sitwasyon, at ginugol niya ang oras niya para mag-aral ng mga lason. Kahit walang lakas na manggaling sa spirit powers, siya na ang gagawa ng kanyang landas gamit ang kanyang mga lason, para patayin ang lahat ng sumalungat sakanya.

Pero ngayon, nasira ang lahat ng yun ng isang batang nasa harap niya ngayon.

Ang kanyang pinagmamalaking mga lason, ay isa na lamang biro kay Jun Wu Xie. Ang pag-aaral at pagsasaliksik niya, ay hindi man lang nakagawa ng kahit na anong pinsala sa bata. Kahit man lang sa kanyang mga buhok.

Paano nadaig ni Jun Wu Xie ang buong buhay niyang pinaghirapan?!

"Kung tapos ka na, ako naman ang susunod." lumaki ang ngiti ni Jun Wu Xie at siya'y naglabas ng kulay abong porselanang bote mula sa kanyang telang bayong.

Nakatitig ng husto si Ke Cang Ju sa bote na hawak ni Jun Wu Xie, na parang may halimaw na nasa loob nito.

Nang ibuhos ni Jun Wu Xie ang maliit na gamot na may laki ng isang kuko, nakahinga ng maluwag si Ke Cang Ju.

Inaasahan ni Ke Cang Ju na lalaban ang isang batang hindi tinatablan ng kahit na anong lason na lumaban gamit ang mas malalakas at katakot takot na lason. Pero ang nilabas lamang ng bata ay isang karaniwang gamot, at sa mukha pa lamang ay sigurado na si Ke Cang Ju na isa itong Bone Rottong Pill.

Ang Bone Rotting Pill ay isang malakas na lason at nakamamatay. Kapag nakain, o nainom, ang mga buto sa katawan ng biktima ay dali-daling mabubulok. Para sa isang pang-karaniwang tao, ito'y katakot-takot na lason ngunit para kay Ke Cang Ju, isang pang-karaniwang bagay na lamang ito.

Ang walang hiyang paslit ay may lakas ng loob na takutin siya gamit ang sarili niyang Bone Rotting Pill? Kalokohan! Sa lahat ng lason na kanyang nagawa, napagsaliksikan niya na ang laman nito at alam na ang lahat tungkol dito. Nakapaghanda na siya sa mga sitwasyong sakaling siya'y makakain ng ganitong klaseng lason, dahil nakainom na siya ng mga pangremedyo para dito. Kahit gaano karami pa ang ipainom sakanyang lason na ganito, wala itong magiging epekto sa kanya.

"Bata, alam mo ba kung saan nanggaling yang Bone Rotting Pill na hawak mo?" Halos gusto nang tumawa ni Ke Cang Ju, dahil di siya makapaniwalang natakot siya sa batang nasa harapan niya ngayon. Tila nagulat siya sa kawalang epekto ng mga lason niya sa bata ngunit wala nang iba pang iba sa batang iyon. Masyado siguro siyang nagulat na hinayaan niyang malamon siya ng takot pero ngayon ay nakakalma na siya, napagtanto niyang hindi pala siya nanganganib.