webnovel

Ang Royal Court (Pangalawang Bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

Kinilabutan si Wu Wang at naramdaman niyang tumayo ang mga buhok niya sa kanyang likod buhat ng titig ni Lin Wang. Ito ang unang pagkakataon sa kanyang buhay na naramdaman niyang may banta sa kanyang buhay. Mahigit 60 na taon na siyang naroroon at sa mga taong iyon, ang pangalang Lin Wang ay maririnig sa mga dako ng estado ng Qi, at naramdaman niya sa sarili niya kung bakit.

Hindi niya sinasadyang mapalunok para mapakalma ang kanyang sarili.

"Ang mga problema tungkol sa aking Palasyo ng Lin ay hindi mo dapat isipin. Wag mo nang problemahin ang iyong sarili sa pagaalala." Nang makita niya ang kabadong tawa ng mga ministrong nakapalibot sa kanila, binawi niya ang bloodlust at nawala ang kabigatan sa kapaligiran.

"Nag-alala lang ako sa mga problema ng ating kaharian." Pagkatapos bawiin ni Jun Xian ang kanyang bloodlust, napagtanto ni Wu Wang ang isang bagay – Si Jun Xian ay naging isang tigreng tila nawalan ng pangil. Ngayong siya'y tumanda na, nawala na ang kanyang dating lakas ng loob at hindi na siya nagbabalak na kumilos ng walang hiya.

"Ah, nabalitaan ko rin na matagal nang hindi lumalabas ang senyorita mula sa Palasyo ng Lin? Bata pa siya, kahit na hindi itinadhana na maging sila at ng Xuan Fei namin, hindi niya kailangang malungkot. Kailangan niyang lumabas at magpahangin dahil hindi maganda para sa isang dalaga ang buong araw na nakakulong sa bahay!" Dahil iniisip niya na hindi na tulad ng dati ang bangis ni Jun Xian, pinagpatuloy ni Wu Wang ang panliliit kay Jun Wu Xie pagkatapos pagusapan si Jun Qing.

Tinitigan ni Jun Xian si Wu Wang.

Ngumiti si Wu Wang at sinabing, "Kaarawan ng Unang Prinsipe sa susunod na buwan at inatasan ako ng hari para sa mga plano ng kaarawan. At dahil matagal nang hindi lumalabas ang iyong Wu Xie, isama niyo siya sa pagdiriwang ito para gumaan ang kanyang loob. Sinabi rin ng hari na mabigat rin sa kanyang loob ang nangyari sa kanila at siya mismo ang nagiimbita kay Wu Xie."

"Sige." Ayaw nang magsayang pa ni Jun Xian ng kanyang oras sa mga matatandang ito at umalis na.

Tumawa si Wu Wang habang pinapanood ang pag-alis ni Jun Xian na parang natalo.

"Nagkukunwari parin ba? Iniisip pa ba niya na siya ang Lin Wang ng nakaraan?" Patawang sinabi ni Wu Wang ng suot ang kanyang mamantikang ngiti habang sinasabayan ng ibang mga ministro.

"Hindi matanggap ni Lin Wang ang masakit na katotohanan at ang ulo niya'y nasa mga ulap parin. Si Jun Qing ay hindi na magtatagal at pag siya'y nawala, ang maiiwan nalang sa Palasyo ng Lin ay ang basurang iyan. Tignan natin kung hanggang kailan tatagal ang Hukbo ng Rui Lin." Sinabi ng isa pang ministro.

"Hmph, Dakilang Heneral na namumuno sa isang hukbo ang tingin niya sa kanyang sarili ngunit ang pagkawala lang ng kanyang dalawang anak ang kanyang mga natapos." Tinuloy ni Wu Wang at ng ibang mga ministro ang kanilang pagbibiro.

Wala sa kanilang nakapansin na nang tumalikod si Jun Xian, may sinag sa kanyang mga mata habang siya'y naglakad papalayo, nawala ang malas sa kanyang 'talong pag-alis' at lumakad siya ng mabuti, nabalik ang pagiging bayaning rason kung bakit ganito ang Kaharian ng Qi ngayon.

Habang siya'y papasok sa patyo ni Jun Wu Xie, naamoy niya ang pamilyar na amoy ng damong-gamot.

May hawak na dalawang palayok ng herbal concoctions si Jun Wu Xie habang dahan-dahang lumabas sa kanyang parmasya nang makita niya si Jun Xian.

"Lolo." Tinawag niya ng mahinhin habang binabati siya ng may kasamang pagtango at mainit na ngiti.

"Pinaglalaruan mo parin ang mga ito? Hindi ka ba naiinip na lagi ka lang nandito? Sa susunod na buwan, ipagdiriwang ang kaarawan ng Unang Prinsipe, isasama kita." Nginitian niya siya ng may pagmamahal.

"Sige." Hindi niya pinagisipan ang kanyang sagot.

Ngumiti si Jun Xian at tinapik ang kanyang balikat, bumalik siya sa kanyang kwarto ng wala nang sinabi pa.

Tumayo lang si Jun Wu Xie sa kanyang kinaroroonan habang pinanood ang kanyang paglaho. Nang hindi na kita ang kanyang likuran, tinuloy niya ang kanyang pagpunta sa kwarto ni Jun Qing.

"Meow"

Pinahid ng maliit na itim na pusa ang kanyang sarili sa binti ni Jun Wu Xie habang siya'y naglalakad.

[Wala sa hulog ang ekspresyon ni lolo.]

"Mmm." Napansin rin ito ni Jun Wu Xie.

"Meow"

[May kinalaman ba ito sa kaarawan ng Unang Prinsipe?]