webnovel

Prologue

Pauwi na sila. Kakagaling lang nila sa school, dahil nag moving up na siya so, ibig sabihin ay Senior High School na siya.

Plano ng kanyang ina na sa isang Private School siya pag aaralin pero dahil wala silang sapat na pera para mabayaran ang mga gastos sa paaralan, tumanggi siya.

Hindi sila laging masusunod pagdating sa kanyang pag-aaral, alam niyang mahihirapan ang kaniyang magulang… ngunit sinabi ng kanyang Ina na walang bayad kung nagmula ka sa Public School at kailangan mo lang ay ang mga libro at uniporme kaya't sa huli ay pumayag siya. Pagkatapos ng lahat, siya ang magbibigay ng kung ano ang kailangan at nais at susuportahan ang kanyang pamilya, kaya't tinataga niya sa bato iyon. Makapagtapos ng pag-aaral. Kumuha ng isang permanente at disenteng trabaho. Suportahan ang Pamilya balang araw. Wala siyang ibang hinangad kundi iyon. Saka na ang sarili niya kapag nagawa na noya ang Goal niya sa buhay.