webnovel

Ang Ika-walong Sampal 8

Editor: LiberReverieGroup

Pero hindi ba ang taong yan ay nabaliw na?

Galing sa loob ng karwahe, isang matangkad na pigura ang lumabas, ang huling liwanag ng papalubog na araw ay

nagbigay ng magandang hubog sa lalaki. Ang kaniyang matangkad na pigura ay yumukod ng kaunti sa pagbaba sa

mababang pintuan ng karwahe. Isang malaki at mahabang anino ang nagawa ng matangkad na pigura habang sa likod

nito ay ang halos nakakabulag na gintong sinag ng papalubog na araw.

Iilang Segundo lamang ang lumipas pero para kay Ning Rui, parang ilang araw na ang mabagal na lumipas. Nalaki ang

kaniyang mga mata, hindi niya maialis ang tingin sa pigurang bumaba ng karwahe, pilit niyang inaaninag ang mukha nito.

[Siya nga ba ito?]

[Imposible!]

Kinumpirma iyon ni Gu Ying ng ilang beses. Ang mga paghampas niya sa ulo nito ng ilang ulit ay siguradong makakasira

ng ulo nito at imposibleng magamot pa ito. At kahit pa mayroon mang kaunting pag-asa na magamot nga ito, imposible

pa rin na mangyari iyon sa iilang araw lamang!

Pakiramdam ni Ning Rui ang puso niya ay bumara na sa kaniyang lalamunan, habang pilit pa ring nilalakihan ang

kaniyang mga mata upang klaro niyang makita ang mukha ng taong iyon.

Hindi lamang si Ning Rui, pati na rin ang mga tao na nasa bukana ng Zephyr Academy ay pinipilit buksan ang kanilang

mga mata sa kabila ng nakakabulag na liwanag galing sa papalubog na araw. Ang rebelasyon na ibinunyag ni Fan Zhou

kanina lamang ay gumulo na sa kani-kaniyang mga puso at hangga't walang nababaliw, hindi sila maniniwala na

makakaya nga ni Fan Jin na kitilin ang buhay ng kaniyang sariling ama para sa isang maliit na rason.

Ngunit ang mga pahayag ni Gongcheng Lei ay klaradong tanging si Fan Jin lamang ang may rason para patayin si Fan Qi.

Kaya, ano nga ba ang katotohanan sa lahat ng ito?!

Sa ilalim ng mga kinakabahang titig ng mga taong naroon ngayon, ang matangkad na piguro ay dahan-dahang naglalakad

papalapit sa kanila. At ang mga hakbang nito na nagdala dito sa malapit sa kabila ng nakakasilaw na ilaw mula sa

papalubog na araw , ang mukha nito ay sa wakas natunghayan na nila!

[Fan Jin!]

[Si Fan Jin nga!]

"Tiyo Ning, wala kang ipigbago." Ang mukha ni Fan Jin ay puno ng kasiyahan pa rin, ang mga ngiti nito ay katulad pa rin

ng dati pati na rin ang boses nito. ANg matangkad na pigura nito, ang hubog ng kaniyang mukha, lahat ay katulad pa rin

ng dati, walang ipinagbago kay Fan Jin. Ang tanging nagbago lamang ay ang pagpayat ng katawan nito na nakatago sa

ilalim ng suot nitong malinis na roba. Bukod dito, katulad pa rin si Fan Jin na siyang kinuha ni Wen Xin Han.

Nabura na ang masamang imahe ni Fan Jin at bumalik na ang dating imahe nito na nirerespeto nila sa kanilang mga

alaala!

Parang tinamaan ng kidlat si Ning Rui nang dumapo ang tingin ng kaniyang mga mata sa pigurang iyon!

Hindi siya makapagsalita habang naninigas sa kaniyang kinatatayuan.

Habang nakatitig siya kay Fan Jin na nakangiti na katulad pa rin ng dati, ang mga mata nito ay kumikislap, pakiramdam ni

Ning Rui ang puso niya malakas na tumatambol at isang nakakarinding ingay ang naririnig niya sa kaniyang ulo!

[Paanong nagpakita si Fan Jin ng ganito? Paanong siya nga ito?!]

Naaalala ni Ning Rui na tanging dalawang araw pa lang ang nakakalipas nang dinala ni Wen Xin Han ang halos nababaliw

na si Fan Jin paalis ng academy, si Fan Jin na sadya niyang kinastigo upang tuluyan itong mawala sa sarili. Kaya imposible

na magagamot siya sa loob ng maliit na panahon lamang!

[Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas! Hindi dalawang buwan! At mas laong hindi dalawang taon!]

[Nakita ng kaniyang dalawan g mga mata ang paghampas ni Gu Ying sa kaniya! Ang lakas ng dalawang pagsapak sa

kaniya gamit ang kamao ay sapat na para kumitil ng buhay!]

Wala sa isip na tinapunan ng tingin ni Ning Rui si Gu Ying, ang kaniyang mga mata ay puno ng takot. Nagtagumpay sila na

ibunton ang sisi sa kay Fan Jin sa nagawang krimen dahil sa hindi na magawang magsalita ni Fan Jin ng mga panahong

iyon at hindi na nito maipagtatanggol ang sarili nito. Pero ngayon, si Fan Jin ay mukhang bumuti na ang kalagayan at ang

kinakatakot niya ay ang katotohanang nakita ni Fan Jin ang pagpaslang ni Gu Ying kay Fan Qi!

[Kung si Fan Jin ay totoong hindi na nababaliw, sigurado ibubunyag niya ang lahat ng nakita niya sa araw na iyon, at dahil

sa rebelasyon ni Fan Zhuo sa tunay na katauhan ni Fan Jin…]

Hindi na itinuloy ni Ning Rui ang kaisipang iyon, nararamdaman niya ang lamig na sumasakop mula sa kaniyang paa

hanggang ulo.

Nang makita ni Gu Ying si Fan Jin, mas lalong kumunot ang kaniyong noo. Mapapansi na kahit siya ay hindi inaasahan na

makakaligtas pa si Fan Jin sa tinamo nito.

[Huwag mong sabihin sa akin na nahanap agad ni Jun Xie ng lunas si Fan Jin bago pa ito makulong?]